Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


112 Mga talata sa Bibliya tungkol sa pangangalunya

112 Mga talata sa Bibliya tungkol sa pangangalunya

Alam mo, sa Salita ng Diyos, malinaw na ang pangangalunya ay nangyayari kapag ang isang kasal na ay nakipagtalik sa hindi niya asawa. Kasalanan ito na labag sa kabanalan ng pagsasama at ng ating katawan, at hahatulan ng Diyos.

Nakakalungkot isipin na parang normal na lang ang pagtataksil ngayon, kahit sa mga Kristiyano. Ang daming pamilyang nasisira dahil dito. Kaya mahalagang bantayan natin ang ating puso at huwag tayong magpadala sa mga tukso ng mundo na pinapamukhang normal ang mga ganitong gawain.

Kailangan din nating ingatan ang ating mga kabataan. Huwag natin silang hayaang ma-expose sa mga mensahe tungkol sa pangangalunya, panloloko, pakikipagtalik sa iba't ibang tao, homoseksuwalidad at mga bagay na labag sa kalooban ng Diyos. Maaari itong magdulot ng trauma sa kanila at ilayo sila sa plano ng Diyos para sa kanilang buhay.

Sa halip, ituro natin sa kanila ang kahalagahan ng pamilya na bigay ng Diyos. At higit sa lahat, hikayatin natin silang lumapit kay Kristo at humingi ng tulong sa oras ng tukso. Nandoon Siya lagi para sa atin.


Roma 13:9

Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:24

Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:9

Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:9

Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya] at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya].”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:32

Ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag nakipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, maliban kung ito ay nakikiapid, itinutulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:32

O babaing mangangalunya, mas gusto mo pang pasiping sa iba kaysa iyong asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:14

Wala silang hinahanap kundi ang pagkakataong makiapid; wala silang sawa sa paggawa ng kasalanan. Itinutulak pa nila sa pagkakasala ang mahihina. Sila'y mga sakim at sila'y isinumpa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 7:21

Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:12

Gayon din naman, ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:32

Ngunit ang nangangalunya ay isang taong mangmang, sinisira ang sarili, buhay niya at pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:18

Iwasan ninyo ang imoralidad. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi nakakasira sa katawan, ngunit ang gumagawa ng imoralidad ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:8

Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling—ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:8

Sumagot si Jesus, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:39

Ang babae ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Kapag namatay ang lalaki, ang babae ay malaya nang mag-asawa sa sinumang maibigan niya, ngunit dapat ay sa isa ring nananampalataya sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:18

“Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, at mag-asawa sa iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang mag-aasawa naman sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:19

Alam mo ang mga utos ng Diyos, ‘Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:27-28

“Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 18:20

Huwag ninyong durungisan ang inyong sarili sa pakikiapid sa asawa ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:15

Subalit maiiwan sa labas ng lungsod ang mga asal-aso, ang mga mangkukulam, ang mga nakikiapid, ang mga mamamatay-tao, ang mga sumasamba sa diyus-diyosan, at ang mga mahilig magsinungaling at mandaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 20:10

“Ang lalaking mangangalunya sa asawa ng iba ay dapat patayin, gayundin ang babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 4:2

Sa halip ay laganap ang pagtutungayaw at pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Nilalabag nila ang lahat ng batas at sunud-sunod ang mga pamamaslang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:3-5

Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan. Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa, at hindi upang masunod lamang ang pagnanasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 2:16

“Nasusuklam ako sa pagpapalayas at paghihiwalay ng mga mag-asawa,” sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. “Napopoot ako sa taong gumagawa ng kalupitan sa kanyang asawa. Kaya nga maging tapat kayo sa inyong asawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:11

Sinabi niya sa kanila, “Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:2-3

Halimbawa, ayon sa Kautusan, ang isang babae ay nasasakop ng kanyang asawa habang nabubuhay ito. Subalit kung mamatay na ang lalaki, malaya na ang babae sa batas na nagtatali sa kanya sa lalaking iyon. Kung ang ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang naninirahan sa akin. Ito ang natuklasan ko: kapag nais kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapít sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso, ako'y nalulugod sa Kautusan ng Diyos. Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; binibihag ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang naninirahan sa aking katawan. Kay saklap ng aking kalagayan! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito na nagdadala sa akin sa kamatayan? Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya! Ito nga ang kalagayan ko: sa pamamagitan ng aking isip, pinaglilingkuran ko ang Kautusan ng Diyos, ngunit sa pamamagitan ng aking katawang makalaman ay pinaglilingkuran ko ang tuntunin ng kasalanan. Kaya nga, siya'y magkakasala ng pangangalunya kung makikisama siya sa ibang lalaki habang nabubuhay ang kanyang asawa. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na iyon, at mag-asawa man siya sa ibang lalaki, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:1

“Kung mag-asawa ang isang lalaki ngunit dumating ang panahon na ayaw na niya sa babae dahil may natuklasan siya ritong hindi kaaya-aya, at gumawa siya ng kasulatan ng paghihiwalay, ibinigay ito sa babae, at pinalayas ito sa kanyang pamamahay;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:13

Sasabihin naman ng iba, “Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain.” Totoo iyan, ngunit parehong sisirain ng Diyos ang mga ito. Ang katawan ay hindi para sa imoralidad sapagkat ito'y para sa paglilingkod sa Panginoon, at ang Panginoon naman ang nag-aalaga sa katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:14

“Huwag kang mangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:9

Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:6

Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:18

“‘Huwag kang mangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:22

Kaya nga, iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan, sa halip ay pagsikapan mong maging matuwid, tapat, mapagmahal at mapayapa, kasama ng mga taong may pusong malinis na tumatawag sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 22:22

“Kapag ang isang lalaki'y nahuling kasiping ang asawa ng iba, pareho silang dapat patayin. Sa ganyang paraan ninyo aalisin ang ganitong uri ng kasamaan sa Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 11:2-4

Isang hapon, pagkagising ni David, umakyat siya sa bubungan ng palasyo at naglakad-lakad. Mula roon, may natanaw siyang isang babaing naliligo. Napakaganda ng babae. maaaring siya'y magalit at itanong, ‘Bakit kayo nagpakalapit sa lunsod? Hindi ba ninyo alam na maaari kayong panain mula sa itaas ng pader? Hindi ba ninyo alam ang dahilan ng pagkamatay ni Abimelec na anak ni Gideon? Siya'y nabagsakan ng batong gilingan na inihulog ng isang babae mula sa itaas ng pader sa Tebez. Bakit masyado kayong lumapit sa pader?’ Kung magkagayon, saka mo sabihing napatay rin si Urias.” Lumakad ang sugo at nag-ulat kay David ayon sa sinabi ni Joab. Sinabi niya sa hari, “Lumabas po ang maraming mga kaaway at nilusob kami, ngunit napaurong namin sila hanggang sa may pasukan ng lunsod. Noon po nila kami tinudla mula sa pader at ilan sa inyong mga pinuno ang napatay. Napatay rin po si Urias.” Sumagot si David, “Kung gayon, sabihin mo kay Joab na huwag ikalungkot ang nangyari, sapagkat talagang ganyan ang labanan, may napapatay. Ipagpatuloy ninyo ang paglusob hanggang sa mawasak ang lunsod. Sabihin mong huwag masisira ang kanyang loob.” Nang mabalitaan ni Batsheba na napatay si Urias, siya'y nagluksa. Pagkatapos ng pagluluksa, ipinatawag siya ni David at naging asawa nito. Nagkaanak siya ng isang lalaki, ngunit hindi nalugod si Yahweh sa ginawang ito ni David. Ipinagtanong niya kung sino iyon. Sinabi sa kanya na iyo'y si Batsheba, anak ni Eliam at asawa ni Urias na isang Heteo. Ipinakuha niya si Batsheba na noo'y katatapos pa lamang ng kanyang paglilinis ayon sa tuntunin para sa mga babaing nireregla. Sinipingan siya ni David, at pinauwi pagkatapos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 12:13-14

Sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako kay Yahweh.” Sumagot si Natan, “Pinapatawad ka na ni Yahweh at hindi ka mamamatay. Ngunit dahil nilapastangan mo si Yahweh, ang magiging anak mo ang mamamatay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:16-17

Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay. Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binaliwala niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:3-5

Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot, at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot. Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog, hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod. Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan, daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:15-20

Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal, at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang. Kung ika'y magkaanak sa babaing di asawa, walang buting idudulot, manapa nga ay balisa. Anak mo'y dapat lumaki nang ikaw ay matulungan, upang hindi do'n sa iba iasa ang iyong buhay. Kaya nga ba't mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay, ang ligaya ay lasapin sa mabango niyang kandungan. Mabait siya at mahinhin, babaing kaakit-akit, ligaya mo'y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib. Sa gayo'y magagawa mo ang mabuting pagpapasya, at ang bawat sabihin mo'y kaalaman ang ibabadya. Sa ibang babae ay huwag ka sanang paaakit, ni huwag mong papansinin makamandag niyang halik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:24-29

Ilalayo ka nito sa babaing masama, sa mapang-akit niyang salita ngunit puno ng daya. Huwag mong nanasain ang ganda niyang taglay, ni huwag paaakit sa tingin niyang mapungay. Babaing masama'y maaangkin sa halaga ng tinapay, ngunit bunga'y kasamaan sa buo mong pamumuhay. Kung ang tao ba'y magkandong ng apoy, kasuotan kaya niya'y di masusunog niyon? Kung ang tao ay tumapak sa uling na nagbabaga, hindi kaya malalapnos itong kanyang mga paa? Ganoon din ang taong sisiping sa asawa ng kapwa, tiyak siyang magdurusa pagkat ito ay masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 7:5

Pagkat ito ang sa iyo'y maglalayo sa babaing mapangalunya, nang di ka mabighani ng matamis niyang pananalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 7:21-23

Sa salitang mapang-akit ang lalaki ay nahimok, sa matamis na salita, damdamin niya ay nahulog. Maamo siyang sumunod sa babae at pumasok, parang bakang kakatayin, sa matador ay sumunod, mailap na usa, sa patibong ay nahulog, hanggang sa puso nito ang palaso ay maglagos. Isang ibong napasok sa lambat ang kanyang nakakatulad, hindi niya namalayang buhay pala ang katumbas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:17-18

“Tubig na ninakaw ay ubod ng tamis, tinapay na nakaw, masarap na labis.” Hindi alam ng biktimang wakas niyo'y kamatayan, at lahat ng pumasok doo'y naroon na sa libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:14

Ang salita ng mapang-apid ay isang patibong at ang mga hindi nagtitiwala kay Yahweh ang nahuhulog doon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:27-28

Ang masasamang babae at di-tapat na asawa ay mapanganib na patibong, tiyak na mamamatay ang mahulog doon. Siya'y laging nakaabang tulad ng magnanakaw, at sinumang maakit niya ay natututong magtaksil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:20

Ganito naman ang ginagawa ng asawang nagtataksil: makikipagtalik, pagkatapos ay magbibihis saka sasabihing wala siyang ginagawang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:26

Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa kamatayan: ito'y walang iba kundi ang babae. Ang kanyang pag-ibig ay tulad ng bitag, at ang kanyang mga bisig ay tulad ng tanikala. Ang taong matuwid ay nakakaiwas rito ngunit naaalipin ang mga masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:21

“Ang Jerusalem na dating tapat sa akin, ngayo'y naging isang masamang babae. Dati'y puspos siya ng katarungan at katuwiran! Ngayon nama'y tirahan na ng mga mamamatay-tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:1

Sinabi ni Yahweh, “Kapag ang isang babae ay pinalayas at hiniwalayan ng kanyang asawa, at siya'y mag-asawa ng ibang lalaki, hindi na siya dapat tatanggapin ng unang asawa. Ang ganito'y magpaparumi sa lupain. Subalit ikaw, Israel, kay rami mong kinasama, at ngayo'y ibig mong magbalik sa akin!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:8-9

Nakita rin ng Juda nang pinalayas at hiwalayan ko ang Israel dahil sa pagtataksil sa akin at pagiging masamang babae. Ngunit hindi man lamang natakot ang taksil ding Juda. Naging masama rin siyang babae. Ito'y hindi niya ikinahiya, bagkus ay dinumihan ang lupain nang mangalunya siya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga bato at punongkahoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:7-8

Ang tanong nga ni Yahweh: “Bakit ko kayo patatawarin? Nagtaksil sa akin ang iyong mga anak at sumamba sa mga diyus-diyosan. Pinakain ko kayo hanggang sa mabusog, ngunit nangalunya pa rin kayo, at ginugol ang panahon sa babaing bayaran. Tulad nila'y mga lalaking kabayo, nagpupumiglas dahil sa matinding pagnanasa sa asawa ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:9

Nagnanakaw kayo, pumapatay, nangangalunya, nanunumpa sa hindi katotohanan, naghahandog kay Baal, at sumasamba sa mga diyus-diyosang hindi ninyo nakikilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:10

Sapagkat napakaraming tao sa lupaing ito ang hindi tapat kay Yahweh; ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa pagpapairal ng masama. Dahil sa kanyang sumpa, nagluksa ang buong lupain at natuyo ang mga pastulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:23

Ganito ang mangyayari sa kanila sapagkat kasuklam-suklam ang kanilang ginawa sa Israel. Sila'y nangalunya at ginamit pa ang aking pangalan sa kasinungalingan. Nalalaman ko ito at nasaksihan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 23:37

Sila'y naging mamamatay-tao at mapangalunya. Pinatay nila ang kanilang mga anak at inihandog sa kanilang diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 2:2

Pakiusapan mo ang iyong ina, pakiusapan mo siya, sapagkat hindi ko na siya itinuturing na asawa, at wala na akong kaugnayan sa kanya. Pakiusapan mo siyang itigil ang pangangalunya, at tigilan na ang kanyang kataksilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 4:13-14

Nag-aalay sila ng mga handog na susunugin sa mga sagradong bundok, at nagsusunog ng mga handog sa ibabaw ng mga burol, sumasamba sila sa ilalim ng mga ensina, alamo at roble, sapagkat mayabong ang mga ito at malawak ang lilim. Kaya't nakikipagtalik kahit kanino ang iyong mga anak na dalaga, at nangangalunya naman ang mga manugang mong babae. Gayunman, hindi ko paparusahan ang iyong mga anak na dalaga kahit sila'y magpakasama. Gayundin ang iyong mga manugang kahit na sila'y mangalunya; sapagkat ang mga lalaki ay nakikipagtalik din sa mga babae sa templo, at kasama nilang naghahandog sa mga diyus-diyosan. Ganyan winawasak ng mga taong hangal ang kanilang sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 7:4

Lahat sila'y mangangalunya; para silang nag-aapoy na pugon na pinababayaan ng panadero, mula sa panahon ng pagmamasa hanggang sa panahon ng pag-alsa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 9:1

Huwag kang magalak, Israel! Huwag kang magdiwang tulad ng ibang mga bansa, sapagkat naging tulad ka ng mahalay na babae. Tinalikuran mo ang iyong Diyos at nakipagtalik sa iba-ibang lalaki. Ikinatuwa mong ika'y isang babaing bayaran, kahit saang lugar ika'y sinisipingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 2:14-16

Itinatanong ninyo kung bakit. Saksi si Yahweh na kayo'y sumira sa pangako ninyo sa inyong asawang pinakasalan ninyo nang kayo'y kabataan pa. Sumira kayo sa pangako ninyo sa kanya, bagama't nangako kayong magiging tapat sa kanya. Hindi ba't pinag-isa kayo ng Diyos sa katawan at sa espiritu? Ang layunin niya ay upang maging tunay na mga anak ng Diyos ang inyong mga supling. Kaya't huwag ninyong pagtaksilan ang babaing pinakasalan ninyo nang kayo'y kabataan pa. “Nasusuklam ako sa pagpapalayas at paghihiwalay ng mga mag-asawa,” sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. “Napopoot ako sa taong gumagawa ng kalupitan sa kanyang asawa. Kaya nga maging tapat kayo sa inyong asawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19

Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:18

“Alin sa mga iyon?” tanong niya. Sumagot si Jesus, “Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 7:21-23

Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay nanggagaling sa puso at dahil sa mga ito ay nagiging marumi ang tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:11-12

Sinabi niya sa kanila, “Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa. Gayon din naman, ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:3-5

Dumating noon ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaing nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan, Maraming nakarinig nito ang naniwala sa kanya. Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa aking turo, kayo nga'y tunay na mga alagad ko. Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Sumagot sila, “Kami ay mula sa lahi ni Abraham, at kailanma'y hindi kami naalipin ninuman. Paano mo masasabing palalayain kami?” Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: ang gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. Ang alipin ay hindi kabilang sa pamilya sa habang panahon, subalit ang anak ay kabilang magpakailanman. Kung ang Anak ang magpalaya sa inyo, kayo nga'y magiging tunay na malaya. Alam kong kayo'y mula sa lahi ni Abraham, gayunma'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, sapagkat ayaw ninyong tanggapin ang aking turo. Ang nakita ko sa aking Ama ang siya kong sinasabi sa inyo, at ang narinig ninyo sa inyong ama ang siya namang ginagawa ninyo.” Sumagot sila, “Si Abraham ang aming ama.” Sinabi sa kanila ni Jesus, “Kung kayo'y tunay na mga anak ni Abraham, gagawin sana ninyo ang kanyang ginawa. at sinabi kay Jesus, “Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. Sinasabi ko lang ang katotohanang narinig ko mula sa Diyos ngunit pinagsisikapan ninyong ako'y patayin. Hindi ganoon ang ginawa ni Abraham. Ang ginagawa ninyo'y tulad ng ginawa ng inyong ama.” Sumagot sila, “Hindi kami mga anak sa labas. Iisa ang aming Ama, ang Diyos.” Sinabi ni Jesus, “Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama, inibig sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako nanggaling. Hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi isinugo niya ako. Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw ninyong tanggapin ang itinuturo ko? Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya'y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. Ayaw ninyong maniwala sa akin sapagkat katotohanan ang sinasabi ko sa inyo. Sino sa inyo ang maaaring magpatunay na ako'y nagkasala? At kung katotohanan ang sinasabi ko, bakit ayaw ninyong maniwala sa akin? Ang mula sa Diyos ay nakikinig sa mga salita ng Diyos, subalit ayaw ninyong makinig sa akin sapagkat kayo'y hindi mula sa Diyos.” Sinabi ng mga Judio kay Jesus, “Hindi ba tama ang sinabi naming ikaw ay Samaritano at sinasapian ng demonyo?” Sumagot si Jesus, “Hindi ako sinasapian ng demonyo. Pinaparangalan ko ang aking Ama ngunit ako'y nilalapastangan ninyo. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:10-11

Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?” “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”]

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan, kasakiman, maruruming pag-iisip, pagkainggit, pagpaslang, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahilig sa tsismis,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:18-20

Iwasan ninyo ang imoralidad. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi nakakasira sa katawan, ngunit ang gumagawa ng imoralidad ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan. Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan; Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? Kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyang kaliit na bagay? sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:2

Ngunit dahil sa lumalaganap na pakikiapid, bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:10-11

Sa mga may asawa, ito ang iniuutos ng Panginoon, hindi ako: huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung siya'y hihiwalay, manatili siyang walang asawa, o kaya'y muling makipagkasundo sa kanyang asawa. At huwag din namang hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 12:21

Nangangamba ako na pagpunta kong muli riyan, hiyain ako ng aking Diyos sa harapan ninyo, at itatangis ko ang karumihan, pakikiapid at kahalayang hindi pa pinagsisihan at tinatalikuran ng marami sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:3

Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:5

Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:5-6

Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya].

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 3:2

Kaya nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa, matino ang pag-iisip, marunong magpigil sa sarili, kagalang-galang, bukás ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:14-15

Kaya't para sa akin, mabuti pang sila'y mag-asawang muli, magkaanak at mag-asikaso ng tahanan, upang ang ating kaaway ay hindi magkaroon ng dahilan upang mapintasan tayo, sapagkat may ilan nang biyudang sumunod kay Satanas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:1-5

Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan. Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napagtiisan ko ang mga ito! At sa lahat ng ito ay iniligtas ako ng Panginoon. Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, samantalang ang masasama ay lalo namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din. Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain. Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Sila'y magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabuti. Sila'y magiging mga taksil, padalus-dalos, mayayabang, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos. Sila'y may anyo ng pagiging maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:4

Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:4

Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:3

Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, mga pagnanasa ng laman, paglalasing, walang habas na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:16

Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 2:14

Subalit may ilang bagay na ayaw ko sa iyo: may ilan sa inyo na sumusunod sa katuruan ni Balaam na nagturo kay Balac upang mahikayat ang mga Israelita na magkasala. Kaya't kumain sila ng mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at nakiapid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 2:20-22

Ngunit ito ang ayaw ko sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap na propeta, na turuan at linlangin ang aking mga lingkod upang makiapid at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. Binigyan ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang pakikiapid, ngunit ayaw niya. Kaya nga bibigyan ko siya ng malubhang sakit, pati ang mga kasama niya sa pangangalunya. Daranas sila ng matinding kapighatian kung hindi nila pagsisisihan at tatalikuran ang kahalayang ginawa nila sa piling ng babaing iyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 9:21

Ni hindi rin nila pinagsisihan ang kanilang mga pagpatay, pangkukulam, pakikiapid at pagnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:22

Ang magandang babae ngunit mangmang naman, ay tila gintong singsing sa nguso ng baboy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:8

Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay, ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:11

Kung magkagayon, wakas mo ay anong saklap, walang matitira sa iyo kundi buto't balat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:26

Babaing masama'y maaangkin sa halaga ng tinapay, ngunit bunga'y kasamaan sa buo mong pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 7:22

Maamo siyang sumunod sa babae at pumasok, parang bakang kakatayin, sa matador ay sumunod, mailap na usa, sa patibong ay nahulog,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 13:27

Nakita ko ang mga kasuklam-suklam na gawa mo: Ang iyong pagsamba sa mga diyus-diyosang nasa mga burol at kabukiran; tulad ng lalaking nagnanasa sa asawa ng kanyang kapwa, gaya ng kabayong lalaki na humahalinghing pagkakita sa isang kabayong babae. Nakatakda na ang iyong kapahamakan, Jerusalem! Kailan ka pa kaya magsisisi upang maging malinis ka?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:3-5

Halikayo, mga makasalanan upang hatulan. Wala kayong pagkakaiba sa mga mangkukulam, nangangalunya at babaing masasama. Sino ba ang inyong pinagtatawanan? Sino ba ang inyong hinahamak? Mga anak kayo ng sinungaling. Sinasamba ninyo ang mga diyus-diyosan sa pamamagitan ng pakikipagtalik habang nasa ilalim ng mga punong ensina na ipinalalagay ninyong sagrado. Sinusunog ninyo bilang handog ang inyong mga anak, sa mga altar sa may libis, sa loob ng mga yungib.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 23:43-44

“Nasabi ko sa aking sarili: Ang babaing iyon ay tumanda na sa pakikiapid. Gayunpaman, marami pa ring nakikipagtalik sa kanya sapagkat ang paglapit sa kanya'y tulad ng paglapit ng isang lalaki sa isang babaing mahalay. Ganoon sila lumalapit kina Ohola at Oholiba para isagawa ang kanilang kahalayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 1:7

Madudurog ang lahat ng imahen doon; masusunog ang lahat ng ibinabayad ng mga sumasamba roon. At ang mga diyus-diyosan doon ay mawawasak; sapagkat ang mga ito'y bayad sa mga upahang babae ng mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, kaya't iyon ay tatangayin ng kanilang mga kaaway.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 21:11

Hindi lamang iyon, nagtayo pa siya ng mga sambahan ng mga pagano sa mga burol ng Juda at nanguna sa mga taga-Jerusalem sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Siya ang nanguna sa mga taga-Juda para gumawa ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 24:15

Ang nakikiapid ay naghihintay na dumilim, nagtatakip ng mukha upang walang makapansin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 23:17

Pagkatapos ng pitumpung taon, muling lilingapin ni Yahweh ang lunsod ng Tiro. Manunumbalik ito sa dating pamumuhay at muling ibebenta ang sarili sa lahat ng kaharian sa daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 4:12

Sumasangguni ang aking bayan sa diyus-diyosang kahoy; itinatanong nila sa haliging kahoy kung ano ang dapat gawin. Sinasagot sila sa pamamagitan ng tungkod. Sila'y iniligaw ng masamang pamumuhay, at ipinagpalit nila sa kahalayan ang kanilang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:39

Sumagot si Jesus, “Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap kayo ng palatandaan ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Propeta Jonas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:1

Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:12-13

Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang may kamatayan upang hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:11

Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:18

ang makitang magnanakaw ang nagiging kaibigan, at taong mapang-apid ang siya ninyong kasamahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:20

Ngunit gaya ng taksil na asawa, iniwan mo ako. Hindi ka naging tapat sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 3:1

Sinabi sa akin ni Yahweh, “Umalis kang muli, at ipakita mo ang iyong pag-ibig sa iyong asawa bagaman siya'y nangangalunya. Sapagkat mahal pa rin ni Yahweh ang Israel kahit na sumamba sila sa ibang mga diyos at laging naghahandog sa mga ito ng tinapay na may pasas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:30

“Naging talamak na ang iyong kasamaan! Nagawa mo ang mga bagay na itong angkop lamang gawin ng isang babaing makapal na ang mukha dahil sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:10

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:13

Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 31:1

“Ako'y taimtim na nangako sa aking sarili, na di titingin nang may pagnanasa sa ibang babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Sinasamba kita, aking mahal na Hesus. Wala kang katulad, makatarungan at mabuti, dakila sa awa at pag-ibig, magpakailanman kang nabubuhay at nananatili. Amang Banal, salamat, dahil sa kabila ng aking mga pagkukulang at pagkakamali, ikaw ay tapat at maawain. Kinikilala ko na ikaw lamang ang may kapangyarihang baguhin at panibagin ang aking buhay. Hinihiling ko na turuan mo akong pahalagahan at igalang ang aking asawa. Nais kong mabuhay nang may pagsunod sa iyong mga utos, at maging tapat sa aming sumpaan sa kasal sa harap mo. Panginoon, bunutin mo sa aking isipan, damdamin, at kalooban ang anumang pagnanasa sa ibang taong hindi ko asawa, sapagkat iyong sinabi: "Ngunit ang nangangalabit ay kulang sa pang-unawa; sinisira niya ang kanyang sariling kaluluwa." Dalangin ko na ang iyong Espiritu Santo ang siyang gumabay at magbigay sa akin ng lakas upang mapaglabanan ang mga kahinaan ng laman at simulan ang pamumuhay na kalugod-lugod sa iyong harapan. Bigyan mo ako ng lakas na lumayo sa lahat ng nakatagong kasalanan. Ilagay mo sa aking puso ang pag-aalaga at paggalang sa aking kasal. Alisin mo ang lahat ng bagay na pumipigil sa akin sa pagkakasala upang maibalik ko ang aking relasyon sa iyo. Tinatalikuran ko ang lahat ng gawaing pangangalunya at pinapalaya ko ang apoy ng Diyos sa aking buhay upang sunugin ang lahat ng bagay na magiging dahilan ng aking pagkahulog sa anumang uri ng imoralidad. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas