Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


146 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Kahirapan

146 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Kahirapan

Sa salita ng Diyos, mababasa natin ang paghimok Niya sa atin na tumulong sa mga mahihirap at alagaan ang mga nasa mahirap na kalagayan. Ang puso Niya ay lumuluha para sa mga nangangailangan, at hinihikayat tayong kumilos para sa kanila!

Bilang mga anak ng Diyos, dapat nating tandaan na ang banal na kasulatan ay nagpapahayag ng karunungan, pagtutuwid, disiplina, at higit sa lahat, ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos. Doon, kinakausap tayo ng Panginoon na magbigay ng ginhawa at tulong sa mga dukha at nangangailangan sa mundong ito.

“Huwag mong ipagkait ang mabuti sa kaniya na nararapat, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin. Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay bibigyan kita; pagka nasa iyo ang bagay.” (Kawikaan 3:27-28)

Makikita natin sa Lumang Tipan at Bagong Tipan ang hangarin ng Diyos na magpakita ng habag ang Kanyang mga anak sa mga mahihirap at nangangailangan. Sinabi ni Hesus na ang mga mahihirap ay laging kasama natin. Sinabi rin Niya na ang mga nagpapakita ng awa sa mga mahihirap, maysakit, at nangangailangan ay naglilingkod mismo sa Kanya (Mateo 25:35-40), at dahil dito, sila ay gagantimpalaan.

Kaya, ang payo ko sa iyo ngayon, huwag kang mag-atubiling gumawa ng mabuti. Maging instrumento ng pagpapala sa mga nawawalan na ng pag-asa at mag-iwan ng marka ng pagmamahal sa mundong ito na puno ng galit at kawalang-bahala.


Filipos 4:12

Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:20

Tumingin si Jesus sa mga alagad, at sinabi, “Pinagpala kayong mga dukha, sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:3

“Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:17

Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:7

May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman, ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:12

Gumising ka, O Yahweh, at ang masasama'y parusahan, silang mga naghihirap ay huwag mong kalimutan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:18

Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:35

Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:9

Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:10

Ang tingin sa amin ay nalulungkot, gayong kami'y laging nagagalak; mga dukha, ngunit marami kaming pinapayaman; mga walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:9

Tulad ng nasusulat, “Siya'y masaganang nagbibigay sa mga dukha; ang kanyang kabutihan ay walang hanggan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:2

Kay Yahweh ay pareho ang mayama't mahirap, pagkat siya ang may lalang sa kanilang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:5

Mga kapatid kong minamahal, makinig kayong mabuti! Hindi ba't pinili ng Diyos ang mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:6

Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:3

Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 14:13-14

Subalit kapag ikaw ay maghahanda, anyayahan mo ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay, at mga bulag. Kapag ganito ang ginawa mo, pagpapalain ka, dahil hindi man nila masuklian ang ginawa mo, ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng gantimpala sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:31

Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:11

Sumagot siya sa kanila, “Sinumang mayroong dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Gayon din ang gawin ng sinumang may pagkain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 12:5-6

“Bakit hindi na lamang ipinagbili ang pabango at ibinigay sa mga dukha ang pinagbilhan? Maaaring umabot sa tatlong daang salaping pilak ang halaga ng pabangong iyan!” At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya't ang ipinapasabi ng Ama ang siya kong ipinapahayag.” Sinabi iyon ni Judas, hindi dahil sa siya'y may malasakit sa mga dukha, kundi dahil sa siya'y magnanakaw. Siya ang tagapagdala ng kanilang salapi, at madalas niyang kinukupitan ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:22

Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan, higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:14

“Huwag ninyong ipagkakait ang kaukulang bayad sa inyong mahihirap at nangangailangang manggagawa, maging siya ma'y kapwa Israelita o dayuhan na nakikipamayan sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:3

At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:18

“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:11

Sapagkat palagi ninyong makakasama ang mga dukha, ngunit ako'y hindi ninyo makakasama palagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:25

Mula pagkabata't ngayong tumanda na, sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos nagpabaya; o ang anak niya'y naging hampaslupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:10

Ang hiling lamang nila ay huwag naming kakaligtaan ang mga dukha, na siya namang masikap kong ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:17

Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:27

Ang tumutulong sa mahirap ay di magkukulang, ngunit susumpain ang nagbubulag-bulagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:16

Pagkat mga taong iyo'y wala namang natulungan, bagkus pa ang mahirap inuusig, pinapatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:25

“Kapag nangutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga nagpapatubo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:15

Ang kayamanan ng mayama'y matibay niyang tanggulan, ngunit ang kahirapan ng yagit ay kanyang kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:12-13

Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap; sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:33

Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! Gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nauubos. Doo'y walang magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:1

Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap, si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:8-9

Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:21

Sumagot si Jesus, “Kung ibig mong maging ganap, ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:4

Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap, mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap; at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:24-25

Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay. Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:5

Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:17-19

Ang mayayaman sa materyal na bagay ay utusan mong huwag magmataas at huwag umasa sa kayamanang lumilipas. Sa halip, umasa sila sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan. Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-impok sila para sa mabuting pundasyon sa hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:33

Dinirinig ng Diyos ang may kailangan, lingkod na bilanggo'y di nalilimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:5

Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:22

Pagkarinig nito ay sinabi ni Jesus, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi ang pinagbilhan sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka, at sumunod ka sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:42

Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:96

Nabatid kong sa daigdig, walang ganap na anuman, ngunit ang iyong mga utos walang hanggan yaong saklaw. (Mem)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:26

Sapagkat minabuti ng mga taga-Macedonia at taga-Acaya na magpadala ng tulong para sa mga mahihirap na kapatid sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:8

Huwag kang magtataka kung makita mong ang mahihirap ay inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Alalahanin mong ganoon din ang ginagawa ng nakatataas sa kanila at bawat pinuno ay may nakasasakop ding mas mataas na pinuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:4

Ikaw ang tunay na kanlungan ng mahihirap, at mga nangangailangan, matatag na silungan sa panahon ng unos at nakakapasong init. Sa harap mo'y mabibigo ang mararahas, sila'y parang bagyong humahampas sa matibay na pader.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:20

Ang taong mahirap kadalasa'y tinatalikuran, ngunit ang mayaman ay maraming kaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:19-31

“May isang mayamang laging nakasuot ng mamahaling damit at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. Kaya't ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ibigay mo sa akin ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ May isa namang pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugat sa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman sa hangad na matapunan man lamang ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng mga aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay, natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham. Kaya't sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako'y naghihirap sa apoy na ito.’ Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa, at si Lazaro naman ay nagtiis ng kahirapan. Subalit ngayon ay inaaliw siya rito samantalang ikaw nama'y nagdurusa riyan. Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya't ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’ “Ngunit sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap kong papuntahin na lamang ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama, sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila'y bigyang-babala at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga kasulatan ni Moises at ng mga propeta; iyon ang kanilang pakinggan.’ Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. Sumagot ang mayaman, ‘Hindi po sapat ang mga iyon. Ngunit kung magpapakita sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, magsisisi sila't tatalikuran ang kanilang mga kasalanan.’ Sinabi naman sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:2

Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay; maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:9

Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain, at tiyak na ikaw ay pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:5

Ang mapagpautang nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7

Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:13

Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:176

Para akong isang tupa na nawala at nawalay, hanapin mo ang lingkod mo, ako ngayon ay lapitan, pagkat ako ay sumunod sa lahat mong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 15:7-8

“Pagdating ninyo sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, huwag ninyong pagkakaitan ng tulong ang mga kababayan ninyong nangangailangan. Sa halip, ibukas ninyo sa kanila ang inyong mga palad at pahiramin sila ng anumang kailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:11

Sa ikapitong taon, huwag ninyo itong tatamnan at huwag din ninyong aanihin ang anumang tutubo roon. Bayaan na ninyo iyon sa mga kapatid ninyong mahirap, at ang matira ay ipaubaya na ninyo sa mga maiilap na hayop. Ganoon din ang gagawin ninyo sa inyong mga ubasan at taniman ng olibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:1-4

Pakinggan ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. Sinasabi nating pinagpala ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon. Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa. Huwag ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit, o ang lupa, o ang ano pa man.” Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman? Umawit siya ng papuri sa Diyos. May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. Si Elias ay isang tao na tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman. Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming kasalanan. Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na tutupok sa inyong laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw. Sumisigaw ang mga manggagawa sa inyong mga bukirin dahil hindi ninyo ibinibigay ang kanilang mga sahod. Umabot na sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:24

“Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:7-9

Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:13

Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:17-18

Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad. Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila, upang wala nang taong mananakot ng kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:9

Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging dukha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:14-15

“Huwag ninyong ipagkakait ang kaukulang bayad sa inyong mahihirap at nangangailangang manggagawa, maging siya ma'y kapwa Israelita o dayuhan na nakikipamayan sa inyo. Bago lumubog ang araw, ibigay na ninyo sa kanya ang sweldo niya para sa maghapon sapagkat iyon lamang ang inaasahan niya sa buhay. Kapag hindi ninyo ibinigay agad, at dumaing siya kay Yahweh, iyon ay pananagutan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:10

At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod, ang mahirap nilang buhay sa pagpapala'y pinuspos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:16

Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman ay mauuwi rin sa karalitaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:20-21

May isa namang pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugat sa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman sa hangad na matapunan man lamang ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng mga aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:75

Nababatid ko, O Yahweh, matuwid ang iyong batas, kahit ako'y pagdusahin, nananatili kang tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:29

Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:11

Ang palagay ng mayaman ay marunong siya, ngunit ang mahirap na may unawa ay mabuti pa sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:5-6

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:23-24

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo: napakahirap sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng langit! Sinasabi ko rin sa inyo: mas madali pang makadaan sa butas ng karayom ang isang kamelyo, kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:13

sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:12

Ang tulong na magagawa ng karunungan sa tao ay tulad ng magagawa ng salapi. Ang tao'y maililigtas ng kanyang karunungan, at ito ang kabutihan ng kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:24

“Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman ngayon, sapagkat natamasa na ninyo ang kaginhawahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 88:15

Mula pagkabata ako'y nagtiis na, halos ikamatay; ang iyong parusa'y siyang nagpahina sa aking katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 132:15

Ang lahat ng bagay na hingin ng Zion, aking ibibigay, hindi magugutom ang dahop sa buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:7

Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito'y balewala sa mga taong swapang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:25

“Kung may ibig magsakdal sa iyo, makipag-ayos ka agad sa kanya bago makarating sa hukuman ang inyong kaso. Kung hindi ay dadalhin ka niya sa hukom, at ibibigay ka nito sa tanod, at ikukulong ka naman sa bilangguan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 137:6

di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitin sa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin, kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:28

Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman, ngunit ang matuwid ay giginhawa, tulad ng sariwang halaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:10

Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:10

Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:4

Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:36

Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:3-5

Igalang mo ang mga biyudang wala nang ibang maaasahan sa buhay. Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos. Ang biyuda na walang ibang maaasahan sa buhay ay sa Diyos na lamang umaasa, kaya't patuloy siyang nananalangin araw at gabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:4

Ang kamay na tamad ay tiyak na magdarahop, ngunit magbubunton ng yaman ang kamay na masinop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:32

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:70-72

Ang kinuhang pangunahi'y sa mahirap pa hinugot, isang pastol ang napili, si David na kanyang lingkod. Ang alagang dati nito ay kawan ng mga hayop, nang maghari sa Israel, nanguna sa bayan ng Diyos. Matuwid na namahala, namalakad na mahusay, lubos silang kinalinga sa tulong niya at patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:15

At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:41

Ngunit itataas ang nangagdurusa't laging inaapi, parang mga kawan, yaong sambahayan nila ay darami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:24

Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya't dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba't ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:6

“Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo: Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:20

Iniingatan mo sila at kinakalinga, laban sa balak ng taong masasama; inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan, upang hindi laitin ng mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:1-3

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:10

Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito man ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:7

Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:29

Naghihirap ako't mahapdi ang sugat, O Diyos, ingatan mo, ako ay iligtas!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:9

Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:35

Sapagkat ako'y nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at ako'y inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:1

Mga kapatid ko, bilang mga mananampalataya kay Jesu-Cristo na ating maluwalhating Panginoon, dapat maging pantay-pantay ang tingin ninyo sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:10

Buhat sa puso ko'y aking ihahayag, “Tunay ikaw, Yahweh, ay walang katulad! Iniingatan mo laban sa malakas, ang mga mahihina't taong mahihirap, at sa nang-aapi, sila'y ililigtas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:31

pagkat siya'y laging handang tumulong sa mahihirap, na lagi nang inuusig at ang gusto'y ipahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:9

Nagbibigay sa mga nangangailangan, pagiging mat'wid niya'y walang hanggan, buong karangalang siya'y itataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:2

Ang yamang buhat sa masama ay di papakinabangan, ngunit ang katuwiran ay maglalayo sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:4

Si Yahweh ay nagagalak sa kanyang mga hirang, sa mga mapagpakumbaba'y tagumpay ang ibibigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:7

Mula kapanglawa'y itong mahihirap, kanyang itinataas, kanyang nililingap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:14

Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami po naman, ano ang dapat naming gawin?” “Huwag kayong kukuha ng pera kaninuman nang sapilitan o sa pamamagitan ng hindi makatuwirang paratang, at masiyahan kayo sa inyong sweldo,” sagot niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:17

“Kapag inabot ng matinding uhaw ang aking bayan, na halos matuyo ang kanilang lalamunan, akong si Yahweh ang gagawa ng paraan; akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 41:30

Ang kasunod naman nito'y pitong taon ng taggutom at dahil sa kapinsalaang idudulot nito, malilimutan na sa Egipto ang nagdaang panahon ng kasaganaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:21

Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:24

Mga dukha'y di niya pinababayaan at hinahamak, hindi siya umiiwas sa humihingi ng paglingap; sinasagot niya agad ang mga kapus-palad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:18

Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:16-17

Pagkat mga taong iyo'y wala namang natulungan, bagkus pa ang mahirap inuusig, pinapatay. Mahilig sa pagsumpa, kaya dapat na sumpain, yamang ayaw na magpala, di dapat pagpalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:10

kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin, at tutulungan ang mahihirap, sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman, at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:3

Ang matuwid ay binibigyan ni Yahweh ng kasiyahan, ngunit ang masama'y kanyang ginugutom naman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:35

Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho ay dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na pinagpala ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:19-21

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:10

Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:24

Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:10

Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:23

Ang bukid ng mahihirap, may pangakong kasaganaan, ngunit ito'y nasasayang dahil sa kawalan ng katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:3-4

Sinabi niya, “Ang inihandog ng dukhang biyudang iyon ay higit pa sa inihandog nilang lahat. Kapag nagkakadahon na ang mga ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang kaharian ng Diyos. Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago lumipas ang salinlahing ito. Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman.” “Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa. Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao.” Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa Templo. Kung gabi nama'y umaalis siya at nagpapalipas ng magdamag sa Bundok ng mga Olibo. Maaga pa'y pumupunta na sa Templo ang mga tao upang makinig sa kanya. Ang inilagay nila ay bahagi lamang ng kanilang kasaganaan, ngunit ang kanyang ibinigay ay ang buo niyang kabuhayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:6

anumang nais ni Yahweh sa langit man o sa lupa, at kahit sa karagatan, ang anumang panukala, ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:14

Kung ang pagtingin ng hari ay pantay-pantay, magiging matatag magpakailanman ang kanyang kaharian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:6

Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo; noong ako ay manganib, iniligtas niya ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:17-18

Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:45

Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:30

Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:5-7

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan. Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:16

Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y balewala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:39

Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:6

Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:28

Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 20:26-28

Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo. Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming nasa langit, ang buong pagkatao ko'y sumasamba at nagpupuri sa iyong kadakilaan. Pinupuri ko ang iyong pangalan at ang kagandahan ng iyong kabanalan. Napatunayan ko na ikaw ay mabuti at tinatawag mo akong ipakita ang iyong pag-ibig dito sa lupa. Kaya naman sa oras na ito, itinataas ko ang aking mga kamay sa langit, upang idalangin ang mga mahihirap sa mundong ito. O Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga pangangailangan. Hinihiling ko na ang iyong awa at pagmamahal ay sumapit sa kanila, na ang iyong biyaya at pabor ay mapasa kanila, na bigyan mo sila ng lakas na kailangan nila upang magpatuloy. Iligtas mo sila sa kasamaan ng mga nagbabalak na manakit sa kanila. Ipagtanggol mo sila mula sa mga mapang-api at mga nagpapahirap. Bigyan mo sila ng iyong biyaya, mahal na Diyos, upang madama nila ang iyong kabutihan at mapuno ng pag-asa ang kanilang mga mata para sa isang mas magandang kinabukasan sa iyo. Ipakita mo sa kanila ang iyong pagmamahal at tulungan mo kaming maging instrumento ng iyong pagpapala para sa kanila. Alisin mo ang kawalang-pakialam sa iyong mga anak at nawa'y lagi kaming handang magbigay ng aming tinapay sa nagugutom at tubig sa nauuhaw. Sa ngalan ni Hesus, hinihiling namin na ingatan mo sila, na ibigay mo ang lahat ng kanilang pangangailangan, at pagpalain mo ang kanilang mga buhay. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas