Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


109 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pamamagitan, Pagdarasal para sa Iba

109 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pamamagitan, Pagdarasal para sa Iba

Alam mo, dahil sa pagkamatay ni Hesus sa krus, napakalapit na natin sa Diyos. Isipin mo, nakakalapit tayo sa Kanya para ipanalangin ang kapwa natin Kristiyano, pati na rin ‘yung mga naliligaw pa ng landas. Pwede nating hilingin sa Diyos na matupad ang mga gusto nila, ayon sa Kanyang kalooban.

Gusto ng Diyos na maging aktibo tayo sa pananalangin para sa iba. Napakalaking biyaya nito, ‘di ba? Isipin mo, pwede tayong lumapit sa Diyos, ang Makapangyarihan sa lahat, nang may kumpiyansa at ilapit sa Kanya ang ating mga kahilingan.

Sabi nga sa Biblia, sa Roma 8:34, “Sino ang mag-aakusa sa mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos ang siyang umaaring-ganap sa kanila. Sino ang hahatol na parusahan sila? Si Cristo Jesus na namatay, oo, na muling nabuhay, na nasa kanan ng Diyos, na siya ring namamagitan para sa atin.”

Tayo, bilang mga Kristiyano, ay tinatawag ng Diyos na maging tagapamagitan para sa iba. Napakagandang pagkakataon ito para maipakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.


Efeso 6:18

Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:7

Ngunit pagyamanin ninyo ang lunsod na pinagdalhan ko sa inyo. Idalangin ninyo sila kay Yahweh sapagkat kayo rin ang makikinabang kung sila'y umunlad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 9:3

Dahil dito, buong taimtim akong nanalangin at nakiusap sa Panginoong Diyos. Nag-ayuno ako, nagsuot ng damit-panluksa at naupo sa abo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 22:30

Humanap ako ng isang taong makakapaglagay ng pader upang ipagsanggalang ang lunsod sa araw na ibuhos ko ang aking poot, ngunit wala akong makita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:25

Dahil dito, lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya'y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:26-27

Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin. At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:14

Dahil dito, ako'y lumuluhod sa Ama,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 12:23

Ipapanalangin ko kayo at tuturuan ng dapat ninyong gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:25

Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:1-3

Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao. Sa halip, ang maging kasuotan nila ay mabubuting gawa, gaya ng nararapat sa mga babaing itinuturing na maka-Diyos. Ang mga babae ay hayaang matuto sa kanilang pananahimik at sa lubos na pagpapasakop. Hindi ko sila pinapayagang magturo o sumabat habang ang mga lalaki ay nagtuturo, kundi dapat silang manahimik. Sapagkat si Adan ang unang nilalang bago si Eva, at hindi si Adan kundi si Eva ang nadaya at nagkasala. Ngunit maliligtas ang babae sa pagsisilang ng sanggol, kung magpapatuloy siya sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan at maayos na pamumuhay. Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan, upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal. Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:1-2

Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao. Sa halip, ang maging kasuotan nila ay mabubuting gawa, gaya ng nararapat sa mga babaing itinuturing na maka-Diyos. Ang mga babae ay hayaang matuto sa kanilang pananahimik at sa lubos na pagpapasakop. Hindi ko sila pinapayagang magturo o sumabat habang ang mga lalaki ay nagtuturo, kundi dapat silang manahimik. Sapagkat si Adan ang unang nilalang bago si Eva, at hindi si Adan kundi si Eva ang nadaya at nagkasala. Ngunit maliligtas ang babae sa pagsisilang ng sanggol, kung magpapatuloy siya sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan at maayos na pamumuhay. Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan, upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:44

Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 1:2

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:1

Mga kapatid, bilang pagtatapos, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap at pahalagahan ng lahat, tulad ng ginagawa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:26

Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:16

Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:11

sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 21:7

Kaya, lumapit sila kay Moises. Sinabi nila, “Nagkasala kami kay Yahweh at sa iyo. Ipanalangin mo kami na kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Nanalangin nga si Moises para sa Israel

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:14-15

Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:6

Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3-5

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikibakang nakita ninyong ginagawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:10

Ang kabuhayan ni Job ay ibinalik ni Yahweh sa dati, nang ipanalangin nito ang tatlong kaibigan. At dinoble pa ni Yahweh ang kayamanan ni Job.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:32

Subalit idinalangin kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1-2

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya. Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya. Alam niya na alabok, itong ating pinagmulan, at sa alabok din naman ang ating kahahantungan. Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad, sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak; nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan, nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan. Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan. Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:30-32

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, alang-alang sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pag-ibig ng Espiritu, tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng inyong taimtim na pananalangin para sa akin. Idalangin ninyong maligtas ako mula sa mga taga-Judea na ayaw sumampalataya, at nawa'y tanggapin ng mga kapatid sa Jerusalem ang paglilingkod ko para sa kanila. Sa gayon, kung loloobin ng Diyos, masaya akong makakarating diyan at makakapagpahinga sa inyong piling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:17

Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:29

Pinapakinggan ni Yahweh ang daing ng matuwid, ngunit ang panawagan ng masama ay hindi dinirinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:19-20

“Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:9

Iligtas mo, Yahweh, ang iyong bayan, ang mga sa iyo, ay iyong basbasan. Alagaan mo sila magpakailanman, tulad ng pastol sa kanyang kawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:12

Dahil dito siya'y aking pararangalan, kasama ng mga dakila at makapangyarihan; sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masasama. Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:28

Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:12

Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, sa kanilang pagdaing, siya'y nakikinig, ngunit sa mga masasama, siya'y tumatalikod!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:17

Sa umaga't hapon, maging sa gabi rin. Aking itataghoy ang mga hinaing, at ang aking tinig ay kanyang diringgin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:25

Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:16-17

walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo tuwing ipinapanalangin ko kayo. Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa inyo ang Espiritu na nagbibigay ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:34

Sino ang hahatol na sila'y parusahan? Si Cristo Jesus na pinatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:20

Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo; hayaan ninyong maging kaibigan kayo ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:147

Madilim pa, ang lingkod mo ay gising na't tumatawag, sa pangako mong iniwan, pag-asa ko'y nakalagak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:3

Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:41

Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:5-6

Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong. Yaring aking pananabik, Panginoon, ay higit pa sa bantay na naghihintay ng pagsapit ng umaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:16

Nakita niya na wala kahit isang magmalasakit sa mga api. Dahil dito'y gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan upang sila'y iligtas, at siya'y magtatagumpay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:3

Gaya ng ipinakiusap ko sa iyo bago ako pumunta sa Macedonia, nais kong manatili ka sa Efeso upang utusan mo ang ilang tao diyan na huwag magturo ng maling aral,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:25

Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:6-7

Pakinggan mo, Yahweh, ang aking dalangin, tulungan mo na po, ako'y iyong dinggin. Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag, iyong tinutugon ang aking pagtawag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:17

Panginoon naming Diyos, kami sana'y pagpalain, magtagumpay nawa kami sa anumang aming gawin! Magtagumpay nawa kami!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20

Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:15

Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:22

Tinatanggap natin ang anumang ating hilingin sa kanya dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19-21

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya. Subalit, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.” Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 4:19

Mga anak ko, dahil sa inyo'y minsan pa akong nagdaranas ng hirap tulad ng babaing nanganganak, hanggang sa ganap kayong mahubog kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:11

Dahil dito, lagi namin kayong idinadalangin sa Diyos, na nawa'y maging karapat-dapat kayo sa pagkatawag niya sa inyo. At sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng mabuti ninyong hinahangad, at maging ganap ang inyong mga gawaing ibinunga ng pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:3

Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:4

Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:2

Ang aking dalangin sana'y tanggapin mo, masarap na samyong handog na insenso; itong pagtaas ng mga kamay ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:1-2

Kaya nga, sapagkat mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon. Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo, upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan, habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo. Kung ang buhay ko ma'y maging handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo. Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan. Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko agad riyan si Timoteo upang mapanatag ang aking loob kapag aking malaman mula sa kanya ang inyong kalagayan. lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:7

Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay, kaya't maging mapagtimpi kayo at panatilihing malinaw ang inyong pag-iisip upang kayo'y makapanalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:1-3

Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; Ang pagliligtas mo'y ipinagsasabi, di ko inilihim, hindi ko sinarili; pati pagtulong mo't pag-ibig na tapat, sa mga lingkod mo'y isinisiwalat. Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin; wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman. Kay rami na nitong mga suliranin, na sa karamiha'y di kayang bilangin. Alipin na ako ng pagkakasala, na sa dami, ako'y di na makakita; higit pa ang dami sa buhok sa ulo, kaya nasira na pati ang loob ko. Nawa ay kalugdan, na ako'y tulungan! Yahweh, ngayon na, ako'y pakinggan. Nawa ang may hangad na ako'y patayin, bayaang malito't ganap na talunin. Yaong nagagalak sa suliranin ko, hiyain mo sila't bayaang malito! Silang nangungutya sa aki'y bayaang manlumo nang labis, nang di magtagumpay! Silang lumalapit sa iyo'y dulutan ng ligaya't galak na walang kapantay; bayaang sabihing: “Si Yahweh ay Dakila!” ng nangaghahangad maligtas na kusa. Ako ma'y mahirap at maraming kailangan, subalit hindi mo kinalilimutan. Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas— Yahweh aking Diyos, huwag ka nang magtagal! sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo'y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko. Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:105

Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:1

Mga kapatid, ang pinakananais ko at idinadalangin sa Diyos ay ang maligtas ang Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:7

“Dadalhin ko kayo sa banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Malulugod ako sa inyong mga handog; at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:15

Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:16

Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:64

Pati mga pari nila, sa patalim ay napuksa, ang kanilang mga balo'y ni ayaw nang magluksa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may makagawa ng kasalanan, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:23

Ang pasya ng Diyos sa ginawa nila'y lipulin pagdaka, agad na dumulog kay Yahweh si Moises, namagitan siya, at hindi natuloy iyong kapasyahan na lipulin sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:36-38

Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y nanlulupaypay at litung-lito, parang mga tupang walang pastol. Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakarami nang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:9

Saksi ko ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng aking pangangaral ng Magandang Balita tungkol sa kanyang Anak, na lagi ko kayong idinadalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:3-4

Tuwing ipapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Nabalitaan namin ang inyong pananalig kay Cristo Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang ng Diyos,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:9

Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang inyong dalangin; kapag kayo'y humingi ng tulong, sasabihin niya, ‘Naririto ako.’ “Kapag itinakwil ninyo ang pang-aapi, maling pagbibintang at pagsisinungaling;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:5

Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:1

Dahil sa habag ng Diyos, ibinigay niya sa amin ang paglilingkod na ito kaya't hindi humihina ang aming loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:10

“Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:20

Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:5

At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:1-2

Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig, dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik; Laging buháy ang pag-asa, patuloy ang pananalig, bagama't ang aking sabi'y, “Ako'y ganap nang nalupig.” Bagama't ako'y takot, nasasabi ko kung minsan, “Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.” Kay Yahweh na aking Diyos, anong aking ihahandog, sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob? Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas. Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang, ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay. Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki, kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat. O Yahweh, naririto akong inyong abang lingkod, katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos; yamang ako'y iniligtas, kinalinga at tinubos. Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat, ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak. Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang, sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan. Purihin si Yahweh! ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag, kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 50:4

Ang Panginoong Yahweh ang nagturo sa akin ng aking sasabihin, para tulungan ang mahihina. Tuwing umaga'y nananabik akong malaman kung ano ang ituturo niya sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:1-2

Sa iyo, O Yahweh, ako'y dumadalangin sa aking pagtawag, ako sana'y dinggin. Iyong pabayaang sila ang mahulog, samantalang ako'y ligtas mong kinupkop. Ang aking dalangin sana'y tanggapin mo, masarap na samyong handog na insenso; itong pagtaas ng mga kamay ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:13

Ngunit sinabi ng anghel sa kanya, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang iyong panalangin. Ang iyong asawang si Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipapangalan mo sa bata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:3

At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap dahil hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang mapagbigyan ang inyong kalayawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:3

Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:13

Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16-18

Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:17

At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:4-5

Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban, at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam. Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan, sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:9

“Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:24

May pagkakaibigang madaling lumamig, ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1-2

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal. Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 87:5

At tungkol sa Zion, sasabihin nila, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan, siya'y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, Amang Walang Hanggan! Purihin Ka po sa Iyong katarungan, kabanalan, at sa Iyong pagiging karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Hinihiling ko po na gisingin Mo ang puso ng bawat isa, babae man o lalaki, upang hanapin Ka nang buong puso, at mapuspos sila ng Iyong Banal na Espiritu. Nawa’y ihanda nila ang kanilang mga puso upang humingi at manalangin para sa simbahan, sa mga pamilya, at sa mga bansa. Bumangon po nawa ang mga tagapamagitan tulad ni Nehemias, na hahanap sa Iyong mukha sa pamamagitan ng pag-aayuno, pananalangin, at pagsusumamo. Bigyan Mo po sila ng tunay na pagmamahal at matapang na kalooban upang mailagay ang kanilang sarili sa kalagayan ng iba, dahil sa pag-ibig at habag sa kanila, handang humarap sa hamon ng pananalangin para sa ikabubuti ng kapwa, isinasara ang bawat pintuan para sa kaaway. Panginoon, nawa’y magkaroon ng mga tagapamagitan na may alab at dedikasyon, na magkakaisa sa iisang Espiritu, humihibik at namamagitan, lumuluhod para sa awa sa iba, may pusong mahabagin at madaling makaramdam sa sakit at pasanin ng kapwa. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas