Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


101 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Katandaan

101 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Katandaan

Mahalaga sa Diyos ang pagtanda. Isipin mo, nakasama na Niya ang iba't ibang edad, mula sa batang si Josias hanggang sa matandang nanalig pa rin sa pangako Niya na magkakaanak kahit imposible na. Bawat edad, may kanya-kanyang ganda at plano ang Diyos.

Tulad nga ng sabi sa 1 Juan 2:14, malakas ang mga kabataan, pero ang mga may edad, ang lalim na ng pananalig at pagkilala sa Diyos. Nakakatuwa, 'di ba?

Sa Levitico 19:32 naman, malinaw na dapat nating igalang at pahalagahan ang mga nakatatanda. Ang dami nilang karanasan at karunungan na naipon sa paglipas ng panahon. Napakahalaga nito sa Diyos, tulad ng mababasa sa Job 12:12.

Pangako ng Diyos na hindi Niya tayo iiwan, lalo na sa ating pagtanda. Patuloy tayong mamumulaklak at magbubunga kahit tumanda na tayo, ayan ang sinasabi sa Salmo 92:13-14. Tunay ngang tapat ang Diyos sa kanyang mga pangako. Sasamahan Niya tayo hanggang sa ating pagtanda, gaya ng sinabi sa Isaias 46.

Mahal na mahal tayo ng Diyos, kahit matanda na tayo. Nakikita natin 'yan sa propesiya ni Daniel. Isipin mo, ang Diyos mismo, nakakaunawa sa atin.


Mga Awit 71:18

Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:9

Huwag mo akong itakuwil sa katandaan; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:14

Sila'y mangagbubunga sa katandaan; sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:12

Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:4

At hanggang sa katandaan ay ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 34:7

At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya'y mamatay: ang kaniyang mata'y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:31

Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, masusumpungan sa daan ng katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:32

Titindig kayo sa harap ng may uban at igagalang ninyo ang mukha ng matanda, at katatakutan ninyo ang inyong Dios: ako ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:16

Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:12-15

Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma. Siya'y tutubo na parang cedro sa Libano. Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon; sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios. Sila'y mangagbubunga sa katandaan; sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan: Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid; siya'y aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:3

Na gayon din ang matatandang babae ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:2

Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, mahusay, mahinahon ang pagiisip, magagaling sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:12

Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 25:8

At nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at nalakip sa kaniyang bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:29

Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:26

Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:2

Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:5

Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo, kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:25

Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:7

Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:100

Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:1

Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:8-9

Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:15-16

Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo: kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya. Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam; at ang dako niyaon ay hindi na malalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 32:7

Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita, at ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:31

Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay, ay tatahan sa gitna ng pantas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:4

Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:16

Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:17

Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:10

Huwag mong sabihin, Ano ang kadahilanan na ang mga unang araw ay maigi kay sa mga ito? sapagka't hindi ka naguusisang may katalinuhan tungkol dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:152

Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:1-2

Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid: Na may mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa; kung siya'y nagalaga sa mga anak, kung siya'y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan, kung siya'y naghugas ng mga paa ng mga banal, kung siya'y umabuloy sa mga napipighati, kung ginanap niya na may kasipagan ang bawa't mabuting gawa. Nguni't tanggihan mo ang mga batang babaing bao: sapagka't pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo, ay nagsisipagnasang magasawa; Na nagkakaroon ng kahatulan, sapagka't itinakuwil nila ang unang pananampalataya. At bukod dito ay nangagaaral din naman na maging mga tamad, na nagpapalipatlipat sa bahay-bahay; at hindi lamang mga tamad, kundi matatabil din naman at mga mapakialam, na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat. Ibig ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao, magsipanganak, magsipamahala ng sangbahayan, huwag magbigay sa kaaway ng anomang pagkadahilanan ng ikalilibak: Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas. Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may inaampong mga babaing bao, ay umabuloy sa kanila, at huwag pabigatan ang iglesia, upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao. Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa ibayong kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo. Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya. Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban sa dalawa o tatlong saksi. Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:4

Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:22

Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:21

Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay binasbasan niya ang bawa't isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:7

Alalahanin mo ang mga araw ng una, Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi: Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo; Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:12

Mga binata at gayon din ng mga dalaga; mga matanda at mga bata:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:21

Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:5

Oo, sila'y mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagka't ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong tahanan, at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:4

Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:103

Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:6-7

Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako, dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:133

Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:10

Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:5-6

Kaya't ang tunay na babaing bao at walang nagaampon, ay may pagasa sa Dios, at nananatili sa mga pagdaing at mga panalangin gabi't araw. Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama't buhay ay patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 39:5

Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:25

Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:29-30

Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok. Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin: Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:29

Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:5

Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:10

Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:5

Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba; at ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:9

Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:1-2

Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit: Aking nakita ang sakit na ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan. Ginawa niya ang bawa't bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa't hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas. Nalalaman ko, na walang maigi sa kanila, kay sa magalak, at gumawa ng mabuti habang sila'y nabubuhay. At ang bawa't tao rin naman ay marapat kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa, siyang kaloob ng Dios. Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man: walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios, upang ang tao ay matakot sa harap niya. Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na. At bukod dito'y aking nakita sa ilalim ng araw, sa dako ng kahatulan, na nandoon ang kasamaan; at sa dako ng katuwiran, na nandoon ang kasamaan. Sinabi ko sa puso ko, Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka't may panahon doon sa bawa't panukala at sa bawa't gawa. Sinabi ko sa puso ko, Dahil sa mga anak ng mga tao, upang subukin sila ng Dios, at upang kanilang makita na sila'y mga hayop lamang. Sapagka't ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop: sa makatuwid baga'y isang bagay ang nangyari sa kanila: kung paanong namamatay ang hayop, gayon namamatay ang tao; oo, silang lahat ay may isang hininga; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop: sapagka't lahat ay walang kabuluhan. Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:20

Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:5

Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:12

Na huwag kayong mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:93

Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 32:9

Hindi ang dakila ang siyang pantas, ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:18

Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:9

Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:10

Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:15

Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:1

Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:4

Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:5

Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong kabataan ay nababagong parang agila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:31

Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan: nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:4

Sapagka't ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:3

Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:4

Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:5

Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:20-22

Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:22

Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:16

Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 8:1

Sino ang gaya ng pantas na lalake? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay? Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha, at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:11

Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:57

Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:18

At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:61

Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 29:4

Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan, noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:12

At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:30

Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man: nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:7

Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:28

Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man; walang makatarok ng kaniyang unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 34:1-2

Si Josias ay may walong taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong pu't isang taon sa Jerusalem. At kanilang ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang namamahala sa bahay ng Panginoon; at ibinigay ng mga manggagawa ng bahay ng Panginoon upang husayin at pagtibayin ang bahay; Sa makatuwid baga'y sa mga anluwagi at sa mga nagtatayo ibinigay nila, upang ibili ng mga batong tinabas, at ng mga kahoy na panghalang, at upang ipaggawa ng mga sikang sa mga bahay na giniba ng mga hari, sa Juda. At ginawa ng mga lalake na may pagtatapat ang gawain: at ang mga tagapamahala ng mga yaon ay si Jahath at si Abdias, na mga Levita, sa mga anak ni Merari; at si Zacharias at si Mesullam, sa mga anak ng mga Coathita, upang ipagpatuloy: at ang iba sa mga Levita, lahat na bihasa sa mga panugtog ng tugtugin. Nasa mga tagadala ng mga pasan naman sila, at pinamamahalaan ang lahat na nagsisigawa ng gawain sa sarisaring paglilingkod: at sa mga Levita ay may mga kalihim, at mga pinuno, at mga tagatanod-pinto. At nang kanilang ilalabas ang salapi na napasok sa bahay ng Panginoon, nasumpungan ni Hilcias na saserdote ang aklat ng kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises. At si Hilcias ay sumagot, at sinabi niya kay Saphan na kalihim: Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon, At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan. At dinala ni Saphan ang aklat sa hari, at bukod dito'y nagdala ng salita sa hari, na sinasabi, Lahat na ipinamahala sa iyong mga lingkod, ay kanilang ginagawa. At kanilang ibinubo ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at ibinigay sa kamay ng mga tagapamahala, at sa kamay ng mga manggagawa. At sinaysay ni Saphan na kalihim sa hari, na sinasabi, Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat. At binasa ni Saphan sa harap ng hari. At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng kautusan, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot. At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at lumakad ng mga lakad ni David na kaniyang magulang, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:11

Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:3

Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:30

Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:1-2

Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak. Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan. Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa; Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:10

Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo. Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios, kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:11

At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:37

Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila Ka, Panginoon, at karapat-dapat kang purihin. Buong pagkatao ko'y kumikilala sa iyong kadakilaan at nagpupugay sa iyong presensya. Salamat sa iyong mga awa at sa mga dakilang bagay na iyong ginawa sa akin. Ama ng kaluwalhatian, dumadalangin ako sa iyo bilang iyong anak, bilang iyong kaibigan, at bilang isa nang may edad. Panginoon, tunay ngang ako'y tumatanda na, at hindi ko pa nakitang pinabayaan mo ang matuwid, ni ang kanyang mga anak na nagpalimos ng tinapay. Sa paglipas ng mga taon, ikaw ang aking naging lakas, aking katulong, aking kalasag, at siyang nag-aangat ng aking ulo. Turuan mo akong tumanda bilang anak na kalugod-lugod sa iyo. Patnubayan mo ang aking mga hakbang at bigyan mo ng karunungan ang aking puso upang ang aking bibig ay hindi makasakit sa mga nakapaligid sa akin. Bigyan mo ako ng iyong kapayapaan upang maunawaan ko na hindi sila nagmamalupit sa akin, kundi nagmamalasakit lamang at nagbabantay sa aking kalusugan ang mga kumukuha ng aking mga responsibilidad. Ama ko, alisin mo ang kapalaluan sa aking puso dahil sa aking mga karanasan. Alisin mo ang aking pag-iisip na ako'y kailangang-kailangan. Panginoon, sa panahong ito ng kahirapan, tulungan mo akong maging kapaki-pakinabang sa iba sa pamamagitan ng aking sigla at panalangin, sa kagalakan at sigasig ng mga may responsibilidad ngayon, sapagkat nasusulat: "Kahit matanda na, mamumunga pa rin sila; sila'y magiging malakas at sariwa." Bigyan mo ako ng kahinahunan at pagtitimpi upang maturuan at magabayan ko ang mga nakababata sa iyong daan gamit ang mga aral na aking natutunan sa iyong piling, Panginoon. Nagpapasalamat ako sa iyo, aking mahal na Diyos, dahil napagtanto ko kung gaano mo ako kamahal ngayon na ang aking buhok ay pumuti na at hindi ko na kayang gawin ang maraming bagay sa sarili kong lakas. Punuin mo ang aking isip at puso, Espiritu Santo, ng katiyakan at pag-asa upang masdan ko nang may pasasalamat ang matagumpay na tadhana na iyong inihanda para sa akin at kung saan mo ako pinatnubayan simula pa noong unang sandali ng aking buhay. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas