Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


66 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagwawasto sa Isang Kapatid

66 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagwawasto sa Isang Kapatid

Kaibigan, bilang mga anak ng Diyos, may responsibilidad tayo sa Kanya at kay Kristo na maitama nang may pagmamahal ang mga kapatid natin na naliligaw ng landas. Kailangan nating palakasin ang loob ng isa't isa, magbigay ng inspirasyon, at magpaalala sa mga utos ng Panginoon. Ito ay pagpapakita ng pag-ibig na ibinuhos Niya sa ating mga puso.

Huwag nating isipin na nakakasakit o kawalan ng respeto ang pagiging tapat sa isa't isa, lalo na kung ang pagtatama ay may kaakibat na habag. Isipin natin na malaking tulong ito sa ating lahat para mas mapalapit tayo sa Diyos.

Alam ko naman, kapatid, na puno ka ng kabutihan at may sapat na kaalaman para magabayan ang iba. Kaya nga, magtulungan tayo. "Ngunit ako'y may lubos na pagkakatiwala sa inyo, mga kapatid, na kayo'y puspos ng kabutihan, puspos ng lahat ng kaalaman, at kaya ninyong paalalahanan ang isa't isa." Roma 15:14


1 Timoteo 5:20

Pagsabihan mo sa harap ng lahat ang sinumang ayaw tumigil sa paggawa ng masama para matakot ang iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:16-17

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:3

Kaya't mag ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may makagawa ng kasalanan, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:15

Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:15-17

“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid. Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:14-15

Maaaring mayroon sa inyo diyan na hindi susunod sa sinasabi namin sa sulat na ito. Kung magkagayon, tandaan ninyo siya at huwag kayong makihalubilo sa kanya, upang siya'y mapahiya. Ngunit huwag naman ninyo siyang ituturing na kaaway; sa halip, pangaralan ninyo siya bilang kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:15

“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:19

Sinasaway ko't pinapalo ang lahat ng aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka! Pagsisihan mo't talikuran ang iyong mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:5

Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito'y lihim pala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:17

“Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan, ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:1

Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:15

Ipahayag mo ang lahat ng ito, at gamitin mo ang iyong kapangyarihan sa pagpapalakas ng loob at pagsaway sa iyong mga tagapakinig. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:2

ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:17

Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:11

Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 1:9

Kailangang matatag siyang nananalig sa mga tunay na aral na natutuhan niya, upang ito'y maituro naman niya sa iba at maipakita ang kamalian ng mga sumasalungat dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:10

Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:19-20

Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan tungo sa wastong pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nakakapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:12-13

Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:11

Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:1

Huwag mong pagsasalitaan nang marahas ang lalaking nakatatanda sa iyo, kundi paalalahanan mo siya na parang sarili mong ama. Pakitunguhan mo namang parang kapatid ang mga nakababatang lalaki.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:8

Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo, ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:4

Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 39:11

Kung ang tao'y magkasala, ang parusa mo ay galit; parang isang gamu-gamong pinatay ang iniibig; tunay na ang isang tao'y hangin lamang ang kaparis! (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:12

Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral, silang sa iyo'y tumatanggap ng turo sa kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:21

Ang mga mapagmataas, iyong pinaparusahan; at iyong isinusumpa ang sa utos mo ay laban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:14

Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay puspos ng kabutihan at may sapat na kaalaman, kaya't matuturuan na ninyo ang isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 26:11

Mga haligi nitong langit ay nanginginig sa takot, nauuga, nayayanig kapag sinaway ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:15

Ngunit huwag naman ninyo siyang ituturing na kaaway; sa halip, pangaralan ninyo siya bilang kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:3-5

Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:7

Ngunit noong magalit ka itong tubig ay tumakas, nang marinig ang sigaw mo, tumilapon agad-agad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 17:18

Inutusan ni Jesus ang demonyo na lumabas sa bata, at ang bata'y gumaling agad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 9:25

Nang makita ni Jesus na dumadami ang mga tao, sinabi niya sa masamang espiritu, “Inuutusan kita, espiritu ng pagkapipi at pagkabingi, lumabas ka sa bata at huwag ka nang babalik sa kanya!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:31-32

Ang marunong makinig sa paalala ay mayroong unawa at mabuting pasya. Ipinapahamak ang sarili ng ayaw makinig sa pangaral, ngunit ang nagpapahalaga sa paalala ay nagdaragdag ng kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:23

Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw, at daan ng buhay itong mga saway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:5

ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang mapahamak ang kanyang katawan, at nang sa gayo'y maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 2:6-8

Sapat na ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami sa inyo. Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob. Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:17

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa mga aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:14

Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Pagtiyagaan ninyo silang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:23

Ang tapat sa pagsaway sa bandang huli'y pasasalamatan kaysa sa taong panay ang pagpuri kahit hindi nararapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:5

Pagkat may pag-ibig, ang mabuting tao puwedeng magparusa't pagwikaan ako, ngunit ang masama ay hindi ko ibig na ang aking ulo'y buhusan niya ng langis; pagkat ang dalangin at lagi kong hibik, ay laban sa gawa niyang malulupit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:15

Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:67

Ang sariling dati-rati'y namumuhay nang baluktot, nang ako ay parusahan, salita mo ang sinunod;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:21

Ang matalinong tao ay nakikilala sa kanyang pang-unawa, ang matamis niyang pangungusap ay panghikayat sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:15

Ganyan ang dapat maging kaisipan nating mga matatag na sa pananampalataya. Kung hindi ganito ang inyong pag-iisip, ipapaunawa iyan sa inyo ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:23-24

Kaya't kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 1:13

Tama ang kanyang sinabi, kaya't mahigpit mo silang pagsabihan upang sila'y mamuhay nang maayos ayon sa kanilang pananampalataya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:28

Iyan ang dahilan kung bakit ipinapangaral namin si Cristo. Ang lahat ay aming pinapaalalahanan at tinuturuan nang may buong kaalaman upang maiharap namin sa Diyos ang bawat isa nang ganap at walang kapintasan dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:17

Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay malinis ang pamumuhay, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:11

Huwag na kayong makikisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay na walang ibinubungang kabutihan. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:11

Nang si Pedro ay nasa Antioquia, harapan kong sinabi sa kanya na mali ang kanyang ginagawa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya't pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpatibay ng pananampalataya ng isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:13

Sa halip, magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:16

Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang di hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa kanya ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahantong sa kamatayan. May kasalanang hahantong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:18

“Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang pahintulutan ninyo dito sa lupa ay pahihintulutan sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:3-4

Nang hindi ko pa naihahayag ang aking mga sala, ako'y nanghina sa maghapong pagluha. Sa araw at gabi, ako'y iyong pinarusahan, wala nang natirang lakas sa katawan, parang hamog na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:11

Parusahan mo ang mangungutya at matututo ang mangmang, pagsabihan mo ang matino, lalong lalawak ang kanyang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:4

Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:20-21

Timoteo, pakaingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan at ang baluktot na pangangatuwiran. Dahil sa kanilang pagmamarunong, may mga taong nalihis sa pananampalataya. Pagpalain nawa kayo ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, Banal at kagalang-galang ang iyong pangalan, walang makapapantay sa iyong kabanalan! Lumalapit ako sa iyo sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo, ikaw lamang ang karapat-dapat sa papuri at karangalan. Panginoon, iniibig mo ang pagtutuwid at tunay ngang gaya ng isang mabuting Ama, dinidisiplina mo ang itinuturing mong anak. Hinihiling ko po na turuan mo akong sumunod sa iyong halimbawa at magkaroon ng karunungan at pang-unawa sa pagsaway at pagtutuwid sa aking kapatid sa pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng masasakit o mabibigat na salita, kundi sa kabutihan at pagmamahal, ngunit may awtoridad din. Sabi ng iyong salita: “Ang umiibig sa pagtutuwid ay umiibig sa kaalaman; ngunit ang namumuhi sa saway ay hangal.” Dalangin ko na magkaroon ang aking kapatid ng pusong handang magbago at taingang handang makinig sa payo, na sa pamamagitan ng iyong Banal na Espiritu at ng iyong salita, ay mahihikayat ko siya sa pagsisisi at maging instrumento ako ng pagpapatibay at pagpapanumbalik sa kanyang buhay. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas