Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


64 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Jerusalem

64 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Jerusalem

Mahalaga sa Diyos, at sa atin na mga anak Niya, ang papel ng Jerusalem sa ministeryo ni Hesus. Ayon sa Bagong Tipan, Jerusalem ang lugar kung saan dinala si Hesus noong bata pa Siya, upang iharap sa Templo.

Kaya nga, dapat tayong manalangin sa Diyos para sa banal na lupaing ito, tulad ng sabi sa Kanyang salita: "Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: “Magkaroon nawa ng kaunlaran ang mga umiibig sa iyo!” (Salmo 122:6). Napakahalaga na bilang mga anak ng Diyos, ipanalangin natin ang Jerusalem, hilingin natin kay Hesus na ang Kanyang awa ay umabot sa lungsod na ito at maipatupad ang Kanyang kalooban doon.

Nawa'y buksan Niya ang kanilang mga espirituwal na mata upang lubusan silang manumbalik sa Diyos at bawat isa sa mga naninirahan doon ay kumilala na si Kristo ang Panginoon, maunawaan na si Hesus ang nagdala ng parusa para sa ating kapayapaan at maligtas sila sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo sa krus. Sana ang pagmamahal ng Diyos para sa Jerusalem ay madama rin natin sa ating mga puso tuwing tayo ay mananalangin para dito.


Isaias 62:1

Magsasalita ako para lumakas ang loob ng Jerusalem. Hindi ako tatahimik hanggang hindi niya nakakamit ang kaligtasan; hanggang sa makita ang kanyang tagumpay na parang sulong nagliliyab.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:37

“Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga isinugo sa iyo! Ilang ulit kong sinikap na kupkupin ang iyong mga anak, kung paano tinitipon ng isang inahin ang kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, ngunit ayaw ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 48:1-2

Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal. Ika'y pinupuri ng lahat saanman, sa buong daigdig ang dakila'y ikaw, at kung mamahala ay makatarungan. Kayong taga-Zion, dapat na magalak! At ang buong Juda'y magdiwang na lahat, dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak. Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat ng tore doon ay bilangin; ang nakapaligid na pader pansinin, mga muog nito'y inyong siyasatin; upang sa susunod na lahi'y isaysay, na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman, sa buong panahon siya ang patnubay. Ang Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod; bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 62:6-7

Naglagay ako ng mga bantay sa mga pader mo, Jerusalem; hindi sila tatahimik araw at gabi. Ipapaalala nila kay Yahweh ang kanyang pangako, upang hindi niya ito makalimutan. Huwag ninyo siyang pagpapahingahin hanggang hindi niya naitatatag muli itong Jerusalem; isang lunsod na pinupuri ng buong mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 1:1

O anong lungkot ng lunsod na dating matao! Siya na dating bantog sa buong mundo ngayo'y tulad na ng isang balo; siya na dating pangunahing lunsod ngayon ay isa nang lingkod!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 12:2-3

“Ang Jerusalem ay gagawin kong parang isang mangkok na puno ng alak upang ang sinumang maghangad lumusob dito ay maging parang lasing na susuray-suray. Ang pagkubkob sa Jerusalem ay pagkubkob na rin sa buong Juda. Sa araw na iyon, ang mga bansa ay magkakaisa laban sa Jerusalem ngunit gagawin ko itong tulad sa isang malaking bato na mahirap galawin. Sinumang gumalaw nito ay naghahanap ng sakit ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 2:17

Pagkatapos, sinabi ko sa kanila, “Nakikita ninyo ang kalunus-lunos na kalagayan ng ating bayan. Wasak ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito. Itayo nating muli ang pader ng lunsod upang mahango na tayo sa kahihiyan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 5:5

Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Ang lunsod ng Jerusalem ay ginawa kong pinakasentro ng mga bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 14:16

Kapag nalupig na ang mga kaaway, lahat ng nakaligtas sa labanan at sa salot ay pupunta sa Jerusalem taun-taon upang sumamba kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Dakilang Hari, at makikisama sa pagdiriwang ng Pista ng mga Tolda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 6:6

Ngunit pinili ko ang Jerusalem upang doon ako sambahin at hinirang ko si David upang mamuno sa aking bayang Israel.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 52:1

Gumising ka Jerusalem, magpanibagong-lakas ka! O banal na lunsod, muli mong isuot ang mamahalin mong kasuotan, sapagkat mula ngayon ay hindi na makakapasok diyan ang mga hindi kumikilala sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 11:32

Matitira sa kanya ang isang lipi, alang-alang kay David na aking lingkod at alang-alang sa Jerusalem, ang lunsod na aking pinili mula sa lahat ng lipi ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:28-29

Sana'y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan, ang lakas na ginamit mo noong kami'y isanggalang. Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo, na pati ang mga hari doo'y naghahandog sa iyo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 137:5-6

Ayaw ko nang ang lira ko'y hawakan pa at tugtugin, kung ang bunga sa pagtugtog, limutin ang Jerusalem; di na ako aawit pa, kung ang aking sasapitin sa isip ko't alaala, ika'y ganap na limutin, kung ang kaligayahan ko ay sa iba ko hahanapin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:41-44

Nang malapit na siya sa Jerusalem at natatanaw na niya ang lungsod, ito'y kanyang tinangisan. Sinabi niya, “Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makakapagdulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit ito'y lingid ngayon sa iyong paningin. Darating ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang iyong mga kaaway, palilibutan ka nila at gigipitin sa kabi-kabila. Wawasakin ka nila at lilipulin ang lahat ng iyong mamamayan. Wala silang iiwanang magkapatong na bato sapagkat hindi mo pinansin ang pagdalaw sa iyo ng Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 52:1-2

Gumising ka Jerusalem, magpanibagong-lakas ka! O banal na lunsod, muli mong isuot ang mamahalin mong kasuotan, sapagkat mula ngayon ay hindi na makakapasok diyan ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Sa lahat ng bansa, makikita ng mga nilalang, ang kamay ni Yahweh na tanda ng kalakasan; at ang pagliligtas ng ating Diyos tiyak na mahahayag. Lisanin ninyo ang Babilonia, mga tagapagdala ng kasangkapan ng Templo. Huwag kayong hihipo ng anumang bagay na ipinagbabawal. Manatili kayong malinis at kayo ay mag-alisan. Ngayon ay lalakad kayong hindi na nagmamadali. Hindi na kayo magtatangkang tumakas. Papatnubayan kayo ni Yahweh; at iingatan sa lahat ng saglit ng Diyos ng Israel. Sinabi ni Yahweh, “Ang lingkod ko'y magtatagumpay sa kanyang gawain; mababantog siya at dadakilain. Marami ang nagulat nang siya'y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya, halos hindi makilala kung siya ay tao. Ngayo'y marami rin ang mga bansang magugulantang; pati mga hari kapag siya'y nakita ay matitigilan. Makikita nila ang hindi nabalita kahit na kailan, at mauunawaan ang hindi pa narinig ninuman!” Malaya ka na, Jerusalem! Tumindig ka mula sa kinauupuang alabok, at umupo sa iyong trono. Kalagin mo ang taling nakagapos sa iyo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 1:17

Muling sasagana ang aking mga lunsod. Ang Zion ay muli kong papatnubayan at hihirangin ang Jerusalem.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 24:23

Mawawala ang liwanag ng araw at buwan, at maghahari si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa Bundok ng Zion, at sa Jerusalem. Doo'y mahahayag ang kanyang kaluwalhatian, sa harap ng mga pinuno ng bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:7

Ngunit pagyamanin ninyo ang lunsod na pinagdalhan ko sa inyo. Idalangin ninyo sila kay Yahweh sapagkat kayo rin ang makikinabang kung sila'y umunlad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:12

Sabi ni Yahweh: “Padadalhan kita ng walang katapusang kasaganaan. Ang kayamanan ng ibang bansa ay aagos patungo sa iyo tulad ng umaapaw na ilog. Ang makakatulad mo'y sanggol na buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:2

Inyong ibalita sa mga taga-Jerusalem, tapos na ang kanilang pagdurusa sapagkat nabayaran na nila ng lubos ang kasalanang ginawa nila sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 3:17

“Sa gayon, malalaman mo, O Israel, na ako si Yahweh ay iyong Diyos! Ang aking tahanan ay ang Zion, ang banal na bundok. Magiging banal na lunsod ang Jerusalem; hindi na ito muling masasakop ng mga dayuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:18-19

Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa, ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya, at magiging masaya ang kanyang mamamayan. Ako mismo'y magagalak dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:2

At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya'y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 33:16

Sa mga araw ring iyon, maliligtas ang mga taga-Juda at mapayapang mamumuhay ang mga taga-Jerusalem. At sila'y tatawagin sa pangalang ito: ‘Si Yahweh ang ating katuwiran.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 1:3

Kayo na kanyang bayan, patnubayan nawa kayo ng inyong Diyos sa pagbabalik ninyo sa Jerusalem upang muling maitayo roon ang Templo ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang Diyos na sinasamba sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:35

o kaya'y, ‘Saksi ko ang lupa,’ sapagkat ito'y kanyang tuntungan. Huwag din ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ sapagkat ito'y lungsod ng dakilang Hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 11:36

Isang lipi lamang ang ititira ko sa kanyang anak. Sa gayon, ang lingkod kong si David ay laging magkakaroon ng isang apo na maghahari sa Jerusalem, ang lunsod na pinili ko upang doo'y sambahin ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 2:10

Sinabi pa ni Yahweh, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Zion, sapagkat maninirahan na ako sa inyong kalagitnaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 31:5

Tulad ng pag-aalaga ng ibon sa kanyang inakay, gayon iingatan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang Jerusalem. Ipagtatanggol niya ito at ililigtas; hindi niya ito pababayaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:27

Ngunit kailangang sumunod sila sa akin. Dapat nilang igalang ang Araw ng Pamamahinga, at huwag magbubuhat ng anuman sa araw na iyon pagpasok nila sa Jerusalem. Kung hindi, susunugin ko ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem. Matutupok ang mga palasyo sa Jerusalem, at walang sinumang makakapatay sa sunog na ito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 4:3-4

Tatawaging banal ang mga matitirang buháy sa Jerusalem, silang mga pinili ng Diyos upang mabuhay. Sa pamamagitan ng makatarungang paghatol, huhugasan ni Yahweh ang karumihan ng Jerusalem at ang dugong nabuhos doon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nehemias 11:1-2

Ang mga pinuno ng bayan ay tumira sa Jerusalem at ang iba nama'y nagpalabunutan upang sa bawat sampung pamilya ay kumuha ng isang titira sa banal na lunsod. Ang siyam naman ay nanirahan sa iba't ibang bayan ng Juda. Sa mga pari naman ay kabilang ang mga sumusunod: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jaquin, si Seraias na anak ni Hilkias at apo ni Mesulam. Kabilang din sa kanyang mga ninuno sina Zadok na anak ni Meraiot at si Ahitub na pinakapunong pari. Ang kabuuan ng angkan niyang naglingkod sa Templo ay 822. Kabilang din sina Adaias na anak ni Jeroham at apo ni Pelalias. Ang kasama sa mga ninuno niya ay sina Amzi, Zacarias, Pashur at Malquijas. Ang kabuuang bilang ng mga pangulo ng sambahayan sa kanyang angkan ay 242. Kasama rin sa tumira sa Jerusalem si Amasai na anak ni Azarel at apo ni Azai. Ang kasamang ninuno niya ay sina Mesilemot at Imer. Ang kabuuang bilang ng mga bahagi ng angkang ito na magigiting na mga kawal ay 128. Ang kanilang pinuno ay si Zabdiel na mula sa isang kilalang pamilya. Mula sa mga Levita: si Semaias na anak ni Hasub at apo ni Azrikam. Kabilang sa kanyang mga ninuno sina Hashabias at Buni. Sina Sabetai at Jozabad, mga kilalang Levita ang namahala sa mga gawain sa labas ng Templo. Kasama rin nila si Matanias na anak ni Mica at apo ni Zabdi, mula sa angkan ni Asaf. Siya ang tagapanguna sa korong umaawit ng panalangin ng pasasalamat. Kasama rin niya si Bakbukuias na naging lingkod ni Matanias. Si Abda na anak ni Samua at apo ni Galal na mula sa angkan ni Jeduthun. Ang kabuuan ng mga Levita sa banal na lunsod ng Jerusalem ay 284. Ang mga bantay sa Templo: sina Akub at Talmon kasama ang kanilang mga kamag-anak ay 172 lahat. Pinupuri ng mga tao ang sinumang kusang-loob na tumira sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 9:16

Kaya nga, O Panginoon, alang-alang sa inyong mabuting gawa, huwag na po kayong mapoot sa Jerusalem na inyong lunsod, ang inyong banal na bundok. Dahil sa kasamaan namin at ng aming mga magulang, ang Jerusalem at ang inyong bayan ay hinahamak ng mga bansang nakapaligid sa amin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:10

Makigalak kayo sa Jerusalem, magalak kayo dahil sa kanya; kayong lahat na nagmamahal sa lunsod na ito! Kayo'y makigalak at makipagsaya, lahat kayong tumangis para sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 32:31

“Mula nang itayo ang lunsod na ito, lagi na lamang nila akong ginagalit, kaya wawasakin ko na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:2-3

Sama-sama kami matapos sapitin, ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem. Itong Jerusalem ay napakaganda, matatag at maayos na lunsod siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 4:2

Daragsa ang maraming tao at sasabihin nila, “Halikayo, tayo na sa bundok ni Yahweh, sa templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang nais niyang gawin natin at matuto tayong lumakad sa kanyang landas. Sapagkat magmumula sa Zion ang katuruan, at sa Jerusalem ang salita ni Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:3

Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito: “Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan; at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas. Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 19:31

May makakaligtas sa Jerusalem, may matitirang buháy sa Zion. Sapagkat ito ang gustong mangyari ni Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Joel 2:32

At sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulong kay Yahweh ay maliligtas. Gaya ng kanyang sinabi, may ilang makakatakas sa Bundok ng Zion at ang aking mga pinili'y makakaligtas sa Jerusalem.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 30:18

Sinabi pa ni Yahweh: “Muli kong ibabalik ang kasaganaan sa lipi ni Jacob. Kahahabagan ko ang buong sambahayan niya. Ang lunsod na winasak ay muling itatayo, at muling itatayo ang bawat gusali.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:3

Sabihin mong ipinapasabi ni Yahweh na kanyang Diyos: Ikaw ay mula sa Canaan. Amoreo ang iyong ama at Hetea ang iyong ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:12

Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lungsod. Ito ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa aking Diyos. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 9:9

O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 9:11

Ang sabi ni Yahweh: “Ang Jerusalem ay wawasakin ko. Kanyang mga pader, paguguhuin ko, at wala nang maninirahan doon kundi mga asong-gubat. Magiging disyerto, mga lunsod ng Juda, wala nang taong doon ay titira.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:38-40

“Darating ang panahon na muling itatatag ang lunsod ng Jerusalem para sa karangalan ni Yahweh, mula sa Tore ng Hananel hanggang sa Panulukang Pinto. Ang hangganan nito'y lalampas sa burol ng Gareb saka liliko sa Goa. Muli kitang itatayo, marilag na Israel. Hahawakan mong muli ang iyong mga tamburin, at makikisayaw sa mga nagkakasayahan. Ang buong libis na pinagtatapunan ng mga bangkay at abo, gayon din ang lahat ng bukirin sa itaas ng batis ng Kidron hanggang sa Pintuang Labasan ng mga Kabayo sa gawing silangan, ay itatalaga sa akin. Hindi na mawawasak o masasakop ninuman ang lunsod na ito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 5:7

Ngunit nakuha ni David ang kuta ng Zion at ito'y tinawag na Lunsod ni David hanggang ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:26

Ngunit ang pahayag ng mga lingkod ko'y pawang nagaganap, at ang mga payo ng aking mga sugo ay natutupad; ako ang maysabing darami ang tao sa Jerusalem, muling itatayo ang mga gumuhong lunsod sa Juda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 8:48

sa sandaling sila'y magsisi at magbalik-loob sa inyo, at mula doo'y humarap sila sa lupaing kaloob sa kanilang mga ninuno, sa lunsod na ito na inyong pinili, sa Templong ito na ipinatayo ko sa inyong pangalan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:6

Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:3

Itong Jerusalem ay napakaganda, matatag at maayos na lunsod siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 125:2

Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok, gayon nagtatanggol sa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 9:2

Akong si Daniel ay nagbabasa ng mga aklat upang alamin ang kahulugan ng pitumpung taóng pagkawasak ng Jerusalem ayon sa sinabi ni Yahweh kay Propeta Jeremias.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 48:2

Ang Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod; bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 15:4

Gayunman, alang-alang kay David, ang kanyang angkan ay pinapanatili ni Yahweh na maghari sa Jerusalem. Pinagkalooban siya ng anak na lalaki na hahalili sa kanya, at iningatan sa kaaway ang Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 8:3

Babalik ako sa Jerusalem upang muling manirahan doon. Tatawagin itong Tapat na Lunsod at Banal na Bundok ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 30:17

Ibabalik ko ang kalusugan mo, at pagagalingin ang iyong mga sugat. Kayo'y tinawag nilang mga itinakwil, ang Zion na walang nagmamalasakit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:17

Sa araw na iyon, ang Jerusalem ay tatawaging ‘Luklukan ni Yahweh’. Lahat ng bansa'y magkakatipon doon upang sambahin ako. Hindi na nila gagawin ang kasamaang kanilang gustong gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:47

Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa, magmula sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 12:9

At sa araw na iyon, mawawasak ang alinmang bansang mangangahas sumakop sa Jerusalem.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 2:5

Susunugin ko ang Juda; tutupukin ko ang mga tanggulan ng Jerusalem.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 36:38

Pararamihin ko silang tulad ng mga tupang panghandog, tulad ng mga tupa sa Jerusalem kung panahon ng kapistahan. Sa gayon, ang mga lugar na walang nakatira ay mapupuno ng tao. At makikilala nilang ako si Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Purihin ka, Panginoon, sa iyo ang lahat ng kaluwalhatian at karangalan. Ama, hinihiling ko po na ang iyong kapayapaan, na higit sa lahat ng pang-unawa, ay manaig sa Jerusalem. Nawa'y ang iyong Espiritu Santo ay bumuhos sa kanilang mga buhay. Luwalhatiin mo ang iyong sarili sa kanilang mga pinuno at mamamayan, nawa'y kilalanin ka nila bilang Panginoon, tagapagligtas, at Prinsipe ng Kapayapaan. Dinggin mo po ang aking panalangin na bigyan mo sila ng karunungan upang makagawa ng mga desisyon na magdudulot ng kapayapaan, hindi ng digmaan. Katulad po ng sabi sa iyong salita, kung paanong ang Jerusalem ay napalilibutan ng mga bundok, gayundin naman, Panginoon, ikaw ay nakapalibot sa iyong mga anak, ngayon at magpakailanman. Panginoon, ipinangako mong poprotektahan at paiiralin mo ang iyong kapangyarihan sa kanila laban sa kamay ng kanilang mga kaaway. Hinihiling ko rin po na bigyan mo ng karunungan at istratehiya ang bawat Kristiyanong nananalangin at nangangaral ng iyong salita sa Jerusalem, bigyan mo sila ng galing upang maipahayag nila nang mabisa ang iyong ebanghelyo ng kapayapaan sa buhay ng mga tao roon. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas