Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


57 Mga Talata sa Bibliya tungkol kay Jesu-Kristo, Ang Anak ng Diyos

57 Mga Talata sa Bibliya tungkol kay Jesu-Kristo, Ang Anak ng Diyos

Kapag lumalapit ka sa Ama, lumalapit ka rin sa Anak, dahil iisa sila. Dati, dahil sa ating mga pagkakamali at kasalanan, malayo tayo sa ating Ama; may harang na naghihiwalay sa atin sa Kanya.

Pero napakalawak ng Kanyang pagmamahal at sagana ang Kanyang awa, kaya ayaw na Niyang mahiwalay pa tayo sa Kanya, ang pinakamamahal Niyang nilikha. Dahil sa walang kapantay at walang kundisyong pag-ibig na ito, ipinadala Niya ang Kanyang bugtong na Anak para mamatay para sa atin; isang Anak na walang kasalanan, walang bahid ng kasamaan, isang Anak na lubos na perpekto.

Ginawa Niya ito para wala nang hadlang sa paglapit natin sa Kanya at sa pagsamba sa Kanyang pangalan. Para makarating sa Ama, kailangan nating lumapit kay Hesus, kilalanin Siya bilang tangi at sapat na tagapagligtas. Sa ganong paraan, lilinisin tayo ng Kanyang dugo mula sa ating kasamaan at magiging anak tayo ng Diyos.

Wala nang dahilan para hindi tayo lumapit sa Kanya; napunit na ang tabing at malaya na tayong maging masaya at mahalin ang ating Lumikha. Huwag nating kalimutan si Hesus sa ating pang-araw-araw na buhay, pahalagahan natin ang Kanyang sakripisyo para sa atin at hanapin natin Siya nang buong puso.

Huwag tayong mabuhay nang wala ang Kanyang biyaya, huwag tayong lumayo sa Kanyang kamay, huwag natin talikuran ang magandang biyayang ipinakita Niya sa ating buhay para tayo ay maligtas. Higit sa lahat, mahalin natin ang Diyos nang buong puso at lagi tayong lumakad na kasama Niya. Sapagkat may isang Diyos at isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus (1 Timoteo 2:5).


Juan 15:1

“Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:31

subalit ginagawa ko ang iniutos sa akin ng Ama upang malaman ng sanlibutang ito na iniibig ko ang Ama. Tayo na! Lumakad na tayo!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:38

Ako'y bumabâ mula sa langit, hindi upang gawin ang sarili kong kalooban, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:28

Ako nga'y nanggaling sa Ama at naparito sa sanlibutan; ngayo'y aalis na ako sa sanlibutan at babalik na sa Ama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 20:21

Muling sinabi ni Jesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:37

Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:43

Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, subalit ayaw ninyo akong tanggapin. Kung may ibang pumarito sa kanyang sariling pangalan, siya'y inyong tatanggapin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:30

Ako at ang Ama ay iisa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:58

Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, ‘Ako ay Ako Na’.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:19

Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Pakatandaan ninyo na walang magagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang nakikita niyang ginagawa ng Ama ang siya lamang niyang ginagawa. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:22

at bumabâ sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. Isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:16

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:23

upang maparangalan ng lahat ang Anak, tulad ng kanilang pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa Anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:1

Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 1:23

“Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel” (ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”).

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:20

Sa araw na iyon ay malalaman ninyong ako'y nasa Ama, at kayo nama'y nasa akin at ako'y nasa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 16:16

Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 3:17

At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:3

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:10

Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:8

“Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang kasalukuyan, nakaraan, at darating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:20

sapagkat minamahal ng Ama ang Anak at ipinapakita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya at higit pa sa mga ito ang mga gawang ipapakita sa kanya ng Ama upang kayo'y mamangha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 16:15-16

Tinanong ulit sila ni Jesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:17

Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang aking Ama ay patuloy sa kanyang gawain hanggang ngayon, at gayundin ako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:13

habang hinihintay natin ang pinagpalang araw na ating inaasahan. Ito ang araw na mahahayag ang kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:49

Tandaan ninyo, isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya't huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga't hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:34

Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] Nagpalabunutan ang mga kawal upang paghati-hatian ang kasuotan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:14

Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:35

Iniibig ng Ama ang Anak, at ibinigay niya rito ang pamamahala sa lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:49

Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:2-3

Ngunit sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. Nakikita sa Anak ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng Makapangyarihan doon sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:44

Walang makakalapit sa akin malibang dalhin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang lumalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:15-17

Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha. Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:15

Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:28

Sinabi ko na sa inyo, ‘Ako'y aalis, ngunit ako'y babalik.’ Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat higit na dakila ang Ama kaysa sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:3-4

ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David; subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos, pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay. mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang. Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa. Nalalaman nila ang utos ng Diyos na karapat-dapat sa parusang kamatayan ang mga gumagawa nito. Gayunman, hindi lamang patuloy sila sa paggawa nito kundi sumasang-ayon pa sila sa mga gumagawa rin ng mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:39

Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:6

Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:20

At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:11-12

At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Kung ang Anak ng Diyos ay nasa isang tao, mayroon siyang buhay na walang hanggan; ngunit kung wala sa kanya ang Anak ng Diyos ay wala siyang buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:35

Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 5:18

Lalo namang pinagsikapan ng mga Judio na ipapatay siya, sapagkat hindi lamang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayon ay ipinapantay ang kanyang sarili sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:6-7

Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya'y maging tao,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 9:6

Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 11:25-26

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:15

Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:32

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:12

Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan sa buong daigdig na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:18-19

Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira, tulad ng ginto o pilak, kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya'y tulad ng korderong walang dungis at kapintasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:3

Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:12

Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:13

Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Maraming salamat Ama naming walang hanggan, salamat po sa iyong pagmamahal at sa pagpapalaya sa aking buhay. Kay buti mo po sa akin, tunay kang kahanga-hanga at laging pinupubos ang aking puso ng iyong kabutihan. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat. Alam na alam ko pong ikaw lamang ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, at walang makakalapit sa Ama kundi sa pamamagitan mo. Dalangin ko po na turuan mo akong magkaroon ng ganitong uri ng pagmamahal at pagpapasakop sa iyo, tulad ng sa iyo sa Ama. Salamat Kristo, sa iyong salita, dahil nangako ka na mas dakila pang mga bagay ang aming magagawa sa iyong pangalan. Sabi mo nga po, "Sa araw na iyon ay malalaman ninyo na ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo." Panginoong Hesus, salamat po sa paglapit mo sa akin sa Ama. Tulungan mo po akong araw-araw na makasama ka at magkaroon ng katulad mong pagsunod sa Ama, upang manatili sa iyong salita at maging isa sa iyo, tulad ng pagkakaisa mo sa Ama. Sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas