Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


112 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kabaitan

112 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kabaitan

Alam mo, ang kabutihan, bunga ito ng Banal na Espiritu. Dito natin nakikita ang Kanyang kahanga-hangang kakayahang magpatawad, magpakita ng pagmamahal. Napakabuti ng Diyos at handa Siyang magpatawad sa mga tunay na nagsisisi.

Sa mga panahong pinanghihinaan tayo ng loob, ang kabutihan Niya ang gagabay, magpapalakas, at tutulong sa atin. Tulad ni David, hindi tayo susuko dahil nakita natin ang kabutihan ng Panginoon.

Dahil sa walang hanggang kabutihan ng Diyos sa atin, hilingin natin na hubugin tayo para maging repleksyon Niya rito sa mundo. Kailangan ng mga tao na makita ang Diyos, hindi lang sa salita, kundi sa gawa – isang Diyos ng pag-ibig, pagpapanumbalik, pagbabago, at pagpapatawad.

Tayo ang tinawag para maging mabuti sa lahat ng nakapaligid sa atin. Hindi batay sa kung paano nila tayo tratuhin, kundi batay sa kung paano tayo pinakikitunguhan ni Cristo. Sabi nga sa Efeso 4:32, "Magpakabutihan kayo sa isa't isa, magkaawaan kayo, at magpatawaran kayo sa isa't isa, gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo."


Mga Awit 27:13

Naniniwala akong bago ako mamatay, kabutihan ni Yahweh'y aking masasaksihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:17

Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12

Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:17

Pagtulong sa aki'y iyong patunayan; upang mapahiya ang aking kaaway, kung makita nilang mayroong katibayan na ako'y inaliw mo at tinulungan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 33:19

“Makikita mong lahat ang aking kaluwalhatian at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh. Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:68

kay buti mo, O Yahweh! Kay ganda ng iyong loob; sa akin ay ituro mo ang bigay mong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:8

Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 9:20

Pinatnubayan mo sila ng iyong Espiritu, upang turuan sila ng dapat nilang gawin. Patuloy mo silang pinakain ng manna, at binigyan ng tubig na pamatid uhaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:1

Kay buti ng Diyos sa taong matuwid, sa lahat ng taong ang puso'y malinis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:34

Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:4

O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya'y napakabait, matiisin, at mapagpasensya? Hindi mo ba alam na ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa iyo upang magsisi at tumalikod sa kasalanan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nahum 1:7

Si Yahweh ay napakabuti; matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalagaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:17

Ang taong mabait ay nag-iimpok ng kabutihan, ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:9

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:8

Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:35

Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong magpasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:13

Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:6

Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:3

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:10

Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:21

Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan ay nagkakamit ng buhay at karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:6-7

Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas, na ipinakita mo na noong panahong lumipas. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan; ayon sa pag-ibig mong walang katapusan, ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:21

Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:9

Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:4

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:4-5

Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:5

Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:9

Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:6

Namuhay kami nang malinis, may kaalaman, pagtitiis, kabutihan, patnubay ng Espiritu Santo, tunay na pag-ibig,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:9

Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng namumuhay sa liwanag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:14

Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:27-28

Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ. Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan, huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:21

Ang humahamak sa kapwa ay gumagawa ng masama, ngunit ang matulungin, ligaya ang tinatamasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:24

Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip ay dapat siyang maging mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:2

Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:15

Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:16

At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:40

“Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:17

Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:26

Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang katapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:33-34

Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-7

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:15-16

Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, ano ang silbi niyon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:17

Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:10

Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:1

Purihin si Yahweh! Pasalamatan siya sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:10

Kahit sa kanyang mga hayop ang matuwid ay mabait, ngunit ang masama kahit kanino ay sadyang mabagsik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:10

Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10-11

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng bawat isa sa inyo. Ang nangangaral ay dapat salita ng Diyos ang ipangaral. Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:4

Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:20

Matulungin siya sa mahirap, at sa nangangailanga'y bukás ang palad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:7-8

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:5

Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:35-36

Sapagkat ako'y nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at ako'y inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako'y hubad at ako'y inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:8

Si Yahweh ay mahabagi't mapagmahal, hindi madaling magalit, wagas ang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:9

Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain, at tiyak na ikaw ay pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:8-9

Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:42

Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya'y alagad ko, siya'y tiyak na tatanggap ng gantimpala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:17

Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:8

Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:6

Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat, ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:1-2

Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Ang bumabâ ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang buong sangnilikha. At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo, hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang. Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat. Sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya. At kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, lumalaki ang katawan at pinapatatag nito ang sarili sa pamamagitan ng pag-ibig. Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong mamuhay tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. Sila'y naging alipin ng kahalayan at wala na silang kahihiyan. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan. Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:22

Ngayon nalinis na ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pagmamahal sa mga kapatid. Kaya, maalab at taos-puso kayong magmahalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:11

Sumagot siya sa kanila, “Sinumang mayroong dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Gayon din ang gawin ng sinumang may pagkain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:11

At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:15-16

Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan. Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:7

“Pinagpala ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:5

Ang nais niya ay kat'wira't katarungan, ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:18-19

Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-impok sila para sa mabuting pundasyon sa hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:19

Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:24

Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:11

Dahil dito, lagi namin kayong idinadalangin sa Diyos, na nawa'y maging karapat-dapat kayo sa pagkatawag niya sa inyo. At sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng mabuti ninyong hinahangad, at maging ganap ang inyong mga gawaing ibinunga ng pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 13:34-35

“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. Kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:5

Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13-14

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:43-44

“Narinig ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway.’ Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:8

Si Yahweh'y mapagmahal at punô ng habag, hindi madaling magalit, ang pag-ibig ay wagas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:17

Ngunit ang karunungang mula sa langit, una sa lahat, ay malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:33-34

Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! Gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nauubos. Doo'y walang magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira. Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:8

Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan, itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:13

Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:3-4

Sa halip, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan. Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! “Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito. “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.” Gawin mong lihim ang iyong pagbibigay ng limos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20-21

Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 63:7

Aking sasaysayin ang pag-ibig ni Yahweh na hindi nagmamaliw; pupurihin ko siya sa lahat ng bagay na kanyang ginawa para sa atin. Tunay na kanyang pinagpala ang bayang Israel, dahil sa kahabagan niya at wagas na pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:30

Ang masayang ngiti sa puso ay kasiyahan, at ang mabuting balita ay may dulot na kalusugan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:22

Pagkarinig nito ay sinabi ni Jesus, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi ang pinagbilhan sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka, at sumunod ka sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:5

Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:25

Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:105

Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:12-13

Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:15

Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait, wagas ang pag-ibig, di madaling magalit, lubhang mahabagi't banayad magalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:5-7

Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos; sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3

Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:3-4

Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran, ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan. Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan, kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan. Huwag kang maiinggit sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas. Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot, ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot. Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala. Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban. Ang taong matalino'y magkakamit-karangalan, ngunit puro kahihiyan ang aanihin ng mangmang. Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:35

Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho ay dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na pinagpala ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:9

Ang langis at pabango'y pampasigla ng pakiramdam ngunit ang kabalisaha'y pampahina ng kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:27

Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Kamangha-mangha Ka, Hesus ko. Sa'yo ang papuri at karangalan. Ang Iyong biyaya ang siyang nag-aangat sa akin, at ang Iyong awa'y bago tuwing umaga, kahit sa dami ng aking pagkukulang. Sabi nga po sa Iyong salita, "Sapagkat Ikaw, Panginoon, ay mabuti at mapagpatawad, at sagana sa habag sa lahat ng tumatawag sa Iyo." Wala pong araw na hindi ko nararamdaman ang 'Yong walang hanggang kabutihan. Kaybuti Mo po, umaapaw ang puso ko sa pasasalamat. Salamat sa 'Yong katapatan, sa pag-alalay sa buhay ko, at sa pagtulong sa akin sa gitna ng mga pagsubok. Salamat at hindi Mo ako pinababayaan, at sa aking kahinaan, Ikaw ang nagiging lakas ko. Dalangin ko lamang na patuloy kong makita ang Iyong kabutihan, upang may saysay ang bawat araw ng aking buhay. Huwag Mo po akong iwan, dahil Ikaw ang lahat ng kailangan ko, Abba Ama. Kung wala Ka, ayoko nang mabuhay. Ikaw ang bukal ng aking kagalakan, ang aking bahagi at kalakasan. Nagpapasalamat ako sa lahat ng bagay, sa Iyong katapatan at kabutihan. Nais kong maging repleksyon ng Iyong kabutihan dito sa lupa, at makita Ka ng mga tao sa pamamagitan ko, at mapagtanto nila na Ikaw ay totoo at Ikaw ay buhay magpakailanman. Maraming salamat po, Panginoon ko. Wala pong makapapantay sa Iyo. Sa Iyo ang lahat ng kapurihan, magpakailan-kailanman. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas