Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


37 Mga talata sa Bibliya tungkol sa pagiging mabuting Ama o Tatay

37 Mga talata sa Bibliya tungkol sa pagiging mabuting Ama o Tatay

Napakalaking biyaya ang maging magulang. Isang bagong buhay ang darating para lalong kumumpleto ang saya ng pamilya natin. Mula pa lang nang malaman nating magkakaroon tayo ng bagong miyembro ng pamilya, hindi na mapigilan ang tuwa at galak sa ating mga puso. Isang napakagandang regalo ito mula sa Diyos na sa tamang panahon ay ihahayag.

Sabi nga sa Kawikaan 23:22-25, "Pakinggan mo ang iyong ama na nagbigay sa iyo ng buhay, at huwag mong hamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na. Bilhin mo ang katotohanan, at huwag mong ipagbili; bilhin mo ang karunungan, ang turo, at ang pag-uunawa. Ang ama ng matuwid ay magagalak na mainam, at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya. Magalak ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak ang nanganak sa iyo."

Sulitin natin ang bawat sandali dahil mabilis lumaki ang mga bata. Gumawa tayo ng mga alaalang hindi malilimutan at damhin natin ang bawat yugto ng kanilang paglaki. Magpasalamat tayo sa Diyos sa dakilang pribilehiyong ito na maging magulang. Kung may mga bagay na hindi natin maintindihan, humingi tayo ng gabay sa Banal na Espiritu.

Huwag nating mawala ang saya at galak. Huwag nating hayaang burahin ng mga pagsubok ang ngiti sa ating mga labi. Magtiwala tayo sa kapangyarihan ng Diyos at manalig sa Kanyang salita. Nawa'y patnubayan tayo ng Panginoon sa paglalakbay na ito.


Colosas 3:21

Mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
3 Juan 1:4

Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:25

Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:6

Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:3-4

Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3-5

Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala. Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng kabataan. Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon: sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:24

Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:1

Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:6-7

At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:4-5

Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng kabataan. Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon: sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:56

Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 24:15

At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:15

Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:13

Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:11-12

Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:18

Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:15

Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:24

Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:7

Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak: nguni't siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:26

Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:17

Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:7

Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:1-4

Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 38:19

Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:8

Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 11:11-13

At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas? O kung siya'y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan? Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:25-28

Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan. Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:4

At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 2:11-12

Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo, Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Dios, na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:8

Datapuwa't kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:7-9

Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama? Datapuwa't kung kayo'y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng lahat, kung gayo'y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak. Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan! Salamat po, Panginoon, sa biyayang maging isang magulang, samantalang ang iba ay hindi nabigyan ng ganitong pagkakataon. Kay buti mo po sa akin, Panginoon, at pinagkalooban mo ako ng ganitong espesyal na pagpapala. Sa panahon pong ito na laganap ang kasamaan, gabayan mo po ako, bigyan ng karunungan at pang-unawa upang mapalaki ko ang aking mga anak sa iyong landas, at ng kahinahunan sa pakikitungo sa kanila. Sabi nga po sa iyong salita, "Ang ama ng matuwid ay magagalak na mainam, at siyang nagkaanak ng pantas ay magagalak sa kaniya." Espiritu Santo, turuan mo po akong maging mabuting magulang araw-araw, na laging may salitang nakapagpapatibay, nakapagtuturo, at nakapagdidisiplina, upang ako'y maging mabuting halimbawa at inspirasyon sa ibang mga magulang. Panginoong Hesus, tulad ng pagkakaisa mo at ng Ama, gayundin po sana ang aking pagkakaisa sa aking mga anak. Sa iyo lamang ang lahat ng papuri at karangalan! Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas