Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


133 Bible Verse to Start a Service

133 Bible Verse to Start a Service

Higit sa lahat, bago ang anumang plano, mahalagang buksan natin ang ating mga puso sa Banal na Espiritu. Simulan natin sa pagsamba at pagkilala sa Kanyang kabanalan.

Sama-sama, itaas natin ang ating mga kamay sa pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng Kanyang biyaya. Ang pag-alala sa kabutihan at pagmamahal Niya sa atin ang susi para maramdaman ang Kanyang presensya.

Dito natin maaaring masaksihan ang mga kababalaghan at himala. Saanman Siya pinaparangalan, naroon Siya nagpapakita ng Kanyang kapangyarihan.

Maraming magagandang bersikulo sa Biblia na magagamit natin sa pagsisimula ng ating pagsamba. Laging tandaan na ang pagkilala sa Diyos bilang Panginoon at Tagapagligtas ang pinakamahalaga. Bigyan natin Siya ng papuri dahil Siya ay tapat at makatarungan, at ang Kanyang pag-ibig ay bago tuwing umaga.




Mga Hebreo 10:25

Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20-21

Purihin natin ang Dios na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin. Purihin natin siya magpakailanman dahil sa mga ginawa niya para sa iglesya na nakay Cristo Jesus. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:6

Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:1

Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras. Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:10

Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar. O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo, O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 108:3

Panginoon, pupurihin kita sa gitna ng mga bansa. Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna ng inyong mga mamamayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:36

Sapagkat ang lahat ng bagay ay nanggaling sa kanya, at nilikha ang mga ito sa pamamagitan niya at para sa kanya. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:4-5

Awitan ninyo ang Dios, awitan ninyo siya ng mga papuri. Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap. Ang kanyang pangalan ay Panginoon. Magalak kayo sa kanyang harapan! Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:8

Maghapon ko kayong pinapupurihan dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:1-4

Panginoong Makapangyarihan, kay ganda ng inyong templo! Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar. O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo, O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama. Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay. O Panginoong Makapangyarihan, mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo. Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong templo, Panginoon. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Dios na buhay. Panginoong Makapangyarihan, aking Hari at Dios, kahit na ang mga ibon ay may pugad malapit sa altar kung saan nila inilalagay ang kanilang mga inakay. Mapalad ang mga taong nakatira sa inyong templo; lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:1

Panginoon, kayo ang aking Dios! Pupurihin kita at pararangalan dahil kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Tinupad mo ang iyong mga plano noong unang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:8

Kayong mga tao, purihin ninyo ang Dios! Iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:6

Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 42:11

Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:1-2

Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay. Ang mga itoʼy higit pa kaysa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan. Ang inyong mga utos Panginoon, ang nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy sinusunod. Hindi namin napapansin ang aming mga kamalian. Kaya linisin nʼyo po ako sa mga kasalanang hindi ko nalalaman. Ilayo nʼyo rin ako sa kasalanang sadya kong ginagawa, at huwag nʼyong payagan na alipinin ako nito. Para mamuhay akong ganap at walang kapintasan, at lubos na lalaya sa maraming kasalanan. Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas! Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 13:5-6

Panginoon, naniniwala po ako na mahal nʼyo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas nʼyo ako. Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 42:8

Sa araw, Panginoon, ipinapakita nʼyo ang inyong pag-ibig. Kaya sa gabi, umaawit ako ng aking dalangin sa inyo, O Dios na nagbigay ng buhay ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4

Pumasok kayo sa kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:1-3

Ako ay magpupuri sa inyo, aking Dios at Hari. Pupurihin ko kayo magpakailanman. Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha; pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan. Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan at ang kadakilaan ng inyong paghahari, upang malaman ng lahat ang inyong dakilang mga gawa at ang kadakilaan ng inyong paghahari. Ang inyong paghahari ay magpakailanman. Panginoon, tapat kayo sa inyong mga pangako, at mapagmahal kayo sa lahat ng inyong nilikha. Tinutulungan nʼyo ang mga dumaranas ng kahirapan, at pinalalakas ang mga nanghihina. Ang lahat ng nilalang na may buhay ay umaasa sa inyo, at binibigyan nʼyo sila ng pagkain sa panahong kailangan nila. Sapat ang inyong ibinibigay at silaʼy lubos na nasisiyahan. Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa. Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat na tumatawag sa inyo. Ibinibigay nʼyo ang nais ng mga taong may takot sa inyo; pinapakinggan nʼyo ang kanilang mga daing at inililigtas nʼyo sila. Pupurihin ko kayo araw-araw, at itoʼy gagawin ko magpakailanman. Binabantayan nʼyo ang mga umiibig sa inyo, ngunit ang masasama ay lilipulin ninyo. Pupurihin ko kayo, Panginoon! Ang lahat ng nilikha ay magpupuri sa inyo magpakailanman. Panginoon, kayoʼy makapangyarihan at karapat-dapat na purihin. Ang inyong kadakilaan ay hindi kayang unawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:8

Panginoon palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:18

Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat na tumatawag sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:4

Awitan ninyo ang Dios, awitan ninyo siya ng mga papuri. Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap. Ang kanyang pangalan ay Panginoon. Magalak kayo sa kanyang harapan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:11

Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1

Pupurihin ko ang Panginoon! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:4

Mapalad ang taong pinili nʼyo at inanyayahang manirahan sa inyong templo. Lubos kaming magagalak sa mga kabutihang nasa inyong tahanan, ang inyong banal na templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 57:9

Panginoon, pupurihin ko kayo sa gitna ng mga mamamayan. At sa gitna ng mga bansa, ikaw ay aking aawitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 125:1

Ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag, sa halip ay nananatili magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 31:6

Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 15:2

Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya. Siya ang Dios ng aking ama, at itataas ko siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 69:34

Purihin ninyo ang Dios kayong lahat ng nasa langit, nasa lupa at nasa karagatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 148:1-5

Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga nasa langit. lahat ng mga hayop, maamo o mailap, mga hayop na gumagapang at lumilipad. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga hari, mga pinuno, mga tagapamahala, at lahat ng tao sa mundo, mga kabataan, matatanda at mga bata. Lahat ay magpuri sa Panginoon, dahil siyaʼy dakila sa lahat, at ang kanyang kapangyarihan ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa. Pinalalakas niya at pinararangalan ang kanyang mga tapat na mamamayan, ang Israel na kanyang pinakamamahal. Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo siya, kayong lahat ng kanyang anghel na hukbo niya sa langit. Purihin ninyo siya, araw, buwan at mga bituin. Purihin ninyo siya, pinakamataas na langit at tubig sa kalawakan. Lahat ng nilalang ay magpuri sa Panginoon! Sa kanyang utos silang lahat ay nalikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15

Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Dios sa pamamagitan ni Jesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1-2

Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas. Sa loob ng 40 taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo. Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.” Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:24

Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:14

Magtiwala kayo sa Panginoon! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:3

Halikayo! Ipahayag natin ang kadakilaan ng Panginoon, at itaas natin ang kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:15

Kung ganoon, ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako at aawit sa pamamagitan ng aking espiritu kahit hindi ko ito naiintindihan, at mananalangin din ako at aawit sa paraang naiintindihan ng aking isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:4

Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay. Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:1

Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:25

Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang. At walang sinuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:3

Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espiritwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo para maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 5:13

At narinig ko ang lahat ng nilalang sa langit, sa lupa, sa ilalim ng lupa, at sa dagat na umaawit: “Ibigay sa nakaupo sa trono at sa Tupa ang kapurihan, kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan magpakailanman!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 79:13

At kaming mga mamamayan, na inyong inaalagaan na gaya ng mga tupa sa inyong pastulan ay magpapasalamat sa inyo magpakailanman. Purihin kayo ng walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 24:10

Sino ang Haring makapangyarihan? Siya ang Panginoon na pinuno ng hukbo ng kalangitan. Tunay nga siyang Haring makapangyarihan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Habakuk 3:17-18

Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihin sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan, magagalak pa rin ako dahil ang Panginoong Dios ang nagliligtas sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:2

Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon. Aawitan ko ang aking Dios ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:29

Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:1

Ako ay nagalak ng sabihin nila sa akin, “Pumunta tayo sa templo ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:1

Pero ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa pangalan mo, at ikaw ay akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 26:6-8

Naghuhugas ako ng kamay upang ipakitang akoʼy walang kasalanan. Pagkatapos, pumupunta ako sa pinaghahandugan ng hayop at ibaʼt ibang ani upang sumamba sa inyo, O Panginoon, na umaawit ng papuriʼt pasasalamat. Sinasabi ko sa mga tao ang lahat ng inyong mga kahanga-hangang ginawa. Panginoon, mahal ko ang templo na inyong tahanan, na siyang kinaroroonan ng inyong kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 143:6

Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo at nanalangin, kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa na uhaw sa tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:20

Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:13

Mayroon bang dumaranas ng paghihirap sa inyo? Dapat siyang manalangin sa Dios. Mayroon bang masaya sa inyo? Dapat siyang umawit ng mga papuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:1

Panginoon, hindi kami ang dapat na parangalan, kundi kayo, dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 6:3

Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang Panginoong Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:17

Purihin at dakilain magpakailanman ang Haring walang hanggan at walang kamatayan – ang di-nakikita at nag-iisang Dios. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:18

at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 79:9

O Dios na aming Tagapagligtas, tulungan nʼyo kami, para sa kapurihan ng inyong pangalan. Iligtas nʼyo kami at patawarin sa aming mga kasalanan, alang-alang sa inyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:1-6

Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga trumpeta! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga alpa at lira! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga tamburin at mga sayaw. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga instrumentong may kwerdas at mga plauta. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga matutunog na mga pompyang. Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1

Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 5:13-14

Ang mga mang-aawit ay nagpuri at nagpasalamat sa Panginoon na tinutugtugan ng mga trumpeta, pompyang at iba pang mga instrumento. Ito ang kanilang inaawit: “Ang Panginoon ay mabuti; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.” Pagkatapos, may ulap na bumalot sa templo ng Panginoon. Hindi na makaganap ang mga pari ng kanilang gawain sa templo dahil sa ulap, dahil binalot ng makapangyarihang presensya ng Panginoon ang kanyang templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:4

Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin nʼyo siya! Sabihin nʼyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin nʼyo na karapat-dapat siyang purihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:17

Sapagkat ipinapahayag sa Magandang Balita kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao, at itoʼy sa pamamagitan lang ng pananampalataya. Ayon nga sa Kasulatan, “Sa pananampalataya mabubuhay ang matuwid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:8

Si Jesu-Cristo ay hindi nagbabago. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 8:10

Sinabi pa ni Nehemias, “Magdiwang kayo, kumain ng masasarap na pagkain at uminom ng masasarap na inumin. Bigyan nʼyo ang mga walang pagkain, dahil ang araw na ito ay banal sa Panginoon. At huwag kayong mabalisa, dahil ang kagalakang ibinigay ng Panginoon ay magpapatatag sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-4

Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon! Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa. Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Dios! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga mamamayan na parang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan. Pumasok kayo sa kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:2

Dahil pinakikinggan niya ako, patuloy akong tatawag sa kanya habang akoʼy nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:9

Tapat ang Dios na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:10

Sa ganoon, makakapamuhay kayo nang karapat-dapat at kalugod-lugod sa Panginoon sa lahat ng bagay. At makikita na lumalago kayo sa mabubuting gawa at sa pagkakakilala sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:1

Kaya ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin sa ating Panginoong Jesu-Cristo, mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 98:4

Kayong lahat ng tao sa buong mundo, sumigaw kayo sa tuwa sa Panginoon! Buong galak kayong umawit ng papuri sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:1-2

Kaya ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin sa ating Panginoong Jesu-Cristo, mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios. Datiʼy kaaway tayo ng Dios, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Cristo. Hindi lang iyan, nagagalak tayo sa relasyon natin sa Dios ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Naibalik na ang magandang relasyon natin sa Dios dahil sa kanya. Dumating ang kasalanan sa mundo dahil sa paglabag ni Adan sa utos ng Dios. At dahil sa kasalanan, dumating din ang kamatayan. Kaya lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao, dahil nagkasala ang lahat. Nasa mundo na ang kasalanan bago pa man ibigay ng Dios ang Kautusan. Pero hindi pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan kung wala namang Kautusan. Ganoon pa man, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga taong hindi naman nagkasala nang tulad ni Adan na lumabag sa utos ng Dios. Si Adan ay larawan ng Cristo na nooʼy inaasahang darating. Pero magkaiba ang dalawang ito, dahil ang kaloob ng Dios ay hindi katulad sa kasalanan ni Adan. Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa maraming tao ang kasalanan ni Adan, pero mas nakakahigit ang biyaya at kaloob ng Dios na dumating sa maraming tao sa pamamagitan ng isang tao na walang iba kundi si Jesu-Cristo. Ibang-iba ang idinulot ng kaloob ng Dios sa idinulot ng kasalanan ni Adan. Ang kasalanan ni Adan ay nagdulot ng kaparusahan, pero ang kaloob na ibinigay ng Dios sa kabila ng maraming kasalanan ay nagdulot ng kapatawaran. Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan, pero dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Jesu-Cristo ang mga taong tumanggap ng masaganang biyaya at kaloob ng Dios ay itinuring niyang matuwid, at maghahari sila sa buhay na walang hanggan. Kaya dahil sa kasalanan ng isang tao, ang lahat ay nahatulang maparusahan. Ganoon din naman, dahil sa matuwid na ginawa ng isang tao, ang lahat ay maituturing na matuwid at mabibigyan ng bagong buhay. Kung sa pagsuway ng isang tao, marami ang naging makasalanan, ganoon din naman, dahil sa pagsunod ng isang tao marami ang itinuring ng Dios na matuwid. Sa pamamagitan ni Jesus at dahil sa ating pananampalataya, tinatamasa natin ngayon ang biyaya ng Dios at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asa na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:4-6

Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin nʼyo siya! Sabihin nʼyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin nʼyo na karapat-dapat siyang purihin. Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo. Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion. Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Dios ng Israel na nasa piling ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:29

Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa kanyang presensya. Sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kanyang kabanalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:10-11

upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa kanya. At kikilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:12

Panginoon kong Dios, buong puso ko kayong pasasalamatan. Pupurihin ko ang inyong pangalan magpakailanman,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:5

Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan, at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:12

para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:9

Pasasalamatan ko kayo magpakailanman dahil sa mga ginawa ninyo. At sa harapan ng mga matatapat sa inyo, ipapahayag ko ang kabutihan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:11-12

Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:18

Buksan nʼyo ang aking isipan upang maunawaan ko ang kahanga-hangang katotohanan ng inyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 46:1-3

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.” Kasama natin ang Panginoong Makapangyarihan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan. Kaya huwag tayong matatakot kahit lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak sa karagatan. Humampas man at umugong ang mga alon na naglalakihan, at mayanig ang kabundukan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-2

Kayong mga tao sa buong mundo, isigaw ninyo ang inyong papuri sa Dios nang may kagalakan. O Dios, tunay ngang binigyan nʼyo kami ng pagsubok, na tulad ng apoy na nagpapadalisay sa pilak. Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitag at pinagpasan nʼyo kami ng mabigat na dalahin. Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway na tapakan kami sa ulo; parang dumaan kami sa apoy at lumusong sa baha. Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan. Mag-aalay ako sa inyong templo ng mga handog na sinusunog upang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo, mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan. Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog, katulad ng mga tupa, toro at mga kambing. Halikayo at makinig, kayong lahat na may takot sa Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga ginawa niya sa akin. Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri. Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan. Ngunit tunay na pinakinggan ako ng Dios at ang dalangin koʼy kanyang sinagot. Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:28-29

Kaya magpasalamat tayo sa Dios dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya, dahil kapag nagparusa ang ating Dios, itoʼy parang apoy na nakakatupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 133:1

Napakagandang tingnan ang mga mamamayan ng Dios na namumuhay nang may pagkakaisa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 43:4

Nang sa gayon, makalapit ako sa inyong altar, O Dios, na nagpapagalak sa akin. At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa ay pupurihin ko kayo, O aking Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:105

Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:3

Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay, kaya pupurihin ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:10

Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1

Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:5

Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-2

Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon! Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16-18

Lagi kayong magalak, laging manalangin, at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:19

Umiibig tayo sa Dios dahil siya ang unang umibig sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3

Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Dios,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:31

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:19

Sa pagtitipon nʼyo, umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:147

Gising na ako bago pa sumikat ang araw at humihingi ng tulong sa inyo, dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:21

Pagkatapos niyang makipag-usap sa mga tao, pumili siya ng mga mang-aawit para mauna sa kanila at umawit sa Panginoon upang papurihan siya sa kanyang banal na presensya. Ito ang kanilang inaawit: “Pasalamatan ang Panginoon dahil ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:14-16

“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago. Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan upang magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:33

Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:10

Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:11

Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:33-36

Napakadakila ng kabutihan ng Dios! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan! Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Sino kaya ang makakaunawa sa kaisipan ng Panginoon? Sino kaya ang makakapagpayo sa kanya? Sino kaya ang makakapagbigay ng anuman sa kanya para tumanaw siya ng utang na loob?” Sapagkat ang lahat ng bagay ay nanggaling sa kanya, at nilikha ang mga ito sa pamamagitan niya at para sa kanya. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:11

Kayong mga matuwid, magalak kayo at magsaya sa Panginoon. Kayong mga namumuhay ng tama, sumigaw kayo sa galak!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:1

Purihin ang Panginoon! Mapalad ang taong may takot sa Panginoon at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:46-47

Araw-araw, nagtitipon sila sa templo at naghahati-hati ng tinapay sa kanilang mga bahay. Lubos ang kagalakan nila sa kanilang pakikibahagi sa pagkain, at palagi silang nagpupuri sa Dios. Nagustuhan sila ng lahat ng tao. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:14-15

Sapagkat ang pag-ibig ni Cristo ang siyang nag-uudyok sa amin na sundin ang kanyang kalooban. Kumbinsido kami na namatay si Cristo para sa lahat, kaya maituturing din na namatay ang lahat. Namatay siya para sa lahat, para ang lahat ng nabubuhay ngayon ay hindi na mamumuhay para sa sarili, kundi para sa kanya na namatay at nabuhay para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:14

Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1-2

Pupurihin ko ang Panginoon! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya. Dahil alam niya ang ating kahinaan, alam niyang nilikha tayo mula sa lupa. Ang buhay ng tao ay tulad ng damo. Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago. At kapag umiihip ang hangin, itoʼy nawawala at hindi na nakikita. Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan. Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat. Pupurihin ko ang Panginoon, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Subukan ninyo at inyong makikita, kung gaano kabuti ang Panginoon. Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan sa kanya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Nawa ang Dios na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga tagasunod ni Cristo Jesus. Sa ganoon, sama-sama kayong magpupuri sa Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:4

Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:11-13

Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat! Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman. “Ngayon, O aming Dios, pinasasalamatan namin kayo at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:28

Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Dios. Kayo, Panginoong Dios, ang pinili kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, Amang Walang Hanggan! Purihin Ka po sa Iyong katarungan, kabanalan, at sa pagiging karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Ama, salamat po sa Iyong walang hanggang pag-ibig at awa. Sa napakagandang araw na ito ng paglilingkod, muli akong nagpapasalamat sa Iyo sa pagbibigay ng lakas upang malampasan ang mga pagsubok at balakid, at sa pagpapahintulot na ako'y naririto upang tanggapin ang Iyong handog para sa aking buhay. Hinihiling ko po na ibuhos Mo ang Iyong Banal na Espiritu sa lugar na ito, at gamitin Mo po ang buhay ng aming mga pastor. Ihanda Mo po ang aking puso at isipan upang maihandog ko ang aking pinakamahusay na pagsamba at pasasalamat, itinataas ang aking mga kamay bilang tanda ng aking lubos na pagsuko sa Iyo. Buong kapakumbabaan kong paglilingkuran ang aking mga kapatid nang may galak at kagalakan, iwawaksi ang pagpuna at reklamo, at gagawin ang lahat ng bagay na parang para sa Iyo at hindi para sa tao, sapagkat sa Iyo nagmumula ang aking gantimpala. Panginoong Hesus, sa araw na ito ng paglilingkod, tulungan Mo po akong gampanan ang aking mga responsibilidad, maging masunurin sa mga awtoridad, at maunawaan na ang paglilingkod sa iba ay bahagi ng Iyong plano para sa aking buhay. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas