Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


108 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pag-aalala at Pagkabalisa

108 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pag-aalala at Pagkabalisa

Nakakapagod ang labis na pag-aalala, 'di ba? Yung pakiramdam na gusto mong kontrolin ang lahat, tapos stress ka kapag hindi nangyari ang gusto mo. Apektado pati tulog, kain, at maging ang kalusugan. Parang nawawala yung kapayapaan.

Pero bilang anak ng Diyos, hindi natin kailangan mabuhay nang ganyan. Ipinapakita lang kasi ng pag-aalala natin na parang kulang ang tiwala natin sa Kanya. Ayaw ng Espiritu Santo na magpasan tayo ng mabigat na pasanin. Gusto Niyang magtiwala tayo sa kapangyarihan ni Hesus, sumilong sa Kanya, at makita kung paano Siya kikilos at magbibigay ng kaluwalhatian sa bawat sitwasyon.

Tinuruan tayo ni Hesukristo na huwag mag-alala, na huwag mabalisa sa kahit ano. Ang susi para mawala ang pag-aalala ay ang pagtitiwala kay Hesus. Huwag nating isipin ang mga bagay na wala tayo, kundi alalahanin natin na Siya ang nag-aalaga sa atin. Higit pa sa anumang materyal na bagay ang kapayapaan at kapanatagan na dulot ng Kanyang pagmamahal.

Nawa'y maging malaya tayo sa pag-aalala dahil sa pagmamahal Niya. Buong puso tayong maglingkod sa Diyos, at doon natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan at kapayapaan.




Mateo 6:25-27

“Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay – kung ano ang inyong kakainin, iinumin o susuotin. Dahil kung binigyan kayo ng Dios ng buhay, siguradong bibigyan din niya kayo ng pagkain at isusuot. Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon ng pagkain sa bodega, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang saglit sa pamamagitan ng pag-aalala?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:22

Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:19

Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:25

“Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay – kung ano ang inyong kakainin, iinumin o susuotin. Dahil kung binigyan kayo ng Dios ng buhay, siguradong bibigyan din niya kayo ng pagkain at isusuot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:4

Akoʼy nanalangin sa Panginoon at akoʼy kanyang sinagot. Pinalaya niya ako sa lahat ng aking takot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:34

Kaya huwag na kayong mag-alala tungkol sa kinabukasan, dahil ang bukas ay may sarili nang alalahanin. Sapat na ang mga alalahaning dumarating sa bawat araw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:1

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Dios at magtiwala rin kayo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3

Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:27

“Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:8

Panginoon palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 38:9

Panginoon, alam nʼyo ang lahat kong hinahangad, at naririnig nʼyo ang lahat kong mga daing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:25

Nakapagpapalungkot sa tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang pananalita ay kaaliwan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:6-7

Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin? Kasama ko ang Panginoon, siya ang tumutulong sa akin. Makikita ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:2

Walang kabuluhan ang paggising nang maaga at pagtulog nang gabing-gabi na sa pagtatrabaho upang may makain, dahil ang Panginoon ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga minamahal, kahit silaʼy natutulog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5-6

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.” Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:23-24

O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:18

Walang anumang takot sa pag-ibig. Pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, itoʼy dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:143

Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:25-26

“Kapag may nagdedemanda sa iyo, makipag-ayos ka kaagad sa kanya habang papunta pa lang kayo sa hukuman. Dahil kapag nasa hukuman na kayo, ibibigay kayo ng hukom sa alagad ng batas upang ipabilanggo. Tinitiyak ko sa iyo, hindi ka makakalabas ng bilangguan hanggaʼt hindi mo nababayaran ang kabuuan ng utang mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:1

Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:13

Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:1-2

Sa Dios lang ako may kapahingahan; ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya. Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin. Hindi lang isang beses kong narinig na sinabi ng Dios na nasa kanya ang kapangyarihan at tapat ang kanyang pag-ibig. Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon ang tao ayon sa kanyang mga ginawa. Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:26

Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:3

Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:1-2

Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya. walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato. Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas. Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan. Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipapakita ko sa kanya ang aking pagliligtas.” Masasabi niya sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:2

Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:10

Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, dahil tapat ang Dios na nangako sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3-4

Purihin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siyaʼy maawaing Ama at Dios na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:3-4

Kapag akoʼy natatakot, magtitiwala ako sa inyo. O Dios, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus, ibibigay sa inyo ng aking Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:50

Ang inyong mga pangako ang siyang nagpapalakas, at umaaliw sa akin sa kahirapang aking dinaranas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:11

Palagi ko kayong papatnubayan at bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan ninyo. Palalakasin ko kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 42:5

Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:1-3

Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon, at dininig niya ang aking mga daing. Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin. Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan. Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan. Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan. Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin. Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin. Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin. Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan, kaya hindi na ako makakita. Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok. Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa. Panginoon, pakiusap! Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan. Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako. Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak. Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!” Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya. Ang mga nagpapahalaga sa inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi, “Dakilain ang Panginoon!” Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak. Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16-18

Lagi kayong magalak, laging manalangin, at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:3

Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:6-7

Kung sabagay, daig pa ng taong namumuhay nang banal at kontento na sa kalagayan ang mayaman. Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:8

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita habang binabantayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon, ang Dios na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7-8

“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang lahat ng humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakakita; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:6

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:29

Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:16-17

Ngunit ako ay humihingi ng tulong sa Panginoong Dios, at inililigtas niya ako. Umaga, tanghali at gabi, dumadaing ako at nagbubuntong-hininga sa kanya, at akoʼy pinapakinggan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:30

Walang karunungan, pang-unawa o payo ang makakapantay sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:7

Pumanatag ka sa piling ng Panginoon, at matiyagang maghintay sa gagawin niya. Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:28

Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:38-39

Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:22

Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:7

Kahit na sa buhay na itoʼy may mga kaguluhan, ang buhay koʼy inyong iniingatan. Pinarurusahan nʼyo ang aking mga kaaway. Inililigtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:14

Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:20-21

Mga kababayan, pumasok kayo sa inyong mga bahay at isara ninyo ang inyong mga pintuan. Magtago muna kayo hanggang sa mawala ang galit ng Panginoon. Sapagkat darating na siya mula sa kanyang tirahan para parusahan ang mga tao sa mundo dahil sa kanilang mga kasalanan. Ilalabas ng lupa ang mga taong pinatay, at hindi na niya itatago pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:172

Akoʼy aawit tungkol sa inyong mga salita, dahil matuwid ang lahat nʼyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:13

Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:130

Ang pagpapahayag ng inyong mga salita ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao at karunungan sa mga wala pang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:11

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:8

Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:13

Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:18

Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa napakagandang kalagayan na mapapasaatin balang araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:29-31

Hindi baʼt napakamura ng halaga ng dalawang maya? Pero wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ayon sa kagustuhan ng inyong Ama. si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeus, si Tadeus, Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:7

Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:24

Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:11

Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:8

Kaya nakakatulog ako ng mapayapa, dahil binabantayan nʼyo ako, O Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:8

Huwag nʼyo silang gayahin, dahil alam na ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa man ninyo ito hingin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:20

Sa lahat ng oras ay naghahangad akong malaman ang inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:10

Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Dios para maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi rin sa walang hanggang kaluwalhatian niya sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:5

Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon, at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:3

Nang tumawag ako sa inyo sinagot nʼyo ako. Pinalakas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:7

Kayo ang aking kublihan; iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan, at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:20

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:21

Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:1-2

Panginoon kong Dios, sa inyo ako nananalangin at nagtitiwala. Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako at pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo. Lahat ng ginagawa nʼyo ay nagpapakita ng inyong pag-ibig at katapatan sa mga sumusunod sa inyong mga kautusan. Panginoon, alang-alang sa inyong kabutihan, patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan. Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat nilang lakaran. Mabubuhay sila ng masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupain na ipinangako ng Dios. Panginoon, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan. Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan. Dinggin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap. Lalong dumarami ang bigat sa aking kalooban. Hanguin nʼyo ako sa aking mga kalungkutan. Tingnan nʼyo ang dinaranas kong mga kahirapan, at patawarin nʼyo ang lahat kong kasalanan. Tingnan nʼyo kung gaano karami ang aking mga kaaway na galit na galit sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:2

Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Nawa ang Dios na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga tagasunod ni Cristo Jesus. Sa ganoon, sama-sama kayong magpupuri sa Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:16-18

Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na unti-unting humihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu. Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang at hindi naman gaanong mabigat. At dahil sa aming mga paghihirap, may inihahandang gantimpala ang Dios para sa amin na mananatili magpakailanman at hinding-hindi mapapantayan. Kaya hindi namin pinapahalagahan ang mga bagay na nakikita sa mundong ito kundi ang mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, pero ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:145

Panginoon, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:22

Ngunit kayo, Panginoon na aking Dios ay aking tagapagtanggol at batong kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3-4

Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo. Magtiwala kayong lagi sa Panginoon, dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:75

Panginoon alam kong matuwid ang inyong mga utos. At dahil kayo ay matapat, akoʼy inyong dinisiplina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:11-12

Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:49

Alalahanin nʼyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, dahil ito ang nagbibigay sa akin ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:4

Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pagpapayaman. Sa halip pigilan mo ang iyong sarili at isipin kung ano ang mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:25-29

“Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay – kung ano ang inyong kakainin, iinumin o susuotin. Dahil kung binigyan kayo ng Dios ng buhay, siguradong bibigyan din niya kayo ng pagkain at isusuot. Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon ng pagkain sa bodega, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang saglit sa pamamagitan ng pag-aalala? “At bakit kayo nag-aalala tungkol sa pananamit? Tingnan ninyo ang mga bulaklak na tumutubo sa parang. Hindi sila nagtatrabaho o naghahabi. Ngunit sasabihin ko sa inyo: kahit si Solomon ay hindi nakapagsuot ng damit na kasingganda ng mga bulaklak na ito sa kabila ng kanyang karangyaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:31-34

Kaya huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong kakainin, iinumin, o susuotin. Ang mga bagay na ito ang pinapahalagahan ng mga taong hindi kumikilala sa Dios. Ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo. Kaya huwag na kayong mag-alala tungkol sa kinabukasan, dahil ang bukas ay may sarili nang alalahanin. Sapat na ang mga alalahaning dumarating sa bawat araw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:25-26

Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit kaunti sa pamamagitan ng pag-aalala? Kaya kung hindi ninyo kayang gawin ang ganyang kaliit na bagay, bakit kayo mag-aalala tungkol sa iba pang bagay?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:31

Sa halip, unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at pati ang mga pangangailangan ninyo ay ibibigay niya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Sa iyong kadakilaan, ako'y yumuyukod. Pinagmamasdan ko ang iyong kabanalan at ang aking kaluluwa'y sumasamba sa iyo, dahil ikaw ay banal, dakila, walang hanggan, at totoo. Nakalantad ang aking puso sa iyong harapan, sapagkat wala kang hindi nakikita, alam mo ang lahat. Batid mo ang aking mga alalahanin, ang aking mga paghihirap, ang aking mga takot, at ang aking sakit. Kaya't sa aking pagpapakumbaba at kahinaan, ako'y nananalangin sa iyo, hinihiling na ako'y iyong palakasin, sapagkat nasusulat sa iyong salita: "Binibigyan niya ng lakas ang nanghihina, at pinararami ang kapangyarihan ng walang kaya." Panginoon, inaamin ko na aking napapabayaan ang iyong presensya. Napapagod ako nang sa puntong nalilimutan kong hanapin ang iyong mukha at ibigay sa iyo ang aking mga pasanin. Tulungan mo akong maglaan ng panahon ng pamamahinga, kung saan kahit sandali ay makausap kita, malimutan ang mga bagay sa aking paligid, at makapiling ka nang nag-iisa. Patawarin mo ako dahil hindi ko namamalayan ang kahalagahan ng panahong ito, na siyang tanging makapagbabalik ng aking kapayapaan, katahimikan, at makapagliligtas sa akin mula sa mga kabalisahan ng mundo. Ituon mo ang aking paningin sa iyo nang sa gayon ay makita ko ang higit pa sa mga pang-araw-araw na gawain, upang maunawaan ko na ikaw ang nag-aalaga sa akin, na ikaw ang aking tagapaglaan, at walang magkukulang sa akin kung ako'y susunod sa iyong kalooban, minamahal at kinikilala ang iyong presensya. Ipaunawa mo sa akin, Espiritu Santo, na mayroon kang dakilang mga plano para sa akin, puno ng pagmamahal at lubos na kapayapaan. Iniaalay ko ang aking buhay, ang aking puso, at ang aking mga iniisip sa iyong kapayapaang higit sa lahat ng pang-unawa. Ipinapahayag ko ang aking pagsasauli, paggaling, at pag-unlad sa lahat ng bagay, sa pangalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas