Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya

- Mga patalastas -


58 Mga Talata sa Bibliya para Magsimula ng Pagsamba

58 Mga Talata sa Bibliya para Magsimula ng Pagsamba

Mayroong mas malalim na dahilan ang buhay natin kaysa sa mga titulo o parangal na makakamit natin. Bilang mananampalataya, ang ating misyon ay ang sambahin ang Diyos, at para magawa ito, kailangan nating magsama-sama, magtipon-tipon bilang magkakapatid, para magtayo ng altar ng papuri at pagsuko sa Kanyang harapan.

Sa pamamagitan ng pagpapakumbaba, dedikasyon, at pagsamba, naitataas natin ang pangalan ng Diyos. Ang Espiritu Santo ang siyang gagabay sa atin sa pagsamba sa Diyos na buhay, ang lumikha ng langit at lupa, nagbigay sa atin ng hininga, nagligtas, nagpatawad, at nangako ng kaharian ng langit sa pamamagitan ng kanyang anak na si Hesukristo.

Sabi nga sa Juan 4:23, dumarating ang panahon, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat hinahanap ng Ama ang mga mananambang katulad nito.




1 Mga Cronica 16:34

Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:1

Ako ay nagalak ng sabihin nila sa akin, “Pumunta tayo sa templo ng Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:25

Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:8

Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo, kaya narito ako, lumalapit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:33

Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:16

Hindi ko ikinakahiya ang Magandang Balita tungkol kay Cristo, dahil ito ang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya – una ang mga Judio at gayon din ang mga hindi Judio.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jonas 2:9

Pero maghahandog ako sa inyo nang may awit ng pasasalamat. Tutuparin ko ang pangako ko na maghahandog sa inyo. Kayo po, Panginoon, ang nagliligtas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:20

Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:11-12

Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:14

Magtiwala kayo sa Panginoon! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1-2

Pupurihin ko ang Panginoon! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya. Dahil alam niya ang ating kahinaan, alam niyang nilikha tayo mula sa lupa. Ang buhay ng tao ay tulad ng damo. Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago. At kapag umiihip ang hangin, itoʼy nawawala at hindi na nakikita. Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan. Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat. Pupurihin ko ang Panginoon, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:18

at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-5

Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon! Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa. Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Dios! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga mamamayan na parang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan. Pumasok kayo sa kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya. Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan, at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:1-2

Kayong mga tao sa buong mundo, isigaw ninyo ang inyong papuri sa Dios nang may kagalakan. O Dios, tunay ngang binigyan nʼyo kami ng pagsubok, na tulad ng apoy na nagpapadalisay sa pilak. Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitag at pinagpasan nʼyo kami ng mabigat na dalahin. Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway na tapakan kami sa ulo; parang dumaan kami sa apoy at lumusong sa baha. Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan. Mag-aalay ako sa inyong templo ng mga handog na sinusunog upang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo, mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan. Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog, katulad ng mga tupa, toro at mga kambing. Halikayo at makinig, kayong lahat na may takot sa Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga ginawa niya sa akin. Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri. Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan. Ngunit tunay na pinakinggan ako ng Dios at ang dalangin koʼy kanyang sinagot. Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:5

Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:22

Pero pinalaya na kayo sa kasalanan at alipin na kayo ng Dios. At ang dulot nitoʼy kabanalan at buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:11

At ito ang patotoo ng Dios: Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na itoʼy nasa kanyang Anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:17

Sundin nʼyo ang mga namumuno sa inyo at magpasakop kayo sa kanila, dahil sila ang nangangalaga sa espiritwal ninyong kalagayan. At alam nilang may pananagutan sila sa Dios sa pangangalaga nila sa inyo. Kung susundin nʼyo sila, magiging masaya sila sa pagtupad ng tungkulin nila. Ngunit kung hindi, malulungkot sila, at hindi ito makakatulong sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:2-3

Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon para ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo. Sa araw na iyon, malalaman ninyo na ako nga ay nasa aking Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo. “Ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin. At ang nagmamahal sa akin ay mamahalin din ng aking Ama. Mamahalin ko rin siya, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanya.” Tinanong siya ni Judas (hindi si Judas Iscariote), “Panginoon, bakit sa amin lang po kayo magpapakilala at hindi sa lahat?” Sumagot si Jesus, “Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya. Ngunit ang hindi nagmamahal sa akin ay hindi sumusunod sa aking mga salita. At ang mga salitang narinig nʼyo ay hindi nanggaling sa akin kundi sa Amang nagsugo sa akin. “Sinasabi ko ang mga bagay na ito habang kasama nʼyo pa ako. Pero kapag nakaalis na ako, ang Tagatulong na walang iba kundi ang Banal na Espiritu ang ipapadala ng Ama bilang kapalit ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo. “Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Narinig nʼyo ang sinabi ko na aalis ako pero babalik din sa inyo. Kung mahal nʼyo ako, ikasisiya nʼyo ang pagpunta ko sa Ama, dahil mas dakila ang Ama kaysa sa akin. Sinasabi ko ito ngayon sa inyo bago pa man mangyari upang sumampalataya kayo sa akin kapag nangyari na ito. Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:23-24

Tandaan mo, darating ang panahon, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan. Ganito ang uri ng mga sumasamba na hinahanap ng Ama. Ang Dios ay espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 29:11

Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:12-13

Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na pahalagahan ninyo ang mga naglilingkod sa inyo na pinili ng Panginoon para mamuno at mangaral sa inyo. Ibigay nʼyo sa kanila ang lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa gawain nila. Mamuhay kayo nang may mabuting pakikitungo sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:42

Naging masigasig sila sa pag-aaral ng mga itinuturo ng mga apostol, sa pagtitipon bilang magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1-7

Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas. Sa loob ng 40 taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo. Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.” Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya. Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios. Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios. Siya ang may-ari ng kailaliman ng lupa at tuktok ng mga bundok. Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa. Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin. Dahil siya ang ating Dios at tayo ang kanyang mga mamamayan na gaya ng mga tupa sa kanyang kawan na kanyang binabantayan at inaalagaan. Kapag narinig ninyo ang tinig niya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 95:1-3

Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas. Sa loob ng 40 taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo. Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.” Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya. Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios. Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:1-2

Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 29:2

Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan. Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:2

Sapagkat sinabi ng Dios, “Dininig kita sa tamang panahon, at tinulungan kita sa araw ng kaligtasan.” Kaya makinig kayo! Ngayon na ang tamang panahon! Ngayon na ang araw ng kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:28

Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng mga mananampalatayang pinababantayan sa inyo ng Banal na Espiritu. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Dios na kanyang tinubos sa pamamagitan ng sariling dugo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:7

Alalahanin nʼyo ang mga dating namuno sa inyo na nagbahagi sa inyo ng salita ng Dios. Isipin nʼyo kung paano silang namuhay at namatay na may pananampalataya. Sila ang tularan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:1-6

Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang dakilang mga ginagawa. Purihin nʼyo siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga trumpeta! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga alpa at lira! Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga tamburin at mga sayaw. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga instrumentong may kwerdas at mga plauta. Purihin nʼyo siya sa pamamagitan ng mga matutunog na mga pompyang. Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:42-47

Naging masigasig sila sa pag-aaral ng mga itinuturo ng mga apostol, sa pagtitipon bilang magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin. Maraming himala at kamangha-manghang ginawa ang Dios sa pamamagitan ng mga apostol. Kaya namuhay ang mga tao nang may paggalang at takot sa Dios. Maganda ang pagsasamahan ng mga mananampalataya, at pinag-isa nila ang kanilang mga ari-arian para makabahagi ang lahat. Ipinagbili nila ang kanilang mga lupa at mga ari-arian, at ang peraʼy ipinamahagi nila sa kanilang mga kasama ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, nagtitipon sila sa templo at naghahati-hati ng tinapay sa kanilang mga bahay. Lubos ang kagalakan nila sa kanilang pakikibahagi sa pagkain, at palagi silang nagpupuri sa Dios. Nagustuhan sila ng lahat ng tao. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:7

Nang Sabado ng gabi, nagtipon kami sa paghahati-hati ng tinapay. At dahil bibiyahe si Pablo kinabukasan, nangaral siya hanggang hatinggabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:4-6

Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo: “Purihin ninyo ang Panginoon! Sambahin nʼyo siya! Sabihin nʼyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa. Sabihin nʼyo na karapat-dapat siyang purihin. Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo. Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion. Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Dios ng Israel na nasa piling ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:1-3

Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras. Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa kanya. Kahit mga leon ay kukulangin sa pagkain at magugutom, ngunit hindi kukulangin ng mabubuting bagay ang mga nagtitiwala sa Panginoon. Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin. Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayo ng pagkatakot sa Panginoon. Kung nais ninyo ng masaya at mahabang buhay, iwasan ninyo ang masamang pananalita at pagsisinungaling. Lumayo kayo sa masama at gawin ninyo ang mabuti. Pagsikapan ninyong kamtin ang kapayapaan. Iniingatan ng Panginoon ang mga matuwid, at pinakikinggan niya ang kanilang mga karaingan. Ngunit kinakalaban ng Panginoon ang mga gumagawa ng masama. Silaʼy kanyang nililipol hanggang sa hindi na sila maalala ng mga tao sa mundo. Tinutugon ng Panginoon ang panalangin ng mga matuwid, at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin. Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa. Marami ang paghihirap ng mga matuwid, ngunit inililigtas sila ng Panginoon sa lahat ng ito. Ipagmamalaki ko ang gawa ng Panginoon; maririnig ito ng mga api at silaʼy magagalak. Silaʼy iniingatan ng Panginoon, at kahit isang buto nilaʼy hindi mababali. Ang masamang tao ay papatayin ng kanyang kasamaan. At silang nagagalit sa taong matuwid ay parurusahan ng Dios. Ngunit ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga lingkod, at hindi parurusahan ang isa man sa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya. Halikayo! Ipahayag natin ang kadakilaan ng Panginoon, at itaas natin ang kanyang pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:12

Panginoon kong Dios, buong puso ko kayong pasasalamatan. Pupurihin ko ang inyong pangalan magpakailanman,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:5

Panginoon kong Dios, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:23-25

Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo sa Panginoon. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagliligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa. Dahil dakila ang Panginoon at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga dios,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Nawa ang Dios na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga tagasunod ni Cristo Jesus. Sa ganoon, sama-sama kayong magpupuri sa Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:1-2

Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo? Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:105

Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:1-2

Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo! Sumigaw sa Dios nang may kagalakan. Ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios at kagalang-galang. Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:19-20

Sa pagtitipon nʼyo, umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Dios. Lagi kayong magpasalamat sa Dios Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:1-3

O Dios, kayo ang aking Dios. Hinahanap-hanap ko kayo. Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa, na tulad ng lupang tigang sa ulan. Mamamatay sila sa labanan at ang kanilang mga bangkay ay kakainin ng mga asong-gubat. Matutuwa ang hari sa ginawa ng Dios sa kanya. Matutuwa rin ang mga nangako sa Panginoon. Ngunit ang lahat ng sinungaling ay patatahimikin ng Panginoon! Nakita ko ang inyong kapangyarihan at kaluwalhatian sa inyong templo. Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay, kaya pupurihin ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:1-3

Purihin nʼyo ang Panginoon! Kayong mga lingkod ng Panginoon, purihin nʼyo siya! Purihin nʼyo ang Panginoon, ngayon at magpakailanman. Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, ang pangalan ng Panginoon ay dapat papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:15

Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Dios sa pamamagitan ni Jesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 25:1

Panginoon, kayo ang aking Dios! Pupurihin kita at pararangalan dahil kahanga-hanga ang iyong mga gawa. Tinupad mo ang iyong mga plano noong unang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:4-5

Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan. Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:4

Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, ikaw ang Alpha at Omega! Ama, lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at ang huli, ang simula at ang wakas. Ama, salamat po dahil walang mas hihigit pa sa daigdig na ito kaysa sa iyong tahanan at makapag-alay sa iyo ng aking buong pagsamba at pagpupuri. Buong puso kong iniaalay ang aking pag-ibig at pasasalamat, nagpapakumbaba sa iyong harapan dahil sa lahat ng iyong nagawa at patuloy na gagawin sa akin at sa aking pamilya. Kasama ang aking mga kapatid, masayang nagpupuri at nananalangin, hinahanap ang iyong mukha sa espiritu at katotohanan. Sabi ng iyong salita: "Sapagka't kung saan ang dalawa o tatlo ay nagkakatipon sa aking pangalan, naroon ako sa gitna nila." Panginoon, dalangin ko na sa bawat pagsamba ay madama namin ang pagbukas ng langit dahil sa iyong presensya, nawa'y ang kapangyarihan at pagkilos ng iyong Banal na Espiritu ay dumaloy sa buhay ng aming mga pastor, gaya ng unang iglesia na nagtitiis sa aral at sa pagsasamahan. Panginoon, sa bawat pagsamba, nawa'y ang aking hangarin ay maging kalugud-lugod na handog sa iyo, dahil walang problemang hindi mo kayang lutasin. Sabi ng iyong salita: "Iharap ninyo ang inyong mga katawan na isang handog na buhay, banal, at kalugud-lugod sa Diyos, na siyang inyong makatuwirang pagsamba." Nawa'y maging instrumento ako ng pagpapala sa aking mga kapatid sa pamamagitan ng aking paglilingkod, hindi para mapuri ng tao, kundi bilang lingkod ni Cristo. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas