Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


107 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kaamuan

107 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kaamuan

Alam mo, ang pagiging maamo ay isang bunga ng Espiritu Santo. Parang ang tamis at tiyaga, ang pagiging marangal at maawain. Sabi nga sa Filipos 2:5, "Ang pag-iisip na nasa inyo ay siya ring nasa kay Cristo Jesus".

Araw-araw, dapat nating sikapin na maging repleksyon ni Hesus dito sa lupa. Isipin mo, paano kaya Siya kikilos sa sitwasyon natin ngayon? Kaya mahalaga na alisin natin sa puso natin ang anumang taliwas sa bunga ng Kanyang Espiritu. Humingi tayo ng tulong sa Kanya na baguhin tayo, gawin tayong kawangis Niya. Para maging tunay na patunay na tayo ay mga anak ng Diyos.

Ang pagiging maamo, walang halong kayabangan at pag-aaway. Hindi ito makasarili o mapanghamak. Sa halip, ito'y may lambing, kapayapaan, at kababaang-loob. Napakahalaga nito, hindi lang sa relasyon natin sa Diyos, kundi pati rin sa pakikisama natin sa kapwa araw-araw.

Huwag nating kalimutan, ang pagiging maamo ay nagtuturo sa atin na maging mapagpasensya at mahabagin. Hanapin natin ang kapayapaan, hindi ang gulo. Maging mabait at magalang tayo sa lahat.


Mateo 5:5

“Pinagpala ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:29

Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:2

Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:7

Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:4

Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 10:1

Akong si Pablo, na ang sabi ng ilan ay mapagpakumbaba at mabait kapag kaharap ninyo ngunit matapang kapag wala riyan, ay nakikiusap sa inyo, alang-alang sa kababaang-loob at kabutihan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19-21

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:15

Sa malumanay na pakiusap pusong bato'y nababagbag, sa pagtitiyaga pati hari ay nahihikayat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12

Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:1-2

Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Ang bumabâ ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang buong sangnilikha. At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo, hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang. Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat. Sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya. At kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, lumalaki ang katawan at pinapatatag nito ang sarili sa pamamagitan ng pag-ibig. Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong mamuhay tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. Sila'y naging alipin ng kahalayan at wala na silang kahihiyan. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan. Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:1

Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:15

Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:24-25

Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip ay dapat siyang maging mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga. Mahinahon niyang itinutuwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sila'y bigyan ng Diyos ng pagkakataong magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan at malaman nila ang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:5

“Sa lungsod ng Zion ay ipahayag ninyo, ‘Tingnan mo, ang iyong hari ay dumarating. Siya'y mapagpakumbaba; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno, at sa isang bisiro na anak ng asno.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:15-16

Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 9:9

O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:13

Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 12:3

Si Moises naman ay isang taong mapagpakumbaba higit kaninumang nabuhay sa ibabaw ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:3

Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:21

Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 2:3

Manumbalik kayo kay Yahweh, kayong mapagpakumbaba, kayong sumusunod sa kanyang kautusan. Gawin ninyo ang tama at kayo'y magpakumbaba kay Yahweh, baka sakaling kayo'y makaligtas sa parusa sa araw na iyon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:2

Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:21

Alin ang gusto ninyo? Dumating ako riyan na may dalang pamalo, o mayroong diwa ng pag-ibig at kahinahunan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:32

Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:9

Sa mapagpakumbaba siya ang gumagabay, sa kanyang kalooban kanyang inaakay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:11

Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:15

“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:31-32

Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:11

Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:34

Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:4

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:2

Sa lahat ng bagay ako ang maylikha, kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito. Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:4

Si Yahweh ay nagagalak sa kanyang mga hirang, sa mga mapagpakumbaba'y tagumpay ang ibibigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:9

“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:27-29

“Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:2

Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:5

Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:5-6

At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.” Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-5

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:4

Ngunit hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha, at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa. Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita, sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:16-17

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:23

Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan, ngunit ang mapagpakumbaba ay magtatamo ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:4

Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:4

Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1

Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:14

Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:6

Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:21-23

Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman. Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:5-7

Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya'y maging tao,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:14-15

“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:14

Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing matuwid sa harapan ng Diyos, at hindi ang Pariseo. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:29

Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 29:19

Ang nalulungkot ay muling liligaya sa piling ni Yahweh, at pupurihin ng mga dukha ang Banal na Diyos ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:24

Huwag ang sariling kapakanan ang unahin ninyo, kundi ang sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:6

Taong mapagpakumbaba'y siya niyang itataas, ngunit lahat ng mayabang sa lupa ay ibabagsak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:12

Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:10

Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:12

Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:14

Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:2

Hayaan mong iba ang sa iyo'y pumuri at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 14:11

Sapagkat ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:2

Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naaapi, makinig, matuwa!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:16

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 13:11

Mga kapatid, paalam na sa inyo. Sikapin ninyong maging ganap at sundin ninyo ang mga payo ko; magkaisa na kayo, at mamuhay nang payapa. Sa gayon, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:17

Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:10

Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:5

Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:11

At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:33

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nagbubunga ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:18

Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:30

Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahúhulí na mauuna.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:21

Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:23

At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 12:9

ganito ang kanyang sagot, “Ang kagandahang-loob ko ay sapat na para sa iyo, sapagkat lubusang nahahayag ang aking kapangyarihan kapag ikaw ay mahina.” Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:18

Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:4

O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya'y napakabait, matiisin, at mapagpasensya? Hindi mo ba alam na ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa iyo upang magsisi at tumalikod sa kasalanan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:13

Walang awang hahatulan ang di-marunong maawa; ngunit mangingibabaw ang awa sa paghatol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:11-12

Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:7

“Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita; tulad ay tupang nakatakdang patayin, parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan, at hindi umiimik kahit kaunti man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:16

“Tingnan ninyo; isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kaya't maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:3

Ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan, ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:36

Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:15

Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:11-12

Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kaamuan. Ipaglaban mo nang mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:7

Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:16

Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:8

Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:3

O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan, ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:5-7

Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos; sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Kaybuti-buti mo Panginoon ko, ang laki ng iyong kabutihan at pag-ibig. Salamat sa buhay na ipinagkaloob mo, sa pagpapakitang tapat ka at maawain sa bawat pagsikat ng araw. Salamat at hindi mo ako pinababayaan. Sa bawat yata ng buhay ko, ikaw ang nag-iingat, ang iyong mga kamay ang umaalalay. Nagpapasalamat ako sa lahat ng bagay, at sinasamba kita dahil sa iyong perpektong kalooban. Mabuti ang iyong mga plano at lahat ng iyong gawa ay maganda. Panginoon, narito ang aking puso, hinihiling ko na iyong panibagin, ibalik sa dati, at baguhin ayon sa iyong wangis. Gawin mo akong bagong nilalang, ang lahat ng aking gawain ay maging repleksyon mo, nang sa gayon ay magawa kong magmahal ng kapwa tulad ng pagmamahal mo sa akin. Bigyan mo ako ng malinis na puso, pusong mabait, mapagkumbaba, at puno ng kahinahunan. Nawa'y maging mabagal ako sa pagalit, ngunit malaki sa pagpapatawad. Hesus, narito ako sa iyong harapan, nais kong maging isang sisidlan na mahuhulma mo ayon sa iyong kagustuhan. Ayoko nang mabuhay para sa sarili ko, nais kong ikaw ang mabuhay sa akin, at ang iyong salita ay laging nasa aking bibig upang hindi ako magsawa sa pagkukuwento ng iyong mga kababalaghan at paggawa ng mabuti sa lahat ng nakapaligid sa akin. Sa ngalan ni Hesus, nagpapasalamat ako sa lahat, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas