Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


65 Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga Wika

65 Mga talata sa Bibliya tungkol sa mga Wika

Isipin mo, nakasulat sa Biblia ang pinagmulan ng wika, at nakakamangha kung paano naisalin ang mensahe nito sa napakaraming wika! Palagi kong pinasasalamatan na mayroon tayo ng Salita ng Diyos sa sarili nating wika. Parang isang matibay na kanlungan, lalo na kapag may pinagdadaanan tayo at parang walang nakakaintindi.

Sa mga panahong ganoon, naaalala ko na ang Diyos, naiintindihan Niya ako. Kapag binabasa ko ang Kanyang Salita, gumagaan ang pakiramdam ko, lumalakas ang loob ko, at natututo ako. Doon ko rin nakikita ang mga sagot sa mga problema ko.

Para sa akin, ang Bibliya ay parang gabay sa buhay. Itinuturo nito kung ano ang tama at dapat gawin, at kung ano ang dapat iwasan. Napakalaking biyaya talaga na binigyan tayo ng Diyos ng kakayahang makipag-usap sa isa't isa, kahit saan man tayo sa mundo. Dahil sa Kanya, may paraan tayong magkaintindihan at magtulungan.


Roma 14:11

Sapagkat nasusulat, “Sabi ng Panginoon, ‘Dahil ako'y buháy, ang lahat ay luluhod sa harap ko, at ang bawat isa'y magpupuri sa Diyos.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 11:1-9

Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig. Ito ang kasaysayan ng mga lahi na nagmula kay Shem. Dalawang taon makalipas ang baha, si Shem ay nagkaanak ng isang lalaki, si Arfaxad. Si Shem ay sandaang taóng gulang na noon. Nabuhay pa siya nang 500 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak. Nang si Arfaxad ay tatlumpu't limang taon na, nagkaanak siya ng isang lalaki, si Shela. Nabuhay pa siya nang 403 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak. Tatlumpung taon na noon si Shela nang maging anak niya si Heber. Nabuhay pa siya nang 403 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Sa gulang na tatlumpu't apat na taon, naging anak ni Heber si Peleg. Nabuhay pa siya nang 430 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Sa gulang na tatlumpung taon, naging anak ni Peleg si Reu. Nabuhay pa siya nang 209 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak. Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan, nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan. Si Reu naman ay tatlumpu't dalawang taon na nang maging anak niya si Serug. Nabuhay pa siya nang 207 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Si Serug ay tatlumpung taon nang maging anak niya si Nahor. Nabuhay pa siya nang 200 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Naging anak naman ni Nahor si Terah nang siya'y dalawampu't siyam na taon. Nabuhay pa siya nang 119 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Pitumpung taon na si Terah nang magkaanak ng tatlong lalaki: sina Abram, Nahor at Haran. Ito naman ang kasaysayan ng mga anak ni Terah na sina Abram, Nahor at si Haran na ama ni Lot. Buháy pa si Terah nang mamatay si Haran sa kanyang sariling bayan ng Ur, sa Caldea. Napangasawa ni Abram si Sarai at napangasawa naman ni Nahor si Milca na anak ni Haran na ama rin ni Isca. Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. Si Sarai ay hindi magkaanak sapagkat baog siya. Umalis si Terah sa bayan ng Ur, Caldea, kasama ang kanyang anak na si Abram, ang asawa nitong si Sarai at si Lot na anak ni Haran. Papunta sila sa Canaan ngunit nang dumating sa Haran, doon na sila nanirahan. Doon namatay si Terah sa gulang na 205 taon. Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig.” Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao. Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. Ang mabuti'y bumabâ tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.” At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lunsod. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:7

Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang, ni ang kasinungalingan sa taong marangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 11:6-7

Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. Ang mabuti'y bumabâ tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 81:5

Sa mga hinirang, ang utos di'y ito nang sila'y ilabas sa bansang Egipto. Ganito ang wika na aking narinig:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:3-4

Wala silang tinig o salitang ginagamit, wala rin silang tunog na ating naririnig; ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:49

Ipapalusob kayo ni Yahweh sa isang bansang mula pa sa kabilang panig ng daigdig. Hindi ninyo alam ang kanilang wika. Simbilis ng agila na sasalakayin nila kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:11

Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang ito sa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:19

Mawawala na rin ang mga palalong dayuhan na hindi maunawaan kung anong sinasabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:39-40

Kaya, mga kapatid ko, hangarín ninyo na makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika. Ang sariling pananampalataya ang pinapatibay ng nagsasalita ng iba't ibang wika, ngunit ang iglesya ang pinapatibay ng nagsasalita ng mensahe mula sa Diyos. Kaya lang, gawin ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at maayos na paraan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:6

Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 3:4-5

malakas na ipinahayag ng tagapagbalita, “Iniuutos sa lahat ng tao, mula sa lahat ng bansa at wika, na lumuhod at sumamba sa rebultong ipinagawa ni Haring Nebucadnezar sa sandaling marinig ang tunog ng tambuli, plauta, lira, sitar, alpa, at iba pang instrumento.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:1-12

Mga kapatid, huwag maghangad na maging guro ang marami sa inyo, dahil alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit kaysa iba. Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 5:25-28

“Ito ang nakasulat: Mene, Mene, Tekel, Parsin. Ito naman ang kahulugan: ‘Mene,’ nabibilang na ang araw ng iyong paghahari sapagkat wawakasan na ito ng Diyos. ‘Tekel,’ tinimbang ka at napatunayang kulang. ‘Peres,’ ang kaharian mo ay mahahati at ibibigay sa Media at Persia.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:19

Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 16:17

Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba't ibang wika.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:4-6

at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. Marami pang inilahad si Pedro upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, “Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa parusang sasapitin ng masamang lahing ito.” Kaya't ang mga naniwala sa ipinangaral niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na iyon. Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin. Dahil sa maraming himala at kababalaghang ginagawa sa pamamagitan ng mga apostol [sa Jerusalem], naghari sa lahat ang takot. Nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay itinuring na para sa lahat. Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan. Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas. May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo. Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:28

Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:11

Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:46

Narinig nila ang mga ito na nagsasalita sa iba't ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Kaya't sinabi ni Pedro,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 19:6

Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ sa kanila ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:10

May pinagkakalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala; sa iba naman ay kakayahang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at sa iba ay kakayahang kumilala kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkakalooban ng kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at sa iba naman ay ang magpaliwanag ng mga wikang iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:17

Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:16

Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:28

Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga wika.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:1

Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:21

Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:2

Ang nagsasalita sa iba't ibang wika ay sa Diyos nakikipag-usap at hindi sa tao, sapagkat walang nakakaunawa sa kanya, ngunit nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:11

At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:6

upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:5

Nais ko sanang kayong lahat ay makapagsalita ng iba't ibang wika, ngunit mas gusto kong kayo'y makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos. Higit na mahalaga ang nagsasalita ng mensahe mula sa Diyos kaysa nagsasalita sa iba't ibang mga wika, maliban na lamang kung may magpapaliwanag ng kanyang sinasabi upang makapagpatibay sa iglesya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:10-11

Maraming iba't ibang wika sa daigdig, at bawat isa ay may kahulugan, ngunit kung hindi ako marunong ng wikang ginagamit ng aking kausap, hindi kami magkakaintindihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:11

Ang nangangaral ay dapat salita ng Diyos ang ipangaral. Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:18-19

Nagpapasalamat ako sa Diyos sapagkat ako'y nakapagsasalita sa iba't ibang mga wika, higit kaysa sa inyong lahat. Ngunit sa pagtitipon ng iglesya, mas gusto ko pang magsalita ng limang katagang mauunawaan at makakapagturo sa iba, kaysa libu-libong salitang wala namang nakakaunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:38-39

Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:34-37

Lahi ng mga ulupong! Paano kayong makakapagsabi ng mabubuting bagay gayong kayo'y masasama? Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig. Mabuti ang sinasabi ng mabuting tao, sapagkat puno ng kabutihan ang kanyang puso. Masama ang sinasabi ng masamang tao, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. “Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya. Pawawalang-sala ka, o paparusahan, batay sa iyong mga salita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:21-22

Ganito ang nakasulat sa Kautusan: “Sinabi ng Panginoon, ‘Magsasalita ako sa bayang ito, sa pamamagitan ng mga taong may ibang wika, sa pamamagitan ng labi ng mga banyaga, ngunit hindi pa rin nila ako papakinggan.’” Kung gayon, ang kaloob na makapagsalita sa iba't ibang mga wika ay isang himala para sa mga hindi sumasampalataya at hindi para sa mga mananampalataya. Ngunit ang kaloob na makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos ay himala para sa mga sumasampalataya at hindi sa mga di-mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:26-28

Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong pagtitipon ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng Diyos, may nagsasalita sa iba't ibang mga wika, at mayroon namang nagpapaliwanag noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya. Kung may magsasalita sa iba't ibang mga wika, sapat na ang dalawa o tatlo, salit-salitan sila, at kailangang may magpapaliwanag ng kanilang sinasabi. Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang bawat isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 7:9

Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:30

Sa bibig ng matuwid namumutawi'y karunungan; at sa labi nila'y pawang katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 10:11

At sinabi nila sa akin, “Kailangang ipahayag mong muli ang mga propesiya tungkol sa mga tao, bansa, wika, at mga hari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:3

Mabagsik ang dila na tulad ng ahas, tulad ng ulupong, taglay na kamandag. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 14:6

Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala ang walang hanggang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:10

Laging buháy ang pag-asa, patuloy ang pananalig, bagama't ang aking sabi'y, “Ako'y ganap nang nalupig.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:2

ako ngayo'y nilulusob niyong mga malulupit, mga taong sinungaling na manira lang ang nais.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:23

Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:6

Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 8:26-35

Pagkatapos, sinabi ng isang anghel ng Panginoon kay Felipe, “Pumunta ka sa gawing timog sa daang mula sa Jerusalem papuntang Gaza.” Halos hindi na iyon dinadaanan ngayon. Pumunta nga doon si Felipe. Samantala, isang eunuko na pinunong taga-Etiopia, na ingat-yaman ng Candace, reyna ng Etiopia, ang nagtungo sa Jerusalem upang sumamba at pauwi na noon, nakasakay sa kanyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni Propeta Isaias. “Sabayan mo ang sasakyang iyon,” utos ng Espiritu kay Felipe. Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang iglesya; pinasok niya ang mga bahay-bahay at kanyang kinaladkad at ibinilanggo ang mga sumasampalataya, maging lalaki o babae. Kaya patakbong lumapit si Felipe at narinig niyang binabasa ng pinuno ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong ni Felipe ang pinuno, “Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?” Sagot naman nito, “Paano ko mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?” At si Felipe ay inanyayahan niyang sumakay sa karwahe at umupo sa kanyang tabi. Ito ang bahagi ng kasulatang binabasa niya: “Siya ay tulad ng isang tupang dinadala sa katayan; tulad ng isang korderong hindi tumututol kahit na gupitan. At hindi umiimik kahit kaunti man. Siya'y hinamak at pinagkaitan ng katarungan. Walang sinumang makapagsasalaysay tungkol sa kanyang angkan, sapagkat kinitil nila ang kanyang buhay.” Nagtanong kay Felipe ang pinuno, “Sabihin mo nga sa akin, sino ba ang tinutukoy dito ng propeta? Sarili ba niya o iba?” Simula sa kasulatang ito ay isinalaysay sa kanya ni Felipe ang Magandang Balita tungkol kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:44-48

Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako: dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.” Binuksan niya ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang nasusulat: kinakailangang magdusa at mamatay ang Cristo; at pagkatapos, siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:19-20

Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Biglang lumindol nang malakas sapagkat bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon. Iginulong nito ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 11:1

Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 11:7

Ang mabuti'y bumabâ tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 11:9

Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:8

Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 1:4

Ang pipiliin nila ay mga kabataan na walang kapansanan, makikisig, matatalino, madaling turuan, may malawak na pang-unawa at karapat-dapat maglingkod sa palasyo. Tuturuan din sila ng wika at panitikan ng mga taga-Babilonia.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 50:4

Ang Panginoong Yahweh ang nagturo sa akin ng aking sasabihin, para tulungan ang mahihina. Tuwing umaga'y nananabik akong malaman kung ano ang ituturo niya sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 13:24

Dahil dito, kalahati ng kanilang mga anak ang nagsasalita ng wikang Asdod at iba pang mga wikang banyaga, ngunit hindi sila nakakapagsalita ng wika ng Juda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 12:6

ipinapasabi nila ang salitang, “Shibolet.” Kung hindi ito mabigkas nang tama at sa halip ay sinasabing, “Sibolet,” papatayin nila ito sa may tawiran ng Ilog Jordan. At nang panahong iyon, umabot sa 42,000 taga-Efraim ang kanilang napatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 10:31

Ito ang lahi ni Shem ayon sa kani-kanilang angkan, wika at bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 4:7

Noon namang naghahari si Artaxerxes ng Persia, lumiham dito sina Bislam, Mitredat, at Tabeel, kasama ang kanilang mga kapanalig. Sinulat ang liham sa wikang Aramaico kaya't kinailangang isalin sa pagbasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 18:26

Sinabi nina Eliakim, Sebna at Joa sa opisyal ng Asiria, “Nakikiusap kami sa inyo na sa wikang Arameo na lamang ninyo kami kausapin sapagkat naiintindihan din namin ito. Huwag ninyo kaming kausapin sa wikang Hebreo sapagkat nakikinig ang aming mga kababayan na nakatira sa tabi ng pader ng lunsod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Sa iyo po, Makapangyarihang Diyos, ang lahat ng kapurihan at karangalan! Araw-araw po, O Diyos na walang hanggan, turuan Mo akong magsalita ng ayon sa Iyong salita, upang ang aking pananalita ay maging pananalita ng pananampalataya, sapagkat sa pamamagitan nito ay makakausap Kita. Tulungan Mo po akong kumilos ayon sa aking mga paniniwala, upang ang aking pananampalataya ay hindi maging pipi, bagkus ay makapagsalita ako sa bundok at ito ay gumalaw, dahil wala pong problema o sitwasyon na mas malaki sa Iyo. Panginoon, araw-araw po, turuan Mo akong maging tagapagdala ng Iyong kaluwalhatian sa lahat ng aking nakakasalamuha at saanman ako mapunta, upang makapagsalita ako ng wika ng langit, ang wika ng pagbabago, pananampalataya, at tagumpay. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas