Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


150 Mga Talata sa Bibliya para Magpasalamat sa Diyos

150 Mga Talata sa Bibliya para Magpasalamat sa Diyos
1 Tesalonica 5:18

at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4

Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:17

At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:20

Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1

Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:34

Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:1-2

Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan. Ako'y ginawa mong sinlakas ng torong mailap sa gubat, ako'y pinagpala't pawang kagalakan aking dinaranas. Aking nasaksihan yaong pagkalupig ng mga kaaway, pati pananaghoy ng mga masama'y aking napakinggan. Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay. Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami. Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia't matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa. Ito'y patotoo na si Yahweh ay tunay na matuwid, siya kong sanggalang, matatag na batong walang karumihan. Pag-ibig niyang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan niya'y ihayag din naman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:2

Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:2-3

Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Sapagkat si Yahweh, siya ay dakila't makapangyarihang Diyos, ang dakilang Haring higit pa sa sinuman na dinidiyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:2

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:13

Pinasasalamatan namin kayo, O Diyos, at pinupuri ang inyong maluwalhating pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:15

Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:4-5

Sasabihin ninyo sa araw na iyon: “Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan; ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa, ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan. Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa, ibalita ninyo ito sa buong daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:1

Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:30

Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15

[Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:12

Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:4

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:3

Mga kapatid, tama lamang na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Cristo at lalong nagiging maalab ang inyong pagmamahalan sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:15

Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:1

Purihin si Yahweh! Pasalamatan siya sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:4-5

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat sapagkat ang mga ito'y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:23

Ang parangal na nais ko na sa aki'y ihahain, ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:26

Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:16

walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Hindi ko nakakalimutang ipanalangin kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:62

Gumigising akong lagi pagsapit ng hatinggabi, sa matuwid mong paghatol lagi kitang pinupuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:17

Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:2-3

Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya rin ang pumatay sa bantog na si Og, ang hari ng Bashan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang lupain nila'y ipinamahagi sa kanyang hinirang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ipinamahagi niya sa Israel, bayang minamahal. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Di niya nilimot nang tayo'y malupig ng mga kaaway. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinalaya tayo, nang tayo'y masakop ng mga kalaban. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Panginoon ng mga panginoon ay ating pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:8

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay balitang-balita sa buong daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:12

Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:15-16

Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y isang Samaritano.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:10

Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 2:23

Pinupuri ko kayo at pinasasalamatan, O Diyos ng aking mga magulang, dahil sa kaloob ninyo sa aking lakas at karunungan, ngayo'y ibinigay ninyo sa akin ang aking kahilingan, panaginip ng hari sa ami'y ipinaalam.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-5

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa! O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan. Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan! Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:8

Magpasalamat kay Yahweh, tumawag sa kanyang pangalan; ang lahat ng gawa niya sa lahat ay ipaalam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 1:2

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:1-2

Yahweh, ako'y buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap. Sa harap ng iyong templo ay yuyukod at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang iyong ngalan; dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ika'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:1-2

Pag-ibig mo, Yahweh, na di nagmamaliw, ang sa tuwi-t'wina'y aking aawitin; ang katapatan mo'y laging sasambitin. Iyang dambuhalang kung tawagi'y Rahab ay iyong dinurog sa taglay mong lakas, lahat mong kaaway ay iyong winasak, kapangyarihan mo'y ubod nang lakas. Sa iyo ang langit, sa iyo ang lupa, ang buong daigdig ikaw ang maylikha, lahat nang naroo'y sa iyo nagmula. Timog at hilaga, ikaw ang naglagay; Bundok Hermo't Tabor ay nag-aawitan, nagpupuri sila sa iyong pangalan. Ang taglay mong lakas at kapangyarihan, ay walang kaparis, di matatawaran! Ang kaharian mo ay makatarungan, saligang matuwid ang pinagtayuan; wagas na pag-ibig at ang katapatan, ang pamamahala mong ginagampanan. Mapalad ang taong sa iyo'y sumasamba, sa pagsamba nila'y inaawitan ka at sa pag-ibig mo'y namumuhay sila. Sa buong maghapon, ika'y pinupuri, ang katarungan mo'y siyang sinasabi. Ang tagumpay namin ay iyong kaloob, dahilan sa iyong kagandahang-loob. Sapagkat si Yahweh ang aming sanggalang, ang aming hari ay siya ang humirang, Banal ng Israel, siya'y aming sandigan. Noon pa mang una, sa mga lingkod mo, ika'y nagsalita, sa pangitaing ipinakita'y ito ang badya: “Aking pinutungan ang isang dakila, na aking pinili sa gitna ng madla. Ang iyong pag-ibig walang katapusan, sintatag ng langit ang iyong katapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:41

Kasama nila roon sina Heman at Jeduthun at iba pang pinili upang magpasalamat kay Yahweh sapagkat pag-ibig niya'y tunay at laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:15

Ang lahat ng pagtitiis ko ay para sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakakatanggap ng kagandahang-loob ng Diyos, lalo pang dumami ang magpapasalamat sa ikaluluwalhati niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:17

Ngunit salamat sa Diyos, kayong dating mga alipin ng kasalanan ay taos pusong sumunod sa katotohanan na nasa aral na ibinigay sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:4-9

Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:1

Ganito ang naging panalangin ni Ana: “Pinupuri kita, Yahweh, dahil sa iyong kaloob sa akin. Aking mga kaaway, ngayo'y aking pinagtatawanan, sapagkat iniligtas mo ako sa lubos na kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:4

Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:17

Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 2:14

Ngunit salamat sa Diyos at lagi niya kaming isinasama sa parada ng tagumpay ni Cristo, dahil sa aming pakikipag-isa sa kanya. At sa pamamagitan namin ay pinalalaganap ng Diyos sa lahat ng dako ang mabangong halimuyak ng pagkakilala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:19

Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:5

Yahweh, aking Diyos, wala kang katulad sa maraming bagay na iyong ginanap; kung pangahasan kong sabihin ang lahat, nangangamba akong may makalimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:12

O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:6

Ang nagpapahalaga sa isang araw ay nagpapahalaga rito alang-alang sa Panginoon. Ang kumakain ng anuman ay kumakain niyon alang-alang sa Panginoon, sapagkat nagpapasalamat siya sa Diyos. Iyon namang hindi kumakain ng ilang uri ng pagkain ay gumagawa ng ganoon alang-alang din sa Panginoon, at nagpapasalamat din siya sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:10-15

Ang mga panganay ng mga Egipcio ay kanyang pinatay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Mula sa Egipto kanyang inilabas ang bayang hinirang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang ginamit niya'y mga kamay niyang makapangyarihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Dagat na Pula, kanyang inutusan at nahati naman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang pinili niyang bayan ng Israel ay doon dumaan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ngunit nilunod niya itong Faraon at hukbong sandatahan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:8-9

Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:13-14

Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:57

Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:12

Kay Yahweh na aking Diyos, anong aking ihahandog, sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:12

Nagpapasalamat ako sa ating Panginoong Jesu-Cristo na nagbibigay sa akin ng lakas, dahil itinuring niya akong karapat-dapat na maglingkod sa kanya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:10-13

Sa harapan ng mga tao'y tuwang-tuwa si David na nagpuri kay Yahweh. Sinabi niya, “Purihin kayo magpakailanman, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ama. Sa inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay sapagkat inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa inyo ang kaharian at kayo ang dakila sa lahat. Sa inyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan at kayo ang naghahari sa lahat. Taglay ninyo ang kapangyarihan at kadakilaan, at kayo ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat. Pinasasalamatan namin kayo, O Diyos, at pinupuri ang inyong maluwalhating pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:28

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:2

Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 57:9

Sa gitna ng mga bansa, kita'y pasasalamatan; Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng iyong bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 5:13

Ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang nagpupuri at nagpapasalamat kay Yahweh. Sa saliw ng mga trumpeta, pompiyang at iba pang mga instrumento ay inaawit nila ang ganito: “Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” At ang Templo, ang tahanan ng Diyos, ay napuno ng ulap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:1-3

Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit; purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig! “Si Yahweh ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin, “Sanlibuta'y matatag na, kahit ito ay ugain; sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.” Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman, lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw, pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan. Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan, at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan. Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin. Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:1

Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:35

Sabihin ding: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan, tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban; upang aming pasalamatan ang banal mong pangalan at purihin ka sa iyong kaluwalhatian.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 3:11

Nagsagutan sila sa pag-awit ng mga papuri at pasasalamat kay Yahweh. Ito ang kanilang inawit: “Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” Malakas na isinigaw ng lahat ng tao ang kanilang papuri kay Yahweh sapagkat ang pundasyon ng Templo ni Yahweh ay inilagay na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:1

Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan, hindi namin maaangkin, pagkat ito'y iyo lamang; walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 6:10

Nang malaman ni Daniel na nilagdaan na ng hari ang gayong kautusan, umuwi siya. Lumuhod siya't nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukás na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:6-7

Yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo na may pakikipag-isa sa kanya. Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:1

Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:2

“Si Yahweh lamang ang banal. Wala siyang katulad, walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:5

Nagpupuri silang nilikha sa langit, ang iyong ginawa'y siyang binabanggit ang katapatan mo, Yahweh, ay inaawit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:2

Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:31

Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:16

At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:16-20

Nang mailabas na'y siya ang kasama habang nasa ilang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinagpapatay niya yaong mga haring may kapangyarihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Maging mga haring bantog noong una ay kanyang pinatay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya ang pumatay sa haring Amoreo, ang haring si Sihon. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya rin ang pumatay sa bantog na si Og, ang hari ng Bashan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:4-5

Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari, pupurihin ka ng lahat at ika'y ipagbubunyi; ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin, at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 2:13

Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat palagi sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng inyong pananalig sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:28-29

Ikaw ay aking Diyos, kaya naman ako'y nagpapasalamat; ang pagkadakila mo ay ihahayag. O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya'y mabuti; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:8

Dahilan sa ginawa mong mga bagay na dakila, natatakot ang daigdig, at ang buong sangnilikha. Bunga nitong ginawa mo, sa galak ay sumisigaw, buong mundo, kahit saang sulok nitong daigdigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:20

At sinabi ni David sa sambayanan, “Purihin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh!” Pinuri nga ng buong kapulungan si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Yumuko ang lahat, sumamba kay Yahweh, at nagbigay-galang sa hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 26:7

Awit ng pasasalamat ay aking inaawit, gawa mong kahanga-hanga, ay aking sinasambit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:8

kaya ako'y nagpupuri, nagpupuri buong araw, akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:33-34

Aawitan ko si Yahweh, palagi kong aawitan, siya'y aking pupurihin habang ako'y nabubuhay. Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan, pagkat ako'y nagagalak, nagpupuri sa Maykapal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 30:19

Ang mga tao roon ay aawit ng pasasalamat at magkakaingay sa kagalakan. Sila'y aking pararamihin; pararangalan ko sila at wala nang hahamak sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:4-5

Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat, at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas. Itong aking kaluluwa'y tunay na masisiyahan, magagalak na umawit ng papuring iaalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:2

aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw, di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:21-26

Ang lupain nila'y ipinamahagi sa kanyang hinirang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ipinamahagi niya sa Israel, bayang minamahal. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Di niya nilimot nang tayo'y malupig ng mga kaaway. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinalaya tayo, nang tayo'y masakop ng mga kalaban. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 11:41

Kaya't inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat dininig mo ako,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:19-20

Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos. Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:1-3

Purihin si Yahweh! Ngalan niya ay purihin kayong mga lingkod niya. Marami rin naman siyang winasak na mga bansa, at maraming mga haring pawang bantog ang pinuksa. Itong haring Amoreo na si Sihon ang pangalan, at ang haring ang ngala'y Og, isang haring taga-Bashan, at iba pang mga hari na pinuksa sa Canaan. Ang lupain nila roon ay kinuha at sinamsam, ibinigay sa Israel, bayang kanyang hinirang. Ang pangalan mo, O Yahweh, ay magpakailanman, lahat ng nilikha, Yahweh, hindi ka malilimutan. Ikaw nama'y mahahabag sa lahat ng iyong lingkod, ang alipin ay lalaya sa kanilang pagkagapos. Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto, kamay ng mga tao ang humugis at bumuo. Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka, mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita; mayroon silang mga tainga, ngunit hindi makarinig, hindi sila humihinga, sa ilong man o sa bibig. Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala, matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha! Si Yahweh ay papurihan, purihin siya, O Israel, maging kayong mga pari sa Diyos ay magpuri rin. Kayong lahat na sa banal niyang templo'y pumapasok upang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos. Si Yahweh ay papurihan, kayong lahat na Levita, lahat kayong sumasamba ay magpuring sama-sama. Ang Diyos na nasa Zion ay sambahin at purihin, si Yahweh ay papurihan, sa templo sa Jerusalem. Purihin si Yahweh! Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti, ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:22

Tutugtugin ko ang alpa't pupurihin kitang tunay, pupurihin kita, O Diyos, dahil sa iyong katapatan. Mga imno ng papuri sa alpa ko'y tutugtugin, iuukol ko ang tugtog sa iyo, Banal na Diyos ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:11

sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:9

Umawit ng pagpupuri at siya ay parangalan, ang kahanga-hangang gawa'y ibalita kahit saan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 44:8

Kaya naman, ikaw, O Diyos, lagi naming pupurihin; sa papuri't pasalamat ika'y aming tatanghalin. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:1

O Yahweh, ikaw ang aking Diyos; pupurihin ko at dadakilain ang iyong pangalan; sapagkat kahanga-hanga ang iyong mga ginawa; buong katapatan mong isinagawa ang iyong mga balak mula pa noong una.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:6-7

Si Yahweh ay dapat purihin! Dininig niya ang aking mga daing. Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:21

Matapos niyang paalalahanan ang mga tao, pumili siya ng mga mang-aawit na magpupuri kay Yahweh dahil sa kanyang kahanga-hangang kabanalan. Inilagay niya ang mga ito sa unahan ng hukbo at habang daa'y umaawit: “Purihin si Yahweh, pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:27

Sa iisang Diyos, na sa lahat ay ganap ang karunungan—sa kanya iukol ang karangalan magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.]

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-2

Sumigaw sa galak ang mga nilalang! O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang. Iyong binayaang mahulog sa bitag, at pinagdala mo kami nang mabigat. Sa mga kaaway ipinaubaya, sinubok mo kami sa apoy at baha, bago mo dinala sa dakong payapa. Ako'y maghahandog sa banal mong templo ng aking pangako na handog sa iyo. Pati pangako ko, nang may suliranin, ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin. Natatanging handog ang iaalay ko; susunuging tupa, kambing, saka toro, mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah) Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi. Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, di sana ako dininig ng ating Panginoon. Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:8-9

Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos, inyong iparinig papuring malugod. Iningatan niya tayong pawang buháy, di tayo bumagsak, di niya binayaan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:13

sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:15

Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang: “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:11

Sa inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay sapagkat inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa inyo ang kaharian at kayo ang dakila sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:4-5

Ako'y nagagalak sa iyong ginawa na kahanga-hanga, sa lahat ng ito ako'y umaawit dahilan sa tuwa. O pagkadakila! Kay dakila, Yahweh, ng iyong ginawa, ang iyong isipan ay sadyang mahirap naming maunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:11

Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:11-12

Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 4:11

“Aming Panginoon at Diyos! Karapat-dapat kang tumanggap ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan; sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nagkaroon ng buhay at nalikha.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 31:2

Pinagpangkat-pangkat muli ni Ezequias ang mga pari at Levita at binigyan ng kanya-kanyang gawain: may para sa handog na susunugin, at may para sa handog na pagkain. Ang iba'y tutulong sa pagdaraos ng pagsamba. Ang iba'y taga-awit ng pagpupuri at pasasalamat at ang iba nama'y mangangasiwa sa mga pintuan ng Templo ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:1-5

Purihin si Yahweh! Purihin ang Diyos, nitong kalangitan, kayo sa itaas siya'y papurihan. hayop na maamo't mailap na naroon, maging hayop na gumagapang at mga ibon. Pupurihin siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe, lahat ng pangulo; babae't lalaki, mga kabataan, matatandang tao't kaliit-liitan. Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap. Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh! Ang lahat ng anghel, magpuri't magdiwang, kasama ang hukbo roong karamihan! Ang araw at buwan, siya ay purihin, purihin din siya ng mga bituin, mataas na langit, siya ay purihin, tubig sa itaas, gayon din ang gawin! Siya ang may utos na kayo'y likhain, kaya ang ngalan niya ay dapat purihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:1

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:6

Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:21

Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng kagalakan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sinabi niya, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at matatalino ang mga bagay na ito, ngunit inihayag mo sa mga walang muwang. Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mong mangyari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:5-6

Nang ako'y magipit, ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag; sinagot niya ako't kanyang iniligtas. Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:7-9

Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:1

Purihin si Yahweh! O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit, purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20-21

Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:3

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal na nagmumula sa langit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:2-3

Sinong mangangahas upang magpahayag na siya'y dakila? Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa? Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha, sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa. Kanilang nilimot ang Diyos na si Yahweh, ang Tagapagligtas, ang kanyang ginawa doon sa Egipto'y kagila-gilalas. Sa lupaing iyon ang ginawa niya'y tunay na himala. Sa Dagat na Pula yaong nasaksihan ay kahanga-hanga. Ang pasya ng Diyos sa ginawa nila'y lipulin pagdaka, agad na dumulog kay Yahweh si Moises, namagitan siya, at hindi natuloy iyong kapasyahan na lipulin sila. Ang lupang-pangarap na ipinangako'y kusang tinanggihan, dahilan sa sila'y hindi naniwala sa pangakong tipan. Sa loob ng tolda ay nagrereklamo at puro pa angal, at hindi nila pinakinggan tinig ni Yahweh, Diyos na banal. Sa ginawang iyon, nagalit ang Diyos, siya ay sumumpang sila'y lilipulin, mamamatay sa gitna ng ilang. Sila'y ikakalat, dadalhin sa bansa niyong mga Hentil, sa lugar na iyon, mamamatay sila sa pagkaalipin. Sila'y nakiisang sa Baal ng Beor ay doon sumamba, ang mga pagkain na handog sa patay ang pagkain nila. Sa inasal nila'y nagalit si Yahweh, naging pasya'y ito: Dinalhan ng peste, pawang nagkamatay ang maraming tao. At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan, na gawang matuwid ang adhika sa buo niyang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:18

Tayo ngayong nabubuhay ang dapat magpasalamat, siya'y dapat na purihin, mula ngayon, hanggang wakas. Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:5

Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa, ibalita ninyo ito sa buong daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:3-5

Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:21

Purihin si Yahweh! Kahanga-hanga ang ipinakita niyang pag-ibig sa akin, nang ako'y nagigipit at parang lunsod na sasalakayin!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:15-16

Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala. Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:11-12

Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit. Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:31

Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang sinumang nais magmalaki, ang ginawa ng Panginoon ang kanyang ipagmalaki.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:3-4

Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa na magmamana tayo ng kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:8-9

Si Yahweh'y mapagmahal at punô ng habag, hindi madaling magalit, ang pag-ibig ay wagas. Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:1

Sa araw na iyon ay aawitin ng mga tao ang ganito: “Yahweh, ikaw ay aking pasasalamatan, sapagkat kung nagalit ka man sa akin noon, nawala na ang galit mo ngayon, at ako'y iyong inaliw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:25

Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya! Ito nga ang kalagayan ko: sa pamamagitan ng aking isip, pinaglilingkuran ko ang Kautusan ng Diyos, ngunit sa pamamagitan ng aking katawang makalaman ay pinaglilingkuran ko ang tuntunin ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:36

Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel, purihin siya ngayon at magpakailanman! Pagkatapos, ang buong bayan ay sumagot ng “Amen,” at nagpuri kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:31

Kaya't dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:8

O Yahweh na Makapangyarihang Diyos, O Yahweh, mayroon pa kayang katulad kang lubos? Sa kapangyarihan ay tunay na puspos, kadakilaan mo'y sadyang lubus-lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15-16

[Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:22

Nang marinig ng mga kaaway ang awitan, ginulo sila ni Yahweh. Dahil dito, sila-sila ang nagkagulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:164

Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat, sa lahat ng kahatulang matuwid mong iginawad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas