Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


117 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagtitiwala

117 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagtitiwala

May mga pagkakataong parang haplos sa kaluluwa ang mararamdaman mo, pero darating din ang mga panahong tila dinudurog ang puso mo. Napakahalagang magtiwala tayo sa Diyos sa parehong pagkakataon, dahil nasa Kanya ang kasagutan sa mga tanong mo at Siya lang ang makapagbibigay ng tunay na seguridad sa buhay mo.

Kapag sa Kanya ka unang nagtiwala, kaysa sa tao, makakaramdam ka ng kakaibang kapayapaan. Kahit parang guguho na ang mundo mo, mayroong katahimikan sa kaibuturan mo dahil ang tunay na pahinga ay matatagpuan mo lang sa Diyos.

Lumapit ka lang sa Kanya araw-araw. Hinding-hindi ka Niya bibiguin. Ang pagmamahal Niya ang tatakip sa mga pagkukulang mo at mag-aangat sa iyo mula sa iyong paghihirap.

Kaya huwag kang matakot. Ibigay mo sa Kanya lahat ng iyong pinapasan, dahil ang Diyos Ama natin ay nagmamalasakit sa iyo at sa buong pamilya mo. “Ang mga nakakakilala sa iyong pangalan ay magtitiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay hindi mo pinabayaan ang mga humahanap sa iyo.” (Mga Awit 9:10)


Mga Awit 37:5

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:3

Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3-4

Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala. Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:10

Nananalig sa iyo, Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:22

Huwag ka nang magtitiwala sa kapangyarihan ng tao. Siya ay hininga lamang, at tiyak maglalaho. Ano nga ba ang maitutulong niya sa iyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:3

Tayo at hindi sila, ang tumanggap ng tunay na pagtutuli, tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Ang ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus at hindi tayo umaasa sa mga pisikal na bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:8-9

Higit na mabuti na doon kay Yahweh magtiwala ako, kaysa panaligan yaong mga tao. Higit ngang mabuting ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay, kaysa pamunuan ang ating asahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 10:13

Ngunit naghasik kayo ng kalikuan, at kawalang-katarungan ang inyong inani, kumain din kayo ng bunga ng kasinungalingan. “Dahil sa pagtitiwala ninyo sa inyong mga kapangyarihan, at sa lakas ng marami ninyong mandirigma,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:8

Higit na mabuti na doon kay Yahweh magtiwala ako, kaysa panaligan yaong mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 7:5

Huwag kang magtiwala sa kapwa mo o sa iyong kaibigan. Huwag mong isisiwalat ang iyong lihim kahit sa iyong asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:11

Kay Yahweh ay magtiwala, kayong may takot sa kanya, siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:9

Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigan kasalo ko sa tuwina, karamay sa anuman; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 2:37

Mabibigo ka rin sa Egipto, iiwan mo siyang taglay ang kahihiyan. Sapagkat itinakwil ni Yahweh ang iyong pinagkatiwalaan, at hindi ka nila mabibigyan ng tagumpay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:25

Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba, magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:7

Masamang balita'y hindi nagigitla, matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 9:26

Noon, si Gaal na anak ni Ebed ay nagpunta sa Shekem, kasama ang kanyang mga kapatid. Nagtiwala naman sa kanya ang mga tagaroon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 7:4

Lubos ang aking pagtitiwala sa inyo; lagi ko kayong ipinagmamalaki! Sa kabila ng lahat naming tinitiis, ang nadarama ko'y kaaliwan; nag-uumapaw sa puso ko ang kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 7:16

Labis akong nagagalak dahil kayo'y lubos kong mapagkakatiwalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 143:8

Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:4

Dahil sa Panginoon, malaki ang aming pagtitiwala na sinusunod ninyo at patuloy na susundin ang mga itinuro namin sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:25-26

“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:10

tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:11

Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:1-2

Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa; ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya. Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan. Hindi na miminsang aking napakinggan na taglay ng Diyos ang kapangyarihan, at di magbabago kanyang pagmamahal. Ayon sa ginawa ng sinumang tao, doon nababatay ang gantimpala mo. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:2

Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang aking tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:3

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:4

Mapalad ang taong, kay Yahweh'y tiwala, at sa diyus-diyosa'y hindi dumadapa; hindi sumasama sa nananambahan, sa mga nagkalat na diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:8

Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:14

Subalit sa iyo, Yahweh, ako'y nagtitiwala, ikaw ang aking Diyos na dakila!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:14-15

May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:5

Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:42

upang yaong nanlalait sa akin ay masagot ko, yamang ako'y may tiwala sa lahat ng salita mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:25-26

Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan, hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang. Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo, at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:18

Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5-6

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan upang itanong, “Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba?” sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:1-2

Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Hindi magtatagal, sila'y mapaparam, kahit hanapin mo'y di masusumpungan. Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila. Ang taong masama'y laban sa matuwid, napopoot siyang ngipi'y nagngangalit. Si Yahweh'y natatawa lang sa masama, pagkat araw nila lahat ay bilang na. Taglay ng masama'y pana at patalim, upang ang mahirap dustai't patayin, at ang mabubuti naman ay lipulin. Ngunit sa sariling tabak mamamatay, pawang mawawasak pana nilang taglay. Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y balewala. Lakas ng masama ay aalisin, ngunit ang matuwid ay kakalingain. Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin, ang lupang minana'y di na babawiin. Kahit na sumapit ang paghihikahos, di daranasin ang pagdarahop. Katulad ng damo, sila'y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:15

Sinabi pa ng Panginoong Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, “Maliligtas kayo kapag kayo'y nagbalik-loob at nagtiwala sa akin; kayo'y aking palalakasin at patatatagin.” Ngunit kayo'y tumanggi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:1-2

Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. tiyak ikaw ay naroon, upang ako'y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan. Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi'y parang araw na maningning, madilim ma't maliwanag, sa iyo ay pareho rin. Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising. Ang hangad ko, aking Diyos, patayin mo ang masama, at ang mga mararahas ay iwanan akong kusa. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:1-2

Sa iyo, Yahweh, dalangin ko'y ipinapaabot; Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay, sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay. Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin, ang marami kong sala'y iyong patawarin. Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran. Ang buhay nila'y palaging sasagana, mga anak nila'y magmamana sa lupa. Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan, ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan. Si Yahweh lang ang laging inaasahan, na magliligtas sa akin sa kapahamakan. Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan, pagkat nangungulila at nanlulupaypay. Pagaanin mo ang aking mga pasanin, mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain. Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin, at lahat ng sala ko ay iyong patawarin. Tingnan mo't napakarami ng aking kaaway, at labis nila akong kinamumuhian! sa iyo, O Diyos, ako'y tiwalang lubos. Huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan, at pagtawanan ako ng aking mga kaaway!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:13

Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:3

Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:14

Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan; siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:29-31

Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:8

Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:20

sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”. Dahil dito, nakakasagot tayo ng “Amen” sa pamamagitan niya para sa ikaluluwalhati ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:24

Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:24

Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:8

Kahoy na olibo sa tabi ng templo, ang aking katulad; nagtiwala ako sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:6

Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:1-2

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:9

Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:9

Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:4

Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:5

Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa, maliit pang bata ako, sa iyo'y may tiwala na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:19

Ang taong matuwid, may suliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:1-2

Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy. At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos. Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago ibigay ang Kautusan, ngunit kung walang kautusan, ang kasalanan ay hindi itinuturing na kasalanan. Gayunman, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, pati sa mga taong hindi nagkasala tulad ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos. Si Adan ay anyo ng isang darating. Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang walang bayad na kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo. Ang kaloob na ito ay hindi katulad ng ibinunga ng pagsuway ni Adan. Sapagkat hatol na kaparusahan ang idinulot matapos na magawâ ang isang pagsuway, subalit kaloob na nagpapawalang-sala naman ang idinulot matapos magawâ ang maraming pagsuway. Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay. At kung paanong ang pagsuway ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat, ang matuwid na ginawa rin ng isang tao ay nagdudulot ng pagpapawalang-sala at buhay sa lahat. Sapagkat kung naging makasalanan ang marami dahil sa pagsuway ng isang tao, marami rin ang mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isang tao. Sa pamamagitan ng [pagsampalataya] kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:5-6

Tanging sa Diyos lang ako umaasa; ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:23

Ang mga hari ay magiging parang iyong ama at ang mga reyna'y magsisilbing ina. Buong pagpapakababang yuyukod sila sa iyo bilang tanda ng kanilang paggalang; sa gayon ay malalaman mong ako nga si Yahweh. Hindi mapapahiya ang sinumang magtiwala sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:34

“Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:3

Mga may tiwala sa iyo'y huwag malagay sa kahihiyan, at ang mga taksil sa iyo'y magdanas ng kasawian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:14

Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, dahil kayo'y wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:7

Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:12

at iyan ang dahilan kaya ako nagdurusa nang ganito. Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:39-40

Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid, iingatan sila kapag naliligalig. Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan. Sasaklolohan sila't kanyang tutulungan laban sa masama, ipagsasanggalang; sapagkat si Yahweh ang kanilang sandigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:7

Manalig ka, O puso ko, kay Yahweh ka magtiwala, pagkat siya ay mabuti't hindi siya nagpapabaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:10

Kung hindi ka makatagal sa panahon ng kahirapan ay nangangahulugan ngang ikaw ay mahina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:147

Madilim pa, ang lingkod mo ay gising na't tumatawag, sa pangako mong iniwan, pag-asa ko'y nakalagak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:3

Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5-6

Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala. Ang kabutihan mo ay magliliwanag, katulad ng araw kung tanghaling-tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:7

Kahit ako'y nagdaranas ng maraming suliranin, ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 54:4

Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong, tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:15

Ikaw ang may hawak nitong aking buhay, iligtas mo ako sa taga-usig ko't mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:6

sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Tingnan ninyo, inilalagay ko sa Zion ang isang batong-panulukan, pinili at mahalaga; hindi mapapahiya ang sinumang sumasampalataya sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:4

Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 125:1

Parang Bundok Zion, ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala, kailanma'y di makikilos, hindi mauuga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:50

Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:26

Ang nagtitiwala sa sariling kakayahan ay mangmang, ngunit ang sumusunod sa magandang payo ay malayo sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:20

Kinabukasan, maaga silang lumabas patungo sa ilang ng Tekoa. Ngunit bago sila umalis, sinabi sa kanila ni Jehoshafat, “Makinig kayo, mga taga-Juda at Jerusalem. Magtiwala kayo sa Diyos ninyong si Yahweh at magiging matatag kayo. Maniwala kayo sa kanyang mga propeta at magtatagumpay kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:1-3

Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; Ang pagliligtas mo'y ipinagsasabi, di ko inilihim, hindi ko sinarili; pati pagtulong mo't pag-ibig na tapat, sa mga lingkod mo'y isinisiwalat. Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin; wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman. Kay rami na nitong mga suliranin, na sa karamiha'y di kayang bilangin. Alipin na ako ng pagkakasala, na sa dami, ako'y di na makakita; higit pa ang dami sa buhok sa ulo, kaya nasira na pati ang loob ko. Nawa ay kalugdan, na ako'y tulungan! Yahweh, ngayon na, ako'y pakinggan. Nawa ang may hangad na ako'y patayin, bayaang malito't ganap na talunin. Yaong nagagalak sa suliranin ko, hiyain mo sila't bayaang malito! Silang nangungutya sa aki'y bayaang manlumo nang labis, nang di magtagumpay! Silang lumalapit sa iyo'y dulutan ng ligaya't galak na walang kapantay; bayaang sabihing: “Si Yahweh ay Dakila!” ng nangaghahangad maligtas na kusa. Ako ma'y mahirap at maraming kailangan, subalit hindi mo kinalilimutan. Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas— Yahweh, aking Diyos, huwag ka nang magtagal! sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo'y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko. Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7-8

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:16

Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:73

Nilikha mo ako, O Yahweh, ako'y iyong iningatan; bigyan ako ng unawa upang batas mo'y malaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:33

Ngunit ang makinig sa akin, mananahan nang tiwasay, mabubuhay nang payapa, walang katatakutan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:2

Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:17

Aking sinasabing hindi mamamatay, ako'y mabubuhay ang gawa ni Yahweh, taos sa aking puso na isasalaysay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:38-39

Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:5

Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:13

Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:3

Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak, kahit sa kaninong di makapagligtas;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:5

Sinasabi ni Yahweh, “Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:9

Higit ngang mabuting ang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay, kaysa pamunuan ang ating asahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 31:1

Kahabag-habag kayong umaasa sa tulong ng Egipto at nagtitiwala sa bilis ng kanilang mga kabayo, nananalig sa dami ng kanilang mga karwahe, at sa matatapang nilang mangangabayo, sa halip na sumangguni at umasa kay Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 36:6

Ang Egipto? Para kang nagtutungkod ng baling tambo, masusugatan pa niyan ang iyong kamay. Iyan ang sasapitin ng sinumang magtiwala sa Faraon ng Egipto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming Diyos, sa pangalan ni Hesus, nagpapasalamat po ako sa iyong walang hanggang katapatan at pagmamahal sa akin. Kahit na kami'y nagkukulang, ikaw ay nananatiling tapat, tulad ng sabi ng iyong salita, "Kung tayo'y di tapat, siya'y nananatiling tapat; hindi niya maipagkakaila ang kanyang sarili." Ama, bigyan mo po ako ng karunungan dahil ikaw ang pinagmumulan nito. Kailangan ko po ito upang makagawa ng tamang desisyon sa mga dapat kong maging kaibigan at mapatatag ang aking relasyon sa iyo. Nawa'y sa iyo ako unang lumapit bago sa sinumang tao, tulad ng iyong sinabi, "Mas mabuting magtiwala sa Panginoon kaysa magtiwala sa mga prinsipe." Ang puso ko po ay nakahanda at mapagkumbaba upang mapuspos ng iyong Banal na Espiritu. Ihayag mo po sa akin ang iyong salita upang maliwanagan ang aking pang-unawa at matanggap ko ang iyong nais na ipabatid sa akin. Patalasin mo po ang aking pandama at patatagin ang aking pananampalataya sa iyo upang hindi ako magtiwala sa tao, kaibigan, o sa sinumang nakakasalamuha ko araw-araw. Tulungan mo po akong mamuhay ayon sa iyong kalooban, Ama, na lumakad sa iyong mga pangako at lubusang maramdaman ang iyong presensya. Turuan mo po akong mahalin ka nang higit sa lahat, higit pa sa aking buhay, pamilya, ari-arian, at mga kaibigan. Dinadalangin ko po na buksan mo ang aking mga mata at tainga sa espirituwal upang tunay kong madama ang iyong Espiritu, aking Diyos. Sa pangalan ni Hesus, aking nilalabanan at itinataboy ang espiritu ng kalituhan, ilusyon, at panlilinlang. Ama, sa iyong harapan, aking ikinikiling ang aking tainga upang dinggin ang iyong mga salita at isabuhay ang mga ito, at matanggap sa pamamagitan nito ang karunungan, pang-unawa, kaalaman, at lahat ng mabuting kaloob na nagmumula sa iyo patungo sa aking espiritu. Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas