Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


102 Mga talata sa Bibliya tungkol sa pangangalunya At Diborsyo

102 Mga talata sa Bibliya tungkol sa pangangalunya At Diborsyo

Nakakalungkot isipin, pero parang normal na lang ang pagtataksil ngayon. Ang sakit isipin na parang nawawala na ang respeto at katapatan sa isa’t isa. Parang sinasabi ng mundo na luma na ang pagiging tapat, pero alam mo, nakakalungkot ito sa Diyos.

Sa panahon ngayon na puno ng pagsubok, ang pagiging malapit sa Espiritu Santo lang ang magbibigay sa atin ng lakas para malabanan ang tukso at mga atake ng kaaway. Ang pagtataksil ay kasalanan hindi lang sa Diyos kundi pati na rin sa iyong karelasyon at kay Jesus.

Ingatan natin ang ating puso, mata, at tainga. Lumayo tayo sa mga bagay na maglalayo sa atin sa Diyos. Kung nahihirapan ka at natutukso, huwag kang mahiyang humingi ng tulong.

Ang sabi sa Biblia[a], ang kasal ay hanggang kamatayan, hindi hanggang sa may mangaliwa o dahil sa plano ng diyablo. Kaya kung natutukso ka, lumapit ka agad sa Diyos. Humingi ka ng tawad at humingi ka ng tulong sa mga taong may malalim na pananampalataya na maaaring magdasal para sa iyo.

Doon mo mararamdaman ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na makapagliligtas sa buhay mo at sa relasyon mo.

[a] Mateo 19:6


Mateo 5:27-28

Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:32

Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:9

At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19

At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:4

Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:3-5

Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis: Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila. Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19

Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:11-12

At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa: At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 7:25-27

Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas. Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo. Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:10-11

Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:26

At nakasumpong ako ng bagay na lalong mapait kay sa kamatayan, sa makatuwid baga'y ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag, at ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga panali: ang nalulugod sa Dios ay tatakas sa kaniya; nguni't ang makasalanan ay makukuha niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:7-8

Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan niyaong mga hindi dios. Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot. Sila'y parang pinakaing mga kabayong pagalagala: bawa't isa'y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:2

At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:37

Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:4-6

At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:2-3

Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa. Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin. Sapagka't ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob: Datapuwa't nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa't ang laman ay sa kautusan ng kasalanan. Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:27

Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:32-34

Isang babae na napakakalunya! na tumatanggap sa iba na kahalili ng kaniyang asawa! Sila'y nagbibigay ng mga kaloob sa lahat ng mga patutot: nguni't ikaw ay nagbibigay ng iyong mga kaloob sa lahat na mangliligaw sa iyo, at iyong sinusuhulan sila, upang sila'y magsilapit sa iyo sa bawa't dako, dahil sa iyong mga pakikiapid. At ang kaibahan ng ibang mga babae ay nasa iyo sa iyong mga pakikiapid, sa paraang walang sumusunod sa iyo upang makiapid: at sa iyong pagbibigay ng upa, at walang upa na ibinibigay sa iyo, kaya't ikaw ay kaiba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:16-17

Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita; Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:15-16

Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:155

Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:20

Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:6

Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:12

Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:5

Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:13

Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:26

Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:3

Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata: aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya: hindi kakapit sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:113

Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:14

Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog: upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan, upang patayin ang matuwid sa paglakad:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:15

Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:26

Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:17

Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:3

Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:20

Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:11

Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:16-17

Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios, Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan, at iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig? Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo, at iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:20

Huwag mong sumpain ang hari, huwag, huwag sa iyong pagiisip; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan: sapagka't isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig, at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:3-9

At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan? Datapuwa't maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna. At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. Sinabi nila sa kaniya, Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae? Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon. At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:10-11

Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa. (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 2:16

Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:24

Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:6

Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:1

Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:20

Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya; nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:2-4

Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip; Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan. Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo. Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio. Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin: Datapuwa't umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali. Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan. Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit: Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan. Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan. Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo: Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili; Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin. Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:14

Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon: aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:19

Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:31-32

Sinabi rin naman, Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:12-15

Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan. At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa. Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal. Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:31

Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:18

Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:4-5

At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:17

Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:8

Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:13

Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:14

At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:10-12

Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:22

Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:39

Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa; nguni't kung patay na ang kaniyang asawa, ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya; sa kalooban lamang ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:176

Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 24:67

At dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kaniyang ina, at ipinagsama si Rebeca, at naging kaniyang asawa: at kaniya namang sininta: at naaliw si Isaac, pagkamatay ng kaniyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:2

Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:10

Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:14

Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7-8

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya. Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:30

Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:1

Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:13

Ang gawa ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't ang araw ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:28

At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:3

Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:5

Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:4

Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:32

Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:18

Ang bawa't lalaki na inihihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:26

Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:18

Magsitakas kayo sa pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:28

Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:14

Huwag kang mangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 18:20

At huwag kang sisiping sa asawa ng iyong kapuwa, na magpapakadumi sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 22:22

Kung ang isang lalake ay masumpungan, na sumisiping sa isang babaing may asawa, ay kapuwa nga sila papatayin, ang lalake na sumiping sa babae, at ang babae: gayon mo aalisin ang kasamaan sa Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:8

At aking nakita, nang, dahil dito sa pangangalunya ng tumatalikod na Israel, akin siyang pinalayas at binigyan ko siya ng sulat ng paghihiwalay, gayon ma'y hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda; kundi siya man ay yumaon at nagpatutot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:26

Ikaw naman ay nakiapid din sa mga taga Egipto, na iyong mga kalapit bayan, na malaki sa pangangatawan; at iyong pinarami ang iyong pakikiapid upang mungkahiin mo ako sa galit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at makapangyarihang Diyos, walang hanggan ang iyong awa sa aking buhay! Sa iyo ko utang ang lahat, kaya sa iyong harapan, iniaalay ko ang aking puso upang igalang at purihin ka. Inaamin ko Panginoon, labis ang aking kalungkutan dahil sa pagtataksil ng aking asawa. Puspos ng galit at poot ang aking puso, tulungan mo akong patawarin siya upang mapatawad mo rin ako. Ikaw ang humubog sa amin at alam mo ang nilalaman ng aming mga puso, kaya't hinihiling ko na maawa ka sa aming pamilya at ibuhos mo ang iyong Banal na Espiritu sa aking asawa na nagkasala nang labis sa piling ng iba. Tulungan mo akong maging repleksyon ng iyong pag-ibig sa bawat sandaling kausap ko siya. Alam mo ang mangyayari, Panginoon, at nakita mo kami. Pagalingin mo ang aking mga sugat at ibalik mo ang aking relasyon sa iyo upang maibalik ko rin ang aking pakikipag-isa sa taong nanakit sa akin. Espiritu Santo, tulungan mo akong makita siya sa pamamagitan ng iyong mga mata, nang may pagmamahal, lambing, at katapatan. Bigyan mo ako ng karunungan upang makapagsalita at ng pusong handang makinig. Tinatalikuran ko ang paghihiganti, ang poot, ang selos, at ang alitan. Hesus, ikaw ay nagdusa ng walang dahilan, dinaya at pinagtaksilan, tulungan mo akong malampasan ang pagsubok na ito sa aking tahanan. Sapagkat ang iyong salita ay nagsasabi: “Layuan ninyo ang pakikiapid. Ang lahat ng ibang kasalanang ginagawa ng tao ay nasa labas ng katawan; ngunit ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.” Mahal na Diyos, ingatan mo ang aking puso sa iyong ligtas na kanlungan upang hindi ito masira ng mga tukso ni satanas o ng mga gawa ng tao. Ilayo mo ako sa taong mapanlinlang at sa taong taksil. Sa ngalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas