Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


105 Mga Talata sa Bibliya para sa mga Atheist

105 Mga Talata sa Bibliya para sa mga Atheist

Naiisip ko rin minsan, bakit kaya may mga taong hindi naniniwala sa Diyos? Tayong mga sumusunod kay Kristo, naranasan na natin ang pagmamahal Niya at may katiyakan na tayo sa buhay na walang hanggan. Mahirap talagang maintindihan. Pero kapag naisip natin ang epekto ng kasalanan sa puso at isipan ng tao, kahit paano ay makikita natin kung saan nanggagaling ang mga ateista.

Kaya dapat natin silang ipagdasal. Ipanalangin natin na maalis ang mga hadlang na pumipigil sa kanila na makilala ang Diyos. Nawa’y ipakita Niya ang Kanyang sarili sa kanila sa paraang talagang makakaantig sa kanilang mga puso at magbubukas ng kanilang mga mata sa katotohanan.

Kapag nakasalamuha natin sila, hindi sapat ang salita lang. Kailangan nating ipakita mismo ang kapangyarihan ng ebanghelyo na bumago sa buhay natin. Dapat nilang makita si Kristo sa pamamagitan natin. Hindi natin kailangan makipagdebate o makipagtalo. Ang importante ay maipahayag natin nang malinaw ang katotohanan, na may kasamang patunay ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.


Roma 1:20

Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:8

Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:22

Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:44

Walang makakalapit sa akin malibang dalhin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang lumalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:19

Sapagkat ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay maliwanag, dahil iyon ay ipinapahayag sa kanila ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 2:14

Sapagkat ang taong hindi nagtataglay ng Espiritu ay hindi kayang tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:18

Binibigyan niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:5

Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo, tumitingin sa ulila't sanggalang ng mga balo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:14

Kapag ang mga Hentil na hindi saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang likas na pag-iisip, ito'y nagiging kautusan na para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 14:1

“Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, wala nga, wala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:9

Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:25

Wawasakin ni Yahweh ang bahay ng hambog, ngunit ang tahanan ng isang biyuda ay iingatan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:10-11

Huwag mong babaguhin ang hangganang matagal nang nakalagay, ni sasakupin ang lupa ng mga ulila. Sapagkat ang Tagapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:21

Kahit na kilala nila ang Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:17

Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 10:2

upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan, upang alisan ng karapatan ang mahihirap, at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 53:1

Sinabi ng hangal sa kanyang sarili, “Wala namang Diyos!” Wala nang matuwid lahat nang gawain nila'y pawang buktot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:34-36

Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban, maging ang ating karapatan, kung tayo'y pagkaitan. Kung ang katarungan ay hayagang tinutuya, siguradong si Yahweh ay hindi magpapabaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:18

at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:7-9

“Sa mga hayop at mga ibon ika'y may matututunan, magtanong ka sa kanila, at ikaw ay tuturuan. Kausapin mo ang lupa at ikaw ay tuturuan, magpapahayag sa iyo ang mga isda sa karagatan. Silang lahat ay nakakaalam na ang Diyos ang sa kanila'y lumalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:36-37

Naroon din sa Templo ang isang propetang babae na ang pangalan ay Ana, anak ni Fanuel at mula sa lipi ni Asher. Siya'y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, at ngayo'y walumpu't apat na taon na siyang biyuda. Lagi siya sa Templo at araw-gabi'y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:25-26

Ngunit sinasabi ko sa inyo, maraming biyuda sa Israel noong panahon ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng taggutom sa buong lupain. Subalit hindi pinapunta si Elias sa kaninuman sa kanila, kundi sa isang biyuda sa Sarepta, sa lupain ng Sidon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:1-8

Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’ Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing matuwid sa harapan ng Diyos, at hindi ang Pariseo. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.” Inilalapit ng mga tao kay Jesus pati ang kanilang mga sanggol upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang mga kamay. Nang ito'y makita ng mga alagad, sinaway nila ang mga tao. Ngunit tinawag ni Jesus ang mga bata at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat para sa mga katulad nila ang kaharian ng Diyos. Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos gaya ng pagtanggap ng isang bata ay hindi makakapasok doon.” May isang pinuno ng bayan na nagtanong kay Jesus, “Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Ang Diyos lamang ang mabuti! Sinabi niya, “Sa isang lungsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao. Alam mo ang mga utos, ‘Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag kang tatayong saksi para sa kasinungalingan; at igalang mo ang iyong ama at ina.’” Sinabi ng lalaki, “Ang lahat pong iyan ay tinupad ko na mula pa sa pagkabata.” Pagkarinig nito ay sinabi ni Jesus, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi ang pinagbilhan sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka, at sumunod ka sa akin.” Nalungkot ang lalaki nang marinig iyon, sapagkat siya'y napakayaman. Nakita ni Jesus na nalulungkot ang lalaki kaya't sinabi niya, “Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos! Mas madali pang makaraan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.” Nagtanong ang mga taong nakarinig nito, “Kung gayon, sino ang maliligtas?” “Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos,” tugon ni Jesus. Sinabi naman ni Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan na namin ang aming mga tahanan at sumunod sa inyo.” Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos, Sa lungsod ding iyon ay may isang biyuda. Lagi siyang pumupunta sa hukom at sinasabi, ‘Bigyan po ninyo ako ng katarungan sa aking usapin.’ tatanggap siya ng higit pa sa panahong ito. At sa panahong darating, tatanggap siya ng buhay na walang hanggan.” Ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Pupunta tayo sa Jerusalem at doo'y matutupad ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao. Siya'y ibibigay sa kamay ng mga Hentil; kukutyain, hahamakin, at duduraan. Siya'y hahagupitin at papatayin, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.” Subalit ang Labindalawa ay walang naunawaan sa kanilang narinig; inilihim sa kanila ang kahulugan niyon, at hindi nila nalalaman ang sinasabi ni Jesus. Nang malapit na si Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. “Nagdaraan si Jesus na taga-Nazaret,” sabi nila sa kanya. At siya'y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng mahabang panahon, ngunit nang magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili, ‘Kahit ako'y walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao, Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” “Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli,” sagot niya. At sinabi ni Jesus, “Makakita ka! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Noon di'y nakakita ang bulag at nagpupuri sa Diyos na sumunod kay Jesus. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos. ibibigay ko na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito, sapagkat lagi niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.’” At nagpatuloy ang Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sabi ng masamang hukom na iyon. Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao, may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:3-5

Igalang mo ang mga biyudang wala nang ibang maaasahan sa buhay. Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos. Ang biyuda na walang ibang maaasahan sa buhay ay sa Diyos na lamang umaasa, kaya't patuloy siyang nananalangin araw at gabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:14

Kaya't para sa akin, mabuti pang sila'y mag-asawang muli, magkaanak at mag-asikaso ng tahanan, upang ang ating kaaway ay hindi magkaroon ng dahilan upang mapintasan tayo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:27

Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 12:42-44

Lumapit naman ang isang biyudang dukha at naghulog ng dalawang salaping tanso. Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo, ang inihandog ng biyudang iyon ay higit na marami kaysa sa inihulog nilang lahat. Sapagkat ang lahat ay nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng babaing iyon, bagama't siya'y dukha, ay ang buo niyang ikinabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 7:12-15

Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, may isang lalaking namatay na dala ng mga tao patungo sa libingan. Ito ay kaisa-isang anak na lalaki ng isang biyuda. Napakaraming tao mula sa bayan ang sumama upang makipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya't sinabi niya rito, “Huwag kang umiyak.” Nilapitan niya at hinipo ang kabaong at tumigil ang mga may pasan nito. Sinabi niya, “Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!” Bumangon ang patay at nagsalita; at siya'y ibinigay ni Jesus sa kanyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:1

Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:4

Huwag kang matakot o panghinaan man ng loob, sapagkat hindi ka na mapapahiya. Malilimot mo na ang kahihiyang dinanas mo noong iyong kabataan; hindi mo na maaalala ang matinding kalungkutan ng pagiging isang biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 29:12

Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan, dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 14:29

Ito ay ibibigay ninyo sa mga Levita yamang wala silang kaparte sa inyong lupain. Bibigyan din ninyo ang mga dayuhang kasama ninyo, ang mga ulila, at ang mga balo. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong mga gawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:9

Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:3

Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:4

Sinabi ng Diyos, ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’ at, ‘Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:5

Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo, ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 4:1-7

Minsan, ang asawa ng isa sa mga propeta ay lumapit kay Eliseo. Sinabi niya, “Hindi po kaila sa inyo na ang asawa ko'y namuhay nang may takot kay Yahweh hanggang sa mamatay. Ngayon po, ang dalawa kong anak na lalaki ay gustong gawing alipin ng isa sa mga pinagkakautangan namin.” Bakit di natin siya ipagpagawa ng isang silid para matuluyan niya tuwing pupunta rito? Bigyan natin siya ng higaan, mesa, upuan at ilawan.” Isang araw, bumalik nga roon si Eliseo at doon siya nagpahinga sa silid na inihanda para sa kanya. Tinawag niya ang katulong niyang si Gehazi at sinabi, “Tawagin mo ang babaing Sunamita.” Tinawag nga nito ang babae at di nagtagal ay dumating ang babae. Sinabi niya sa kanyang katulong, “Sabihin mong pinasasalamatan natin ang pagpapagawa niya ng tuluyan nating ito. Itanong mo kung ano ang maitutulong natin sa kanya bilang ganti sa kaabalahan niya sa atin. Baka may gusto siyang ipasabi sa hari o sa pinuno ng hukbo.” “Wala kayong dapat alalahanin. Nasisiyahan na po kami sa pamumuhay rito sa piling ng aming mga kababayan,” sagot ng babae. Pagkaalis ng babae, tinanong ni Eliseo si Gehazi, “Ano kaya ang maitutulong natin sa kanya?” Sumagot si Gehazi, “Wala po siyang anak at matanda na ang kanyang asawa.” “Tawagin mo siyang muli,” utos ni Eliseo. Kaya't bumalik ang babae at tumayo sa may pintuan. Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Isang taon mula ngayon ay mayroon ka nang anak na lalaking kakalungin.” Sinabi ng babae, “Mahal na lingkod ng Diyos, huwag na po ninyo akong paasahin.” Ngunit dumating ang araw at naglihi ang Sunamita. At tulad ng sinabi ni Eliseo, nanganak siya ng isang lalaki makalipas ng halos isang taon mula nang sabihin ito sa kanya. At lumaki ang bata. Isang araw, sumunod ito sa kanyang ama kasama ang iba pang gumagapas sa bukid. Bigla na lamang dumaing ang bata na masakit ang kanyang ulo. Sinabi ng ama sa isang katulong, “Iuwi mo na siya sa kanyang ina.” “Ano ang maitutulong ko sa iyo?” tanong ni Eliseo. “Ano bang mayroon ka sa bahay mo?” “Wala po, maliban sa isang boteng langis,” sagot niya. Sumunod naman ang inutusan at inilagay ang bata sa kandungan ng ina nito. Ngunit nang magtatanghaling-tapat, namatay ang bata. Ang bangkay ay ipinasok ng ina sa silid ni Eliseo. Inilagay niya ito sa higaan, isinara ang pinto at dali-daling lumabas. Tinawag niya ang kanyang asawa at sinabi, “Madali ka! Pagayakin mo ang isang utusan at ipahanda ang isang asnong masasakyan ko. Pupunta ako sa lingkod ng Diyos.” “Anong gagawin mo roon?” tanong ng asawa. “Hindi ngayon Araw ng Pamamahinga at hindi rin Kapistahan ng Bagong Buwan.” “Kahit na. Kailangan ko siyang makausap,” sagot ng babae. Nang maihanda na ang asno, dali-dali siyang sumakay at sinabi sa kanyang katulong, “Sige, pabilisin mo ang asno at huwag mong pababagalin hanggang hindi ko sinasabi sa iyo.” At naglakbay sila, papunta sa Bundok ng Carmel sa kinaroroonan ni Eliseo. Nasa daan pa lamang, natanaw na sila ni Eliseo. Sinabi nito kay Gehazi, “Dumarating ang Sunamita. Salubungin mo. Kumustahin mo siya, ang kanyang asawa at ang kanyang anak.” Nang kumustahin ni Gehazi, sumagot ang babae, “Mabuti po.” Paglapit niya kay Eliseo, nagpatirapa ang babae at hinawakan ang mga paa ni Eliseo. Itutulak sanang palayo ni Gehazi ang babae ngunit sinabi ni Eliseo, “Pabayaan mo siya. Tiyak na may malaki siyang problema. Hindi pa lang ipinapaalam sa akin ni Yahweh.” Sinabi ng babae, “Humingi ba ako sa inyo ng anak? Hindi ba't sinabi kong huwag na ninyo akong paasahin?” Nilingon ni Eliseo si Gehazi at sinabi, “Magbalabal ka. Dalhin mo ang aking tungkod at tumakbo ka. Kapag may nakasalubong ka sa daan, huwag mong babatiin. Kapag may bumati sa iyo, huwag mong papansinin. Tumuloy ka sa bahay nila at ipatong mo ang tungkod sa mukha ng bata.” Sinabi ni Eliseo, “Puntahan mo ang iyong mga kapitbahay at humiram ka ng mga lalagyan ng langis hangga't mayroon kang mahihiram. Sinabi ng Sunamita, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, at hangga't buháy ka, hindi ako aalis nang hindi ka kasama.” Pagkasabi nito'y lumakad siyang papalabas ng bahay. Kaya, tumindig na si Eliseo at sumunod sa kanya. Samantala, nauna si Gehazi sa bahay ng Sunamita at ipinatong sa bangkay ng bata ang tungkod ni Eliseo. Ngunit walang palatandaang ito'y mabubuhay. Kaya, bumalik siya at sinalubong si Eliseo. Sinabi niya, “Hindi po nagising ang bata.” Nagtuloy si Eliseo sa kanyang silid at nakita niya ang bangkay sa kanyang higaan. Isinara niya ang pinto at nanalangin kay Yahweh. Dinapaan niya ang bangkay at hinawakan ang mga kamay nito. Pagkatapos, itinapat niya sa bibig at mata ng bangkay ang kanyang bibig at mata. At unti-unting uminit ang bangkay. Tumayo si Eliseo at nagpabalik-balik sa loob ng silid. Muli niyang dinapaan ang bangkay. At ang bata'y bumahin nang pitong beses, saka idinilat ang mga mata. Ipinatawag niya kay Gehazi ang Sunamita at nang pumasok ito, sinabi niya, “Kunin mo na ang iyong anak.” Ang babae'y nagpatirapa sa paanan ni Eliseo. Pagkatapos, kinuha ang kanyang anak at dinala sa kanyang silid. Kasalukuyang taggutom sa Gilgal nang magbalik doon si Eliseo. Isang araw, samantalang nakaupo sa paligid niya ang pangkat ng mga propeta, sinabi niya sa kanyang katulong, “Isalang mo ang malaking palayok at ipagluto mo ang mga propetang ito.” Tumayo ang isa sa mga naroon at lumabas ng bukid upang manguha ng gulay. Nakakita siya ng isang ligaw na baging na parang upo at maraming bunga. Kumuha siya ng makakaya niyang dalhin. Pagbabalik niya'y pinagputul-putol ang mga iyon at inilagay sa palayok na nakasalang. Pagkatapos, magkulong kayong mag-iina sa inyong bahay at lahat ng lalagyang nahiram mo'y punuin mo ng langis na nasa bahay mo. Itabi mo ang mga napuno na.” Pagkaluto, inihain niya ito ngunit nang tikman nila'y napasigaw sila, “Lingkod ng Diyos, lason po ito!” Hindi nila ito makain. Sinabi ni Eliseo, “Magdala kayo rito ng kaunting harina.” Inabutan nga siya at ito'y ibinuhos sa palayok saka sinabi, “Ihain ninyo ngayon.” Nang kainin nila, wala namang masamang nangyari sa kanila. Isang lalaking taga-Baal-salisa ang lumapit kay Eliseo. May dala siyang bagong aning trigo at dalawampung tinapay na yari sa unang ani niya ng sebada. Sinabi ni Eliseo, “Ihain ninyo iyan sa mga tao.” Sumagot ang kanyang katulong, “Hindi po ito magkakasya sa sandaang katao.” Iniutos niya muli, “Ihain ninyo iyan sa mga tao sapagkat sinabi ni Yahweh: Mabubusog sila at may matitira pa.” At inihain nga nila iyon. Kumain ang lahat at nabusog, at marami pang natira, tulad ng sabi ni Yahweh. Umuwi nga ang babae at pagdating sa bahay ay nagkulong silang mag-iina at isa-isang pinuno ng langis ang mga lalagyan habang ang mga ito'y dinadala sa kanya ng kanyang mga anak. Hindi alam ng ina na puno nang lahat kaya sinabi niya: “Abutan pa ninyo ako ng lalagyan.” “Puno na pong lahat,” sagot ng kanyang mga anak. At tumigil na ang pagdaloy ng langis. Pumunta siya kay Eliseo, ang lingkod ng Diyos at isinalaysay ang nangyari. Sinabi ni Eliseo sa babae, “Ipagbili mo ang langis at bayaran mo ang iyong mga utang. Ang matitira ay gamitin ninyong mag-iina.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ruth 1:16-17

Sumagot si Ruth, “Huwag po ninyong hilinging iwanan ko kayo. Hayaan na ninyo akong sumama sa inyo. Saanman kayo pumunta, doon ako pupunta. Kung saan kayo tumira, doon din ako titira. Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang magiging aking Diyos. Kung saan kayo mamatay, doon ako mamamatay, at doon din ako malilibing. Parusahan sana ako ni Yahweh ng pinakamabigat na parusa kung papayagan kong magkalayo tayo maliban na lamang kung paghiwalayin tayo ng kamatayan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ruth 2:10

Nagpatirapa si Ruth, bilang pagbibigay-galang, at nagtanong, “Ako po ay isang dayuhan, bakit po napakabuti ninyo sa akin?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:10

Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan, ni ang kaibigan ng iyong magulang. Kung ikaw ay nagigipit, huwag sa kapatid lalapit. Higit na mabuti ang kapitbahay na malapit, kaysa isang malayong kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 5:3

Ang aming mga ama'y pinatay ng mga kaaway; kaya't aming mga ina, wala nang kaagapay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:4

“Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:13

Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:24

Dahil dito, kapopootan ko kayo at lilipulin sa pamamagitan ng digmaan. Sa gayo'y mabibiyuda rin ang inyu-inyong asawa at mauulila ang inyong mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 31:16-17

“Di ako nagkait ng tulong kailanman, sa mga biyuda at nangangailangan. Di ko pinabayaan ang mga ulila, kapag ako'y kumain, kumakain din sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:6

Ang mga ulila, balo't mamamayan ng ibang bansa, pinapatay nila ito at kanilang pinupuksa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:21-22

Anak, igalang at sundin mo si Yahweh, gayon din ang hari. Huwag mong susuwayin ang sinuman sa kanila sapagkat bigla na lang kayong mapapahamak. Hindi ka ba natatakot sa pinsalang magagawa nila sa iyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:7-8

Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao, may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:35-36

Sapagkat ako'y nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at ako'y inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako'y hubad at ako'y inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:9

Nagbibigay sa mga nangangailangan, pagiging mat'wid niya'y walang hanggan, buong karangalang siya'y itataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:18

Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 29:13

Pinupuri ako ng mga dumanas ng kasawian, natulungang mga biyuda sa tuwa'y nag-aawitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:10

Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:22-24

Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila. Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, tiyak na papakinggan ko sila. Dahil dito, kapopootan ko kayo at lilipulin sa pamamagitan ng digmaan. Sa gayo'y mabibiyuda rin ang inyu-inyong asawa at mauulila ang inyong mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:25

Mula pagkabata't ngayong tumanda na, sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos nagpabaya; o ang anak niya'y naging hampaslupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:17-18

Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:23

Naging suwail ang iyong mga pinuno, kasabwat sila ng mga magnanakaw; tumatanggap ng mga suhol at mga regalo; hindi ipinagtatanggol ang mga ulila; at walang malasakit sa mga biyuda.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 22:3

“Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala. Huwag ninyong sasaktan o aapihin ang mga dayuhan, mga ulila, at mga balo. Huwag kayong papatay ng mga taong walang kasalanan sa banal na lunsod na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 20:47

Inuubos nila ang kabuhayan ng mga biyuda, at ginagamit ang kanilang mahahabang dasal bilang pakitang-tao. Dahil diyan, lalo pang bibigat ang parusa sa kanila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:7

“Pinagpala ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:15-16

Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, ano ang silbi niyon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:6

May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot, ang bilanggo'y hinahango upang sila ay malugod; samantalang ang tirahan ng suwail ay malungkot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:10

Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:1

Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:1-2

Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. Ang dugo ng mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. Gayundin naman, namatay si Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. Kaya't pumunta tayo sa kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap natin ay ang lungsod na darating. [Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos. Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo. Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon. Higit sa lahat, hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa inyo. Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa kanilang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:7-8

Mula kapanglawa'y itong mahihirap, kanyang itinataas, kanyang nililingap. Sa mga prinsipe ay isinasama, sa mga prinsipe nitong bayan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 6:29-30

sa sandaling ang inyong bayang Israel o sinuman sa kanila ay magsisi at iunat ang mga kamay na nananalangin paharap sa lugar na ito upang tumawag at magmakaawa sa iyo, Pagkatapos ay humarap ang hari at binasbasan ang buong sambayanang Israel. pakinggan ninyo sila mula sa langit na inyong trono at patawarin ninyo sila. Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanyang mga gawa, sapagkat kayo lamang ang nakakaalam ng nilalaman ng puso ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:65-67

Parang tulog na gumising, si Yahweh ay nagbangon, ang katawan ay masigla, tumayo ang Panginoon; parang taong nagpainit sa alak na iniinom. Pinaurong ang kaaway, lahat niyang katunggali, napahiya silang lahat, pawang galit na umuwi. Maging ang lahi ni Jose, sadya niyang itinakwil, at di niya pinagbigyan pati lahi ni Efraim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 20:1-2

Pakinggan ka sana ni Yahweh kapag ika'y nagdurusa! At ang Diyos ni Jacob ingatan ka sana. Mula sa Templo, ikaw sana'y kanyang tulungan, at mula sa Zion, ikaw ay kanyang alalayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 72:12

Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 10:1-2

Mapapahamak kayo, mga gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao, Kung paanong pinarusahan ko ang mga kahariang sumasamba sa mga diyus-diyosan; na higit na marami ang mga larawang inanyuan kaysa naroon sa Jerusalem at Samaria, hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga diyus-diyosan nito, ang ginawa ko sa Samaria at sa mga imahen nito?” Ngunit kapag natapos na ni Yahweh ang kanyang layunin sa Bundok Zion at sa Jerusalem, paparusahan niya ang hari ng Asiria dahil sa kanyang kayabangan, kataasan at kapalaluan. Sapagkat ang sabi niya: “Nagawa ko iyan dahil sa taglay kong lakas at karunungan, inalis ko ang hangganan ng mga bansa, at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan; ibinagsak ko sa lupa ang mga nakaupo sa trono. Kinamkam ko ang kayamanan ng mga bansa na parang nasa isang pugad. Tinipon ko ang buong lupa tulad ng pagtipon sa mga itlog na iniwanan, wala man lamang pakpak na nagbalak lumipad, walang bibig na bumubuka o huning narinig.” Mas magaling pa ba ang palakol kaysa taong may hawak nito? Mas mahalaga ba ang lagari kaysa taong gumagamit nito? Ang tungkod pa ba ang bubuhat sa may hawak nito? Kaya nga padadalhan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, ng mapaminsalang sakit ang magigiting niyang mandirigma, at sa ilalim ng kanilang mga kasuotan, mag-aapoy sa init ang kanilang katawan, parang sigang maglalagablab nang walang katapusan. Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy, ang Banal na Diyos ay magniningas, at susunugin niya sa loob ng isang araw maging ang mga tinik at dawag. Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin, kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao. Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat, ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos. upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan, upang alisan ng karapatan ang mahihirap, at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:4

Awitan natin ang Diyos, purihin ang kanyang ngalan, maghanda ng isang landas upang kanyang maraanan; ang pangalan niyang Yahweh, magalak na papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:76

Aliwin mo sana ako niyang pag-ibig mong lubos, katulad ng binitiwang pangako sa iyong lingkod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 16:11

Kasama ninyo sa pagdiriwang ang inyong sambahayan, mga alipin, ang mga Levitang kasama ninyo, ang mga dayuhan, ang mga ulila, at ang mga babaing balo; gaganapin ninyo ito sa lugar na pipiliin ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:24-25

Sa daigdig, ikaw, Yahweh, kay rami ng iyong likha! Pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, sa dami ng nilikha mo'y nakalatan itong lupa. Nariyan ang mga lawa't malawak na karagatan, malalaki't maliliit na isda ay di mabilang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 31:24-25

“Kung ako ay umasa sa aking kayamanan, at gintong dalisay ang pinanaligan; kung dahil sa tinatangkilik, ako ay nagyabang, o nagpalalo dahil sa aking kayamanan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:22

Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:1

Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y kanyang hinirang; sinugo niya ako upang dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag at sa mga bilanggo na sila'y lalaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7

Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:29

Kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, [asawa,] mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap siya ng sandaang ibayo at pagkakalooban siya ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 14:6

Hadlangan man nila ang balak ng mga taong hamak, ngunit si Yahweh ang sa kanila'y mag-iingat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:82

Dahilan sa paghihintay lumamlam na yaring tingin, ito ngayon ang tanong ko: “Kailan mo aaliwin?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:1

Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 38:1-2

Yahweh, huwag mo po akong kagalitan! O kung galit ka ma'y huwag pong parusahan. Ang aking puso ay mabilis ang tibok, ang taglay kong lakas, pumapanaw na halos; ningning ng mata ko'y pawa nang naubos. Mga kaibiga't mga kapitbahay ay nagsisilayo, ayaw nang dumalaw dahil sa sugat ko sa aking katawan; lumalayo pati aking sambahayan. Silang nagnanais na ako'y patayin, nag-umang ng bitag upang ako'y dakpin; ang may bantang ako'y saktan at wasakin, maghapon kung sila'y mag-abang sa akin. Para akong bingi na di makarinig, at para ring pipi na di makaimik; sa pagsasanggalang ay walang masabi, walang marinig katulad ng isang bingi. Ngunit sa iyo, Yahweh, ako'y may tiwala, aking Diyos, ika'y tiyak na tutugon. Aking panalangin, iyong pakinggan, itong mga hambog, huwag mong hayaan, sa aking kabiguan, sila'y magtawanan. Sa pakiramdam ko, ako'y mabubuwal, mahapdi't makirot ang aking katawan. Aking ihahayag ang kasalanan ko, mga kasalanang sa aki'y gumugulo. Mga kaaway ko'y malakas, masigla; wala mang dahila'y namumuhi sila. Ang iyong palaso'y tumama sa akin; at iyong mga kamay, hinampas sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:89

Ang salita mo, O Yahweh, di kukupas, walang hanggan, matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:12

Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:12

Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:19

Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:1-2

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!” ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:3-4

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman namin sa mga nahahapis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:15

Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:20

Matulungin siya sa mahirap, at sa nangangailanga'y bukás ang palad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 3:22-23

Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 113:9

Ang babaing baog pinagpapala niya, binibigyang anak para lumigaya. Purihin si Yahweh!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:5-6

Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal na umasa sa Diyos. At sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa. Tulad ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mapapabilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang inyong mga gawa, at kung wala kayong anumang kinatatakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, ikaw ang Alpha at Omega! Ama, lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at huli, ang simula at wakas. Dalangin ko Ama, sa ngalan ni Hesus, para sa kaligtasan ng mga taong hindi naniniwala sa iyo. Hinihiling ko na ang iyong Espiritu Santo ay gumalaw sa kanilang puso at isipan, upang sila'y mabahala at hanapin ka. Nawa'y basahin nila ang iyong salita, hanapin ang iyong presensya, at mabago sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan. Mahal na Diyos, hinihiling ko na iyong tuliin ang kanilang mga puso upang sila ay lubos na mapasailalim sa iyo. Sa iyong salita ay nasusulat, "Tutuliin ng Panginoon mong Diyos ang iyong puso at ang puso ng iyong binhi, upang ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso at ng iyong buong kaluluwa, upang ikaw ay mabuhay." Diyos ng awa, hinihiling ko na bigyan mo sila ng pusong laman, pusong buhay at sensitibo sa iyong presensya. Alisin mo sa kanila ang pusong bato. Gumalaw ka, Espiritu Santo, sa mga hindi naniniwala at linisin ang kanilang mga puso. Dalangin ko na ilagay ng Diyos ang Kanyang Espiritu sa kanila. Aakayin mo sila sa iyong presensya, Panginoong Hesus, sapagkat iyong sinabi, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko." Diyos, maawa ka at bigyan mo sila ng pagkakataong magsisi upang ang kanilang mga kaluluwa ay hindi mapunta sa apoy na walang hanggan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas