Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


101 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa mga Lasenggo

101 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa mga Lasenggo

Alam mo, minsan, sa kalasingan natin, nakakagawa tayo ng mga desisyon na nakakasama hindi lang sa atin kundi pati na rin sa mga mahal natin sa buhay. Isipin mo, gaano kalaki ang epekto ng mga ginagawa natin sa mga nakapaligid sa atin. Pananagutan natin 'yan. Kung alam mong may problema ka na sa pag-inom, huwag kang mag-atubiling humingi ng tulong. Nandito tayo para sa isa't isa.

Isipin mo rin, parang pagsamba na rin sa diyos-diyosan ang pagiging adik sa alak, katulad ng ibang adiksyon. Kapag may ibang bagay tayong inaasahan para punan ang pangangailangan ng puso natin bukod sa Diyos, parang ginagawa na natin itong diyos-diyosan. Nagiging gapos pa tayo nito.

Gusto kong ipakilala sa'yo ang solusyon para makawala sa ganyang sitwasyon na walang mabuting maidudulot sa buhay mo. Maging malaya ka sa alkoholismo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng dugo ni Cristo. Sapat ang kapangyarihan ng Kanyang dugo para linisin ang katawan mo, alisin ang mga lason, at baguhin ka bilang isang bagong nilalang.




Efeso 5:18

Huwag kayong maglalasing dahil nakakasira ito ng maayos na pamumuhay. Sa halip, hayaan ninyong mapuspos kayo ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:20

Huwag kang gumaya sa mga lasenggo at matakaw sa pagkain, dahil ang gaya nila ay hahantong sa kahirapan. Tulog lang sila ng tulog, kaya sa bandang huli ay magdadamit na lang sila ng basahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 1:5

Kayong mga lasenggo, bumangon kayo at umiyak nang malakas! Sapagkat wala na kayong maiinom; wala nang bunga ang mga ubas na gagawing alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:8

Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:21

Mas mabuti pang huwag nang kumain ng karne o uminom ng alak o gawin ang isang bagay kung iyon ang magiging dahilan ng pagkakasala ng iyong kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:36

Kaya kung ang Anak ng Dios ang magpapalaya sa inyo, talagang magiging malaya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:31

Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:25

Kaya para silang bulag na kumakapa sa dilim at sumusuray-suray na parang lasing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:4

Lemuel, hindi dapat uminom ng alak ang isang hari. Ang mga namumuno ay hindi dapat maghangad ng inumin na nakalalasing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:1

Ang sobrang pag-inom ng alak ay nagbubunga ng panunuya at kaguluhan, kaya ang taong naglalasing ay salat sa karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 1:14

kaya sinabi niya sa kanya, “Hanggang kailan ka maglalasing? Tigilan mo na ang pag-inom!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:11-12

Nakakaawa kayong maaagang bumangon para magsimulang mag-inuman at naglalasing hanggang gabi. May mga banda pa kayo at mga alak sa inyong mga handaan. Pero hindi ninyo pinapansin ang ginagawa ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:20-21

Huwag kang gumaya sa mga lasenggo at matakaw sa pagkain, dahil ang gaya nila ay hahantong sa kahirapan. Tulog lang sila ng tulog, kaya sa bandang huli ay magdadamit na lang sila ng basahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:29-35

Sino ang may matinding problema? Sino ang mahilig sa away? Sinong mareklamo? Sinong nasugatan na dapat sana ay naiwasan? At sino ang may mga matang namumula? Huwag kang magnanasa sa mga pagkaing kanyang inihanda, dahil baka iyon ay pain lang sa iyo. Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapa sa ibaʼt ibang klase ng alak! Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap. Kapag nalasing ka, sasama ang iyong pakiramdam na parang tinuklaw ka ng makamandag na ahas. Kung anu-ano ang makikita mo at hindi ka makakapag-isip ng mabuti. Pakiramdam moʼy nasa gitna ka ng dagat at nakahiga sa ibabaw ng palo ng barko. Sasabihin mo, “May humampas at sumuntok sa akin, ngunit hindi ko naramdaman. Kailan kaya mawawala ang pagkalasing ko para muli akong makainom?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:3

Kaya huwag na ninyong gawin ang mga ginagawa nʼyo noon, ang mga bagay na gustong gawin ng mga taong hindi kumikilala sa Dios. Puno ng kahalayan ang buhay nʼyo noon at sinunod nʼyo ang nasa ng inyong laman. Palagi kayong nagtitipon-tipon para mag-inuman at gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya. At sa pagsamba ninyo sa inyong mga dios-diosan, kung anu-ano pang masasamang bagay ang ginagawa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 3:8

Ganoon din naman sa mga tagapaglingkod sa iglesya: kailangang kagalang-galang sila, tapat sa kanilang salita, hindi lasenggo, at hindi sakim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:4-5

Lemuel, hindi dapat uminom ng alak ang isang hari. Ang mga namumuno ay hindi dapat maghangad ng inumin na nakalalasing. Sapagkat kapag nalasing na sila, kadalasan ay nakakalimutan na nila ang kanilang tungkulin, at hindi nila nabibigyan ng katarungan ang mga nasa kagipitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 75:8

Dahil ang Panginoon ang humahawak ng kopa na puno ng bumubulang matapang na alak na nagpapahiwatig ng kanyang galit. Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama hanggang sa huling patak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 21:34

“Kaya mag-ingat kayo na huwag mawili sa kalayawan, sa paglalasing, sa pagkaabala sa inyong kabuhayan, at baka biglang dumating ang araw na iyon

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:13-14

Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag nating gawin ang paglalasing, magugulong kasiyahan, sekswal na imoralidad, kalaswaan, ang pag-aaway, at inggitan. Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:11

Ang tinutukoy ko na huwag ninyong pakikisamahan ay ang mga nagsasabing silaʼy mga kapatid sa Panginoon pero mga imoral, sakim, sumasamba sa dios-diosan, mapanlait, lasenggo, at magnanakaw. Ni huwag kayong makisalo sa kanila sa pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:6-7

Hayaan mong mag-inom ang mga taong nawalan na ng pag-asa at naghihirap ang kalooban, upang makalimutan nila ang kanilang mga kasawian at kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:21

pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:7

Sapagkat ang taong namumuhay sa kadiliman ay katulad ng taong pabaya na natutulog o katulad ng lasing na walang pagpipigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:17

Pero mapalad ang bansa na ang hari ay ipinanganak sa marangal na pamilya at ang mga pinuno ay naghahanda lang sa tamang panahon para sa ikalalakas at hindi sa paglalasing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:27

Silaʼy susuray-suray na parang mga lasing, at hindi na alam kung ano ang gagawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:1

Narito ang mga kawikaan ni Solomon: Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay nagbibigay ng kalungkutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:5

Ipinaghanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway. Pinahiran nʼyo ng langis ang aking ulo, tanda ng inyong pagtanggap at parangal sa akin. At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:15

Ang inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang inyong pamamaraan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:37

Ilayo nʼyo ako sa pagnanais ng mga bagay na walang kabuluhan. Panatilihin nʼyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:1

Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay nagnanais ng karunungan, ngunit ang taong ayaw tumanggap ay hangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:49

kaya habang wala ang kanyang amo ay pagmamalupitan niya ang ibang mga utusan, makikisalo at makikipag-inuman sa mga lasenggo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:45-46

Ngunit kawawa ang alipin kung inaakala niyang matatagalan pa bago bumalik ang amo niya, at habang wala ito ay pagmamalupitan niya ang ibang mga alipin, lalaki man o babae, at magpapakabusog siya at maglalasing. Darating ang amo niya sa araw o oras na hindi niya inaasahan, at parurusahan siya nang matindi at isasama sa mga hindi mapagkakatiwalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:17

Sapagkat ang kaharian ng Dios ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi tungkol sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa isaʼt isa, at kagalakan na mula sa Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:21

dahil kapag oras na ng kainan hindi kayo naghihintayan, kaya ang ibaʼy busog at lasing na, at ang iba namaʼy gutom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:8

Kaya lahat ng kinain moʼy isusuka mo at ang mga papuri mo sa kanya ay mababalewala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:3

Huwag kayong magtiwala sa mga makapangyarihang tao o kaninuman, dahil silaʼy hindi makapagliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 2:3

Sinubukan kong magpakasaya sa pag-inom ng alak. Kahit na marunong ako, sinubukan kong gumawa ng kamangmangan. Naisip ko lang na baka iyon ang pinakamabuting gawin ng tao sa maikling buhay niya dito sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:11

Mga minamahal, mga dayuhan kayong nakikitira lang sa mundong ito. Kaya nakikiusap ako sa inyong talikuran na ninyo ang masasamang pagnanasa ng inyong katawan na nakikipaglaban sa inyong espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:1-3

Nakakaawa ang Samaria, na ang katulad ay koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggong pinuno ng Israel. Ang lungsod ng Samaria ay nasa matabang lambak, pero ang kanyang kagandahan ay mawawala katulad ng bulaklak na nalalanta. Tingnan mo kung magturo siya; paisa-isang letra, paisa-isang linya, at paisa-isang aralin.” Dahil sa ayaw nilang makinig, makikipag-usap ang Panginoon sa mga taong ito sa pamamagitan ng mga dayuhang iba ang wika. Ito ang sasabihin niya, “Mararanasan ninyo ang kapahingahan sa inyong lupain.” Pero ayaw pa rin nilang makinig. Kung kaya, tuturuan sila ng Panginoon ng paisa-isang letra, paisa-isang linya, at paisa-isang aralin. At sa paglalakad nilaʼy mabubuwal sila, masusugatan, mabibitag, at mahuhuli. Kaya kayong mga nangungutyang mga pinuno ng mga mamamayan ng Jerusalem, pakinggan ninyo ang Panginoon! Sapagkat nagmamalaki kayo at nagsasabing, “Nakipagkasundo kami sa kamatayan para hindi kami mamatay, at nakipagkasundo kami sa lugar ng mga patay para hindi kami madala roon. Kung kaya, hindi kami mapapahamak kahit na dumating ang mga sakuna na parang baha, dahil sa kami ay umaasang maliligtas sa pamamagitan ng aming pagsisinungaling at pandaraya.” Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Dios: “Makinig kayo! Maglalagay ako ng batong pundasyon sa Zion, batong maaasahan, matibay, at mahalaga. Ang mga sumasampalataya sa kanya ay huwag maging padalos-dalos sa kanilang mga ginagawa. Gagawin kong sukatan ang katarungan at katuwiran. Ipapatangay ko sa bagyo at baha ang kasinungalingan na inaasahan ninyong makakapagligtas sa inyo. Magiging walang kabuluhan ang pakikipagkasundo ninyo sa kamatayan at ang pakikipagkasundo ninyo sa lugar ng mga patay. Sapagkat mapapahamak kayo kapag dumating na ang mga sakuna na parang baha. Palagi itong darating sa inyo, araw-araw, sa umaga at sa gabi, at tiyak na mapapahamak kayo.” Matatakot kayo kapag naunawaan ninyo ang mensaheng ito. Makinig kayo! Ang Panginoon ay may inihahandang malakas at makapangyarihang bansa na wawasak sa Samaria. Katulad ito ng mapaminsalang bagyo at rumaragasang baha. Sapagkat kayoʼy matutulad sa taong maiksi ang higaan at makitid ang kumot. Ang totoo, sasalakay ang Panginoon katulad ng ginawa niya sa Bundok ng Perazim at sa Lambak ng Gibeon. Gagawin niya ang hindi inaasahan ng kanyang mga mamamayan. Kaya ngayon, huwag na kayong mangutya, baka dagdagan pa niya ang parusa niya sa inyo. Sapagkat napakinggan ko mismo ang utos ng Panginoong Dios na Makapangyarihan na wawasakin niya ang inyong buong lupain. Pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. Ang magsasaka baʼy lagi na lamang mag-aararo at hindi na magtatanim? Hindi baʼt kapag handa na ang lupa, sinasabuyan niya ng sari-saring binhi ang bawat bukid, katulad halimbawa ng mga pampalasa, trigo, sebada at iba pang mga binhi? Alam niya ang dapat niyang gawin dahil tinuturuan siya ng Dios. Hindi niya ginagamitan ng mabibigat na panggiik ang mga inaning pampalasa, kundi pinapagpag niya o pinapalo ng patpat. Ang trigo na ginagawang tinapay ay madaling madurog kaya hindi niya ito gaanong ginigiik. Ginagamitan niya ito ng karitong panggiik, pero sinisiguro niyang hindi ito madudurog. Ang kaalamang ito ay mula sa Panginoong Makapangyarihan. Napakabuti ng kanyang mga payo, at kahanga-hanga ang kanyang kaalaman. Tinapak-tapakan niya ang Samaria, ang koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggong pinuno ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:31

Ito ang maisasagot ko riyan: Anuman ang inyong gawin, kumain man o uminom, gawin ninyo ang lahat sa ikapupuri ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:21

Malumanay at mahusay nga siyang magsalita, ngunit puno naman ng poot ang kanyang puso, at ang kanyang pananalita ay nakakasugat tulad ng matalim na espada.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:7

Ang matalinong anak ay sumusunod sa mga Kautusan, ngunit ang anak na bumabarkada sa mga pasaway, mga magulang ang pinapahiya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:23

Dahil sa madalas na pananakit ng sikmura mo, uminom ka ng kaunting alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:21

Ang taong walang pang-unawa ay nagagalak sa kamangmangan, ngunit ang may pang-unawa ay namumuhay nang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:17

Ang taong maluho at puro pagdiriwang ay hindi yayaman kundi lalo pang maghihirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:24-27

Sa ating pagsunod sa Dios ay para tayong mananakbo. Alam ninyo na sa isang takbuhan, marami ang sumasali ngunit isa lang ang nananalo. Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang makamit ninyo ang gantimpala. Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili upang makamit ang gantimpala. Ginagawa niya ito para sa gantimpalang hindi nagtatagal. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay magtatagal magpakailanman. Kaya nga, may layunin at direksyon ang aking pagtakbo. Kung baga sa isang boksingero, hindi ako sumusuntok sa hangin. Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:15

dahil magiging dakila siya sa harap ng Panginoon. Hindi siya dapat uminom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Sa sinapupunan pa lang ng kanyang ina ay sasakanya na ang Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:5

Ang taong marunong ay malaki ang maitutulong upang lalong lumakas ang mga nakikipaglaban,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:13

Gusto ng Dios na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:5

Ipakita nʼyo sa lahat ang kagandahang-loob ninyo. Malapit nang dumating ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:5

Kaya patayin nʼyo na ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang sekswal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:15

Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga ginagabayan ng Banal na Espiritu ang dapat tumulong sa kanya para magbalik-loob sa Panginoon. Ngunit gawin nʼyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo dahil baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:27

Anak, kung hindi ka makikinig sa mga pangaral para maituwid ang iyong pag-uugali, tinatanggihan mo ang mga turo na nagbibigay ng karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:27

Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:32

Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:4

Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito. Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:29

Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng aking Ama. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong klase ng inumin kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:9

Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw, at pinakakain ang mga nagugutom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:16

Hindi nʼyo ba alam na kayoʼy templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay naninirahan sa inyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:15

Pinaniniwalaan ng mangmang ang lahat ng kanyang napapakinggan, ngunit ang taong marunong umunawa ay pinag-iisipan ang kanyang napakinggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:12-13

Tutuparin ko, O Dios, ang mga pangako ko sa inyo. Maghahandog ako ng alay ng pasasalamat sa inyo. Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayan at hindi nʼyo ako pinabayaang madapa. Para mamuhay akong kasama kayo, O Dios, sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:19

At nang dumating naman ako, na Anak ng Tao, nakita nilang kumakain ako at umiinom, at sinabi naman nila, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’ Ganoon pa man, ang mga taong sumusunod sa kalooban ng Dios ay sumasang-ayon na tama ang ipinapagawa ng Dios sa amin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 7:34

At nang dumating naman ako na Anak ng Tao, nakita ninyong kumakain ako at umiinom, ang sabi naman ninyo, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:1-3

Kapag kumakain ka kasalo ng taong may mataas na katungkulan, mag-ingat ka sa ikikilos mo. Huwag mong agawin o sakupin ang lupa ng mga ulila sa pamamagitan ng paglilipat ng mga muhon na matagal nang nakalagay. Sapagkat ang kanilang makapangyarihang tagapagtanggol ay ang Panginoon. Siya ang magtatanggol sa kanila laban sa iyo. Makinig ka kapag itinutuwid ang iyong pag-uugali upang ikaw ay matuto. Huwag kang magpapabaya sa pagdidisiplina sa iyong anak. Ang tamang pagpalo ay hindi niya ikamamatay kundi makapagliligtas pa sa kanya sa kamatayan. Anak, matutuwa ako kung magiging matalino ka at karunungan ang mamumutawi sa iyong mga labi. Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip igalang mo ang Panginoon habang nabubuhay ka. At kung magkagayon ay gaganda ang kinabukasan mo at mapapasaiyo ang mga hinahangad mo. Anak, pakinggan mo ang itinuturo ko sa iyo. Maging matalino ka at sundin mo ang tamang daan. Kung palakain ka, pigilan mo ang iyong sarili. Huwag kang gumaya sa mga lasenggo at matakaw sa pagkain, dahil ang gaya nila ay hahantong sa kahirapan. Tulog lang sila ng tulog, kaya sa bandang huli ay magdadamit na lang sila ng basahan. Makinig ka sa iyong mga magulang sapagkat kung hindi dahil sa kanila, hindi ka naisilang sa mundong ito. Huwag mo silang hahamakin kapag sila ay matanda na. Pagsikapan mong mapasaiyo ang katotohanan, karunungan, magandang pag-uugali at pang-unawa. At huwag mo itong ipagpapalit sa kahit anumang bagay. Matutuwa ang iyong mga magulang kung matuwid ka at matalino. Ikaliligaya nila na sila ang naging iyong ama at ina. Anak, makinig kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay. Sapagkat ang babaeng bayaran ay makapagpapahamak sa iyo katulad ng malalim at makitid na hukay. Para siyang tulisan na nag-aabang ng mabibiktima, at siya ang dahilan ng pagtataksil ng maraming lalaki sa kanilang mga asawa. Sino ang may matinding problema? Sino ang mahilig sa away? Sinong mareklamo? Sinong nasugatan na dapat sana ay naiwasan? At sino ang may mga matang namumula? Huwag kang magnanasa sa mga pagkaing kanyang inihanda, dahil baka iyon ay pain lang sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:17

Sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa nais ng Espiritu, at ang nais ng Espiritu ay laban sa ninanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo magawa ang gusto ninyong gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:12

Sinabi pa nila, “Halikayo, kumuha tayo ng inumin at maglasing! At mas marami pa bukas kaysa ngayon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:23

Pero ang sinumang kumakain nang may pag-aalinlangan ay nagkakasala dahil hindi na ito ayon sa kanyang paniniwala. Sapagkat kasalanan ang anumang bagay na ginagawa natin na hindi ayon sa ating paniniwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Ang taong masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad, ngunit ang taong matuwid ay naaawa at nagbibigay ng sagana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:10

Hindi ko tinutukoy dito ang mga taong hindi sumasampalataya sa Dios – ang mga imoral, sakim, magnanakaw, at sumasamba sa dios-diosan. Dahil kung iiwasan ninyo sila, kinakailangan nʼyo talagang umalis sa mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:3

Ang naghahangad ng karunungan ay nagdudulot ng tuwa sa magulang. Ang nakikisama sa babaeng bayaran ay nagwawaldas ng kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1-2

Tayong malalakas sa pananampalataya ay dapat tumulong sa mga kapatid nating mahihina sa pananampalataya. Hindi lang ang sarili nating kapakanan ang dapat nating isipin, At sinabi pa sa Kasulatan, “Kayong mga hindi Judio, makigalak kayo sa mga taong sakop ng Dios.” At sinabi pa, “Kayong lahat na mga hindi Judio, purihin ninyo ang Panginoon. Kayong lahat, purihin siya.” Sinabi naman ni Isaias, “Magmumula sa lahi ni Jesse ang isang mamumuno sa mga hindi Judio, at aasa sila sa kanya.” Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Mga kapatid, lubos akong naniniwala na puno kayo ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalala sa isaʼt isa. Ganoon pa man, sumulat pa rin ako ng walang pag-aalinlangan tungkol sa mga bagay na dapat ipaalala sa inyo, dahil ipinagkaloob ng Dios sa akin na maging lingkod ni Cristo Jesus para sa mga hindi Judio. Naglilingkod ako sa kanila na tulad ng isang pari at ipinangangaral ko ang Magandang Balita ng Dios. Ginagawa ko ito para maging handog sila na katanggap-tanggap sa Dios, na itinalaga sa kanya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. At dahil akoʼy nakay Cristo Jesus, maipagmamalaki ko ang aking mga nagawa para sa Dios. At wala akong ibang ipinagmamalaki kundi ang mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, na nahikayat ko ang mga hindi Judio na sumunod sa Dios sa pamamagitan ng aking mga aral at mga gawa, sa tulong ng mga himala at kamangha-manghang mga bagay na gawa ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Kaya naipangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo mula sa Jerusalem hanggang Iliricum. kundi ang kapakanan din ng iba, para mapalakas ang kanilang pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:23

Ngunit itatapon niya ang mga mamamatay-tao at ang mga mandaraya sa napakalalim na hukay bago mangalahati ang kanilang buhay. Ngunit ako, akoʼy magtitiwala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:16

Huwag kang kakain ng labis na pulot at baka magsuka ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:13

Ang hindi pumansin sa daing ng mahirap, kapag siya naman ang dumaing ay walang lilingap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:14

Bilang masunuring mga anak ng Dios, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:23

Maaari nating gawin ang kahit ano, pero hindi lahat ay nakakabuti o nakakatulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:7

Pero ngayon, pasuray-suray ang mga pari at mga propeta, at wala na sa tamang pag-iisip. Mali ang pagkakaunawa ng mga propeta sa mga pangitain, at hindi tama ang mga desisyon ng mga pari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:29

Ang taong nabubuhay sa karahasan ay nanghihikayat ng kanyang kapwa sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:6

Ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay kamatayan, pero ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng Banal na Espiritu ay kapayapaan at buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:11

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:27

Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:18

Walang tigil niyang isinusumpa ang iba; parang damit na lagi niyang suot. Bumalik sana ito sa kanya na parang tubig na nanunuot sa kanyang katawan, at parang langis na tumatagos sa kanyang mga buto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:23

Ang kaligayahan ng hangal ay ang paggawa ng kasamaan, ngunit ang kaligayahan nang nakakaunawa ay ang mamuhay nang may karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:5

dahil may pananagutan ang bawat isa sa kanyang ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:28

Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 24:9

Mawawala ang awitan sa kanilang pag-iinuman, at ang inumin ay magiging mapait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:19-21

Anak, pakinggan mo ang itinuturo ko sa iyo. Maging matalino ka at sundin mo ang tamang daan. Kung palakain ka, pigilan mo ang iyong sarili. Huwag kang gumaya sa mga lasenggo at matakaw sa pagkain, dahil ang gaya nila ay hahantong sa kahirapan. Tulog lang sila ng tulog, kaya sa bandang huli ay magdadamit na lang sila ng basahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 35:26

Mapahiya sana silang nagmamalaki sa akin at nagagalak sa aking mga paghihirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:65

Pagkatapos, parang nagising ang Panginoon mula sa kanyang pagkakahimlay; at para siyang isang malakas na tao na pinatapang ng alak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:19

At dahil marami na akong naipon para sa maraming taon, magpapahinga na lang ako, kakain, iinom at magpapakaligaya!’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathala naming Makapangyarihan, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan! Diyos ko sa kalangitan, Amang Banal, lumalapit ako sa Iyo, kinikilala na Ikaw lamang ang may kapangyarihang baguhin, pagalingin, at ibalik ang aking buhay. Hinihiling ko na palayain mo ako sa lahat ng tanikala, gapos, at pamatok ng pagkaalipin na pumipigil sa akin sa alak. Iligtas mo ang aking buhay mula sa kamay ng kaaway, ayon sa patnubay ng iyong Banal na Espiritu, patayin mo sa akin ang mga makamundong pagnanasa upang makapagsimula akong lumakad sa buhay na puno ng pagpapala. Ingatan mo ako at tulungan mo akong magkaroon ng disiplina upang lumayo sa mga taong humihikayat sa akin na uminom at gumawa ng mga bisyong ito, upang ako'y makausad at maibalik ang aking relasyon sa Iyo. Alisin mo sa aking isipan ang mga mapanlinlang na pagnanasa ng mundong ito, basagin mo ang lahat ng gapos sa aking kaluluwa at katawan, at bunutin mo sa aking buhay ang pagnanasang magpakalasing. Bigyan mo ako ng lakas at tapang upang mapaglabanan ang mga adiksyon at ihanay ang aking buhay sa iyong salita. Sabi ng iyong salita: "Huwag kayong magpakalasing sa alak, na pinagmumulan ng kahalayan; sa halip, mapuspos kayo ng Espiritu." Amang Banal, kinikilala ko ang aking kalagayan, na ako'y nabuhay nang walang kaayusan at malayo sa Iyo, hinihiling ko na turuan mo akong lumakad sa Espiritu upang hindi ko pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas