Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


56 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapasalamat sa Pastor

56 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapasalamat sa Pastor

Mahalaga ang ating mga pastor. Isipin mo, ang laki ng responsibilidad nila sa Diyos at sa atin. Minsan nakakalimutan natin ang hirap at pagod na ginagawa nila para tayo ay mapatatag sa ating pananampalataya. Kaya't iparamdam natin ang ating pagmamahal sa taong pinili ng Diyos para magbahagi ng Kanyang salita.

Sila ang gumagabay sa atin upang matagpuan natin ang Diyos at nagpapalakas ng ating pananampalataya linggo-linggo. Tulad natin, tao rin sila na nagkakamali. Kaya't unawain natin ang kanilang mga pagkukulang at igalang natin sila palagi. Isipin mo, sila ang mga anghel na inilaan ng Diyos para ituro sa atin ang Kaniyang daan.

Palagi natin silang ipagpasalamat sa Diyos, pati na rin ang kanilang pamilya. Ipanalangin natin sila. Ito ang pinakamagandang paraan para maipakita natin ang ating pagmamahal at pasasalamat. Nakatutuwang isipin na napapalakas din sila kapag nakakatanggap sila ng mga salita ng pagpapalakas ng loob at pasasalamat.

“Nawa’y ang Diyos na siyang pinagmumulan ng pag-asa ay puspusin kayo ng kagalakan at kapayapaan habang kayo’y nananampalataya sa kanya, upang sumagana ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.” Roma 15:13


Colosas 3:15

Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:37

Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:6

Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat magbahagi ng lahat ng magagandang bagay sa mga nagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:8

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay balitang-balita sa buong daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 3:8

Si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay; pagpalain mo nawa ang iyong bayan! (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:5-6

Mula sa Zion, pagpapala nawa ni Yahweh ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem; ang magiging iyong apo, nawa iyong makita rin, nawa'y maging mapayapa itong bayan ng Israel!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filemon 1:7

Kapatid, ang pagmamahal mo ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan sapagkat dahil sa iyo ay sumigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:21

“Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, samahan mo ako sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 20:4

Nawa'y ipagkaloob niya ang iyong hangarin, at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 1:2-3

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin. Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa dahil sa inyong pananampalataya, ang inyong pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 6:24-26

Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; kahabagan ka nawa at subaybayan ni Yahweh; lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:12-13

Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 6:34

Pagbaba ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya't sila'y tinuruan niya ng maraming bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:13

Sa lahat ng mayro'ng takot kay Yahweh, lahat mapagpapala, kung magpala'y pantay-pantay, sa hamak man o dakila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 21:15

Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga batang tupa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
3 Juan 1:2

Mahal kong kaibigan, idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 3:14

Pumili siya ng labindalawa [na tinawag niyang mga apostol]. Hinirang niya ang mga ito upang makasama niya at isugo upang mangaral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:11

At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:17

Ang mga matatandang pinuno ng iglesya na mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran, lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 3:9

Paano kaya namin mapapasalamatan nang sapat ang Diyos dahil sa kagalakang natamo namin dahil sa inyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3-4

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Ako'y nagagalak tuwing ako'y nananalangin para sa inyong lahat,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:17

Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:2

Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:23-24

Nawa'y ipagkaloob ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo sa lahat ng mga kapatid ang kapayapaan at ang pag-ibig na kalakip ng pananampalataya. Ang kagandahang-loob ng Diyos ay sumainyong lahat na umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:3-4

Tuwing ipinapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat nabalitaan namin ang inyong pananalig kay Cristo Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang ng Diyos,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:14

Sa ganyan ding paraan, ipinag-utos ng Panginoon na ang mga nangangaral ng Magandang Balita ay dapat matustusan ang ikabubuhay sa pamamagitan ng Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:15-17

Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal, walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Hindi ko nakakalimutang ipanalangin kayo. Idinadalangin ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:15

“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1-2

Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan! Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, ‘Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’ Kaya't sa galit ko, ako ay sumumpang hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.” Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4

Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:15

Bibigyan ko kayo ng mga pinunong sumusunod sa akin, at pamamahalaan nila kayo nang buong katalinuhan at pagkaunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:15

At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:72

Matuwid na namahala, namalakad na mahusay, lubos silang kinalinga sa tulong niya at patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:28-29

Iyan ang dahilan kung bakit ipinapangaral namin si Cristo. Ang lahat ay aming binabalaan at tinuturuan nang may buong kaalaman upang maiharap namin sa Diyos ang bawat isa nang ganap at walang kapintasan dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Cristo. Ito ang aking pinagsisikapang matupad sa pamamagitan ng kalakasang kaloob sa akin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3-5

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Ako'y nagagalak tuwing ako'y nananalangin para sa inyong lahat, dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:1-3

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:2

Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:2-4

Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. [Iyan ang nais ng Diyos]. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa kayo sa kawan. At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:37-38

Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 18:20-22

Ikaw ang magtuturo sa kanila ng mga kautusan at mga tuntunin, at ikaw rin ang magpapaliwanag sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin. Ngunit pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at di masusuhulan. Gawin mo silang tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampu. Sila na ang bahalang humatol sa maliliit na usapin, at ang mabibigat na kaso lamang ang ihaharap sa iyo. Sa gayon, hindi ka masyadong mahihirapan sapagkat matutulungan ka nila sa iyong gawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:41

Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa ito'y propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa ito'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:32

Sa gayon, kung loloobin ng Diyos, masaya akong makakarating diyan at muling pasiglahin sa inyong piling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:12-13

Ang paglilingkod ninyo upang tumulong sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng nag-uumapaw na pagpapasalamat nila sa Diyos. Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 133:1-3

Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid! Langis ng olibo, ang nakakatulad at nakakawangis, sa ulo at balbas nitong si Aaron kapag ipinahid, umaagos ito't nababasâ pati ang suot na damit. Katulad din nito'y hamog sa umaga, sa Bundok ng Hermon, hamog na dumilig sa dakong maburol na Bundok ng Zion; sa lugar na ito, nangako si Yahweh, ang pangakong buhay na mananatili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:3

At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:11-12

At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:17

Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:3-5

Tuwing ipinapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat nabalitaan namin ang inyong pananalig kay Cristo Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang ng Diyos, dahil sa pag-asang makakamtan ninyo na inihanda para sa inyo sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa pag-asang ito nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na dumating sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:2

ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:3

Tuwing inaalala kita sa aking panalangin araw at gabi, nagpapasalamat ako sa Diyos na aking pinaglilingkuran nang may malinis na budhi gaya ng ginawa ng aking mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal na Diyos, tanggapin po Ninyo ang lahat ng aming pagsamba at papuri, sapagkat Kayo lamang po ang karapat-dapat. Panginoon, salamat po sa buhay ng bawat Pastor. Dalangin ko po na pagpalain at palakasin Ninyo sila nang lubusan. Nawa'y ang Iyong biyaya, karunungan, at ang pagpapahid ng Iyong Banal na Espiritu ay laging sumakanya upang sila ay maging tunay na mga lingkod ng Diyos, may takot sa Iyo at sa Iyong salita. Gabayan Ninyo po sila upang gampanan nila nang may pagmamahal, tiyaga, sigasig, katapatan, at pananagutan ang dakilang gawaing ipinagkatiwala Ninyo sa kanila, ang pagpapalago ng Iyong maluwalhating simbahan. Panginoon, nagpapasalamat po ako sa aking Pastor. Pagpalain po Ninyo ang kanyang buhay at ang kanyang pamilya, gayundin ang kanyang ministeryo. Hinihiling ko po na panibaguhin at dagdagan Ninyo ang kanyang lakas tulad ng sa kalabaw. Nawa'y ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig ay laging makapagpatibay, makapagpayo, at makapag-udyok ng kabutihan. Sa bawat pagsubok at hamon, nawa'y siya ay magtagumpay at maging mabuting halimbawa at patotoo sa iba. Panginoon, turuan Ninyo po ako araw-araw na mahalin at sundin ang aking Pastor. Turuan Ninyo po akong yakapin siya sa aking panalangin. Sapagkat nasusulat, "Sundin ninyo ang inyong mga pastor, at pasakop kayo sa kanila; sapagkat sila ang nagbabantay sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang magsusulit; upang gawin nila ito nang may kagalakan, at hindi nagrereklamo, sapagkat ito'y di mapapakinabangan ninyo." Dinadalangin ko rin po na ingatan Ninyo ang kanyang buhay, ang kanyang pamilya, at ang kanyang mga tupa mula sa lahat ng panlilinlang at patibong ng kaaway. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas