Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


158 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagbisita sa Maysakit

158 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagbisita sa Maysakit

Alam mo ba, malaking bahagi ng ministeryo ni Hesus ang pagpapagaling ng mga maysakit. Nabanggit nga sa Mateo 4:24 na dinala sa Kanya ang lahat ng maysakit, may iba't ibang karamdaman at paghihirap. Kapag dinadalaw natin ang mga maysakit, sinusundan natin ang halimbawa ni Hesus—nagpapakita tayo ng malasakit at nagbibigay ng suporta sa gitna ng kanilang pinagdadaanan.

Kapag dumadalaw tayo sa may sakit, inilalagay natin ang ating sarili sa kanilang kalagayan. Ramdam natin ang sakit at hirap na kanilang nararanasan. Dahil dito, nagiging sensitibo tayo sa kanilang mga pangangailangan at nabibigyan natin sila ng kapanatagan. Maaari din tayong manalangin para sa kanilang kagalingan at kalakasan. Ang panalangin ay isang makapangyarihang instrumento na nag-uugnay sa atin sa Diyos at nagbibigay ng pag-asa sa oras ng pagsubok.

Madalas, nalulungkot at nawawalan ng pag-asa ang mga taong may dinaramdam. Ang pagdalaw natin ay nagpapakita sa kanila na hindi sila nag-iisa at may nagmamalasakit sa kanila. Tandaan mo, ang simpleng pagpapakita ng kabaitan at pagmamahal ay malaking bagay na para sa kanila.

Higit sa lahat, sa pagdalaw natin sa mga maysakit, may pagkakataon tayong ibahagi ang pagmamahal ng Diyos. Maipaparamdam natin sa kanila ang pag-asa na matatagpuan kay Kristo at mabibigyan natin sila ng lakas ng loob.




Mateo 25:36

at nang wala akong maisuot ay binihisan ninyo. Nang may sakit ako ay inalagaan ninyo, at nang nasa kulungan ako ay binisita ninyo.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:8

Pagalingin nʼyo ang mga may sakit, buhayin ang mga patay, pagalingin ang mga may malubhang sakit sa balat para maituring silang malinis, at palayasin ang masasamang espiritu. Tinanggap ninyo ang kapangyarihang ito nang walang bayad, kaya ipamahagi rin ninyo nang walang bayad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:2

Panginoon kong Dios, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinagaling nʼyo ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:3

Tutulungan siya ng Panginoon kung siya ay may sakit, at pagagalingin siya sa kanyang karamdaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 6:56

Kahit saan siya pumunta, sa nayon, sa bayan, o sa kabukiran, dinadala ng mga tao ang mga may sakit sa kanila sa mga lugar na pinagtitipunan ng mga tao. Nagmamakaawa sila kay Jesus na kung maaari ay pahipuin niya ang mga may sakit kahit man lang sa laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng nakahipo ay gumaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:2

Pagkatapos, sinugo niya sila upang mangaral tungkol sa paghahari ng Dios at magpagaling ng mga may sakit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:12

Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Hindi ang mga walang sakit ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga may sakit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:15

Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng may sakit. Ibabangon siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:3

Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:14

Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga namumuno sa iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 8:16

Nang magtakip-silim na, maraming sinasaniban ng masasamang espiritu ang dinala ng mga tao kay Jesus. Sa isang salita lang, pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang mga may sakit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:5

Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 30:17

Ngunit gagamutin at pagagalingin ko ang mga sugat nʼyo kahit na sinasabi ng iba na kayong mga taga-Jerusalem ay itinakwil at pinabayaan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:24

Si Cristo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, para iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:15

Dahil sa mga himalang ginawa ng mga apostol, dinala ng mga tao ang mga may sakit sa tabi ng daan at inilagay sa mga higaan, para pagdaan ni Pedro ay madadaanan sila kahit anino man lang nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 2:17

Narinig iyon ni Jesus, kaya sinagot niya ang mga ito, “Ang mga taong walang sakit ay hindi nangangailangan ng doktor, kundi ang mga may sakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid sa kanilang sariling paningin, kundi ang mga makasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:14

Panginoon, pagalingin nʼyo po ako at gagaling ako; iligtas nʼyo po ako at maliligtas ako. At kayo lang ang tangi kong pupurihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 2:11

Tatlo sa kaibigan ni Job ang nakabalita tungkol sa masamang nangyari sa kanya. Itoʼy sina Elifaz na taga-Teman, si Bildad na taga-Shua, at si Zofar na taga-Naama. Nagkasundo silang dalawin si Job para makiramay at aliwin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 13:14

Nang magkasakit si Eliseo at malapit nang mamatay, pumunta sa kanya si Haring Jehoash noong buhay pa ito at umiyak. Sinabi ni Jehoash, “Ama ko! Ama ko! Ang mga karwahe at mangangabayo ng Israel!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:34

Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang tao sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan doon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:1-3

Mapalad ang taong nagmamalasakit sa mga mahihirap. Tutulungan siya ng Panginoon sa panahon ng kaguluhan. Ngunit kayo Panginoon, akoʼy inyong kahabagan. Pagalingin nʼyo ako upang makaganti na ako sa aking mga kaaway. Alam ko na kayoʼy nalulugod sa akin, dahil hindi ako natatalo ng aking mga kaaway. Dahil akoʼy taong matuwid, tinutulungan nʼyo ako at pinapanatili sa inyong presensya magpakailanman. Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman. Amen! Amen! Ipagtatanggol siya ng Panginoon, at iingatan ang kanyang buhay. Pagpapalain din siya sa lupain natin. At hindi siya isusuko sa kanyang mga kaaway. Tutulungan siya ng Panginoon kung siya ay may sakit, at pagagalingin siya sa kanyang karamdaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 14:14

Kaya nang bumaba si Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila at pinagaling niya ang mga may sakit sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 7:21-22

Nang mga sandaling iyon, maraming pinagaling si Jesus na mga may sakit, at pinalayas niya ang masasamang espiritu sa mga tao. Pinagaling din niya ang mga bulag. Kaya sinabi niya sa mga tagasunod ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang nakita at narinig ninyo: Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga lumpo, gumagaling ang mga may malubhang sakit sa balat, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:6-8

Pero sinabi ni Pedro sa kanya, “Wala akong pera. Ngunit may ibibigay ako sa iyo: Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka!” At hinawakan ni Pedro ang kanang kamay nito at pinatayo siya. Biglang lumakas ang kanyang mga paa at bukong-bukong. Tumayo siya agad at lumakad-lakad. Pagkatapos, sumama siya kina Pedro at Juan sa templo. Palakad-lakad at patalon-talon siyang nagpupuri sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:35

Nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon, at nangaral siya sa mga sambahan ng mga Judio. Ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios, at pinagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 15:26

“Kung susundin ninyo ako nang buong puso, ang Panginoon na inyong Dios, at gagawa ng mabuti sa aking paningin, at susundin ang aking mga kautusan at tuntunin, hindi ko kayo padadalhan ng mga karamdaman gaya ng ipinadala ko sa mga Egipcio, dahil ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:13

Tulungan ninyo ang mga pinabanal ng Dios na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:24

Naging tanyag siya sa buong Syria, at dinala sa kanya ng mga tao ang lahat ng may sakit, mga naghihirap dahil sa matinding karamdaman, mga sinaniban ng masamang espiritu, mga may epilepsya at mga paralitiko. Pinagaling niya silang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:40

Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang lahat ng may sakit. Sari-sari ang mga sakit nila. Ipinatong ni Jesus ang mga kamay niya sa bawat isa sa kanila at gumaling silang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:19-20

Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon, at iniligtas niya sila. Sabihin ninyo ito, kayo na iniligtas niya sa kamay ng mga kaaway. Sa kanyang salita silaʼy nagsigaling at iniligtas niya sila sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 9:36-41

Sa lungsod ng Jopa, may isang babaeng mananampalataya na ang pangalan ay Tabita. (Sa Griego, ang kanyang pangalan ay Dorcas) Marami siyang nagawang mabuti lalung-lalo na sa mga dukha. Nagkataon noon na nagkasakit ang babaeng ito at namatay. Nilinis nila ang kanyang bangkay at ibinurol sa isang kwarto sa itaas. Ang Jopa ay malapit lang sa Lyda. Kaya nang mabalitaan ng mga tagasunod ni Jesus na si Pedro ay naroon sa Lyda, inutusan nila ang dalawang tao na pakiusapan si Pedro na pumunta agad sa Jopa. Pagdating ng dalawa roon kay Pedro, agad namang sumama si Pedro sa kanila. Pagdating nila sa Jopa, dinala siya sa kwarto na pinagbuburulan ng patay. May mga biyuda roon na umiiyak. Ipinakita nila kay Pedro ang mga damit na tinahi ni Dorcas noong nabubuhay pa siya. Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” Pinalabas silang lahat ni Pedro sa kwarto. Lumuhod siya at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita, at pagkakita niya kay Pedro, naupo siya. Hinawakan siya ni Pedro sa kamay at tinulungang tumayo. Pagkatapos, tinawag ni Pedro ang mga biyuda at ang iba pang mga mananampalataya roon, at ipinakita sa kanila si Tabita na buhay na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:23

Dahil sa madalas na pananakit ng sikmura mo, uminom ka ng kaunting alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:13-14

At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ko na kanyang Anak. Oo, gagawin ko ang anumang hilingin ninyo sa aking pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1

Tayong malalakas sa pananampalataya ay dapat tumulong sa mga kapatid nating mahihina sa pananampalataya. Hindi lang ang sarili nating kapakanan ang dapat nating isipin,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:4

Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:22

Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:11

Pero nalaman pa rin ng mga tao kung saan sila pumunta at sinundan sila. Pagdating nila doon, tinanggap naman sila ni Jesus at nangaral siya sa kanila tungkol sa paghahari ng Dios, at pinagaling din niya ang mga may sakit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:18

Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:10

at kung gagawin ninyo ang pagpapakain sa mga nagugutom, ang pagbibigay ng pangangailangan ng mga dukha, darating sa inyo ang kaligtasan na magbibigay-liwanag sa madilim ninyong kalagayan na parang tanghaling-tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:20

Matulungin siya sa mahihirap at mga nangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:4-5

“Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang kaya lang nilang patayin ay ang katawan ninyo, at pagkatapos ay wala na silang magagawa pa. Kayo man ay dapat maging handa, dahil ako, na Anak ng Tao, ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.” Nagtanong si Pedro, “Panginoon, para kanino po ba ang talinghaga na iyon, para sa amin o para sa lahat?” Sumagot ang Panginoon, “Hindi baʼt ang tapat at matalinong utusan ang pamamahalain ng amo niya sa mga kapwa niya alipin? Siya ang magbibigay sa kanila ng pagkain nila sa tamang oras. Mapalad ang aliping iyon kapag nadatnan siya ng amo niya na ginagawa ang kanyang tungkulin. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, pamamahalain siya ng kanyang amo sa lahat ng mga ari-arian nito. Ngunit kawawa ang alipin kung inaakala niyang matatagalan pa bago bumalik ang amo niya, at habang wala ito ay pagmamalupitan niya ang ibang mga alipin, lalaki man o babae, at magpapakabusog siya at maglalasing. Darating ang amo niya sa araw o oras na hindi niya inaasahan, at parurusahan siya nang matindi at isasama sa mga hindi mapagkakatiwalaan. “Ang aliping nakakaalam ng kagustuhan ng amo niya ngunit hindi naghahanda at hindi gumagawa ng kanyang tungkulin ay tatanggap ng mabigat na parusa. At ang aliping hindi nakakaalam ng kagustuhan ng amo niya, at nakagawa ng kamalian ay parurusahan din, pero magaan lang. Ang binigyan ng marami ay hahanapan ng marami. Mas marami nga ang pananagutan ng pinagkatiwalaan ng mas marami.” “Naparito ako sa lupa upang magdala ng apoy at gusto ko sanang magliyab na ito. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo ang Dios, dahil pagkatapos niyang patayin ang katawan nʼyo ay may kapangyarihan pa siyang itapon kayo sa impyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang dapat ninyong katakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:24

Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap. Hindi niya sila tinatalikuran, sa halip ay pinakikinggan pa niya ang kanilang mga pagtawag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:50

Ang inyong mga pangako ang siyang nagpapalakas, at umaaliw sa akin sa kahirapang aking dinaranas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay nasa akin. Sapagkat hinirang niya ako na mangaral ng magandang balita sa mga mahihirap. Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso, at para ibalita sa mga bihag at mga bilanggo na silaʼy malaya na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:40

At sasagot ako bilang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, para na rin nʼyo itong ginawa sa akin.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:43-44

May isang babae roon na 12 taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino. [Naubos na lahat ang mga ari-arian niya sa pagpapagamot.] Nang makalapit siya sa likuran ni Jesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Jesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 8:16-17

Nang magtakip-silim na, maraming sinasaniban ng masasamang espiritu ang dinala ng mga tao kay Jesus. Sa isang salita lang, pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang mga may sakit. Ginawa niya ang mga ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Kinuha niya ang ating mga sakit at inalis ang ating mga karamdaman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:17-18

Kung mayroon man sa atin ang nasa mabuting pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba natin na sumasakanya ang pag-ibig ng Dios? Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:3

Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 13:12-13

Nang makita siya ni Jesus, tinawag siya at sinabi, “Babae, magaling ka na sa sakit mo.” Pagkatapos, ipinatong niya ang mga kamay niya sa babae, at noon din ay naituwid ng babae ang kanyang katawan at nagpuri siya sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:30-31

Maraming tao ang pumunta sa kanya na may dalang mga pilay, bulag, komang, pipi, at marami pang mga may sakit. Inilapit sila sa paanan ni Jesus at pinagaling niya silang lahat. Namangha nang husto ang mga tao nang makita nilang nakakapagsalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga komang, nakakalakad na ang mga pilay, at nakakakita na ang mga bulag. Kaya pinuri nila ang Dios ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 28:8

Nagkataon noon na ang ama ni Publius ay may sakit. May lagnat siya at disintirya. Kaya pumasok si Pablo sa kanyang silid at nanalangin. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa may sakit at gumaling ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:4

Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin nʼyo kundi ang kapakanan din ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:7

Wala ni isa man sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:5

Silang nagtatanim na lumuluha ay mag-aaning tuwang-tuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:20-22

Habang naglalakad sila, lumapit sa likuran ni Jesus ang isang babae na 12 taon nang dinudugo, at hinipo niya ang laylayan ng damit ni Jesus. Sapagkat sinabi ng babae sa kanyang sarili, “Mahipo ko lang ang damit niya ay gagaling na ako.” Lumingon si Jesus at pagkakita sa babae ay sinabi, “Anak, lakasan mo ang loob mo. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At gumaling nga ang babae nang sandaling iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 6:2-3

Maawa po kayo sa akin at akoʼy pagalingin, dahil akoʼy nanghihina na. O Panginoon, akoʼy labis na nababagabag. Kailan nʼyo po ako pagagalingin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 20:5

“Bumalik ka kay Hezekia, na pinuno ng mga mamamayan ko at sabihin mo ito: ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng ninuno mong si David: Narinig ko ang panalangin mo at nakita ko ang mga luha mo kaya pagagalingin kita. Sa ikatlong araw mula ngayon, makakabangon ka na at makakapunta ka sa templo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:2-3

Pupurihin ko ang Panginoon, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong makapangyarihan niyang mga anghel na nakikinig at sumusunod sa kanyang mga salita. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa langit na naglilingkod sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa lahat ng dako na kanyang pinaghaharian. Purihin ang Panginoon! Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:10

Makatarungan ang Dios, at hindi niya magagawang kalimutan ang inyong mabubuting gawa at ang pagmamahal na ipinakita ninyo sa kanya at patuloy na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapwa pinabanal ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:27

Ang pagkarelihiyosong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Dios Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kahirapan nila, at ang pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:19-20

“Sinasabi ko rin sa inyo na kung magkasundo ang dalawa sa inyo rito sa mundo na ipanalangin ang anumang bagay, ipagkakaloob ito ng aking Amang nasa langit. Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi, Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:27

Hanggaʼt makakaya mo, tulungan mo ang mga dapat tulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:14

Nakikiusap kami sa inyo, mga kapatid, na pagsabihan nʼyo ang mga tamad. Palakasin ang mga mahihina sa pananampalataya nila. Maging mapagpasensya kayo sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12-13

Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis. Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:34-35

Hindi sila nagkulang sa kanilang pangangailangan dahil ipinagbili ng mga may kaya ang kanilang mga lupaʼt bahay, at ang peraʼy ibinigay nila sa mga apostol. At ibinigay naman ito ng mga apostol sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:12-14

Nang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may malubhang sakit sa balat. Tumayo lang sila sa malayo at sumigaw kay Jesus, “Panginoong Jesus, maawa po kayo sa amin!” Nang makita sila ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga pari at magpatingin sa kanila.” At habang naglalakad pa lang sila, luminis na ang kanilang balat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:26

Kaya kung nasasaktan ang isang parte ng katawan, ang ibang parte ay nasasaktan din. At kung ang isang parte ay pinararangalan, ang ibang parte ay natutuwa rin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:37

Pero kahit ganito ang kalagayan natin, kayang-kaya nating pagtagumpayan ito sa tulong ni Cristo na nagmamahal sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:15

Nang malaman ni Jesus ang plano ng mga Pariseo, umalis siya roon. Marami ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng may sakit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:6-9

Nakita ni Jesus ang lalaki na nakahiga roon at nalaman niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Jesus, “Gusto mo bang gumaling?” Sumagot ang may sakit, “Gusto ko po sana, pero walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako, nauunahan na ako ng iba.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at lumakad!” Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang higaan niya at lumakad. Nangyari ito sa Araw ng Pamamahinga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:20

Sa kanyang salita silaʼy nagsigaling at iniligtas niya sila sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 14:13

Kaya kung maghahanda ka, imbitahin mo rin ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay at mga bulag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:15

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:4

Ang totoo, tiniis niya ang mga sakit at mga kalungkutang dapat sanaʼy tayo ang dumanas. Ang akala natin ay pinarusahan siya ng Dios dahil sa kanyang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:18

Turuan mo silang gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, at mapagbigay at matulungin sa kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 19:11-12

Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Dios sa pamamagitan ni Pablo. Kahit mga panyo at mga epron na ginagamit niya ay dinadala sa mga may sakit at gumagaling sila, at lumalabas din ang masasamang espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:18

“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, dahil pinili niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Magandang Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na malaya na sila, at sa mga bulag na makakakita na sila. Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:8

At magagawa ng Dios na ibigay sa inyo ang higit pa sa inyong mga pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at lagi ninyong matutulungan ang iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:7-8

Ipahayag ninyo sa kanila na malapit na ang paghahari ng Dios. Pagalingin nʼyo ang mga may sakit, buhayin ang mga patay, pagalingin ang mga may malubhang sakit sa balat para maituring silang malinis, at palayasin ang masasamang espiritu. Tinanggap ninyo ang kapangyarihang ito nang walang bayad, kaya ipamahagi rin ninyo nang walang bayad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:26

Sapagkat minabuti ng mga kapatid sa Macedonia at Acaya na magbigay ng tulong para sa mga mahihirap na pinabanal ng Dios doon sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:22

Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:2

at ilang babaeng pinagaling niya sa sakit o pinalaya sa masasamang espiritu. Kabilang dito si Maria na taga-Magdala na pinalaya niya mula sa pitong masasamang espiritu,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:2

Itinatayong muli ng Panginoon ang Jerusalem, at muli niyang tinitipon ang mga nabihag na Israelita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:12-13

Ang katawan ng tao ay binubuo ng maraming parte, ngunit iisa pa ring katawan. Ganoon din sa ating mga mananampalataya na siyang katawan ni Cristo. Tayong lahat, Judio man o hindi, alipin o malaya ay nabautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. At iisang Espiritu rin ang tinanggap nating lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:13

Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, para walang sinuman sa inyo ang madaya ng kasalanan na nagpapatigas sa puso nʼyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:51

Pero sinaway sila ni Jesus, “Tama na iyan!” Hinipo niya ang tainga ng alipin at pinagaling ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:31

Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Dios na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:71

Mabuti na pinarusahan nʼyo ako, dahil sa pamamagitan nito natutunan ko ang inyong mga turo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:16

Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan nʼyo at ipanalangin ang isaʼt isa para gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 61:1-2

O Dios, pakinggan nʼyo ang aking panawagan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin. Mula sa dulo ng mundo, tumatawag ako sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa. Dalhin nʼyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:30-37

Bilang sagot sa kanya, nagkwento si Jesus: “May isang taong papunta sa Jerico galing sa Jerusalem. Habang naglalakad siya, hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha nila ang mga dala niya, pati na ang suot niya. Binugbog nila siya at iniwang halos patay na sa tabi ng daan. Nagkataong dumaan doon ang isang pari. Nang makita niya ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Napadaan din ang isang Levita at nakita niya ang tao, pero lumihis din siya sa kabilang daan at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Pero may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang taong nakahandusay at naawa siya. Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang tao sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan doon. Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa iyan sa magagastos mo ay babayaran kita pagbalik ko.’ ” Nagtanong ngayon si Jesus sa tagapagturo ng Kautusan, “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang nagpakita na siya ang tunay na kapwa-tao ng biktima ng mga tulisan?” Sumagot siya, “Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:32

Tinawag ni Jesus ang mga tagasunod niya at sinabi, “Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayaw kong pauwiin sila nang gutom at baka mahilo sila sa daan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:1-2

Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo? Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:14

Sa taong may karamdaman, tatag ng loob ang magbibigay kalakasan. Kung mawawalan siya ng pag-asa, wala nang makatutulong pa sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:13-14

Sa kanilang kagipitan, silaʼy tumawag sa Panginoon, at silaʼy kanyang iniligtas. Pinutol niya ang kanilang mga kadena at silaʼy kinuha niya sa napakadilim na piitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:35-38

Nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon, at nangaral siya sa mga sambahan ng mga Judio. Ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios, at pinagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman. Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, naawa siya sa kanila, dahil napakarami ng kanilang mga problema pero wala man lang tumutulong sa kanila. Para silang mga tupang walang pastol. Kaya sinabi niya sa mga tagasunod niya, “Marami ang aanihin, pero kakaunti ang tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala siya ng mga tagapag-ani.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:23-31

Nang pinakawalan na sina Pedro at Juan, bumalik sila sa kanilang mga kasamahan, at ibinalita nila kung ano ang sinabi ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Judio. Nang marinig iyon ng mga mananampalataya, nanalangin sila sa Dios. Sinabi nila, “Panginoon na makapangyarihan sa lahat, kayo po ang lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at lahat ng nasa mga ito. Nagsalita kayo sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod. Sinabi niya sa patnubay ng Banal na Espiritu, ‘Bakit matindi ang galit ng mga bansa? Bakit sila nagpaplano ng wala namang patutunguhan? Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama, at nagsipaghanda sa pakikipaglaban sa Panginoon, at sa kanyang Cristo.’ Natupad na ngayon ang sinabi ninyo noon, dahil dito mismo sa Jerusalem, ang mga Judio at hindi Judio, pati si Haring Herodes at si Gobernador Pilato, ay nagkaisang kalabanin ang inyong banal na lingkod na si Jesus na inyong pinili na maging Hari. Sa kanilang ginawa, natupad na ang inyong balak noon. At itoʼy nangyari ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban. At ngayon, Panginoon, pinagbabantaan nila kami. Tulungan nʼyo kami na inyong mga lingkod na maging matapang sa pangangaral ng inyong salita. Kaya dinakip nila sina Pedro at Juan. Iimbestigahan pa sana ang dalawa, pero dahil gabi na, ipinasok na lang muna sila sa bilangguan hanggang sa kinaumagahan. Ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan. Loobin nʼyo na sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesus na inyong banal na lingkod ay mapagaling namin ang mga may sakit at makagawa kami ng mga himala at mga kamangha-manghang bagay.” Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang bahay na kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at buong tapang na nangaral ng salita ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:1-3

Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon, at dininig niya ang aking mga daing. Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin. Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan. Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan. Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan. Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin. Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin. Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin. Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan, kaya hindi na ako makakita. Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok. Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa. Panginoon, pakiusap! Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan. Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako. Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak. Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!” Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya. Ang mga nagpapahalaga sa inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi, “Dakilain ang Panginoon!” Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak. Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:5

Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon, at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:9

At kung dumulog kayo sa akin para humingi ng tulong, kayoʼy aking sasagutin. “Kung titigilan na ninyo ang pang-aapi, ang pambibintang ng kasinungalingan, ang pagsasalita ng masama,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:10

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Magkaisa kayo sa isip at layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:36-37

Nagtanong ngayon si Jesus sa tagapagturo ng Kautusan, “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang nagpakita na siya ang tunay na kapwa-tao ng biktima ng mga tulisan?” Sumagot siya, “Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:2

Doon ay may mga taong nagdala sa kanya ng isang paralitikong nakaratay sa higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang loob mo. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:17

Lalong dumarami ang bigat sa aking kalooban. Hanguin nʼyo ako sa aking mga kalungkutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:10

Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Dios para maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi rin sa walang hanggang kaluwalhatian niya sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:29

Nasasaktan ako at nagdurusa, kaya ingatan nʼyo ako, at iligtas, O Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:8

Kung tayoʼy nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayoʼy mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya mabuhay man tayo o mamatay, tayoʼy sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:11

Dahil dito, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:3-4

Tiyak na ililigtas ka niya sa bitag ng masasama at sa mga nakamamatay na salot. Iingatan ka niya gaya ng isang ibong iniingatan ang kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Iingatan ka at ipagtatanggol ng kanyang katapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:25

Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Nawa ang Dios na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga tagasunod ni Cristo Jesus. Sa ganoon, sama-sama kayong magpupuri sa Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga ginagabayan ng Banal na Espiritu ang dapat tumulong sa kanya para magbalik-loob sa Panginoon. Ngunit gawin nʼyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo dahil baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:37

Sapagkat walang imposible sa Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10-11

Binigyan ng Dios ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang mabubuting katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Dios. Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng salita ng Dios. At ang binigyan ng kaloob para maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang ibinigay sa kanya ng Dios, upang mapapurihan ang Dios sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Makapangyarihan siya at karapat-dapat purihin magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 8:17

Ginawa niya ang mga ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Kinuha niya ang ating mga sakit at inalis ang ating mga karamdaman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:13

Kapag ang tao ay masaya, nakangiti siya, ngunit kapag ang tao ay malungkot, mukha niya ay nakasimangot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:7

Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong walang hanggan, O Dios! Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo, tulad ng pagkalinga ng inahing manok sa kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang pakpak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:45

At sasagot ako bilang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang hindi ninyo tinulungan ang pinakahamak kong mga kapatid, ako ang hindi ninyo tinulungan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:14

Alam nating inilipat na tayo sa buhay na walang hanggan mula sa kamatayan dahil minamahal natin ang ating mga kapatid. Ang sinumang hindi nagmamahal sa kanyang kapwa ay nananatili sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:10

Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 38:15

Dahil naghihintay pa rin ako sa inyo, Panginoon. Kayo, Panginoon na aking Dios, sasagutin nʼyo ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:43-48

May isang babae roon na 12 taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino. [Naubos na lahat ang mga ari-arian niya sa pagpapagamot.] Nang makalapit siya sa likuran ni Jesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Jesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo. Nagtanong si Jesus, “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, alam nʼyo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo.” Pero sinabi ni Jesus, “May humipo sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.” Nang malaman ng babae na hindi pala lihim kay Jesus ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Jesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Jesus, at kung paanong gumaling siya kaagad. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:14

Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:17

At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng Dios at kasama ni Cristo na magmamana ng mga pagpapalang inilaan niya. Sapagkat kung magtitiis tayo kagaya ni Cristo noon, darating ang araw na pararangalan din tayong kasama niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:76

Sanaʼy aliwin nʼyo ako ng inyong pagmamahal ayon sa pangako nʼyo sa akin na inyong lingkod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:24

Masaya ako sa mga nararanasan kong paghihirap ng katawan ko para sa inyo. Dahil dito, napupunan ko ang kulang sa mga paghihirap ni Cristo para sa iglesya na kanyang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:19

Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:5

dahil mula pa nang sumampalataya kayo hanggang ngayon ay katulong ko na kayo sa pagpapalaganap ng Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:2-4

Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios. Kaya talikuran nʼyo na ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Dios na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo. Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang sarili ninyo. Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Dios pero hindi naman niya tinutupad ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong tumitingin sa salamin na pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at agad kinakalimutan ang ayos niya. Ngunit ang taong nagsasaliksik at tumutupad sa Kautusang ganap na nagpapalaya, at hindi tagapakinig lang na nakakalimot agad, ay ang taong pagpapalain ng Dios sa mga ginagawa niya. Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso pero hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili. Ang pagkarelihiyosong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Dios Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kahirapan nila, at ang pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito. Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya. Kaya tiisin ninyo ang mga pagsubok upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay nʼyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:17

Hindi ako mamamatay, sa halip ay mabubuhay, at isasaysay ko ang mga ginawa ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:14-15

Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:17

Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:3

Sa biyayang ipinagkaloob ng Dios sa akin, sinasabi ko sa inyo na huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili ng higit sa nararapat. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang inyong kakayahan ayon sa pananampalatayang ibinigay ng Dios sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 6:1-4

Nang mga panahong iyon, dumarami na ang mga tagasunod ni Jesus. Nagreklamo ang mga Judiong nagsasalita ng Griego laban sa mga Judiong nagsasalita ng Hebreo. Itoʼy sa dahilang hindi nabibigyan ng pang-araw-araw na rasyon ang kanilang mga biyuda. pero hindi nila kayang talunin si Esteban dahil binigyan siya ng karunungan ng Banal na Espiritu. Kaya lihim nilang sinulsulan ang ilang tao na magsabi, “Narinig namin si Esteban na nagsalita ng masama laban kay Moises at sa Dios.” Sa ganitong paraan, naudyukan nilang magalit ang mga tao, ang mga pinuno ng mga Judio, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Dinakip nila si Esteban at dinala sa korte ng mga Judio. Mayroon din silang pinapasok na ilang tao para tumestigo ng kasinungalingan laban kay Esteban. Sinabi nila, “Ang taong ito ay palaging nagsasalita ng laban sa ating sagradong templo at sa Kautusan ni Moises. Narinig naming sinabi niya na ang ating templo ay gigibain ni Jesus na taga-Nazaret at papalitan niya ang mga kaugaliang iniwan sa atin ni Moises!” Ang lahat ng miyembro ng Korte ay tumitig kay Esteban, at nakita nila ang kanyang mukha na nagliwanag na parang mukha ng anghel. Kaya ipinatawag ng 12 apostol ang lahat ng tagasunod ni Jesus, at sinabihan sila, “Hindi mabuting pabayaan namin ang pangangaral ng salita ng Dios para mag-asikaso lang ng materyal na mga tulong. Kaya mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking may malinis na pangalan, marunong, at puspos ng Banal na Espiritu. Sila ang pamamahalain natin sa mga materyal na tulong. At ilalaan naman namin ang aming oras sa pananalangin at sa pangangaral ng salita ng Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Minamahal na Diyos, kay gandang pagmasdan ang 'yong kadakilaan, karapat-dapat sa lahat ng papuri at karangalan. Ang aking kaluluwa'y nagpupuri at nagbabasbas sa 'yong banal na pangalan, sapagkat ikaw ay banal, dakila, at walang hanggan ang kabutihan. Walang araw na hindi namin nararamdaman ang 'yong wagas na pag-ibig. Nagpapasalamat ako sapagkat nasa 'yong mga kamay ang aking buhay, ikaw ang aking kanlungan, aking matibay na bato, at siyang nag-aangat ng aking ulo. Ama naming nasa langit, iniaalay namin sa iyo ngayon ang lahat ng nagdurusa sa karamdaman at sakit. Hinihiling namin na ipatong mo ang 'yong mapagpagaling na kamay sa kanila. Bigyan mo po sila ng lakas ng katawan, kapayapaan sa puso, at pag-asa sa gitna ng paghihirap. Panginoon, alam naming ikaw ang Dakilang Manggagamot, at nananalig kami sa 'yong kapangyarihang magpagaling at magpanumbalik. Nawa'y ang 'yong pagmamahal at awa ay bumalot sa mga maysakit at sa kanilang mga pamilya. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas