Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


71 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Thanksgiving

71 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Thanksgiving

Mahalaga sa atin na magmahal sa Diyos ang pagiging mapagpasalamat. Isa ito sa pinakamagandang katangian na maari nating taglayin. Isipin mo, ang kalayaan at kaligtasan natin ay dahil kay Hesukristo, isang napakagandang regalo mula sa Diyos.

Higit pa sa pagpapasalamat lang sa Kanya, dapat nating maintindihan na ang pinakamagandang paraan para magpasalamat ay ang pagsunod sa Kanyang mga aral at utos. Hindi sapat ang salita lamang, kailangan din natin Siyang pasayahin sa pamamagitan ng ating mga gawa.

Mula pagsikat hanggang paglubog ng araw, kahit sa gitna ng pagsubok, dapat tayong magpasalamat sa Diyos. Magtiwala tayo sa Kanyang walang hanggang pagmamahal at awa. Dahil kay Hesus, ang natanggap natin ay higit pa sa nararapat sa atin.

Magpasalamat tayo hindi lang sa Diyos, kundi pati na rin sa mga taong nagiging instrumento ng pagpapala sa ating buhay. Katulad ng sabi sa Salmo 100:4, “Pasok kayo sa kanyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kanyang mga looban na may pagpupuri; magpasalamat kayo sa kanya, purihin ninyo ang kanyang pangalan.”


1 Tesalonica 5:16-18

Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:15-17

Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 2:14

Ngunit salamat sa Diyos at lagi niya kaming isinasama sa parada ng tagumpay ni Cristo, dahil sa aming pakikipag-isa sa kanya. At sa pamamagitan namin ay pinalalaganap ng Diyos sa lahat ng dako ang mabangong halimuyak ng pagkakilala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:17

At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:30

Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:28

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:8

Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahanga-hanga niyang pagliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1

Pupurihin kita, Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:22

Dapat ding dumulog, na dala ang handog ng pasasalamat, lahat ng ginawa niya'y ibalita, umawit sa galak!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:2

Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:57

Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:2-3

Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Sapagkat si Yahweh, siya ay dakila't makapangyarihang Diyos, ang dakilang Haring higit pa sa sinuman na dinidiyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:2

Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:14

Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:15

Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15

[Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:8

Magpasalamat kay Yahweh, tumawag sa kanyang pangalan; ang lahat ng gawa niya sa lahat ay ipaalam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:20

Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:1

Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:18

At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan; pupurihin kita sa harap ng bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:11

Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:30-31

Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan. Sa ganitong diwa ika'y nalulugod, higit pa sa haing torong ihahandog, higit pa sa bakang ipagkakaloob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:6-7

Yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo na may pakikipag-isa sa kanya. Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:21

Kahit na kilala nila ang Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:4-5

Sasabihin ninyo sa araw na iyon: “Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan; ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa, ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan. Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa, ibalita ninyo ito sa buong daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:1

Purihin si Yahweh! Pasalamatan siya sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:36

Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1-4

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya. Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya. Alam niya na alabok itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan. Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad, sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak; nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan, nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan. Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan. Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa. O purihin n'yo si Yahweh, kayong mga anghel ng Diyos, kayong mga nakikinig at sa kanya'y sumusunod! Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan, kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman. O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang, sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal; O aking kaluluwa, si Yahweh ay papurihan! Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat. Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas, at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't habag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 54:6

Buong galak naman akong maghahandog ng pasasalamat kay Yahweh, dahilan sa kanyang kagandahang-loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:10-12

Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan. Babanggitin nilang tunay na dakila ang iyong kaharian, at ibabalitang tunay kang dakila't makapangyarihan. Dakila mong gawa'y upang matalastas ng lahat ng tao, mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:12

Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:6

Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:1-2

Ang magpasalamat kay Yahweh ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataas-taasan. Ako'y ginawa mong sinlakas ng torong mailap sa gubat, ako'y pinagpala't pawang kagalakan aking dinaranas. Aking nasaksihan yaong pagkalupig ng mga kaaway, pati pananaghoy ng mga masama'y aking napakinggan. Tulad ng palmera, ang taong matuwid tatatag ang buhay, sedar ang kagaya, kahoy sa Lebanon, lalagong malabay. Mga punong natanim sa tahanan ni Yahweh, sa Templo ng ating Diyos bunga nila'y darami. Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda, luntia't matatag, at ang dahon nito ay laging sariwa. Ito'y patotoo na si Yahweh ay tunay na matuwid, siya kong sanggalang, matatag na batong walang karumihan. Pag-ibig niyang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway, pagsapit ng gabi ang katapatan niya'y ihayag din naman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:15

Ang lahat ng pagtitiis ko ay para sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakakatanggap ng kagandahang-loob ng Diyos, lalo pang dumami ang magpapasalamat sa ikaluluwalhati niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:15-16

Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y isang Samaritano.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:2

Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:13

Pinasasalamatan namin kayo, O Diyos, at pinupuri ang inyong maluwalhating pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:1

Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:26

Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:12

O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:17

Ngunit salamat sa Diyos, kayong dating mga alipin ng kasalanan ay taos pusong sumunod sa katotohanan na nasa aral na ibinigay sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:17

Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:16

walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Hindi ko nakakalimutang ipanalangin kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 1:2

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:10

Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 2:23

Pinupuri ko kayo at pinasasalamatan, O Diyos ng aking mga magulang, dahil sa kaloob ninyo sa aking lakas at karunungan, ngayo'y ibinigay ninyo sa akin ang aking kahilingan, panaginip ng hari sa ami'y ipinaalam.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1-3

Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan! Apatnapung taon, sa inyong ninuno ako ay nagdamdam, ang aking sinabi, ‘Sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’ Kaya't sa galit ko, ako ay sumumpang hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.” Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Sapagkat si Yahweh, siya ay dakila't makapangyarihang Diyos, ang dakilang Haring higit pa sa sinuman na dinidiyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:35

Sabihin ding: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan, tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban; upang aming pasalamatan ang banal mong pangalan at purihin ka sa iyong kaluwalhatian.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:12

Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:1

Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:50

“Sa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 57:9

Sa gitna ng mga bansa, kita'y pasasalamatan; Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng iyong bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 12:46-47

Mula pa nang panahon ni Haring David at ng mang-aawit na si Asaf, ang mga mang-aawit na ang nangunguna sa mga awit ng pasasalamat at papuri sa Diyos. Sa panahon naman ni Zerubabel at ni Nehemias, ibinibigay ng buong Israel ang kanilang mga kaloob araw-araw para sa pangangailangan ng mga mang-aawit at ng mga bantay sa Templo. Ibinibigay nila ang handog para sa mga Levita at ibinibigay naman ng mga Levita sa mga pari ang bahagi ng mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:3

Mga kapatid, tama lamang na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Cristo at lalong nagiging maalab ang inyong pagmamahalan sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:41

Kasama nila roon sina Heman at Jeduthun at iba pang pinili upang magpasalamat kay Yahweh sapagkat pag-ibig niya'y tunay at laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:1

Purihin si Yahweh! Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 11:17

Sinabi nila, “Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na siyang kasalukuyan, at ang nakaraan! Nagpapasalamat kami na ginamit mo ang iyong walang hanggang kapangyarihan at nagpasimula ka nang maghari!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4

Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:18

at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:34

Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:1

Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jonas 2:9

Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:4

Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:15

Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:4-5

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat sapagkat ang mga ito'y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:4

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathalang Manunubos! Lumalapit po ako sa iyo sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo, ikaw lamang ang karapat-dapat sa karangalan at pagsamba. Panginoon, kalooban mo na magpasalamat kami sa lahat ng bagay at sa espesyal na araw na ito ng pagdiriwang, na aming inihahandog sa iyo upang ialay ang aming buong pasasalamat sa lahat ng iyong ginawa at gagawin pa sa akin, gayundin sa buhay ng lahat ng nakapaligid sa akin. Higit sa lahat, nais kong magpasalamat sa iyong dakilang pag-ibig, awa, sa iyong sakripisyo sa krus at sa pagbibigay mo sa akin ng iyong kapatawaran. Tunay ngang ikaw ang Diyos na tumutupad sa kanyang mga pangako, na sa gitna ng mga pagsubok ay hindi mo ako pinababayaan, kundi sa pamamagitan ng iyong Banal na Espiritu ay binigyan mo ako ng lakas at tapang upang malampasan ang lahat, salamat po dahil hindi umiksi ang iyong kamay upang pagpalain ako. Amang Banal, sa araw na ito ng pasasalamat, dumadalangin ako sa iyo para sa mga nangangailangan, bigyan mo sila ng pagkain, damit at sapin sa paa upang maranasan nila ang iyong kadakilaan sa kanilang buhay. Salamat sa aking pamilya, mga kaibigan at mga kapatid sa pananampalataya, pagpalain mo at ingatan sila. Sa ngalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas