Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


124 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Alay

124 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Alay

Tuwing unang araw ng linggo, mahalaga na magtabi tayo ng bahagi ng ating kinita, gaya ng sinasabi sa 1 Corinto 16:2. Huwag na nating hintayin pa ang dating ng iba bago mag-isip kung paano magbibigay.

Nang sumulat si Pablo sa mga mananampalataya sa iba't ibang lungsod sa Asya, binigyang-pansin niya ang mga kailangang ituwid sa pagkilos ng Simbahan, at nagbigay din siya ng mga malinaw na tagubilin tungkol sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kabilang diyan ang mga usapin tungkol sa pag-aalay at pera.

Sa Efeso 5:2 naman, ipinaliwanag kung paano naging perpektong handog si Cristo nang ibigay niya ang kanyang sarili para sa atin. Ito ang ating inaalala tuwing tayo'y nag-aalay. Kapag nagbibigay tayo, natutulad tayo kay Hesus na nagbigay ng walang pag-aalinlang.

Ang pag-aalay ay tanda ng ating pasasalamat sa Diyos, natural na pagpapahayag ng ating pananampalataya. Sa Pahayag 1:6, ipinapaalala sa atin na ang isang pari, bukod sa iba pang gawain, ay nag-aalay sa Diyos.

May mga naiinis kapag pinag-uusapan ang pag-aalay, pero dapat nating kilalanin ang biyayang nakapaloob dito. Mas gusto nating tumanggap, pero hinihikayat ko kayo na magbigay nang bukas-palad, nang walang pag-aalinlangan, dahil minamahal ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan at binibiyayaan Niya ang gawa ng ating mga kamay.




Genesis 28:18-22

Maagang bumangon si Jacob. Kinuha niya ang batong inunan niya noong gabi at itinayo bilang isang alaala. Pagkatapos, binuhusan niya ito ng langis para maging banal. Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Betel. Dati ay Luz ang pangalan ng lugar na iyon. Maghanda ka at pumunta sa Padan Aram, doon sa lolo mong si Betuel na ama ng iyong ina. Doon ka pumili ng iyong mapapangasawa sa isa sa mga dalagang anak ni Laban na kapatid ng iyong ina. Sumumpa agad si Jacob na nagsabi, “Panginoon, kung sasamahan po ninyo ako at bibigyan po ng pagkain at damit, at kung makakabalik po akong muli sa bahay ng aking ama na walang masamang nangyari sa akin, kikilalanin ko po kayong aking Dios. Ang bato pong ito na itinayo ko bilang isang alaala ay magpapatunay ng inyong presensya sa lugar na ito. At ibibigay ko po sa inyo ang ikasampung bahagi ng lahat ng ibibigay nʼyo sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:1-2

Ngayon, tungkol naman sa tulong na nalikom para sa mga mananampalataya ng Dios sa Judea, gayahin ninyo ang ipinagawa ko sa mga iglesyang nasa Galacia. Kung dumating diyan si Timoteo, asikasuhin ninyo siyang mabuti upang mapanatag ang kanyang kalooban, dahil katulad ko rin siyang naglilingkod sa Panginoon. Huwag ninyo siyang hamakin. At sa kanyang pag-alis, tulungan ninyo siya sa kanyang mga pangangailangan upang makabalik siya agad sa akin. Sapagkat inaasahan ko siya na dumating dito kasama ang iba pang mga kapatid sa pananampalataya. Tungkol naman sa kapatid nating si Apolos, pinakiusapan ko siyang dumalaw diyan kasama ang ilang mga kapatid, ngunit hindi pa raw sila makakapunta riyan. Dadalaw na lang daw siya kung mayroon siyang pagkakataon. Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay. At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig. Alam ninyong si Stefanas at ang pamilya niya ang unang naging Cristiano riyan sa Acaya. Inilaan nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga pinabanal ng Dios. Kaya nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, na magpasakop kayo sa kanila at sa lahat ng katulad nila na naglilingkod sa Panginoon. Natutuwa ako sa pagdating nina Stefanas, Fortunatus, at Acaicus, dahil kahit wala kayo rito, nandito naman sila, at ginagawa nila sa akin ang hindi ninyo magawa. Akoʼy pinasigla nila, at ganoon din kayo. Pahalagahan ninyo ang mga katulad nila. Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa lalawigan ng Asia. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila at ng mga mananampalatayang nagtitipon sa kanilang tahanan, dahil pareho kayong nasa Panginoon. Sa bawat Linggo, ang bawat isa sa inyoʼy maglaan na ng halaga ayon sa inyong kita, at ipunin ninyo ito upang pagdating ko riyan ay nakahanda na ang inyong tulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 27:30

Ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ay sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:10

Ang taong mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaking bagay. At ang taong madaya sa maliliit na bagay ay magiging madaya rin sa malalaking bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:11-12

Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng kayamanan na talagang para sa inyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:2

Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 12:17-18

Huwag din ninyong kainin o inumin ang mga sumusunod: ang ikapu ng inyong mga trigo, bagong katas ng ubas at langis, ang panganay na anak ng inyong mga hayop, ang anumang ipinangako ninyong handog at espesyal na mga regalo, at handog na kusang-loob. Kundi kainin lang ninyo ito sa presensya ng Panginoon na inyong Dios doon sa lugar na pipiliin niya kasama ng inyong mga anak, mga alipin at ng mga Levita na naninirahan sa inyong mga bayan. Magsasaya kayo sa presensya ng Panginoon na inyong Dios sa lahat ng kanyang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 14:22-23

“Dapat ninyong ibukod ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ng inyong bukid bawat taon. Dalhin ninyo ang ikasampung bahagi ng trigo, bagong katas ng ubas at langis, at ang panganay ng inyong mga hayop sa lugar na pipiliin ng Panginoon na inyong Dios, kung saan pararangalan siya. Doon ninyo ito dalhin sa kanyang presensya. Gawin ninyo ito para matuto kayo na laging gumalang sa Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:17

at nararapat na magdala sila ng handog sa Panginoon ayon sa pagpapalang ibinigay sa kanila ng Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 31:5

Nang maipaalam na ito sa mga tao, bukas palad na nagbigay ang mga Israelita ng unang ani ng kanilang trigo, bagong katas ng ubas, langis, pulot at ng iba pang produkto ng lupa. Ibinigay nila ang ikapu ng lahat nilang produkto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 10:37

Nangako pa kami na dadalhin namin sa mga pari ang pinakamagandang klase ng aming harina at ang iba pang mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, para ilagay sa bodega ng templo ng Dios. Dadalhin din namin ang pinakamabuti naming mga prutas, at ang bagong katas ng ubas at langis ng olibo. Dadalhin din namin sa mga Levita ang ikapu ng aming mga ani, dahil sila ang nangongolekta ng mga ikapu sa lahat ng baryo na may mga sakahan. Kapag mangongolekta ng ikapu ang mga Levita,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:19-21

“Huwag kayong mag-ipon ng kayamanan para sa inyong sarili rito sa mundo, dahil dito ay may mga insekto at kalawang na sisira sa inyong kayamanan, at may mga magnanakaw na kukuha nito. “Kaya kapag nagbibigay kayo ng tulong, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao roon sa mga sambahan at sa mga daan upang purihin sila ng mga tao. Ang totoo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:7

Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Dios ang mga nagbibigay nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:10-12

Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako, ang Panginoong Makapangyarihan. Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala. Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas ang bunga ng inyong mga ubas. Tatawagin kayong mapalad ng lahat ng bansa, dahil napakabuting tirhan ang inyong lupain. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:8

Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Dios? Parang imposible. Pero ninanakawan ninyo ako. At itinatanong inyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’ Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu at mga handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:24

Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:10-12

Ang Dios na nagbibigay ng binhi sa magsasaka at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay ng inyong mga pangangailangan para lalo pa kayong makatulong sa iba. Pasasaganain kayo ng Dios sa lahat ng bagay para lagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin. Dahil sa inyong pagbibigay, hindi lamang ninyo tinutugunan ang pangangailangan ng mga mananampalataya na nasa Judea, kundi magiging dahilan din ito para marami ang magpasalamat sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:8

At magagawa ng Dios na ibigay sa inyo ang higit pa sa inyong mga pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at lagi ninyong matutulungan ang iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 20:1-3

Sa oras ng kaguluhan, pakinggan sana ng Panginoon ang iyong mga daing. At sanaʼy ingatan ka ng Dios ni Jacob. Sanaʼy tulungan ka niya mula sa kanyang templo roon sa Zion. Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog, pati na ang iyong mga haing sinusunog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:6-7

Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami. Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Dios ang mga nagbibigay nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 15:10

Magbigay kayo sa kanila nang bukal sa loob. Kung gagawin ninyo ito, pagpapalain kayo ng Panginoon na inyong Dios sa lahat ng inyong ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:14

Pero sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nʼyo sa amin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:38

Magbigay kayo, upang bigyan din kayo ng Dios. Ibabalik sa inyo nang sobra-sobra at umaapaw ang ibinigay ninyo. Sapagkat kung paano kayo magbigay sa iba, ganoon din ang pagbibigay ng Dios sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:25

Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:10

Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako, ang Panginoong Makapangyarihan. Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:21

Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:6

Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 35:5

Maghandog kayo sa Panginoon mula sa mga ari-arian ninyo. Maghandog nang maluwag sa inyong puso ng mga ginto, pilak, tanso,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 54:6

Kusang-loob akong maghahandog sa inyo Panginoon. Pupurihin ko ang pangalan nʼyo dahil napakabuti ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:16

At huwag nating kalimutan ang paggawa ng mabuti at pagtulong sa iba, dahil ang ganitong uri ng handog ay kalugod-lugod sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:1-4

Pinagmamasdan ni Jesus ang mayayamang naghuhulog ng pera sa lalagyan ng mga kaloob sa templo. Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom at mga salot sa ibaʼt ibang lugar. At makakakita kayo ng mga nakakatakot at nakakamanghang palatandaan mula sa langit. “Ngunit bago mangyari ang lahat ng iyan ay uusigin muna kayo at dadakpin ng mga tao. Dadalhin nila kayo sa mga sambahan ng mga Judio upang akusahan at ipabilanggo. Iimbestigahan kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Magiging pagkakataon nʼyo ito upang magpatotoo sa kanila tungkol sa akin. Kaya itanim ninyo sa inyong isip na hindi kayo dapat mabalisa kung ano ang inyong isasagot. Sapagkat bibigyan ko kayo ng karunungan sa pagsagot para hindi makaimik ang inyong mga kalaban. Ibibigay kayo sa inyong mga kaaway ng sarili ninyong mga magulang, kapatid, kamag-anak at mga kaibigan, at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit hindi kayo mapapahamak. At kung magpapakatatag kayo, magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Nakita rin niya ang isang mahirap na biyuda na naghulog ng dalawang pirasong barya. “Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga sundalo ang Jerusalem, malalaman ninyong malapit na itong mawasak. Kaya ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, at ang mga nasa Jerusalem ay kailangang umalis agad. At ang mga nasa bukid naman ay huwag nang bumalik pa sa Jerusalem. Sapagkat panahon na iyon ng pagpaparusa, upang matupad ang nakasaad sa Kasulatan. Kawawa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil mahihirapan silang tumakas. Darating ang napakatinding paghihirap sa lupaing ito dahil sa matinding galit ng Dios sa mga tao rito. Ang iba sa kanilaʼy papatayin sa espada, at ang iba namaʼy dadalhing bihag sa ibang mga bansa. At ang Jerusalem ay sasakupin ng mga hindi Judio hanggang sa matapos ang panahong itinakda ng Dios sa kanila. “May mga palatandaang makikita sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Mababagabag ang mga bansa at hindi nila malalaman kung ano ang gagawin nila dahil sa malalakas na ugong ng mga alon sa dagat. Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga bagay sa kalawakan. At makikita nila ako na Anak ng Tao na dumarating mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.” Ikinuwento sa kanila ni Jesus ang paghahalintulad na ito: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ang iba pang punongkahoy. Sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa kanilang lahat. Kapag nagkakadahon na ang mga ito alam ninyong malapit na ang tag-init. Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Dios. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, matutupad ang lahat ng ito bago mawala ang henerasyong ito. Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.” “Kaya mag-ingat kayo na huwag mawili sa kalayawan, sa paglalasing, sa pagkaabala sa inyong kabuhayan, at baka biglang dumating ang araw na iyon nang hindi ninyo inaasahan. Sapagkat darating ang araw na iyon sa lahat ng tao sa buong mundo. Kaya maging handa kayo sa lahat ng oras. Palagi kayong manalangin upang magkaroon kayo ng lakas na mapagtagumpayan ang lahat ng mangyayaring kahirapan, at makatayo kayo sa harap ko na Anak ng Tao nang hindi napapahiya.” Araw-araw, nagtuturo si Jesus sa templo. Pagsapit ng gabi, pumupunta siya sa Bundok ng mga Olibo para magpalipas ng gabi. At maagang pumupunta ang mga tao sa templo upang makinig sa kanya. Sapagkat silang lahat ay nagbigay galing sa sobra nilang pera, pero ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng ikabubuhay niya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:2

Sa bawat Linggo, ang bawat isa sa inyoʼy maglaan na ng halaga ayon sa inyong kita, at ipunin ninyo ito upang pagdating ko riyan ay nakahanda na ang inyong tulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:18

Ngayon, dahil sa tulong na ipinadala nʼyo sa akin sa pamamagitan ni Epafroditus, natugunan na ang mga pangangailangan ko at sobra pa nga. Ang tulong ninyo ay tulad ng mabangong handog sa Dios na tinatanggap niya nang may kasiyahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:6

Ang mga tinuturuan ng salita ng Dios ay dapat na tumulong at magbigay sa mga nagtuturo sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:5

Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram, at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:8

Pagalingin nʼyo ang mga may sakit, buhayin ang mga patay, pagalingin ang mga may malubhang sakit sa balat para maituring silang malinis, at palayasin ang masasamang espiritu. Tinanggap ninyo ang kapangyarihang ito nang walang bayad, kaya ipamahagi rin ninyo nang walang bayad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:12

Sapagkat kung kusang-loob ang inyong pagbibigay, tatanggapin ng Dios ang anumang makayanan ninyo. Hindi niya kayo pinagbibigay nang hindi ninyo kaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:17

Kapag tumutulong ka sa mahirap, para kang nagpapautang sa Panginoon, dahil ang Panginoon ang magbabayad sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:18

Pero alalahanin ninyo na ang Panginoon na inyong Dios ang siyang nagbigay sa inyo ng kakayahang maging mayaman, at ginawa niya ito para matupad niya ang kasunduan niya sa inyong mga ninuno, katulad ng ginawa niya ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:12-13

Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin? Sasambahin ko ang Panginoon, at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:21

Sumagot si Jesus, “Kung nais mong maging ganap sa harap ng Dios, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:26

Ang taong tamad ay laging naghahangad na makatanggap, ngunit ang taong matuwid ay nagbibigay nang walang alinlangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:18

Turuan mo silang gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, at mapagbigay at matulungin sa kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:14-15

Ang kailangan kong handog ay ang inyong pasasalamat at ang pagtupad sa mga ipinangako ninyo sa akin na Kataas-taasang Dios. Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan. At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:17

O aking Dios, alam ko pong sinasaliksik nʼyo ang aming puso at nasisiyahan kayo kapag nakikita nʼyong tapat ito. Kaya tapat at kusang-loob ang pagbibigay ko sa inyo ng mga bagay na ito. At nagagalak po ako dahil nakita kong kahit ang mga mamamayan ninyong narito ay kusang-loob na nagbigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7

Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:9

Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman siya doon sa langit ay nagpakadukha siya dito sa mundo alang-alang sa atin, para sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 26:1-2

“Kapag naangkin na ninyo ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana, at doon na kayo naninirahan, Kaya heto po kami ngayon, O Panginoon, dinadala namin ang unang bahagi ng ani ng lupaing ibinigay ninyo sa amin.’ Pagkatapos ninyo itong sabihin, ilagay ninyo ang basket sa presensya ng Panginoon na inyong Dios, at sumamba kayo sa kanya. Magsaya kayo dahil mabuti ang mga bagay na ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios sa inyo at sa inyong pamilya. Isama rin ninyo sa pagdiriwang ang mga Levita at ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo. “Sa bawat ikatlong taon, ibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng inyong ani sa mga Levita, sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda, para mayroon silang masaganang pagkain. Pagkatapos, sabihin ninyo sa presensya ng Panginoon na inyong Dios, ‘Kinuha ko na po sa aking bahay ang banal na bahagi, iyon ang ikasampung bahagi, at ibinigay sa mga Levita, sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda ayon sa lahat ng iniutos nʼyo sa amin. Hindi po ako sumuway o lumimot sa kahit isang utos ninyo. Hindi ko po ito kinain habang nagdadalamhati ako; hindi ko ito ginalaw habang itinuturing akong marumi at hindi ko po ito inihandog sa patay. O Panginoon na aking Dios, sinunod ko po kayo. Ginawa ko ang lahat ng iniutos ninyo sa amin. Tingnan po ninyo kami mula sa inyong banal na tahanan sa langit, at pagpalain ang mga mamamayan ninyong Israelita at ang maganda at masaganang lupain na ibinigay ninyo sa amin ayon sa ipinangako ninyo sa aming mga ninuno.’ “Sa araw na ito, inuutusan kayo ng Panginoon na inyong Dios na sundin ninyong lahat ang utos at tuntuning ito. Sundin ninyo itong mabuti nang buong pusoʼt kaluluwa. Ipinahayag ninyo sa araw na ito na ang Panginoon ang inyong Dios at mabubuhay kayo ayon sa kanyang pamamaraan, dahil susundin ninyo ang kanyang mga utos at mga tuntunin, at susundin ninyo siya. At ipinahayag din ng Panginoon sa araw na ito, na kayo ang espesyal na mamamayan ayon sa kanyang ipinangako, at dapat kayong sumunod sa lahat ng utos niya. Ayon sa kanyang ipinangako, gagawin niya kayong higit kaysa sa lahat ng bansa; pupurihin at pararangalan kayo. Kayo ay magiging mga mamamayang pinili ng Panginoon na inyong Dios.” ilagay ninyo ang naunang mga bahagi ng inyong ani sa basket. At dalhin ninyo ito sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Dios, kung saan pararangalan siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 36:5

“Sobra na sa kinakailangan ang dinadala ng mga tao para sa gawaing iniutos ng Panginoon na gawin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:5

Magtiwala kayo sa Panginoon at mag-alay sa kanya ng tamang mga handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:33-34

Ipagbili ninyo ang mga ari-arian ninyo at ipamigay ang pera sa mga mahihirap, upang makaipon kayo ng kayamanan sa langit. Doon, ang maiipon ninyong kayamanan ay hindi maluluma o mauubos, sapagkat doon ay walang makakalapit na magnanakaw o makakapanirang insekto. Sapagkat kung nasaan ang kayamanan ninyo, naroon din ang puso ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:3-4

Sa halip, kung magbibigay kayo ng tulong, huwag na ninyo itong ipaalam kahit sa pinakamatalik nʼyong kaibigan, Kung dinadamitan ng Dios nang ganito ang mga damo sa parang, na buhay ngayon pero kinabukasan ay malalanta at susunugin, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya! Kaya huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong kakainin, iinumin, o susuotin. Ang mga bagay na ito ang pinapahalagahan ng mga taong hindi kumikilala sa Dios. Ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo. Kaya huwag na kayong mag-alala tungkol sa kinabukasan, dahil ang bukas ay may sarili nang alalahanin. Sapat na ang mga alalahaning dumarating sa bawat araw.” upang maging lihim ang pagbibigay ninyo. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:8

Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:10

Kahit mga leon ay kukulangin sa pagkain at magugutom, ngunit hindi kukulangin ng mabubuting bagay ang mga nagtitiwala sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:23-24

Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. Alam naman ninyong may gantimpala kayong matatanggap sa Panginoon, dahil si Cristo na Panginoon natin ang siyang pinaglilingkuran ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:23

Ang naghahandog sa akin ng pasasalamat ay pinaparangalan ako at ang nag-iingat sa kanyang pag-uugali ay ililigtas ko.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 14:20

Purihin ang Kataas-taasang Dios na nagbigay ng tagumpay sa iyo laban sa mga kaaway mo!” Pagkatapos, ibinigay ni Abram kay Melkizedek ang ikasampung bahagi ng lahat ng bagay na nakuha niya sa labanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:35

Ginawa ko ito upang maipakita sa inyo na sa ganitong pagsusumikap ay matutulungan natin ang mga dukha. Lagi nating alalahanin ang sinabi ng Panginoong Jesus na mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:9

Ang nagbibigay ng pagkain sa dukha ay tiyak na pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:27

Ang Panginoon ay Dios at napakabuti niya sa atin. Magdala tayo ng mga sanga ng punongkahoy para sa pagdiriwang ng pista, at pumarada paikot sa altar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:5

dahil mula pa nang sumampalataya kayo hanggang ngayon ay katulong ko na kayo sa pagpapalaganap ng Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:26

Sapagkat minabuti ng mga kapatid sa Macedonia at Acaya na magbigay ng tulong para sa mga mahihirap na pinabanal ng Dios doon sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:40

At sasagot ako bilang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, para na rin nʼyo itong ginawa sa akin.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Ang taong masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad, ngunit ang taong matuwid ay naaawa at nagbibigay ng sagana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:27

Hanggaʼt makakaya mo, tulungan mo ang mga dapat tulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:35

Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa iyan sa magagastos mo ay babayaran kita pagbalik ko.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:10

Ang tanging hiling nila ay huwag naming kalilimutang tulungan ang mga mahihirap, at iyan din naman talaga ang nais kong gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10

Binigyan ng Dios ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang mabubuting katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:5

Kaya nga naisip kong paunahin ang mga kapatid na ito sa akin para habang hindi pa ako nakakarating ay malikom na ang inyong mga ipinangakong tulong. At sa ganitong paraan, makikita ng mga tao na kusang-loob ang inyong pagbibigay, at hindi dahil napilitan lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:5

Silang nagtatanim na lumuluha ay mag-aaning tuwang-tuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:12

Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan; pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:1

Una sa lahat, ipinapakiusap kong ipanalangin nʼyo ang lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Dios ang kahilingan nʼyo para sa kanila nang may pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:15

Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Kagaya ng iniutos ko sa inyo, kumain kayo ng tinapay na walang pampaalsa sa loob ng pitong araw. Gawin ninyo ito sa itinakdang panahon sa buwan ng Abib, dahil ito ang buwan na lumabas kayo ng Egipto. Ang bawat isa sa inyoʼy dapat magdala sa akin ng handog sa panahong iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:17

Ang handog na nakalulugod sa inyo ay pusong nagpapakumbaba at nagsisisi sa kanyang kasalanan. Ito ang handog na hindi nʼyo tatanggihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:1

Mapalad ang taong nagmamalasakit sa mga mahihirap. Tutulungan siya ng Panginoon sa panahon ng kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:27

Ang taong mapagbigay sa mahihirap ay hindi kukulangin, ngunit ang nagbubulag-bulagan ay makakatanggap ng mga sumpa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:8

Sa loob ng bahay niya ay tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya akong sinuman, babayaran ko ng apat na beses ang kinuha ko sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:44-45

Maganda ang pagsasamahan ng mga mananampalataya, at pinag-isa nila ang kanilang mga ari-arian para makabahagi ang lahat. Ipinagbili nila ang kanilang mga lupa at mga ari-arian, at ang peraʼy ipinamahagi nila sa kanilang mga kasama ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:8

Sa tingin ng iba ang suhol ay parang salamangka na magagawa ang kahit anumang bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:8

kung pagpapayo, magpayo siya nang mabuti; kung pagbibigay, magbigay siya nang maluwag; kung pamumuno, mamuno siya nang buong sikap; at kung pagtulong sa nangangailangan, tumulong siya nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:29

Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa ng mas marami, ngunit ang wala, kahit ang kaunting nasa kanya ay kukunin pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon, ang Dios na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:108

Tanggapin nʼyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri sa inyo, at ituro nʼyo sa akin ang inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:10

at kung gagawin ninyo ang pagpapakain sa mga nagugutom, ang pagbibigay ng pangangailangan ng mga dukha, darating sa inyo ang kaligtasan na magbibigay-liwanag sa madilim ninyong kalagayan na parang tanghaling-tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:7

Kayong mga nasa Corinto ay nangunguna sa lahat ng bagay – malakas ang inyong pananampalataya, magaling kayong magturo, marami kayong alam, masipag sa paglilingkod sa Dios, at malaki ang inyong pag-ibig sa amin. Kaya gusto namin na manguna rin kayo sa pagbibigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:13

Tulungan ninyo ang mga pinabanal ng Dios na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:17

Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:8

Kasuklam-suklam sa Panginoon ang handog ng masasama, ngunit kalugod-lugod sa kanya ang panalangin ng mga matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:3

At dahil sa kagustuhan kong maitayo ang templo ng aking Dios, ibibigay ko pati ang personal kong mga ginto at pilak, bukod pa ang mga materyales na naipon ko para sa banal na templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:3

si Juana na asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nina Jesus mula sa mga ari-arian nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:29

Dahil sa inyong templo sa Jerusalem magkakaloob ng mga regalo ang mga hari para sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:16-17

Mas mabuti pang maging mahirap na may takot sa Panginoon, kaysa maging mayaman na ang buhay ay puno ng kaguluhan. Mas mabuti pa ang mag-ulam ng kahit gulay lang pero may pagmamahalan, kaysa sa mag-ulam ng karne pero may alitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:24

“Walang taong makapaglilingkod nang sabay sa dalawang amo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Dios at sa kayamanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:11

Pasasaganain kayo ng Dios sa lahat ng bagay para lagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 21:2

Ibinigay nʼyo sa kanya ang kanyang hinahangad; hindi nʼyo ipinagkait ang kanyang kahilingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:8

Pero ang taong marangal ay may hangarin na palaging gumawa ng mabuti, at itoʼy kanyang tinutupad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:32

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:23

“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ibinibigay nga ninyo kahit ang ikapu ng inyong mga pampalasa, ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang mga mas mahalagang utos tungkol sa pagiging makatarungan, mahabagin, at pagiging tapat. Dapat ngang magbigay kayo ng inyong mga ikapu, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga mas mahalagang utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:9

Nagbibigay siya sa mga dukha, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman. Ang kanyang kakayahan ay lalo pang dadagdagan ng Dios upang siyaʼy maparangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:24-25

Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan. Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:15

Alam naman ninyong mga taga-Filipos na noong umalis ako sa Macedonia at nagsisimula pa lang sa pangangaral ng Magandang Balita, walang ibang iglesya na tumulong sa mga pangangailangan ko kundi kayo lang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:17

Kung mayroon man sa atin ang nasa mabuting pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba natin na sumasakanya ang pag-ibig ng Dios?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:10

Kaya nga sa tuwing may pagkakataon, gumawa tayo ng kabutihan sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:6

Ang umalis na lumuluha, na may dalang binhi na itatanim ay babalik na masaya, na may dala-dalang mga ani.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:31

Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Dios na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 35:21

Ang lahat ng gustong maghandog sa Panginoon ay nagdala ng mga materyales na gagamitin sa paggawa ng Toldang Tipanan at ang lahat ng kagamitan nito, at mga materyales para sa mga damit ng mga pari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1

Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:16-17

“Bawat taon, dapat makiisa ang bawat lalaki sa tatlong pistang ito: ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang Pista ng Pag-aani at ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. Pupunta ang bawat isa sa kanila sa presensya ng Panginoon na inyong Dios sa lugar na pipiliin niya, at nararapat na magdala sila ng handog sa Panginoon ayon sa pagpapalang ibinigay sa kanila ng Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 4:4

Si Abel naman ay kumuha ng isang panganay sa mga inaalagaan niyang hayop, kinatay ito at inihandog sa Dios ang pinakamagandang bahagi. Natuwa ang Panginoon kay Abel at sa handog nito,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:23-24

Kaya kung nasa altar ka at nag-aalay ng iyong handog sa Dios, at maalala mong may hinanakit sa iyo ang iyong kapatid, iwanan mo muna ang handog mo sa harap ng altar. Makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid at saka ka bumalik at maghandog sa Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 12:41-44

Umupo si Jesus malapit sa pinaglalagyan ng mga kaloob doon sa templo at pinagmamasdan ang mga taong naghuhulog ng pera. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. May lumapit doon na isang mahirap na biyuda at naghulog ng dalawang pirasong barya. Tinawag ni Jesus ang mga tagasunod niya at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa lahat ng nagbigay. Sapagkat silang lahat ay nagbigay lang ng sumobrang pera nila. Pero ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang ikinabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:29

Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa kanyang presensya. Sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kanyang kabanalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:8

Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 20:2-3

Sanaʼy tulungan ka niya mula sa kanyang templo roon sa Zion. Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog, pati na ang iyong mga haing sinusunog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 35:29

Kaya ang lahat ng mga Israelita, lalaki man o babae, na gustong tumulong sa lahat ng gawain na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises ay kusang-loob na nagdala ng mga handog sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:5

Kung mag-aalay kayo ng handog para sa mabuting relasyon, ialay ninyo ito sa paraang katanggap-tanggap sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:9

Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa Panginoon. Labis din ang kagalakan ni Haring David.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 25:2

“Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila sa akin. Ikaw ang tumanggap ng kanilang mga handog na gusto nilang ialay sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Purihin Ka, Diyos ko, sapagkat Ikaw ay Matuwid, Banal, at karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Sa ngalan ni Hesus, lumalapit ako upang magpasalamat nang may galak at saya dahil sa Iyong katapatan at paglalaan. Inihahandog ko ang aking puso upang sambahin at parangalan Ka gamit ang aking mga ari-arian, ang gawa ng aking mga kamay, sapagkat mula sa Iyong mga biyaya, ibinabalik ko sa Iyo. Ama naming minamahal, itanim mo sa aming mga puso ang paghahasik sa Iyong kaharian, nawa'y maging tagapagpalaganap kami ng Iyong salita dito sa lupa sa pamamagitan ng aming mga handog sa Iyong tahanan. Ibinibigay namin ang aming pinakamahusay dahil ibinigay Mo ang pinakamahusay para sa amin, tanggapin Mo po ang aming alay at nawa'y pumaitaas ito bilang mabangong samyo sa Iyong harapan. Sabi ng Iyong salita: "Ang naghahasik nang kaunti ay aani rin nang kaunti, at ang naghahasik nang sagana ay aani rin nang sagana." Panginoon, nawa'y maging instrumento rin kami ng pagpapala at makapag-hasik sa buhay ng iba, bigyan Mo po kami ng pusong mapagbigay at mapagkawanggawa, dahil higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap, linisin Mo ang aming mga layunin, nawa'y maging kalugud-lugod sa Iyo ang aming mga buhay. Sa pangalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas