Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


104 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Disiplina

104 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Disiplina

Mahirap tanggapin ang disiplina para sa marami, kasi hindi nila naiintindihan na ang dinidisiplina ay minamahal. Sa halip na sumama ang loob mo kapag itinatama ka, dapat nga ay matuwa ka pa, kasi ibig sabihin, may nagmamalasakit sa'yo at gusto ka nilang umunlad. Mahirap man ang pagdidisiplina, darating din ang panahon na maiintindihan mo ang kabutihan nito kapag ikaw ay lumago na.

Inihuhulma nila ang iyong pagkatao at tinutulungan kang maging pinakamahusay na bersyon ng iyong sarili. Huwag mong ikagalit ang mga taong nagtutuwid sa'yo, mas mabuti nang may nagsasabi sa'yo ng totoo kaysa puro papuri ka lang naririnig kahit mali na ang ginagawa mo.

May magandang plano ang Diyos para sa buhay mo kaya hinuhubog ka Niya. Mahirap man at hindi mo maintindihan sa umpala, tandaan mo na ang lahat ng bagay ay gumagawa para sa ikabubuti mo. Huwag mong balewalain ang mga sinasabi ng mga magulang mo. Pahalagahan mo ang mga itinuturo sa'yo ng iyong mga pastor at lider, dahil iniaalay nila ang kanilang oras para ituro sa'yo ang tamang landas na dapat mong tahakin.


Mga Kawikaan 13:1

Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:15

Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:6

Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:17

Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:15

Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:1

Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:13

Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:11

Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:24

Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:4

At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:27

Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:11-12

Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:17

Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:10

Sapagka't katotohanang tayo'y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling; nguni't siya'y sa kapakinabangan natin, upang tayo'y makabahagi ng kaniyang kabanalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:12

Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:16-17

Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:18

Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:21

Mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:32

Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:32

Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:5-6

At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak, Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon, O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya; Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:13-14

Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay. Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:67

Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:8-9

Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:17

Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:8-9

Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:75

Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:10

Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:15

At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay nagwagi ka sa iyong kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:23

Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:10

Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:50

Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:23

Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:1-2

Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon; Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita, at ng nasusulat na matuwid, na mga salita ng katotohanan. Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor. At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan. Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao. Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama. Bago ang araw, at ang liwanag, at ang buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:8

Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:10

Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa, kay sa isang daang hampas sa mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:3-4

At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:30

Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan: at ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:2-4

Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios. Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa. Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili. Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin: Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya. Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa. Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan. Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis. At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:1-2

Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak. Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan. Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:32

Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:141

Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:20-22

Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:1-2

Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas? Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya? Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta. Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon. Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila. Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan? Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama. Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti. Bawa't punong kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy. Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa; Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:7

Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak: nguni't siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:104

Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:12

Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:9

Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:4

Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:10-12

Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios. Sapagka't nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod, At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios. Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:30-31

Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa; At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:14

Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka: oo, ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa, upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:7

Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:7

Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:23-24

Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:7

Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:15-16

Nguni't yamang banal ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:25

Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:28

Na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at tinuturuan ang bawa't tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa't tao;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:20

Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:117

Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:16

Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:73

Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:15

Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:31-32

Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan. Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:4

Sapagka't ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:68

Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:5

Sapagka't ang bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:26

Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:13

Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:13

Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:5

Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama: nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:57

Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:2

Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:5

Maigi ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao'y makinig ng awit ng mga mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:12

Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:11

Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; lalakad ako sa iyong katotohanan: ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:4

O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:23

Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Datapuwa't kayo'y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:10

Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:1-3

Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan. Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa. Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: nguni't papayapain ng pantas. Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; at ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan. Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak. Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal. Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti: at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad. Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait: at ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan. Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo: nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan. Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig, at nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi. Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto. May daan na tila matuwid sa tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya; sapagka't kinasasabikan ng kaniyang bibig. Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan: at sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy. Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik. Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa, at pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti. Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:11

Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:11

Datapuwa't ikaw, Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:30

Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:3

Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:13

At lahat mong anak ay tuturuan ng Panginoon; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:37

Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathalang mabuti at walang hanggan, Kataas-taasang Panginoon! Pinupuri kita dahil Ikaw ay Makatarungan, Banal, at karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Amang mahal, nais kong magpasalamat sa araw na ito para sa iyong salita, buksan Mo po ang mga mata ng aking pang-unawa upang aking maintindihan at mapagnilayan ang mga banal na kasulatan. Kinikilala ko, Amang mahal, na kailangan kong ituwid at hubugin Mo, ilayo Mo ako sa pagiging makasarili at marunong sa sarili kong pananaw. Ayokong maging suwail at lalong ayokong balewalain ang iyong mga payo, sapagkat, sa iyong salita ay nasusulat: “Ang anak na marunong ay tumatanggap ng payo ng ama; ngunit ang mangungutya ay hindi nakikinig sa pagsaway.” Ipaunawa Mo sa akin na ang kawalan ng pagpapakumbaba at ang pagtanggi sa Iyong pagtutuwid ay magdudulot sa akin ng mabibigat na kahihinatnan. Parang awa Mo na, gawin Mo akong isang taong sensitibo sa Iyong tinig at masunurin sa Iyong pagtutuwid. Nais kong maging marunong at may takot sa Iyo, aking Diyos. Bigyan Mo ako ng espiritung matututo at pusong may pang-unawa upang lumakad nang may integridad sa harap Mo at ng aking kapwa. Ilayo Mo ako sa pagiging hadlang sa mga plano Mo para sa aking buhay. Nawa’y ako ay patnubayan ng Iyong Espiritu Santo. Patahimikin Mo ang tinig ng kaaway kapag ito’y bumangon laban sa akin. Ipinapahayag ko na walang kalituhan, walang karumihan ang makakaapekto sa akin, sa pangalan ni Hesus, Amen!
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas