Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagkabukas-palad

111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagkabukas-palad

Sabi nga sa Kawikaan 11:25, "Ang taong bukas-palad ay uunlad, at ang nagpapainom sa iba ay paiinom din." Kapag tayo ay nagbibigay sa kapwa, hindi lang sila ang ating natutulungan, kundi tayo rin ay pinagpapala.

Tinuruan din tayo ni Hesus tungkol sa pagiging mapagbigay. Sa Lucas 6:38, sinabi niya, "Magbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, siksik, liglig, at umaapaw ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin nila sa inyo." Parang sinasabi Niya sa atin na magbigay nang walang pag-aalinlangan at magtiwala na paglalaanan tayo ng Diyos.

Hindi lang naman pera o gamit ang ibig sabihin ng pagiging mapagbigay. Pwede rin naman nating ibigay ang ating oras, atensyon, at talento sa iba. Sa Filipos 2:4, pinaalalahanan tayo ni Apostol Pablo na huwag lang ang ating sariling kapakanan ang isipin, kundi pati na rin ang kapakanan ng iba.

Mahalaga ring tandaan na ang pagbibigay ay hindi dapat dahil gusto nating mapuri o may makuhang kapalit. Dapat itong gawin nang may pagmamahal at habag sa kapwa. Katulad ng sabi sa Santiago 1:17, "Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat perpektong regalo ay mula sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw." Ang ating pagiging mapagbigay ay nagpapakita ng pagmamahal ng ating Ama sa langit at nagbibigay-daan para tayo ay maging instrumento ng pagpapala sa buhay ng iba.


Mga Awit 112:5

Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:25

Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:6-7

Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman ng marami ay aani ng marami. Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:7

Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:11

Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:38

Magbigay kayo at kayo'y bibigyan ng Diyos; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:12

Sapagkat kung bukal sa kalooban ang pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong nakayanan; hindi niya hinihintay na magbigay kayo nang hindi ninyo kaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:10

Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:17

Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:3-4

Sa halip, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan. Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! “Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan. “Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.” Gawin mong lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:30

Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:17

Kapag nakikita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:6

Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman ng marami ay aani ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:21

Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo at painumin kung siya'y nauuhaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 15:11

Kailanma'y hindi kayo mawawalan ng mga kababayang mangangailangan, kaya sinasabi ko sa inyong ibukas ninyo ang inyong mga palad sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:10

Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:9

Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain, at tiyak na ikaw ay pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:8

Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:27

Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:42

Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya'y alagad ko, siya'y tiyak na tatanggap ng gantimpala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:11

Sumagot siya sa kanila, “Kung mayroon kang dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Ganyan din ang gawin ng may pagkain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:35

Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho, dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:16

At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:27

Ang tumutulong sa mahirap ay di magkukulang, ngunit susumpain ang nagbubulag-bulagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:13

Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:15-16

Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang naidudulot sa kanya iyon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 15:10

Pahiramin ninyo sila nang maluwag sa inyong kalooban at pagpapalain kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong gagawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:13

Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:18

Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo. Ginagawa niya ito bilang pagtupad niya sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:26

Sa lahat ng oras, bukás pa ang palad sa pagkakaloob sa mga mahirap; pagpapala'y laan ng kanilang mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:17-19

Ituro mo sa mayayaman na huwag silang magmamataas; at huwag silang umasa sa kayamanang lumilipas, kundi sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan upang tayo'y masiyahan. Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukás-palad at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-impok sila para sa matatag na hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:45

Ipinagbibili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:32-35

Nagkakaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuturing ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang kinakapos sa kanila sapagkat ipinagbibili nila ang kani-kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay dinadala nila sa mga apostol. Ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:40

“Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:10

kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin, at tutulungan ang mahihirap, sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman, at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:8

Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:28

Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:31

Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:26

Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw, ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:18

Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukás-palad at matulungin sa kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:42

Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:24

Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 35:5

Maghandog kayo kay Yahweh. Ito ang maaari ninyong ihandog: ginto, pilak at tanso;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:16

Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman ay mauuwi rin sa karalitaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:2-3

Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at bukás ang palad sa pagbibigay. Nag-iingat kami upang walang masabi ang sinuman tungkol sa pangangasiwa namin sa malaking kaloob na ito. Ang layunin namin ay magawâ ang tama, hindi lamang sa paningin ng Panginoon kundi maging sa paningin ng mga tao. Kaya isinusugo naming kasama nila ang isa pa nating kapatid na subok na namin sa maraming pagkakataon, at lalong masigasig sa pagtulong ngayon dahil sa malaking tiwala niya sa inyo. Tungkol kay Tito, siya ang kasama ko at kamanggagawa sa pagtulong sa inyo. Tungkol naman sa mga kapatid na kasama niya, sila'y mga apostol ng mga iglesya sa ikararangal ni Cristo. Kaya't ipadama ninyo sa kanila ang matapat ninyong pag-ibig upang makita ng mga iglesya na hindi kami nagkamali sa pagmamalaki tungkol sa inyo. Sila'y kusang-loob na nagbigay, hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa. Alam ko ito sapagkat

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:19-21

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. “Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari. Naglilimos sila sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y mapuri ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:33-34

Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! Gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nawawala. Doo'y walang magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira. Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:44-45

Nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay para sa kanilang lahat. Ipinagbibili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:28

Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman, ngunit ang matuwid ay giginhawa, tulad ng sariwang halaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:16

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:1

Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:22

Ang matuwid ay nag-iiwan ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan, at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:8

Ngunit ang taong marangal ay gumagawa ng tapat, at naninindigan sa kung ano ang tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:9

Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, kahit na mayaman, naging mahirap siya upang mapayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging mahirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:8

Tumayo si Zaqueo at sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, ipamimigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At kung ako'y may nadayang sinuman, isasauli ko ito sa kanya ng maka-apat na beses.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:10

Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:21

Sumagot si Jesus, “Kung ibig mong maging ganap, ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi sa mga mahihirap ang pinagbilhan. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 12:41-44

Naupo si Jesus sa tapat ng lalagyan ng mga kaloob doon sa Templo, at pinagmasdan ang mga naghahandog ng salapi. Napansin niyang maraming mayayaman ang naghuhulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang biyudang mahirap at naghulog ng dalawang tigsisingkwenta sentimo. Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo, ang inihandog ng biyudang iyon ay higit na marami kaysa sa inihulog nilang lahat. Sapagkat ang lahat ay nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng biyudang iyon, bagama't siya'y mahirap, ay ang buo niyang ikinabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:14

“Ngunit sino ako at ang bayang ito? Buong puso kaming nagkakaloob sapagkat ang lahat ng ito ay galing sa inyo at ibinabalik lamang namin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:20

Ang taong tapat ay mananagana sa pagpapala, ngunit paparusahan ang yumaman sa pandaraya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 15:7-8

“Pagdating ninyo sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, huwag ninyong pagkakaitan ng tulong ang mga kababayan ninyong nangangailangan. Sa halip, ibukas ninyo sa kanila ang inyong mga palad at pahiramin sila ng anumang kailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:1

Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan, kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:7-8

Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan. Huwag kayong magkakaroon ng utang kaninuman, maliban sa saguting magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:19

Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:1-4

Pinagmamasdan ni Jesus ang mayayamang may dalang mga handog sa Templo. At sinabi pa niya, “Maglalaban-laban ang mga bansa at magdidigmaan ang mga kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom at mga salot sa iba't ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kamangha-manghang kababalaghan buhat sa langit. “Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, kayo'y dadakpin at uusigin. Kayo'y lilitisin sa mga sinagoga at ipabibilanggo. At dahil sa pagsunod ninyo sa akin, isasakdal kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador. Iyon ang pagkakataon ninyo upang makapagpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban at huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili, sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit hindi kayo malalagasan kahit isang hibla ng buhok. Sa inyong pagtitiis ay maililigtas ninyo ang inyong buhay.” Nakita rin niya ang isang mahirap na biyudang naghulog ng dalawang tigsisingkwenta sentimo. “Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga hukbo ang Jerusalem, tandaan ninyo, malapit na ang pagkawasak nito. Ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, ang mga nasa bayan ay dapat nang lumabas, at ang mga nasa bukid ay huwag nang pumasok sa bayan. Sapagkat iyon ang mga araw ng pagpaparusa bilang katuparan ng mga sinasabi sa Kasulatan. Kawawa ang mga nagdadalang-tao at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil magkakaroon ng malaking kapighatian sa lupaing ito bilang pagpaparusa ng Diyos sa bansang ito. Mamamatay sila sa tabak, at ang iba'y dadalhing-bihag sa lahat ng bansa. Ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Hentil hanggang sa matapos ang panahong itinakda sa kanila.” “Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit. Sa panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan.” At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinhaga, “Tingnan ninyo ang puno ng igos at iba pang punongkahoy. Sinabi niya sa mga alagad, “Ang inihandog ng mahirap na biyudang iyon ay higit pa sa inihandog nilang lahat. Kapag nagkakadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa salinlahing ito. Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.” “Ang katakawan, paglalasing at kabalisahan sa buhay na ito ay alisin ninyo sa inyong isip. Mag-ingat kayo at baka bigla kayong abutan ng Araw na iyon na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao. Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito, at makaharap kayo sa Anak ng Tao.” Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa Templo. Kung gabi nama'y umaalis siya at nagpapalipas ng magdamag sa Bundok ng mga Olibo. Maaga pa'y pumupunta na sa Templo ang mga tao upang makinig sa kanya. Ang inilagay nila ay bahagi lamang ng labis na sa kanila, ngunit ang kanyang ibinigay ay ang buo niyang ikabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 36:3-6

Ibinigay niya sa kanila ang lahat ng handog ng mga Israelita para sa gagawing santuwaryo. Patuloy pa rin sa paghahandog ang mga Israelita tuwing umaga, Samakatuwid, walo ang haliging nagamit sa likod at may tigalawang patungang pilak ang bawat isa. Gumawa rin siya ng pahalang na balangkas na yari sa akasya, lima sa isang gilid, lima sa kabila at lima rin sa likod. Ang pahalang na haliging panggitna ay abot sa magkabilang gilid ng dingding. Binalot nila ng ginto ang mga haligi at kinabitan ng argolyang ginto na pagsusuutan ng mga pahalang na haligi na binalot din ng ginto. Gumawa rin sila ng kurtinang yari sa pinong lino at lanang kulay asul, kulay ube at pula; ito'y binurdahan nila ng larawan ng kerubin. Gumawa sila ng apat na haliging akasya na kabitan ng tabing. Binalot nila ito ng ginto, kinabitan ng kawit na ginto rin at itinayo sa apat na tuntungang pilak. Para sa pintuan, gumawa sila ng kurtinang yari sa pinong lino at lanang kulay asul, kulay ube at pula at binurdahan nang maganda. Gumawa sila ng limang posteng pagsasabitan ng kurtina. Kinabitan nila iyon ng mga kawit, ang dulo'y binalot ng ginto, gayundin ang mga haligi at itinayo sa limang tuntungang tanso. kaya't nagpunta kay Moises ang mga manggagawa. Sinabi nila, “Napakarami na po ang ibinigay ng mga tao ngunit patuloy pa rin silang nagdadala.” Kaya iniutos ni Moises, “Huwag na kayong magdala pa ng kaloob para sa gagawing santuwaryo.” Noon lamang tumigil ang mga tao sa pagdadala ng handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 11:29

Napagpasyahan ng mga mananampalataya na magpadala ng tulong sa mga kapatid na naninirahan sa Judea, ayon sa kakayanan ng bawat isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:3

At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:27

Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan, ngunit ang tumatanggi sa suhol ay mabubuhay nang matagal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:44-46

“Ang kaharian ng langit ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao ngunit agad itong tinabunan. Tuwang-tuwa siyang umalis at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-arian upang bilhin ang bukid na iyon.” “Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang negosyante na naghahanap ng mga mamahaling perlas. Nang makakita siya ng isang perlas na napakahalaga, umuwi siya't ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:36

Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:8

Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:11

Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:6

Marami ang lumalapit sa taong mabait, at sa taong bukás-palad, lahat ay malapit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:33-35

Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siya'y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, ang lalaki ay isinakay ng Samaritano sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan doon. Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang may-ari ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Heto, alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran ko sa aking pagbalik.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:17

ayon sa kanilang makakaya, ayon sa dami ng pagpapalang tinanggap ninyo mula kay Yahweh na inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:8

Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumatalikod sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:9

Nagbibigay sa mga nangangailangan, pagiging mat'wid niya'y walang hanggan, buong karangalang siya'y itataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:2

“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari. Naglilimos sila sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y mapuri ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:13

Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:7

Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito'y bale-wala sa mga taong swapang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:4

Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:14

Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:27

Malugod nilang ginawa iyon, at talaga namang dapat nilang gawin. Dahil ang mga Hentil ay nakabahagi sa mga pagpapalang espirituwal ng mga Judio, marapat lamang na bahaginan nila ang mga Judio sa pamamagitan ng mga pagpapalang materyal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:11

sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:4

Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:5

At higit sa inaasahan namin, inilaan nila ang kanilang sarili, una sa Panginoon, at pagkatapos, sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:5

Ang nais niya ay kat'wira't katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:7

Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:35-36

Sapagkat ako'y inyong pinakain noong ako'y nagugutom; ako'y inyong pinainom noong ako'y nauuhaw. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako'y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:6

Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:2

Siya ay isang debotong tao. Siya at ang buo niyang pamilya ay sumasamba sa Diyos. Siya'y matulungin sa mga Judio at laging nananalangin sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:21

Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, “May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:10

Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:12

Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:25

“Kapag nangutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga nagpapatubo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8

Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:16

Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:12

Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 24:24

Ngunit sinabi ng hari, “Hindi maaari; babayaran kita, sapagkat hindi ako maghahandog kay Yahweh nang anumang walang halaga sa akin.” Kaya't binayaran ni David ang giikang iyon at ang toro sa halagang limampung pirasong pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Sa iyong kabanalan, ikaw ay aking sinasamba. Sa iyong kagandahan, ikaw ay aking pinapupuri. Sa iyong kadakilaan, ikaw ay aking niluluwalhati. Sa iyo ang lahat ng kapurihan, sapagkat ikaw ay karapat-dapat, aking Diyos. Ako'y naligaw, ngunit iniligtas mo ako sa iyong pag-ibig. Ang iyong masaganang awa ang nagpatawad at nagbigay sa akin ng buhay. Salamat sa iyong kadakilaan, salamat sa iyong walang kapantay na halaga, aking Hesus. Salamat sa iyong bukas-palad na pagpapatawad. Hindi mo inilimitahan ang iyong pag-ibig at kabutihan. Salamat sa lahat, Panginoon. Hinihiling ko na bigyan mo ako ng pusong katulad ng sa iyo. Nawa'y ang lahat ng aking gawain ay magsalita tungkol sa iyo, upang ako'y maging mapagbigay sa lahat ng aking nakakasalamuha. Nawa'y ang aking hangarin ay laging gumawa ng mabuti, at makapagbigay nang walang pag-aalinlangan at walang hinihintay na kapalit, hindi upang makita ng tao, kundi upang ikaw ay malugod sa akin. Ang tanging nais ko ay sundan ang iyong mga yapak at ganapin ang iyong kalooban. Panginoon, tulungan mo akong kumilos nang may pag-ibig, hindi dahil sa aking kayabangan o pagmamataas, kundi dahil sinasabi ng iyong salita na dapat kong mahalin ang aking kapwa tulad ng pagmamahal ko sa aking sarili. Nasa iyong mga kamay ako, hubugin mo ako ayon sa iyong wangis, upang hindi ako tumigil sa paggawa ng tama sa iyong harapan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas