Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


116 Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga Guro

116 Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga Guro

Napakahalaga ng gawain ng isang guro sa loob ng katawan ni Cristo. Sa pamamagitan ng mga itinuturo nila, napapatatag ang iglesia. Parang ilaw sila sa gitna ng kadiliman, nagbibigay liwanag sa mundong puno ng kalituhan, at naghahatid ng tamang salita para gabayan ang puso.

Isang malaking biyaya ang maging guro ng salita sa panahong ito dahil kailangang maituro sa mundo ang katotohanan ni Cristo. Kaya naman, mahalagang panatilihin ang malapit na relasyon sa Banal na Espiritu para lagi nating maunawaan ang mensahe ng Ama para sa kanyang mga anak.

Sa ganitong paraan, hindi tayo magtuturo ng maling aral na base lang sa sarili nating pag-iisip o karunungan, kundi sa karunungan ng Diyos. Kung ikaw ay isang guro, huwag kang lumihis sa salita ng Diyos at magsalita nang may pananagutan.

Mag-ingat sa pagtuturo ng hindi totoo dahil tandaan mo, hahatulan ka ng Panginoon sa lahat ng bagay. Sikapin mong huwag mapatawan ng kasalanan. Sabi nga sa Galacia 6:6, "Ang tinuturuan sa salita ay dapat makihati sa lahat ng mabubuting bagay sa kanyang guro."




Santiago 3:1

Mga kapatid, huwag basta-bastang maghangad na maging tagapagturo ang marami sa inyo, dahil alam ninyong mas mabigat ang paghatol sa aming mga nagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:5

Sa pakikinig nito, ang marunong ay lalong magiging marunong at ang may pinag-aralan ay magiging dalubhasa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:7

Pinakamahalaga sa lahat ang karunungan at pang-unawa. Sikapin mong magkaroon nito kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:2

Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:19-20

Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Biglang lumindol nang malakas, at isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang bato na nakatakip sa libingan at inupuan ito. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 5:12

Dapat mga tagapagturo na sana kayo dahil matagal na kayo sa pananampalataya, ngunit hanggang ngayon ay kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa salita ng Dios. Katulad pa rin kayo ng mga sanggol na nangangailangan ng gatas dahil hindi nʼyo pa kaya ang matigas na pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:11

Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:99

Mas marami ang aking naunawaan kaysa sa aking mga guro, dahil ang lagi kong pinagbubulay-bulayan ay ang inyong mga turo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 18:20

Ipagpatuloy mo rin ang pagtuturo mo sa kanila ng mga tuntunin at utos ng Dios. Turuan mo sila kung paano mamuhay at kung ano ang gagawin nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 13:13

Tinatawag nʼyo akong ‘Guro’ at ‘Panginoon’, at tama kayo dahil iyan nga ang totoo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:4-5

Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran. Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:22

Mabibigo ka kapag hindi ka humihingi ng payo tungkol sa iyong mga pinaplano, ngunit kapag marami kang tagapayo magtatagumpay ang mga plano mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:4

Dapat katulad ka ng isang sundalong nasa serbisyo; hindi siya nakikisangkot sa iba pang gawain para mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang opisyal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:2-3

Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang kasama ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga tagapag-alaga nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Dios. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila. Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo upang alagaan, kundi maging halimbawa kayo sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 7:16

Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi galing sa akin ang mga itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:16

Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:9

Kapag tinuruan mo ang isang taong marunong, lalo siyang magiging marunong. At kapag tinuruan mo ang isang taong matuwid, lalo pang lalawak ang kanyang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:29

dahil nangaral siya nang may awtoridad at hindi tulad ng kanilang mga tagapagturo ng Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:14-16

“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago. Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:14-15

Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga bagay na natutunan mo at pinanaligan, dahil alam mo kung kanino mo ito natutunan. Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan, na nakapagbibigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 44:23

Tuturuan nila ang mga mamamayan ko kung alin ang banal at hindi banal, kung alin ang malinis at hindi malinis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:1

Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay nagnanais ng karunungan, ngunit ang taong ayaw tumanggap ay hangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:42

Araw-araw ay pumupunta sila sa templo at sa mga bahay-bahay, patuloy ang kanilang pagtuturo at pangangaral ng Magandang Balita na si Jesus ang Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:66

Bigyan nʼyo ako ng kaalaman at karunungan, dahil nagtitiwala ako sa inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 18:26

Hindi siya natatakot magsalita sa sambahan ng mga Judio. Nang marinig nina Priscila at Aquila ang kanyang itinuturo, inimbitahan nila siya sa kanilang bahay at ipinaliwanag nila nang mabuti sa kanya ang pamamaraan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 15:35

Nanatili sina Pablo at Bernabe ng ilang araw sa Antioc. Marami silang kasamang nagtuturo at nangangaral ng salita ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:13

Habang wala pa ako riyan, gamitin mo ang panahon mo sa pagbabasa ng Kasulatan sa mga tao, sa pangangaral at pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:17

Ang mga namumuno sa iglesya na naglilingkod nang mabuti ay dapat bigyan ng nararapat na sahod, lalo na ang mga naglilingkod sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:15

Ang pagpalo sa bata upang siya ay ituwid ay makapagtuturo sa kanya ng karunungan, ngunit kung pababayaan lang siya, makapagbibigay siya ng kahihiyan sa kanyang magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:8

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita habang binabantayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 3:6

Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahan para maipahayag namin ang kanyang bagong pamamaraan para mailapit ang mga tao sa kanya. At ang bagong pamamaraan na ito ay hindi ayon sa isinulat na Kautusan kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:15

Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Dios, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:58

Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Magpakasipag kayo sa gawaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, dahil alam ninyo na hindi masasayang ang mga paghihirap ninyo para sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:28

Kaya nga ipinangangaral namin si Cristo sa lahat ng tao. Pinapaalalahanan at tinuturuan namin ang bawat isa ayon sa karunungang ibinigay sa amin ng Dios. Sa ganoon, maihaharap namin ang bawat isa sa Dios nang ganap sa pakikipag-isa nila kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:24

“Walang mag-aaral na mas higit sa kanyang guro, at walang aliping mas higit sa kanyang amo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:30

Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 13:14

Kung ako na Guro at Panginoon ninyo ay hinugasan ang inyong mga paa, dapat ay ganoon din ang gawin ninyo sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:20

Dinggin mo at sundin ang mga payo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali, at sa bandang huli ay magiging marunong ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:24-27

“Kaya ang sinumang nakikinig at sumusunod sa aking mga sinasabi ay katulad ng isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato. Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa matibay na pundasyon. Ngunit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita pero hindi naman ito sinusunod ay parang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin. Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, nagiba ito at lubusang nawasak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:6

Ang mga tinuturuan ng salita ng Dios ay dapat na tumulong at magbigay sa mga nagtuturo sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:14

Babagsak ang bansa kung ang namumuno nito ay walang gumagabay, ngunit kung maraming tagapayo tiyak ang tagumpay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:135

Ipakita nʼyo sa akin na inyong lingkod ang inyong kabutihan, at turuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:7

Magpakita ka ng mabuting halimbawa sa lahat ng bagay. Maging tapat ka at taos-puso sa iyong pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:6

Ang nais nʼyo ay isang pusong tapat, kung kayaʼt ipagkaloob nʼyo sa aking kaloob-looban ang karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:14

Mga kapatid, lubos akong naniniwala na puno kayo ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalala sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:11-12

Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran. Kung susundin mo ito, walang makakasagabal sa buhay mo at maliligtas ka sa anumang kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:6-7

Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:13

Ako ang magtuturo sa iyong mga mamamayan, at magiging mabuti ang kanilang kalagayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:4

Ang bawat salinlahi ay magsasabi sa susunod na salinlahi ng tungkol sa inyong makapangyarihang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:24-25

“Walang mag-aaral na mas higit sa kanyang guro, at walang aliping mas higit sa kanyang amo. Sapat na sa isang mag-aaral na maging katulad ng kanyang guro, at sa alipin na maging katulad ng kanyang amo. Kung akong pinuno ninyo ay tinatawag nilang Satanas, gaano pa kaya kasama ang itatawag nila sa inyong mga tagasunod ko?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19-20

Tandaan nʼyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit. Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:105

Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:21

Ang marunong ay kinikilalang may pang-unawa, at kung siyaʼy magaling magsalita marami ang matututo sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 2:11-12

Alam ninyong katulad ng isang ama sa kanyang mga anak ang turing namin sa bawat isa sa inyo. Pinalakas namin ang loob nʼyo, pinayuhan at hinikayat na mamuhay nang karapat-dapat sa Dios na humirang sa inyo para sa kanyang kaharian at kadakilaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:11-12

Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro. Ginawa niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga pinabanal, at para lumago at maging matatag sila bilang katawan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:171

Lagi akong magpupuri sa inyo, dahil tinuturuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:14

Nagdadagdag ng kaalaman ang taong may karunungan, ngunit ang mga hangal ay nagsasalita tungo sa kanyang kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:8

kung pagpapayo, magpayo siya nang mabuti; kung pagbibigay, magbigay siya nang maluwag; kung pamumuno, mamuno siya nang buong sikap; at kung pagtulong sa nangangailangan, tumulong siya nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:10

Tingnan mo kung magturo siya; paisa-isang letra, paisa-isang linya, at paisa-isang aralin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:130

Ang pagpapahayag ng inyong mga salita ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao at karunungan sa mga wala pang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:9

Ipamuhay nʼyo ang lahat ng natutunan nʼyo at tinanggap mula sa akin, sa salita at sa gawa, at sasainyo ang Dios na nagbibigay ng kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:15

Alalahanin nʼyo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:7

Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga walang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:22

Kapag may karunungan ka, buhay moʼy bubuti at hahaba; ngunit kung hangal ka, parurusahan ka dahil sa iyong kahangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:10

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Magkaisa kayo sa isip at layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:6

Ang taong nangungutya ay hindi magkakaroon ng karunungan kahit ano pa ang kanyang gawin, ngunit ang taong may pang-unawa ay madaling matututo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:12

Purihin kayo Panginoon! Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:3-4

Ganoon din sa mga nakatatandang babae: turuan mo silang mamuhay nang maayos bilang mga mananampalataya. Huwag silang mapanira sa kapwa, at huwag maging mahilig sa alak. Dapat ay ituro nila ang mabuti, upang maturuan nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa at mga anak,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:26-27

Kayong lahat ay mga anak ng Dios dahil sa pananampalataya ninyo kay Cristo Jesus. Sapagkat binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo at namumuhay kayong katulad niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:15

Sapagkat kahit marami ang nag-aalaga sa inyong pamumuhay Cristiano, iisa lamang ang inyong ama sa pananampalataya. At ako ang inyong ama, dahil naging anak ko kayo sa pananampalataya kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:12

Huwag kayong maging tamad, sa halip, tularan nʼyo ang mga tao na tumatanggap ng mga ipinangako ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya nila at pagtitiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:13

Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:12-13

Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na pahalagahan ninyo ang mga naglilingkod sa inyo na pinili ng Panginoon para mamuno at mangaral sa inyo. Ibigay nʼyo sa kanila ang lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa gawain nila. Mamuhay kayo nang may mabuting pakikitungo sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:23-24

Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. Alam naman ninyong may gantimpala kayong matatanggap sa Panginoon, dahil si Cristo na Panginoon natin ang siyang pinaglilingkuran ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:2

Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Dios sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36-37

Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kwentang salitang binitiwan niya. Sapagkat ibabatay sa mga salita mo kung paparusahan ka o hindi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:101

Iniiwasan ko ang masamang pag-uugali, upang masunod ko ang inyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:5

Ang bawat salita ng Dios ay tunay na mapagkakatiwalaan. Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:148

Akoʼy nagpuyat ng buong magdamag, upang pagbulay-bulayan ang inyong mga pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:4

Ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan noong unang panahon ay isinulat para turuan tayo. At sa pamamagitan ng Kasulatan, tayoʼy magiging matatag at malakas ang loob, at magkakaroon ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:11

Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin. Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayo ng pagkatakot sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:5

Ang taong marunong ay malaki ang maitutulong upang lalong lumakas ang mga nakikipaglaban,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo sa karunungan, humingi siya sa Dios at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:7

Patuloy kayong lumago at tumibay sa kanya. Magpakatatag kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at maging mapagpasalamat din kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:174

Panginoon, nananabik ako sa inyong pagliligtas. Ang kautusan nʼyo ay nagbibigay sa akin ng kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:10-11

Pahalagahan ninyo ang karunungan at ang pagtutuwid ko sa inyong ugali kaysa sa pilak at ginto. Sapagkat higit na mahalaga ang karunungan kaysa sa mamahaling hiyas at hindi ito matutumbasan ng mga bagay na hinahangad mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:20-21

Para kayong pinakain at pinainom ng Panginoon ng kapighatian at paghihirap. Pero kahit na ginawa niya ito sa inyo, siya na guro ninyo ay hindi magtatago sa inyo. Makikita ninyo siya, at maririnig ninyo ang kanyang tinig na magtuturo sa inyo ng tamang daan, saan man kayo naroroon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:22

Ikukuwento ko sa aking mga kababayan ang lahat ng tungkol sa inyo. At sa gitna ng kanilang pagtitipon, kayo ay aking papupurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:18

Sa halip, lumago kayo sa biyaya ng Dios at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Purihin siya ngayon at magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:5

Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:11-12

Gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo ay hindi gawa-gawa lang ng tao. At hindi ko rin ito tinanggap o natutunan mula sa mga tao, kundi ipinahayag mismo sa akin ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:21

Sumagot ang amo niya, ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking kaligayahan!’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 5:14

Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may mga sapat na gulang na, at alam na kung ano ang mabuti at masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:1-5

Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo. Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan. Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito. Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama. Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag-uugali at sumunod sa pamamaraan ng mga nasa kadiliman. Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito. Masama ang pag-uugali nila at hindi matuwid ang kanilang pamumuhay. Ilalayo ka ng karunungan sa masamang babaeng gustong umakit sa iyo sa pamamagitan ng kanyang matatamis na salita. Iniwan ng ganyang babae ang napangasawa niya noong kanyang kabataan. Kinalimutan niya ang pangako niya sa Dios nang silaʼy ikasal. Kapag pumunta ka sa bahay niya, para ka na ring pumunta sa kamatayan. Sapagkat ito ang daan tungo sa daigdig ng mga patay. Kung sino man ang pupunta sa kanya ay hindi na makakauwi; makakalimutan na niya ang daan patungo sa lugar ng mga buhay. Pakinggan mo kung ano ang makapagbibigay sa iyo ng karunungan at kaalaman. Kaya tularan mo ang pamumuhay ng mabubuting tao at mamuhay ka ng matuwid. Sapagkat ang taong namumuhay nang matuwid at walang kapintasan ay mabubuhay nang matagal dito sa daigdig. Ngunit ang masasama at mga mandaraya ay palalayasin. Bubunutin sila na parang mga damo. Pagsikapan mong magkaroon ng pang-unawa, na parang naghahanap ka ng pilak o anumang nakatagong kayamanan. Kung gagawin mo ito, malalaman mo kung ano ang pagkatakot sa Panginoon at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:7

At ito ang dahilan ng pagkahirang ko bilang apostol at tagapangaral sa mga hindi Judio tungkol sa pananampalataya at katotohanan. Totoo ang sinasabi ko, at hindi ako nagsisinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya pagsikapan nating gawin lagi ang mga bagay na magbibigay ng kapayapaan at makakapagpatibay sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:24

Ang inyong mga turo, ay nagbibigay sa akin ng kagalakan, at nagsisilbing tagapayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:31

Ang katandaan ay tanda ng karangalan na matatanggap ng taong namumuhay sa katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:13-14

Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap. Tulad ng isang manlalaro, nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Dios na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:1-2

Mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang mga pagtutuwid ng inyong ama sa inyong pag-uugali, upang lumawak ang inyong pang-unawa. Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay. Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran. Kung susundin mo ito, walang makakasagabal sa buhay mo at maliligtas ka sa anumang kapahamakan. Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito. Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama. Iwasan mo ito at patuloy kang mamuhay nang matuwid. Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak. Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan. Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal. Pero ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak. Mabuti ang itinuturo kong ito, kaya huwag ninyong ipagwalang bahala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10-11

Binigyan ng Dios ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang mabubuting katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Dios. Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng salita ng Dios. At ang binigyan ng kaloob para maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang ibinigay sa kanya ng Dios, upang mapapurihan ang Dios sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Makapangyarihan siya at karapat-dapat purihin magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:11

Ang mga salita ng marunong ay parang matulis na tungkod na pantaboy ng pastol sa paggabay sa kanyang kawan o parang pakong nakabaon. Ibinigay ito ng Dios na tangi nating tagabantay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:20

Para kayong pinakain at pinainom ng Panginoon ng kapighatian at paghihirap. Pero kahit na ginawa niya ito sa inyo, siya na guro ninyo ay hindi magtatago sa inyo. Makikita ninyo siya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 12:3

Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan at nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang matuwid ay magniningning na parang bituin sa langit magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:19

Kaya ang sinumang lumabag sa pinakamaliit na bahagi ng Kautusan, at magturo sa iba na lumabag din ay ituturing na pinakamababa sa kaharian ng Dios. Ngunit ang sinumang sumusunod sa Kautusan, at nagtuturo sa iba na sumunod din ay ituturing na dakila sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:40

Walang mag-aaral na mas higit sa kanyang guro. Ngunit kapag lubusan nang naturuan, magiging katulad siya ng kanyang guro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:7

Kung ang kaloob niya ay paglilingkod sa kapwa, maglingkod siya. Kung pagtuturo, magturo siya;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:21

Ang mga taong lumalayo sa kasamaan ay nabibilang sa mga kasangkapang ginagamit sa mahahalagang okasyon. Nakatalaga sila sa Panginoon, kapaki-pakinabang sa kanya, at laging handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathalang Manunubos! Sa araw na ito, tumatawag ako sa'yo at hinahanap ang iyong mukha upang magbigay sa'yo ng papuri at karangalan. Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, nais kong magpasalamat sa ministeryong ipinagkaloob mo sa akin bilang guro. Panginoon, nawa'y gabayan mo ako na magturo nang may pagmamahal, pag-iingat, karunungan, pagtitiis, at kahusayan ayon sa iyong kalooban. Tulungan mo akong magsalita at kumilos sa pamamagitan ng iyong Espiritu Santo, nang may awa at habag, upang ang hangarin ko lamang na kabutihan at paglago sa iyong salita ay maibahagi sa bawat makikinig sa akin. Bigyan mo ako ng pusong marunong at maunawain upang maibahagi ko ang nais mong sabihin ko sa pamamagitan ko, Panginoon. Sabi mo sa iyong salita: "Kaya't kung linisin ng sinuman ang kanyang sarili mula sa mga bagay na ito, siya'y magiging sisidlan para sa karangalan, banal, kapaki-pakinabang sa Panginoon, at handa para sa bawat mabuting gawa." Nais kong maipabatid sa kanila ang iyong mga katangian Hesus, ang mga nasa ng iyong puso, at kung sino ka para sa iyong simbahan. Tulungan mo akong magturo nang may kahinahunan at katatagan tulad ng ginawa mo, tulungan mo akong ituwid ang kanilang mga pagkakamali at pagkukulang. Gawin mo akong instrumento upang maturuan sila na maging tagapagtayo ng katarungan at kapayapaan, katapatan, kapatiran at pagpapatawad, tagapagtanggol ng buhay at katotohanan sa mga disipulong ipinagkaloob mo sa akin. Nawa'y sa aking kababaang-loob ay maibahagi ko sa kanila ang pananampalataya, at maiparating ang pag-asa upang maipasa rin nila ito sa iba. Sa pangalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas