Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


101 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa mga Lasenggo

101 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa mga Lasenggo

Alam mo, minsan, sa kalasingan natin, nakakagawa tayo ng mga desisyon na nakakasama hindi lang sa atin kundi pati na rin sa mga mahal natin sa buhay. Isipin mo, gaano kalaki ang epekto ng mga ginagawa natin sa mga nakapaligid sa atin. Pananagutan natin 'yan. Kung alam mong may problema ka na sa pag-inom, huwag kang mag-atubiling humingi ng tulong. Nandito tayo para sa isa't isa.

Isipin mo rin, parang pagsamba na rin sa diyos-diyosan ang pagiging adik sa alak, katulad ng ibang adiksyon. Kapag may ibang bagay tayong inaasahan para punan ang pangangailangan ng puso natin bukod sa Diyos, parang ginagawa na natin itong diyos-diyosan. Nagiging gapos pa tayo nito.

Gusto kong ipakilala sa'yo ang solusyon para makawala sa ganyang sitwasyon na walang mabuting maidudulot sa buhay mo. Maging malaya ka sa alkoholismo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng dugo ni Cristo. Sapat ang kapangyarihan ng Kanyang dugo para linisin ang katawan mo, alisin ang mga lason, at baguhin ka bilang isang bagong nilalang.


1 Corinto 6:10

nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:18

Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:20

Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 1:5

Gumising kayo at tumangis, mga maglalasing! Umiyak kayo, mga manginginom! Sapagkat wala nang ubas na magagawang alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:21

Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:8

Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:21

Mabuti ang huwag nang kumain ng karne o uminom ng alak o gumawa ng anumang magiging sanhi ng pagkakasala ng iyong kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:36

Kung ang Anak ang magpalaya sa inyo, kayo nga'y magiging tunay na malaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:31

Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:25

Sa dilim sila'y nangangapa, sa paglakad ay naliligaw, animo'y mga lasing, sa daan ay sumusuray.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:4

Lemuel, di dapat sa hari ang uminom ng alak o matapang na inumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:1

Ang alak ay nagpapababa sa dangal ng isang tao, kaya isang kamangmangan ang magpakalulong dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 1:14

Kaya, lumapit ito at sinabi sa kanya, “Tama na 'yang paglalasing mo! Tigilan mo na ang pag-inom ng alak at magpakatino ka na!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo. pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:11-12

Kawawa ang maaagang bumangon na nagmamadali upang makipag-inuman; inaabot sila ng hatinggabi hanggang sa malasing! Tugtog ng lira sa saliw ng alpa; tunog ng tamburin at himig ng plauta; saganang alak sa kapistahan nila; ngunit mga ginawa ni Yahweh ay hindi nila inunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:20-21

Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:29-35

Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan? Huwag mong nasain ang pagkain ng hari, baka iyon ay pain lang sa iyo. Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin. Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam, sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti. Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:3

Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, mga pagnanasa ng laman, paglalasing, walang habas na pagsasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 3:8

Ang mga tagapaglingkod naman ay dapat ding maging kagalang-galang, tapat mangusap, hindi lasenggo at hindi sakim sa salapi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:4-5

Lemuel, di dapat sa hari ang uminom ng alak o matapang na inumin. Kadalasan kapag lasing na sila'y nalilimutan na nila ang matuwid at napapabayaan ang karapatan ng mga taong naghihirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:8

Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak, sariwa't matapang yaong lamang alak; ipauubaya niyang ito'y tunggain ng taong masama, hanggang sa ubusin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:34

“Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:13-14

Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:11

Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:6-7

Ang alak ay ibigay mo na lamang sa nawawalan ng pag-asa at sa mga taong dumaranas ng matinding kahirapan. Hayaan silang uminom upang hirap ay malimutan, at kasawia'y di na matandaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:21

pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:7

Sa gabi ay karaniwang natutulog ang tao, at sa gabi rin karaniwang naglalasing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:17

Ngunit mapalad ang lupain na may haring matino at may mga pinunong nakakaalam kung kailan dapat magdiwang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:27

Ang kanilang anyo'y parang mga lasing na pahapay-hapay, dati nilang sigla't mga katangia'y di pakinabangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:1

Ang matalinong anak ay ligaya ng magulang, ngunit tinik sa dibdib ang anak na mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:5

Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:15

Ako'y laging mag-aaral sa lahat ng tuntunin mo, nang aking maunawaan, pagbubulay-bulayan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:37

Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:1

Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:49

Kaya't sisimulan niyang bugbugin ang kanyang kapwa alipin, at makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:45-46

Ngunit kung sasabihin ng aliping iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking panginoon,’ bubugbugin niya ang mga kapwa niya aliping lalaki at babae, at siya'y kakain, iinom at maglalasing, darating ang kanyang panginoon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong lupit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at isasama sa mga suwail.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:17

Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:21

Sapagkat ang bawat isa sa inyo'y nagmamadali sa pagkain ng kanyang sariling pagkain, kaya't nagugutom ang iba at ang iba nama'y nalalasing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:8

Isusuka mo rin ang lahat ng iyong kinain at masasayang lang ang maganda mong sasabihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:3

Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak, kahit sa kaninong di makapagligtas;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 2:3

Sa pagnanasa kong makamit ang karunungan, ipinasya kong magpakalasing sa alak. Sa loob-loob ko'y ito na ang pinakamainam na dapat gawin ng tao sa maikling panahong ilalagi niya sa mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:11

Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:1-3

Kawawa ang Israel, sapagkat naglalaho na ang kanyang karangalan; parang kumukupas na kagandahan ng bulaklak sa ulo ng mga lasenggong pinuno. May pabango nga sila sa ulo ngunit animo'y patay na nakahiga dahil sa kalasingan. Sinong makikinig sa kanyang pamamaraan: Isa-isang letra, isa-isang linya, at isa-isang aralin!” Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang ito sa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo. Ganito ang kanyang sasabihin: “Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,” ngunit hindi nila ito pinakinggan. Kaya ganito ang pagtuturo ni Yahweh sa kanila: “Isa-isang letra, isa-isang linya, at isa-isang aralin;” at sa kanilang paglakad, sila'y mabubuwal, mahuhulog sa bitag, masasaktan at mabibihag. Kaya't ngayon ay dinggin ninyo si Yahweh, kayong mga walang galang na pinuno, na namamahala sa Lunsod ng Jerusalem. Sapagkat sinabi ninyo, “Nakipagkasundo na kami sa kamatayan, gayundin sa daigdig ng mga patay. Kaya hindi na kami mapapahamak dumating man ang malagim na sakuna; ginawa na naming kuta ang kasinungalingan, at pandaraya ang aming kanlungan.” Ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: “Naglalagay ako sa Zion ng batong-panulukan, subok, mahalaga, at matatag na pundasyon; ‘Ang magtiwala rito'y hindi mapapahiya.’ Gagawin kong panukat ang katarungan, at pamantayan ang katuwiran; wawasakin ng bagyo at aanurin ng baha ang lahat ng silungan ng kasinungalingan.” Ang pakikipagkasundo mo sa kamatayan at sa daigdig ng mga patay ay mawawalan ng bisa at masisira, at kapag dumating ang baha, lahat kayo'y matatangay. Araw-araw, sa umaga't gabi ang bahang ito'y daraan at kayo'y tatangayin; maghahasik ito ng sindak at takot upang maunawaan ang mensahe nito. Narito, may inihanda na ang Panginoon, isang taong malakas at makapangyarihan; sinlakas ito ng isang mapaminsalang bagyo, taglay ang malakas na hangin, ulan at rumaragasang baha, upang palubugin ang buong lupa. Sapagkat mangyayari sa inyo ang isinasaad ng kasabihan: ‘Maikli ang kamang inyong higaan, at makitid ang kumot para sa katawan.’ Sapagkat tulad ng ginawa sa Bundok ng Perazim, tatayo si Yahweh at ipadarama ang kanyang galit; tulad din ng ginawa niya sa Libis ng Gibeon, gagawin niya ang kanyang magustuhan kahit hindi siya maunawaan, at tanging siya lang ang nakakaalam. Kaya huwag ka nang magyabang, baka ang gapos mo ay lalong higpitan. Sapagkat narinig ko na ang utos ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, na wasakin ang buong lupain. Itong aking tinig ay iyong dinggin, ang sinasabi ko'y iyong unawain. Ang nagsasaka ba'y lagi na lamang pag-aararo at pagsusuyod ang gagawin sa kanyang bukid? Hindi ba't kung maihanda na ang lupa, ito'y sinasabugan niya ng anis at linga? Hindi ba tinatamnan niya ito ng trigo't sebada at sa mga gilid naman ay espelta? Iyan ang tamang gawain na itinuro ng Diyos sa tao. Ang anis at linga ay hindi ginagamitan ng gulong o mabigat na panggiik. Banayad lamang itong nililiglig o pinapalo. Dinudurog ba ang butil na ginagawang tinapay? Hindi ito ginigiik nang walang tigil, pinararaanan ito sa hinihilang kariton ngunit hindi pinupulbos. Ang mensaheng ito'y mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, mahusay ang kanyang payo at kahanga-hanga ang kanyang karunungan. Yuyurakan ang ipinagmamalaking karangalan ng mga lasenggong pinuno ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:31

Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:21

Ang dulas ng dila'y parang mantekilya, ngunit nasa puso pagkapoot niya; ang mga salita niya'y tulad ng langis, ngunit parang tabak ang talas at tulis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:7

Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral, ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:23

Huwag tubig lamang ang iyong inumin; uminom ka rin ng kaunting alak para sa madalas na pagsakit ng iyong sikmura.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:21

Ang mga walang isip ay natutuwa sa mga bagay na kahangalan, ngunit lumalakad nang matuwid ang taong may kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:17

Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman, bagkus sa hirap siya'y masasadlak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:24-27

Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon. Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin. Subalit pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ito, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:15

sapagkat siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya dapat uminom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina ay mapupuspos na siya ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:5

Ang karunungan ay higit na mabuti kaysa kalakasan. At ang kaalaman ay kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:13

Alam ko ring kaloob ng Diyos na ang tao'y kumain, uminom at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:5

Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:5

Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:15

Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:27

Ang anak na ayaw makinig sa pangaral ay tumatalikod sa turo ng kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:27

Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:32

Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:4

Huwag mong babayaang ako ay matukso, sa gawang masama ay magumon ako; ako ay ilayo, iiwas sa gulo, sa handaan nila'y nang di makasalo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:29

Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hanggang sa araw na inumin kong panibago na kasalo ninyo sa kaharian ng aking Ama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:9

Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:16

Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:15

Pinaniniwalaan ng mangmang ang lahat niyang mapakinggan, ngunit sinisiyasat ng may unawa ang kanyang pupuntahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:12-13

Ang anumang pangako ko'y dadalhin ko sa iyo, O Diyos, ang alay ng pasalamat ay sa iyo ihahandog. Pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng kamatayan, iniligtas mo rin ako sa ganap na kasiraan. Upang ako ay lumakad sa presensya mo, O Diyos, sa landas nitong liwanag na ikaw ang nagdudulot!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:19

Nakita naman nila ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi naman nila, ‘Tingnan ninyo ang taong ito! Matakaw, lasenggo at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at makasalanan.’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napapatunayang tama sa pamamagitan ng mga gawa nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 7:34

Nang dumating naman ang Anak ng Tao, siya'y kumakain at umiinom, ngunit sinasabi naman ninyo, ‘Tingnan ninyo ang taong iyan! Matakaw, lasenggo at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:1-3

Kung ikaw ay kasalo ng may mataas na katungkulan, huwag mong kalilimutan kung sino ang iyong kaharap. Huwag mong babaguhin ang hangganang matagal nang nakalagay, ni sasakupin ang lupa ng mga ulila. Sapagkat ang Tagapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban. Huwag kang hihiwalay sa mabubuting aral, at pakinggan mong mabuti ang salita ng karunungan. Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay. Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay. Anak, matutuwa ako kung magiging matalino ka. Makadarama ako ng pagmamalaki kung ang mga salita mo ay may karunungan. Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip, si Yahweh ay laging igalang at sundin. Kung magkagayon ay gaganda ang iyong kinabukasan. Anak, maging matalino ka at pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay. Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili. Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan. Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na. Hanapin mo ang katotohanan, karunungan at unawa. Pahalagahan mo ang mga ito at huwag pababayaang mawala. Ang ama ng taong matuwid ay puno ng kagalakan. Ipinagmamalaki ng ama ang anak na matalino. Sikapin mong ikaw ay maging karapat-dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina. Anak, makinig kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay. Ang masasamang babae at di-tapat na asawa ay mapanganib na patibong, tiyak na mamamatay ang mahulog doon. Siya'y laging nakaabang tulad ng magnanakaw, at sinumang maakit niya ay natututong magtaksil. Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan? Huwag mong nasain ang pagkain ng hari, baka iyon ay pain lang sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:17

Sapagkat ang mga pagnanasa ng laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:12

Ang sabi nila, “Halikayo, at kumuha kayo ng alak, uminom tayo hanggang mayroon. Mag-iinuman muli tayo bukas nang mas marami kaysa ngayon!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:23

Ngunit ang sinumang kumakain sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay nagkakasala, sapagkat hindi siya nagiging tapat sa kanyang paniniwala. Ang paggawa ng anuman na labag sa sariling paniniwala ay kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:7

Hayaan silang uminom upang hirap ay malimutan, at kasawia'y di na matandaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:10

Hindi ang mga di-mananampalatayang nakikiapid, sakim, magnanakaw, o sumasamba sa diyus-diyosan ang tinutukoy ko, sapagkat kinakailangan ninyong umalis sa mundong ito para sila'y maiwasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:3

Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang, ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1-2

Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. Sinabi rin, “Magalak kayo mga Hentil, kasama ng kanyang bayan!” At muling sinabi, “Magpuri kayo sa Panginoon, kayong mga Hentil, lahat ng bansa ay magpuri sa kanya!” Sinabi pa ni Isaias, “May isisilang sa angkan ni Jesse, upang maghari sa mga Hentil; siya ang kanilang magiging pag-asa.” Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay puspos ng kabutihan at punô ng kaalaman, kaya't matuturuan na ninyo ang isa't isa. Gayunman, sa sulat na ito'y naglakas-loob akong paalalahanan kayo tungkol sa ilang bagay. Ginawa ko ito dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin upang maging lingkod ni Cristo Jesus at gumanap ng tungkulin gaya ng isang pari sa mga Hentil. Ipinapangaral ko sa kanila ang Magandang Balita ng Diyos upang sila'y maging handog na kalugud-lugod sa kanya, dahil sila ay ginawang banal ng Espiritu Santo. Kaya't sa pakikiisa ko kay Cristo Jesus, maipagmamalaki ko ang aking paglilingkod sa Diyos. Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa, sa tulong ng mga himala at mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya't mula sa Jerusalem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo. Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:23

Ngunit ang bulaan at mamamatay-tao, O Diyos, sa hukay, sila'y itapon mo. Hindi magtatagal, ang buhay nila sa daigdig, ngunit tanging sa Diyos ako ay mananalig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:16

Huwag kakain ng labis na pulot-pukyutan at baka ito'y isuka mo lang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:13

Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:14

Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:23

Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi lahat ng ito ay nakakabuti. “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:7

Sumusuray na sa kalasingan ang mga pari at mga propeta kaya sila'y nalilito. Hindi na maunawaan ng mga propeta ang nakikita nilang pangitain; at hindi na matuwid ang paghatol ng mga pari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:29

Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa, at ibinubuyo sa landas na masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:6

Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:11

Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:27

Subalit pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ito, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:18

Ang pagsumpa sa kapwa sa kanya ay parang damit, kasuotang oras-oras nagagawa ang magbihis; sana'y siya ang ginawin, katulad ng nasa tubig tumagos sa buto niya, iyong sumpang parang langis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:23

Ang paggawa ng kasalanan ay kasiyahan ng masama, ngunit ang mabuting asal, kasiyahan ng may unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:5

sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng kanyang sariling dalahin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:28

Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot; sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 24:9

Mawawala na rin ang pag-iinuman ng alak sa saliw ng awitan, ang alak ay magiging mapait sa panlasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:19-21

Anak, maging matalino ka at pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay. Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili. Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:26

Silang nagagalak sa paghihirap ko, lubos mong gapii't bayaang malito; silang nagpapanggap namang mas mabuti, hiyain mo sila't siraan ng puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:65

Parang tulog na gumising, si Yahweh ay nagbangon, ang katawan ay masigla, tumayo ang Panginoon; parang taong nagpainit sa alak na iniinom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:19

Pagkatapos, ay sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya't magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpakasaya!’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathala naming Makapangyarihan, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan! Diyos ko sa kalangitan, Amang Banal, lumalapit ako sa Iyo, kinikilala na Ikaw lamang ang may kapangyarihang baguhin, pagalingin, at ibalik ang aking buhay. Hinihiling ko na palayain mo ako sa lahat ng tanikala, gapos, at pamatok ng pagkaalipin na pumipigil sa akin sa alak. Iligtas mo ang aking buhay mula sa kamay ng kaaway, ayon sa patnubay ng iyong Banal na Espiritu, patayin mo sa akin ang mga makamundong pagnanasa upang makapagsimula akong lumakad sa buhay na puno ng pagpapala. Ingatan mo ako at tulungan mo akong magkaroon ng disiplina upang lumayo sa mga taong humihikayat sa akin na uminom at gumawa ng mga bisyong ito, upang ako'y makausad at maibalik ang aking relasyon sa Iyo. Alisin mo sa aking isipan ang mga mapanlinlang na pagnanasa ng mundong ito, basagin mo ang lahat ng gapos sa aking kaluluwa at katawan, at bunutin mo sa aking buhay ang pagnanasang magpakalasing. Bigyan mo ako ng lakas at tapang upang mapaglabanan ang mga adiksyon at ihanay ang aking buhay sa iyong salita. Sabi ng iyong salita: "Huwag kayong magpakalasing sa alak, na pinagmumulan ng kahalayan; sa halip, mapuspos kayo ng Espiritu." Amang Banal, kinikilala ko ang aking kalagayan, na ako'y nabuhay nang walang kaayusan at malayo sa Iyo, hinihiling ko na turuan mo akong lumakad sa Espiritu upang hindi ko pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas