Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


116 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Ebanghelisasyon

116 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Ebanghelisasyon

Alam mo, ang pangangaral, hindi basta-basta. Ito'y kaloob mula sa Espiritu Santo. Napakalaking pribilehiyo ang makapagbahagi tungkol kay Hesus, sa Kanyang walang hanggang pag-ibig at katotohanan. Kaya naman, mahalagang hayaan natin ang Espiritu Santo na gumabay sa atin sa paghahatid ng mensahe ng Kaharian ng Diyos.

Hindi ito tungkol sa pagsasalita lang nang pagsasalita o paggamit ng magagandang salita. Kailangan nating maramdaman ang presensya Niya para ang bawat salitang lalabas sa ating bibig ay makapagpalaya ng mga kaluluwa. Isipin mo, napakaraming buhay ang maaaring maantig ng isang salita na puno ng Kanyang kapangyarihan.

Malaking biyaya rin sa iba ang pagbabahagi ng sarili nating karanasan. Kapag binuksan natin ang ating puso at ibinahagi ang mga kabutihan ng Panginoon at ang Kanyang mga ginawa sa buhay natin, tiyak na kasama natin Siya. Parang sinasabi Niya, "Anak, kasama kita riyan".

Siyempre, kailangan din nating maghanda. Ugaliing magbasa ng Biblia at ilaan ang sarili sa Diyos para magamit Niya tayo bilang Kanyang instrumento. Hindi natin puwedeng basta-basta na lang mangaral nang walang patnubay at rebelasyon mula sa Kanya.

Kasi kapag ang Salita ng Diyos ay ipinahayag at inihatid sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ang Salitang buhay na iyon ay magbibigay din ng buhay sa mga makakarinig nito. Isipin mo, ang pangangaral, ito ang paraan para maabot natin ang Diyos na Espiritu.

Ang Diyos na nakipag-usap kina Adan, Eva, Cain, Noe, Abraham, at sa iba pang tauhan sa Biblia1, ay patuloy pa ring nakikipag-usap sa atin ngayon sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa pangangaral.


2 Timoteo 4:2

ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:17

Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 13:47

Ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon, ‘Inilagay kitang liwanag sa mga Hentil upang maipangaral mo ang kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:13

“Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:8

Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga taga-sanlibutan na mali ang pagkakilala nila tungkol sa kasalanan, tungkol sa pagiging matuwid, at tungkol sa paghatol ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 16:15

At sinabi ni Jesus sa kanila, “Habang kayo'y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:18-20

Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Biglang lumindol nang malakas. Bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:1

Ang ituro mo naman ay ang mga bagay na naaayon sa wastong aral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 1:8

Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:25

At ito naman ang ipinangako sa atin ni Cristo, ang buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:18

“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:24

Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay magawâ ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Jesus, ang pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos para sa tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:12

Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:15-16

Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:8

Ang sumusunod sa nasa ng kanyang laman ay mag-aani ng kapahamakan. Ngunit ang sumusunod naman sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:16

Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:38-39

Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:18

Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya tayong mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinili niya kami upang ang iba pang mga tao ay maging kaibigan rin niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:20

Sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa harapan ng madla o sa bahay-bahay man, hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:12

Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:42

Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging hukom ng mga buháy at mga patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:17

Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:1-2

Mga kapatid, ngayo'y ipinapaalala ko sa inyo ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang Magandang Balitang inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. Ngunit dahil sa kagandahang-loob niya, ako'y naging isang apostol, at hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kaloob niyang ito sa akin. Katunayan, nagpagal ako nang higit kaysa sinuman sa kanila, subalit hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi sa dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin. Kaya't maging ako o sila, ito ang ipinapangaral namin, at ito ang pinaniwalaan ninyo. Ngayon, kung ipinapangaral naming si Cristo'y muling nabuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na hindi bubuhaying muli ang mga patay? Kung totoo iyan, lilitaw na hindi muling binuhay si Cristo. At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Kung ganoon, lilitaw na kami'y mga sinungaling na saksi ng Diyos dahil pinatotohanan namin na muling binuhay ng Diyos si Cristo ngunit hindi naman pala, kung talagang walang muling pagkabuhay ng mga patay. Kung hindi muling binuhay ang mga patay, hindi rin muling binuhay si Cristo. At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo'y hindi pa nalilinis sa inyong mga kasalanan at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Cristo ay napahamak. Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay para lamang sa buhay na ito, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao. Naligtas kayo sa pamamagitan nito, kung matatag ninyong pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko sa inyo; dahil kung hindi, walang kabuluhan ang inyong pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 14:21

Ang Magandang Balita ay ipinangaral nina Pablo at Bernabe sa Derbe, at marami silang nahikayat na maging alagad. Pagkatapos, nagbalik sila sa Listra, Iconio, at Antioquia ng Pisidia.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 16:14-15

Kabilang dito ang isang sumasamba sa Diyos na nagngangalang Lydia na taga-Tiatira; siya'y isang negosyante na nagtitinda ng mamahaling telang kulay ube. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip at kanyang pinaniwalaan ang ipinapangaral ni Pablo. Nagpabautismo siya at ang kanyang buong pamilya. Pagkatapos, sinabi niya, “Kung itinuturing po ninyo akong tunay na lingkod ng Panginoon, doon na kayo tumuloy sa amin.” At tinanggap naman namin ang kanyang paanyaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:14

“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:14-15

Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga may dalang Magandang Balita!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:16

Hindi ngayo't nangangaral ako ng Magandang Balita ay maaari na akong magmalaki. Sapagkat iyan ay tungkuling iniatang sa akin, sumpain ako kung hindi ko ipangaral ang Magandang Balita!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:42

At araw-araw, nagpupunta sila sa Templo at sa mga bahay-bahay upang magturo at mangaral tungkol kay Jesus, ang Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:1-4

Mga kapatid, ngayo'y ipinapaalala ko sa inyo ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang Magandang Balitang inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. Ngunit dahil sa kagandahang-loob niya, ako'y naging isang apostol, at hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kaloob niyang ito sa akin. Katunayan, nagpagal ako nang higit kaysa sinuman sa kanila, subalit hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi sa dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin. Kaya't maging ako o sila, ito ang ipinapangaral namin, at ito ang pinaniwalaan ninyo. Ngayon, kung ipinapangaral naming si Cristo'y muling nabuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na hindi bubuhaying muli ang mga patay? Kung totoo iyan, lilitaw na hindi muling binuhay si Cristo. At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Kung ganoon, lilitaw na kami'y mga sinungaling na saksi ng Diyos dahil pinatotohanan namin na muling binuhay ng Diyos si Cristo ngunit hindi naman pala, kung talagang walang muling pagkabuhay ng mga patay. Kung hindi muling binuhay ang mga patay, hindi rin muling binuhay si Cristo. At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo'y hindi pa nalilinis sa inyong mga kasalanan at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng namatay na sumasampalataya kay Cristo ay napahamak. Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay para lamang sa buhay na ito, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao. Naligtas kayo sa pamamagitan nito, kung matatag ninyong pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko sa inyo; dahil kung hindi, walang kabuluhan ang inyong pananampalataya. Ngunit ngayong si Cristo'y muling binuhay, ito'y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao. Sapagkat kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo. Ngunit ang bawat isa'y may kani-kanyang takdang panahon. Si Cristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Cristo sa panahon ng pagparito niya. At darating ang wakas, kapag naibigay na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama, pagkatapos niyang malupig ang lahat ng paghahari, pamahalaan at kapangyarihan. Sapagkat si Cristo'y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan. Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat. Kung hindi gayon, ano ang halaga ng pagpapabautismo ng mga tao para sa mga patay? Kung talagang hindi bubuhaying muli ang mga patay, bakit pa nagpapabautismo ang mga tao alang-alang sa kanila? Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang katuruan na tinanggap ko rin: si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa sinasabi sa Kasulatan; At bakit pa kami nalalagay sa panganib sa lahat ng oras? Walang araw na di ako nabibingit sa kamatayan, mga kapatid! Sinasabi ko ito sapagkat ikinararangal ko kayo alang-alang kay Cristo Jesus na ating Panginoon! Kung ang pakikipaglaban ko sa mababangis na kaaway sa Efeso ay para sa tao lamang, ano ang mapapala ko? Kung hindi rin lamang bubuhaying muli ang mga patay, mabuti pa'y sundin na lamang natin ang kasabihang ito, “Kumain tayo at uminom, sapagkat bukas tayo'y mamamatay.” Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama'y nakakasira ng magagandang ugali.” Magpakatino kayo at talikuran ang pagkakasala. Ang iba sa inyo'y hindi kilala ang Diyos. Sinasabi ko ito upang mapahiya kayo. Subalit may magtatanong, “Paano bubuhaying muli ang mga patay? Ano ang magiging uri ng katawan nila?” Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing itinatanim hangga't hindi iyon namamatay. At ang itinatanim ay hindi halamang malaki na, kundi binhi, tulad ng butil ng trigo, o ng ibang binhi. Ang Diyos ang nagbibigay ng katawan sa binhing iyon, ayon sa kanyang kagustuhan; bawat binhi'y binigyan niya ng angkop na katawan. At hindi pare-pareho ang laman ng mga nilikhang may buhay; iba ang laman ng tao, iba ang laman ng hayop, iba ang sa mga ibon, at iba ang sa mga isda. inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:18-20

Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya tayong mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinili niya kami upang ang iba pang mga tao ay maging kaibigan rin niya. Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito. Dumaraing tayo habang tayo'y nasa katawang ito, at labis na nananabik sa ating tahanang makalangit, Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo; hayaan ninyong maging kaibigan kayo ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:3-4

Kung may tabing pa ang Magandang Balitang ipinapahayag namin, ito'y natatabingan lamang para sa mga napapahamak. Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang larawan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:8-9

Subalit parusahan nawa ng Diyos ang sinuman, maging kami o isang anghel man na mula sa langit, na mangaral sa inyo ng Magandang Balita na iba sa ipinangaral na namin sa inyo. Sinabi na namin ito sa inyo, at inuulit ko ngayon, parusahan nawa ng Diyos ang sinumang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na naiiba kaysa tinanggap na ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:8

Ako ang pinakahamak sa lahat ng mga pinili ng Diyos. Gayunma'y minarapat niyang ipagkaloob sa akin ang natatanging karapatan na ito, ang mangaral ng Magandang Balita sa mga Hentil tungkol sa di-masukat na kayamanan ni Cristo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:11-12

At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3-5

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikibakang nakita ninyong ginagawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:15-18

Totoo nga na may ilang nangangaral tungkol kay Cristo dahil sa pagkainggit at pagkahilig sa pakikipagtalo, ngunit mayroon din namang nangangaral nang may tapat na hangarin. Si Cristo'y ipinapangaral nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang upang ipagtanggol ang Magandang Balita. Ngunit ang iba ay nangangaral nang di tapat sa kalooban, kundi dahil sa udyok ng masamang hangarin, sapagkat hangad nilang dagdagan pa ang paghihirap ko sa aking pagkakabilanggo. Ngunit walang anuman sa akin ang lahat ng iyon. Ikinagagalak ko pa nga na si Cristo ay naipapangaral, maging tapat man o hindi ang hangarin ng ibang mga nangangaral. Ang isa ko pang ikinagagalak

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:28-29

Iyan ang dahilan kung bakit ipinapangaral namin si Cristo. Ang lahat ay aming pinapaalalahanan at tinuturuan nang may buong kaalaman upang maiharap namin sa Diyos ang bawat isa nang ganap at walang kapintasan dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Cristo. Ito ang aking pinagsisikapang matupad sa pamamagitan ng kapangyarihang kaloob sa akin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 1:5-6

Ang Magandang Balitang lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi lamang sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling; ito ay ginawa namin alang-alang sa inyo. Namuhay kayo ayon sa aming halimbawa at ayon sa Panginoon. Nang tanggapin ninyo ang Magandang Balita, dumanas kayo ng napakaraming paghihirap, gayunpama'y taglay pa rin ninyo ang kagalakang kaloob ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 2:4

Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami sa inyo, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na nakakasiyasat ng ating puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:1

Mga kapatid, bilang pagtatapos, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap at pahalagahan ng lahat, tulad ng ginagawa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:3-4

Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas. Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:19-20

Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan tungo sa wastong pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nakakapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:15

Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:3

Ipinapahayag nga namin sa inyo ang aming nakita't narinig upang makasama kayo sa aming pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:3

Mapalad ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa propesiya nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat malapit na itong maganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:2-3

Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin. Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 117:1

Purihin si Yahweh! Dapat na purihin ng lahat ng bansa. Siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 52:7

O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita. Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: “Zion, ang Diyos mo ay naghahari!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:14-16

“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:37-38

Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakarami nang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:7

Humayo kayo't ipangaral na malapit nang dumating ang kaharian ng langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:14

Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito, darating na ang katapusan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:2

Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:35

“Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 20:21

Sinabi na naman ni Jesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 8:4

Dahil dito, nagkahiwa-hiwalay ang mga mananampalataya sa iba't ibang lugar, ngunit saanman sila makarating ay ipinapangaral nila ang salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 8:12

Ngunit nang ipangaral ni Felipe ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos at tungkol kay Jesu-Cristo, sumampalataya at nagpabautismo ang mga lalaki't babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 9:15

Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Pumunta ka roon, sapagkat pinili ko siya upang ipangaral ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 11:20-21

Subalit may kasama silang ilang mga taga-Cyprus at mga taga-Cirene na pagdating sa Antioquia ay nangaral din sa mga Griego tungkol sa Panginoong Jesus. Nasa kanila ang kapangyarihan ng Panginoon, at maraming naniwala at nanalig sa Panginoong Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 14:7

at doon sila nangaral ng Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 17:30-31

Sa mga nagdaang panahon ay hindi pinansin ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng mga tao, ngunit ngayon ay iniuutos niya sa lahat ng tao sa bawat lugar na magsisi't talikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan, at ito'y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng isang tao na kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat nang ang taong iyon ay kanyang muling binuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 26:16-18

Tumayo ka! Nagpakita ako sa iyo upang ikaw ay isugo, upang magpatotoo tungkol sa nakita mo ngayon at sa mga ipapakita ko pa sa iyo. Ililigtas kita mula sa mga kababayan mo at sa mga Hentil na pupuntahan mo sa pangalan ko. Isusugo kita sa mga taong iyon upang imulat ang kanilang mga mata, ibalik sila sa kaliwanagan mula sa kadiliman, iligtas sila sa kapangyarihan ni Satanas at ibalik sa Diyos. At sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila'y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at sila'y mapapabilang sa mga taong pinaging-banal ng Diyos.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:1

Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31-32

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin? Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:18

Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan para sa mga taong naliligaw ng landas, ngunit ito'y kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga naliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:58

Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:24

Hindi sa nais naming pangunahan kayo sapagkat alam naming sinisikap ninyong maging matatag sa pananampalataya. Nais lamang naming tumulong upang maging maligaya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:5

Hindi namin ipinapangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus bilang Panginoon. At kami ay lingkod ninyo alang-alang kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13-14

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:8-9

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:15

isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:15-16

upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan, habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:5-6

Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at pahalagahan ninyo ang bawat pagkakataon. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 2:13

Kaya nga, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap mula sa tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bisa nito'y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:15

Totoo ang pahayag na ito at dapat paniwalaan ng lahat: Si Cristo Jesus ay dumating sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat ng mga makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:8

Kaya't huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon, at huwag mo rin akong ikakahiya, na isang bilanggo alang-alang sa kanya. Sa halip, makihati ka sa pagtitiis para sa Magandang Balita. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:11-12

Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin upang talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at upang makapamuhay tayo ngayon nang may pagpipigil, matuwid at karapat-dapat sa Diyos

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:4-7

Ngunit nang mahayag sa atin ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y ipinanganak na muli sa pamamagitan ng tubig at tayo rin ay binago ng Espiritu Santo. Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ayon sa ipinangakong buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15

Kaya't lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:22

Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayo ay isang lahing pinili, grupo ng maharlikang pari, isang bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10-11

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat. Ikaw ba'y tagapangaral? Ipangaral mo ang salita ng Diyos. Ikaw ba'y tagapaglingkod? Gamitin mo sa paglilingkod ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:4

sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:27

Mga bansa sa lupa'y kay Yahweh magsisibaling, lahat ng mga lahi'y maaalala siya't sasambahin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:9

Ang pagliligtas mo'y aking inihayag, saanman magtipon ang iyong mga anak; di ako titigil ng pagpapahayag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:15-16

Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay, maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan; hindi ko man nalalaman kung paanong ito'y gawin. Pagkat ikaw, Panginoong Yahweh, malakas at makatuwiran, ihahayag ko sa madla, katangiang iyo lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:46

At maging sa mga hari, ang utos mo'y babanggitin, hindi ako mahihiya na ito ay aking gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:5-6

Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan. Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis, ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:9

Umakyat ka sa tuktok ng bundok, O Zion, magandang balita ay iyong ipahayag, O Jerusalem! Sumigaw ka at huwag matatakot, sabihin mo sa mga lunsod ng Juda, “Narito na ang inyong Diyos!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 52:10

Sa lahat ng bansa, makikita ng mga nilalang, ang kamay ni Yahweh na tanda ng kalakasan; at ang pagliligtas ng ating Diyos tiyak na mahahayag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:14

Gayundin naman, ayaw ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:19

Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 15:7

Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 15:10

Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:16

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:36

Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 12:32

At kung ako'y maitaas na, ilalapit ko sa akin ang lahat ng tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:19

Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:23

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:22

Sa piling ng mahihina sa pananampalataya, ako'y naging parang mahina rin upang mahikayat ko sila. Ako'y nakibagay sa lahat ng tao upang sa lahat ng paraan ay makapagligtas ako ng kahit ilan man lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:17

Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:6

Nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng kagandahang-loob ni Cristo at kayo'y bumaling agad sa ibang magandang balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:23

Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buháy at di nagbabagong salita ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:2

Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:9

Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:3

Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:17

Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!” Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Maraming salamat po, mahal kong Espiritu Santo, sa pagpapala sa aking buhay at sa pananatili sa akin. Salamat sa iyong pag-aalo at pagbabago sa aking buhay upang maging kalugod-lugod sa iyo. Ama, sa sandaling ito na ako'y handang ipangaral ang iyong salita, hinihiling ko po ang iyong biyaya at ang pagbuhos ng iyong maluwalhating Espiritu Santo sa akin. Nawa'y sa pamamagitan ng aking bibig ay makapagsalita ka sa iyong minamahal na simbahan. Bigyan mo po ako ng tamang salita, ayon sa pangangailangan ng bawat puso. Dalangin ko na ito'y tumubo at mamunga sa kanila, ayon sa dahilan kung bakit ito ipinadala, sapagkat ang iyong salita ay parang apoy at martilyo na dumudurog ng bato. Buksan mo po ang aming pang-unawa upang matanggap namin ang iyong inihanda para sa amin sa araw na ito. Panginoon, ihanda mo po ang paligid at alisin ang anumang hadlang at panggulo. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas