Isipin mo, mahalaga ang mga iniisip mo sa pag-abot mo sa tagumpay sa bawat yugto ng buhay mo. Sabi nga sa Biblia, "kung ano ang iniisip ng tao sa kaniyang puso, iyon siya." Responsibilidad mong bantayan ang mga iniisip mo. Nasa iyo ang kapangyarihang pumili kung ano ang papasukin mo sa isip mo, ano ang makakaapekto sa'yo, at ano ang magpapalakas sa'yo. Ikaw lang ang makakapagtawakal ng mga bagay na nagdudulot sa'yo ng dumi at makakapagyaman ng mga bagay na nagbibigay sa'yo ng inspirasyon.
Maraming tao ang pinupuno ang isip ng mga bagay na hindi nakakatulong, na humahantong pa nga sa depresyon. Kadalasan, hindi nila namamalayan ang mga iniisip nila hanggang sa makita na lang nila ang kanilang mga sarili na umiiyak, hindi nila alam na ang mga imahinasyon nila ay nagdudulot ng sakit sa kanilang katawan at sumisira sa kanilang mga relasyon. Sinusulit ng kaaway ang kahinaan na ito ng ating pag-iisip. Nagtatanim siya ng mga bagay na nagdudulot ng sakit at bumabalik sa mga masasakit na alaala, na pumipigil sa atin na umangat sa buhay.
Pero, lahat ng ito ay hindi na makakapigil sa'yo kapag nasa isip mo na ang salita ng Diyos at ginagamit mo itong panangga laban sa mga atake ng kaaway. Sa pagninilay-nilay sa mga banal na kasulatan, lumalawak ang iyong pananaw, nababalik ang layunin ng iyong buhay at nagsisimula kang maniwala nang matatag sa sinasabi ng Ama tungkol sa'yo.
Nasa sa'yo ang pag-aalaga ng iyong mga iniisip; kung naniniwala kang kaya mong abutin ang mga pangarap mo, magagawa mo. Pero kung naniniwala kang imposible, hindi mo makikita ang katuparan ng mga pangarap mo.
Ngayon, isipin mo kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa'yo. Maniwala ka na anak ka niya at binigyan ka niya ng kakayahang mangarap nang malaki at abutin ang dahilan kung bakit ka nilikha. Kung may mga pumapasok sa isip mo na minamaliit mo ang sarili mo at hindi mo pinapahalagahan ang ginawa ni Hesus para sa'yo sa krus, humingi ka sa kaniya ng paglilinis gamit ang kaniyang biyaya at tulungan kang makita ang sarili mo kung paano ka niya nakikita. Ikaw ay mahalagang kayamanan niya, ang pinakamaganda niyang nilikha, at iniisip niya ang ikabubuti mo, hindi ang ikasasama mo. Huwag mong kalimutan, kung ano ang iniisip mo, iyon ang mangyayari. Responsibilidad mo ang pag-abot ng tagumpay o ang pamumuhay sa pagkatalo.
Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.
Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
Sinabi ng Panginoon, “Ang pag-iisip ko ay hindi katulad ng pag-iisip ninyo at ang pamamaraan ko ay hindi katulad ng pamamaraan ninyo.
Panginoon, kay dakila ng inyong mga ginawa. Ang isipan nʼyoʼy hindi namin kayang unawain.
Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.
O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.
Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.
Talikuran na ng mga taong masama ang masasama nilang ugali at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip. Magbalik-loob na sila sa Panginoon na ating Dios, dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.
Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng sekswal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa.
Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala. kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan. Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi; kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag. Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari. O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo; itoʼy tunay na napakarami. Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin. Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin. O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama! Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao! Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.
Hindi baʼt walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu? Ganoon din naman, walang nakakaalam sa iniisip ng Dios maliban sa kanyang Espiritu.
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Dios, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.
Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Magkaisa kayo sa isip at layunin.
Sapagkat ang taong ganyan bawat subo moʼy binabantayan. Sasabihin niya, “Sige, kumain ka pa.” Ngunit hindi pala ganoon ang nasa isip niya.
Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas!
Ang inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang inyong pamamaraan.
Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’
Kaya lagi kayong maging handa na gawin ang kalooban ng Dios. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Jesu-Cristo.
Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.
Ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay kamatayan, pero ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng Banal na Espiritu ay kapayapaan at buhay na walang hanggan.
Kinasusuklaman ng Panginoon ang iniisip ng masasamang tao, ngunit nagagalak siya sa iniisip ng mga taong may malinis na puso.
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Dios ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
Kinamumuhian ko ang mga taong hindi tapat sa inyo, ngunit iniibig ko ang inyong mga kautusan.
Mga lahi kayo ng ahas! Paano kayo makakapagsalita ng mabuti gayong masasama kayo? Sapagkat kung ano ang laman ng puso ng isang tao, ito ang lumalabas sa kanyang bibig.
Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan. Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito.
Ayon nga sa sinasabi ng Kasulatan, “Sino ba ang nakakaalam ng isip ng Panginoon? Sino ba ang makakapagpayo sa kanya?” Ngunit tayo, taglay natin ang pag-iisip ni Cristo, kaya nakakaunawa tayo.
Pero ang sinumang kumakain nang may pag-aalinlangan ay nagkakasala dahil hindi na ito ayon sa kanyang paniniwala. Sapagkat kasalanan ang anumang bagay na ginagawa natin na hindi ayon sa ating paniniwala.
Ang gawaing plinanong mabuti at pinagsikapan ay patungo sa kaunlaran, ngunit ang gawaing padalos-dalos ay maghahatid ng karalitaan.
Sinabi ng Panginoon, “Ang pag-iisip ko ay hindi katulad ng pag-iisip ninyo at ang pamamaraan ko ay hindi katulad ng pamamaraan ninyo. Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo.
Mag-ingat kayo nang hindi kayo madala ng walang kabuluhan at mapandayang pilosopiya. Mga tradisyon lang ito at mga pamamaraan ng mundo, at hindi mula kay Cristo.
Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.
Ito ang maisasagot ko riyan: Anuman ang inyong gawin, kumain man o uminom, gawin ninyo ang lahat sa ikapupuri ng Dios.
Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.
O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo; itoʼy tunay na napakarami.
Ang iniisip ng taong matuwid ay tama, ngunit ang mga payo ng taong masama ay pandaraya.
Sa biyayang ipinagkaloob ng Dios sa akin, sinasabi ko sa inyo na huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili ng higit sa nararapat. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang inyong kakayahan ayon sa pananampalatayang ibinigay ng Dios sa inyo.
Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin. Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay. Kaya palakasin ninyo ang sarili nʼyo at patibayin ang inyong loob. Lumakad kayo sa matuwid na daan upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na mahihina ang pananampalataya, ay hindi matisod at mapilayan kundi lumakas. Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon. Ingatan nʼyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Dios. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay. Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng sekswal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni Esau, na hindi pinahalagahan ang mga espiritwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan. At alam nʼyo na rin na pagkatapos ay hiningi ni Esau sa kanyang ama ang pagpapalang nauukol sa panganay, pero tinanggihan siya. Sapagkat hindi na mababago ang ginawa niya anumang pagsisikap at pag-iyak ang gawin niya. Ang paglapit nʼyo sa Dios ay hindi katulad ng paglapit ng mga Israelita noon. Lumapit sila sa isang bundok na nakikita nila – ang Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, may kadiliman at malakas na hangin. Nakarinig din sila ng tunog ng trumpeta at boses ng nagsasalita. At nang marinig nila ang boses na iyon, nagmakaawa silang huwag na itong magsalita pa sa kanila Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.
Panginoon kong Dios, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.
Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod.
Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.
Naalala ko ang inyong mga ginawa noong una; pinagbulay-bulayan ko ang lahat ng inyong ginawa.
“Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay – kung ano ang inyong kakainin, iinumin o susuotin. Dahil kung binigyan kayo ng Dios ng buhay, siguradong bibigyan din niya kayo ng pagkain at isusuot. Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon ng pagkain sa bodega, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon?
At kahit alam nilang may Dios, hindi nila siya pinarangalan o pinasalamatan man lang. Sa halip, ibinaling nila ang kanilang pag-iisip sa mga bagay na walang kabuluhan, kaya napuno ng kadiliman ang mga hangal nilang pag-iisip.
Pinag-isipan ko kung paano ako namuhay, at napagpasyahan kong sumunod sa inyong mga turo.
Ang kaligayahan ng hangal ay ang paggawa ng kasamaan, ngunit ang kaligayahan nang nakakaunawa ay ang mamuhay nang may karunungan.
Noong una ay malayo kayo sa Dios, at naging kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at mga gawa. Pero ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Cristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan.
Timoteo, ingatan mo ang mga aral na ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga walang kabuluhang usap-usapan na ipinapalagay ng iba na karunungan, pero sumasalungat sa itinuturo natin. Dahil sa ganyang pagmamarunong ng ilan, naligaw tuloy sila sa pananampalataya. Pagpalain ka nawa ng Dios.
Hindi nʼyo ba alam o hindi nʼyo ba narinig na ang Panginoon ay walang hanggang Dios na lumikha ng buong mundo? Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang isip.
Ang mga hangal na nagdadala ng gulo sa sariling tahanan ay walang mamanahin sa huli. Magiging alipin lang sila ng mga taong may karunungan.
Bigyan nʼyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman.
Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.
Hindi magtatagal at mawawala ang masasama. At kahit hanapin mo man sila ay hindi mo na makikita. Ngunit ang mga mapagpakumbaba ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel nang mapayapa at masagana.
Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo namamuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang kundi tulad ng marurunong na nakakaalam ng kalooban ng Dios. Huwag ninyong sayangin ang panahon nʼyo; gamitin nʼyo ito sa paggawa ng mabuti, dahil maraming gumagawa ng kasamaan sa panahong ito. Huwag kayong magpakamangmang kundi alamin nʼyo kung ano ang kalooban ng Panginoon na gawin ninyo.
Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay. Ang mga itoʼy higit pa kaysa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan. Ang inyong mga utos Panginoon, ang nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy sinusunod. Hindi namin napapansin ang aming mga kamalian. Kaya linisin nʼyo po ako sa mga kasalanang hindi ko nalalaman. Ilayo nʼyo rin ako sa kasalanang sadya kong ginagawa, at huwag nʼyong payagan na alipinin ako nito. Para mamuhay akong ganap at walang kapintasan, at lubos na lalaya sa maraming kasalanan. Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas! Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan. Kahit na walang salita o tinig kang maririnig, ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig. Iginawa ng Dios ang araw ng tirahan sa kalangitan.
kahit inuusig man tayo ng ating konsensya. Sapagkat ang Dios ay mas higit kaysa sa ating konsensya at nalalaman niya ang lahat ng bagay.
Ibinibigay niya sa isang pamilya ang sinumang nag-iisa sa buhay. Pinalalaya rin niya ang mga binihag nang walang kasalanan at binibigyan sila ng masaganang buhay. Ngunit ang mga suwail, sa mainit at tigang na lupa maninirahan.
Ang isipan ng tao ay tulad ng malalim na balon, ngunit mauunawaan ito ng taong marunong.
At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.
Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang tumingin lang sa isang babae nang may masamang pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip.
Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.
Nagpaplano sila ng masama at sinasabi, “Napakaganda ng plano natin!” Talagang napakatuso ng isip at puso ng tao!
Panginoon, ilagay nʼyo po kami sa mabuting kalagayan, sapagkat ang lahat ng aming nagagawa ay nagagawa namin sa tulong ninyo.
Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong akoʼy mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga ugaling bata.
Nang makita ng Panginoon na ang ginagawa ng mga tao sa mundo ay puro kasamaan lang, at ang palagi nilang iniisip ay masama,
Ang buhay ng mga dukha ay palaging mahirap, ngunit kung makokontento lang sila ay palagi silang magiging masaya.
At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo.
Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na unti-unting humihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu.
Huwag kayong magtiwala sa mga makapangyarihang tao o kaninuman, dahil silaʼy hindi makapagliligtas. Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa, at ang kanilang mga binabalak ay mawawalang lahat.
Sapagkat ang mga taong namumuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng kanilang pagkatao. Pero ang tao namang namumuhay ayon sa Banal na Espiritu ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng Banal na Espiritu. Ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay kamatayan, pero ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng Banal na Espiritu ay kapayapaan at buhay na walang hanggan.
Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.
Binuhay kayong muli kasama ni Cristo, kaya sikapin ninyong makamtan ang mga bagay na nasa langit kung saan naroon si Cristo na nakaupo sa kanan ng Dios.
“Huwag ninyong husgahan ang iba, para hindi rin kayo husgahan ng Dios. At kung humihingi siya ng isda, bibigyan ba ninyo ng ahas? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya. “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.” “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Ngunit makipot ang pintuan at mahirap ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at kakaunti lang ang dumadaan dito.” “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng ubas o igos. Ang mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. Ang lahat ng punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Sapagkat kung paano ninyo hinusgahan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo huhusgahan ng Dios.
Ang layunin ng utos kong ito ay magmahalan sila. At magagawa lang nila ito kung malinis ang kanilang puso at konsensya, at kung tunay ang pananampalataya nila.
Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.
Magtiwala kayong lagi sa Panginoon, dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.
Ipinako na ng mga nakay Cristo ang pagnanasa at masasamang hangarin ng kanilang laman doon sa krus.
Pinahahalagahan ko ang inyong mga utos, nang higit pa kaysa sa ginto o pinakadalisay na ginto.
Kaya nga mga kapatid ko sa pananampalataya, at mga kapwa ko na tinawag ng Dios na makakasama sa langit, alalahanin nʼyo si Jesus. Siya ang apostol at punong pari ng ating pananampalataya.
“Huwag kayong mag-ipon ng kayamanan para sa inyong sarili rito sa mundo, dahil dito ay may mga insekto at kalawang na sisira sa inyong kayamanan, at may mga magnanakaw na kukuha nito. “Kaya kapag nagbibigay kayo ng tulong, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao roon sa mga sambahan at sa mga daan upang purihin sila ng mga tao. Ang totoo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso.”
Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.
Napatunayan na maaasahan ang inyong mga pangako, kaya napakahalaga nito sa akin na inyong lingkod.
Alalahanin nʼyo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.
Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Dios, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban.
Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
Tutuparin nʼyo Panginoon ang inyong mga pangako sa akin. Ang pag-ibig nʼyo ay walang hanggan. Huwag nʼyong pabayaan ang gawa ng inyong kamay.
Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.
Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan.
Panginoon, akoʼy hindi hambog o mapagmataas. Hindi ko hinahangad ang mga bagay na napakataas na hindi ko makakayanan. Kontento na ako katulad ng batang inawat na hindi na naghahangad ng gatas ng kanyang ina.
Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Kung mayroon man sa inyong nag-aakala na siyaʼy marunong ayon sa karunungan ng mundo, kinakailangang tigilan na niya ang ganyang pag-iisip upang maging marunong siya sa paningin ng Dios.
Mamuhay kayo nang ayon sa Magandang Balita ni Cristo. Nang sa ganoon, makadalaw man ako sa inyo o hindi, mababalitaan kong nagkakaisa kayo at sama-samang naninindigan para sa pananampalatayang ayon sa Magandang Balita.