Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


107 Mga Talata sa Bibliya para sa mga Anibersaryo

107 Mga Talata sa Bibliya para sa mga Anibersaryo

Alam mo, ang sentro ng pagsasama natin bilang mag-asawa dapat ay ang Diyos. Kasi, Siya lang ang may kakayahang tumulong sa atin para maging mapagmahal at tapat sa ating kabiyak. Mas matibay ang pundasyon ng pagsasama kung may basbas Niya. Kaya mahalaga na magpasalamat tayo sa Kanya sa pamamagitan ng pagsamba at paghingi ng gabay ng Banal na Espiritu.

Lahat ng taon ng saya, hirap, at pagsubok, ipagkatiwala natin sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa ganitong paraan, mas tatagal at titibay ang ating pagsasama at makakasama natin ang ating mga mahal sa buhay sa bawat anibersaryo.

Maglaan din tayo ng oras para sa isa't isa. Balikan natin ang kabutihan ng Diyos at magpasalamat sa lahat ng biyaya. Damhin natin ang saya na magkasama tayo at patuloy na maglakbay hawak ang kamay ng Panginoon.


Mga Awit 126:3

Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:14

At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 9:9

Magpakaligaya ka sa piling ng babaing iyong minamahal habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ito sapagkat iyon ang iyong bahagi at bunga ng iyong pinagpaguran sa maikling buhay na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:2

Akong ito'y pinupupog, sinisiil mo ng halik; ang dulot ng pag-ibig mo'y mainam pa sa alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:9

Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:24

Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:16

Mangingibig ko ay akin at ako nama'y kanya, sa gitna ng mga liryo, kumakain ang kawan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:12

“Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:23

Sinabi ng lalaki, “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki siya'y kinuha.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:13

Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 4:5-7

Parang usang magkaparis ang malusog na dibdib mo, masayang kumakain sa gitna ng mga liryo. Hanggang sa dumating ang bukang-liwayway, hanggang sa mapawi ang pusikit na karimlan, sa dibdib mong ubod bango ako ay hihimlay, pagkat ito ay simbango ng mira at ng kamanyang. Kay ganda mo, aking sinta; kay ganda mo, aking mahal. Wala akong maipintas sa taglay mong kagandahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:25

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:12

Dahil itong buhay nami'y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:16

Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4-5

Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan! Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:22

Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan; siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 3:4

Nang aking iwan ang nasabing mga tanod, bigla na lang nakita ang mahal kong iniirog. Siya'y aking hinawakan at hindi na binitiwan, hanggang siya'y madala ko sa bahay kong sinilangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 8:6-7

Kaya ako'y mahalin mo, sa bisig mo ay ikulong. O kay lakas ng pag-ibig, panibugho man ay gayon; sinlakas ng kamatayan, tumutupok, parang apoy. Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:10

Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.” Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:4-6

Sumagot si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:37-39

Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:6-9

Subalit simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, nilalang niya ang tao na lalaki at babae. ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, [magsasama sila ng kanyang asawa] at ang dalawa'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:37

sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:12-13

Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Ang pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:8

Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-7

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:15

Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:2-3

Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa. Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan. Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:31-32

Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3-5

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Ako'y nagagalak tuwing ako'y nananalangin para sa inyong lahat, dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:1-2

Kaya nga, yamang mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama. Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang reklamo at pagtatalo, upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng sanlibutang baluktot at masama. Sa gayon, magsisilbi kayong mga ilaw sa kanila, tulad ng mga bituing nagniningning sa kalangitan, habang ipinapahayag ninyo ang salitang nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa Araw ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang mga hirap at pagod ko sa inyo. Kung ang buhay ko ma'y ibuhos bilang handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo. Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan. Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko agad riyan si Timoteo upang mapanatag ang aking loob kapag aking malaman mula sa kanya ang inyong kalagayan. lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16-18

Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:17-19

Ang mayayaman sa materyal na bagay ay utusan mong huwag magmataas at huwag umasa sa kayamanang lumilipas. Sa halip, umasa sila sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan. Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-impok sila para sa mabuting pundasyon sa hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:1-2

Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. Ang dugo ng mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. Gayundin naman, namatay si Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. Kaya't pumunta tayo sa kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap natin ay ang lungsod na darating. [Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos. Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo. Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon. Higit sa lahat, hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa inyo. Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa kanilang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:17

Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagdudulot ng bahagya mang dilim dahil sa pagbabago.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:6-7

Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:19

Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:4-5

Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban, at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam. Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan, sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:19

Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:10-11

Labis na magdurusa ang taong masama, ngunit ang tapat na pag-ibig ni Yahweh ang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya. Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos, dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:5

Yahweh, aking Diyos, wala kang katulad sa maraming bagay na iyong ginanap; kung pangahasan kong sabihin ang lahat, nangangamba akong may makalimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-2

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:2

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:25

Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:25

Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:13

Ang taong masayahin ay laging nakangiti, ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:22

Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan, at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:14

Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan, ngunit si Yahweh lang ang nagbibigay ng mabuting maybahay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:7

Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:4-5

Sasabihin ninyo sa araw na iyon: “Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan; ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa, ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan. Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa, ibalita ninyo ito sa buong daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3

Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan upang itanong, “Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba?” sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:22-26

Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Sapagkat ang buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon! Sino sa inyo ang makakapagdagdag sa kanyang buhay ng kahit isang oras dahil sa pagkabalisa? Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nababalisa tungkol sa ibang mga bagay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:1-3

“Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.” “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili sa inyo. “Hindi ko kayo iiwang mga ulila; babalik ako sa inyo. Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutang ito. Ngunit ako'y makikita ninyo; sapagkat buháy ako, mabubuhay rin kayo. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? Sa araw na iyon ay malalaman ninyong ako'y nasa Ama, at kayo nama'y nasa akin at ako'y nasa inyo. “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad sa mga ito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya.” Tinanong siya ni Judas (hindi si Judas Iscariote), “Panginoon, bakit po sa amin lamang kayo magpapakilala nang lubusan at hindi sa sanlibutan?” Sumagot si Jesus, “Ang umiibig sa akin ay tumutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y pupunta at mananahan sa kanya. Ang hindi tumutupad sa aking mga salita ay hindi umiibig sa akin. Ang salitang narinig ninyo ay hindi sa akin, kundi sa Ama na nagsugo sa akin. “Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito habang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo. “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot. Sinabi ko na sa inyo, ‘Ako'y aalis, ngunit ako'y babalik.’ Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat higit na dakila ang Ama kaysa sa akin. Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari, upang kung mangyari na ay sumampalataya kayo sa akin. At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:46-47

Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:3-5

Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:4-9

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo, kayo ay naging masagana sa lahat ng bagay, maging sa pananalita at sa kaalaman. Ang katotohanan tungkol kay Cristo ay pinagtibay sa inyo kaya't hindi kayo nagkukulang sa anumang pagpapala, habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kayo'y gagawin niyang matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3-4

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman namin sa mga nahahapis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20-21

Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:6-7

Yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo na may pakikipag-isa sa kanya. Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:12

Nagpapasalamat ako sa ating Panginoong Jesu-Cristo na nagbibigay sa akin ng lakas, dahil itinuring niya akong karapat-dapat na maglingkod sa kanya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:7

Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:11-14

Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at mamuhay tayo sa daigdig na ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at karapat-dapat sa Diyos habang hinihintay natin ang pinagpalang araw na ating inaasahan. Ito ang araw na mahahayag ang kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, na naghandog ng kanyang sarili upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan at linisin tayo upang maging kanyang sariling bayan na masigasig sa paggawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:10

Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:28

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:3-5

Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa na magmamana tayo ng kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo. Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:10

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng bawat isa sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:1-2

O Yahweh, ika'y aking minamahal, ikaw ang aking kalakasan! Sa isang kerubin siya ay sumakay; sa papawirin mabilis na naglakbay. Ang kadilima'y ginawa niyang takip, maitim na ulap na puno ng tubig. Gumuhit ang kidlat sa harapan niya, at mula sa ulap, bumuhos kaagad ang maraming butil ng yelo at baga. Nagpakulog si Yahweh mula sa langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig. Dahil sa mga palaso na kanyang itinudla, ang mga kaaway ay nangalat sa lupa; nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo kaya't nagsitakas. Dahil sa galit mo, O Yahweh, sa ilong mo galing ang bugso ng hangin; kaya't ang pusod ng dagat ay nalantad, mga pundasyon ng lupa ay nahayag. Mula sa kalangitan, itong Panginoon, sa malalim na tubig, ako'y iniahon. Iniligtas ako sa kapangyarihan ng mga kaaway na di ko kayang labanan; Sinalakay nila ako noong ako'y naguguluhan, ngunit si Yahweh ang sa aki'y nagsanggalang. Nang nasa panganib, ako'y kanyang tinulungan, ako'y iniligtas sapagkat kanyang kinalulugdan! Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:1-3

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:5-7

Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan, at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan. Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan; ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan; ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y kinukupkop ng mapagpala mong kamay. O Diyos, ang iyong pag-ibig mahalaga at matatag, ang kalinga'y nadarama sa lilim ng iyong pakpak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:1-2

Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa; ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya. Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan. Hindi na miminsang aking napakinggan na taglay ng Diyos ang kapangyarihan, at di magbabago kanyang pagmamahal. Ayon sa ginawa ng sinumang tao, doon nababatay ang gantimpala mo. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-4

Sumigaw sa galak ang mga nilalang! O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang. Iyong binayaang mahulog sa bitag, at pinagdala mo kami nang mabigat. Sa mga kaaway ipinaubaya, sinubok mo kami sa apoy at baha, bago mo dinala sa dakong payapa. Ako'y maghahandog sa banal mong templo ng aking pangako na handog sa iyo. Pati pangako ko, nang may suliranin, ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin. Natatanging handog ang iaalay ko; susunuging tupa, kambing, saka toro, mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah) Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, kanyang karangalan, aking sinasabi. Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, di sana ako dininig ng ating Panginoon. Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, sa aking dalangin, ako ay sinagot. At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Awitan siya't luwalhatiin siya! Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan, pagkat ang daing ko'y kanyang pinakinggan, at ang pag-ibig niya sa aki'y walang katapusan. Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila: “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga; yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan. Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta; ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:1-2

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman. Sa dakong madilim, may mga nakaupo na puspos ng lungkot, bilanggo sa dusa, at sa kahirapan sila'y nagagapos. Ang dahilan nito— sila'y naghimagsik, lumaban sa Diyos; mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod. Nahirapan sila, pagkat sa gawain sila'y hinagupit; sa natamong hirap, nang sila'y bumagsak ay walang lumapit. Sa gitna ng hirap, kay Yahweh sila ay tumawag; at dininig naman yaong kahilingan na sila'y iligtas. Sa dakong madilim, sila ay hinango sa gitna ng lungkot, at ang tanikala sa kamay at paa ay kanyang nilagot. Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas. Winawasak niya, maging mga pinto na yari sa tanso, ang rehas na bakal ay nababaluktot kung kanyang mahipo. May nangagkasakit, dahil sa kanilang likong pamumuhay; dahil sa pagsuway, ang dinanas nila'y mga kahirapan. Anumang pagkain na makita nila'y di na magustuhan, anupa't sa anyo, di na magluluwat ang kanilang buhay. Sa ganoong lagay, sila ay tumawag kay Yahweh, tinulungan sila at sa kahirapan, sila ay tinubos. Lahat ng niligtas, tinubos ni Yahweh, bayaang magpuri, mga tinulungan, upang sa problema, sila ay magwagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:1-3

Purihin si Yahweh! Dapat na magpuri ang mga alipin, ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin. Ang kanyang pangalan ay papupurihan, magmula ngayo't magpakailanman, buhat sa silangan, hanggang sa kanluran, ang ngalan ni Yahweh, dapat papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:1-3

Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan, hindi namin maaangkin, pagkat ito'y iyo lamang; walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan. Kayong mga pari, kay Yahweh ay magtiwala, siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa. Kay Yahweh ay magtiwala, kayong may takot sa kanya, siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa. Ang Diyos ay magpapala, hindi tayo lilimutin, pagpapala'y matatamo nitong bayan ng Israel; pati mga pari'y may pagpapalang kakamtin. Sa lahat ng mayro'ng takot kay Yahweh, lahat mapagpapala, kung magpala'y pantay-pantay, sa hamak man o dakila. Sana kayo'y paramihin, kayo at ang inyong angkan, anak ninyo ay dumami, lumaki ang inyong bilang. Pagpalain sana kayo, pagpalain kayong lubos, pagpalain ng lumikha ng langit at sansinukob. Si Yahweh ang may-ari ng buong sangkalangitan, samantalang ang daigdig, sa tao niya ibinigay. Di na siya mapupuri niyong mga taong patay, niyong mga nahihimlay sa malamig na libingan. Tayo ngayong nabubuhay ang dapat magpasalamat, siya'y dapat na purihin, mula ngayon, hanggang wakas. Purihin si Yahweh! Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa: “Nasaan ba ang inyong Diyos?” ang palaging winiwika. Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin, at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:12-13

Pupurihin kita, Yahweh, ika'y aking pupurihin; ang lahat ng tuntunin mo ay ituro po sa akin. Dahil sa iyo, ang damdam ko'y para akong natatakot, sa hatol mong igagawad, natatakot akong lubos. (Ayin) Ang matuwid at mabuti ay siya kong ginampanan, sa kamay ng kaaway ko, huwag mo akong pabayaan. Aming Diyos, mangako kang iingatan ang iyong lingkod, at hindi mo babayaang guluhin ng mga hambog. Malamlam na ang mata ko, sa tagal ng paghihintay, sa pangako mo sa aking tatanggapi'y kaligtasan. Sang-ayon sa pag-ibig mo, gayon ang gawing pagtingin, ang lahat ng tuntunin mo ay ituro na sa akin. Bigyan mo ng pang-unawa itong iyong abang lingkod, upang aking maunawa ang aral mo't mga utos. Panahon na, O Yahweh, upang ikaw ay kumilos, nilalabag na ng tao ang bigay mong mga utos. Mahal ko ang iyong utos nang higit pa kaysa ginto, kaysa gintong dinalisay, utos mo'y isinapuso. Kaya iyang tuntunin mo ang siya kong sinusunod, pagkat ako'y namumuhi sa anumang gawang buktot. (Pe) Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo; lahat aking iingata't susundin nang buong puso. Ang lahat mong mga utos na sa aki'y ibinigay, palagi kong babanggitin, malakas kong isisigaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:1-3

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat, Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan. Babanggitin nilang tunay na dakila ang iyong kaharian, at ibabalitang tunay kang dakila't makapangyarihan. Dakila mong gawa'y upang matalastas ng lahat ng tao, mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo. Ang paghahari mo'y sadyang walang hanggan, hindi magbabago. Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat. Siya'y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang hahanguin. Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan. Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay. Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa. Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo. Bawat kailangan ng taong tapat at may takot sa kanya, kanyang tinutugon, at kung nagigipit hinahango sila. aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw, di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman. Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay. Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay, sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman! Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:1-2

Purihin si Yahweh! Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa! Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh! Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili! Purihin si Yahweh! Pupurihin siya't aking aawitan; aking aawitan habang ako'y buháy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:3-4

Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran, ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan. Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan, kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan. Huwag kang maiinggit sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas. Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot, ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot. Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala. Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban. Ang taong matalino'y magkakamit-karangalan, ngunit puro kahihiyan ang aanihin ng mangmang. Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:15

Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka, ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:24

Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:10

Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Maraming salamat po, mahal naming Diyos, sa 'Yong walang hanggang katapatan. Nagpapasalamat po kami sa Iyong kabutihan at awa. Nadarama po namin ang Iyong pag-ibig na siyang bumubuhay at nagpapalakas sa amin. Ama, taos-puso po ang aming pasasalamat sa Iyong kapayapaan at pangangalaga, at sa pagkakataong ipagdiwang ang aming anibersaryo. Dalangin po namin na patuloy Mong pagtibayin ang aming pagsasama, na ang Iyong salita at ang matamis na pakikipag-isa sa Iyong Banal na Espiritu ang siyang maging sentro ng aming buhay. Panginoon, hawak Kamay, gabayan Mo po kami sa lahat ng pagsubok. Alam po namin na ang tunay na pagsasama ay hindi 'yung walang problema, kundi 'yung sama-samang hinaharap ang mga ito. Bigyan Mo po kami ng karunungan upang patuloy naming mapagtibay ang aming tahanan at pagsasama, na ang Iyong presensya ang siyang maghari sa aming mga puso, at hindi mabigyan ng puwang ang kaaway sa pamamagitan ng masasakit na salita. Panginoon, ilayo Mo po kami sa tukso ng pangangalunya at paghihiwalay. Nawa'y ang kapayapaan at pagkakasundo ang laging manaig sa amin, dahil ang pinagbuklod Mo ay huwag paghiwalayin ng tao. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas