Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


117 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pamilya

117 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pamilya

Kapag ang mga pamilya sa lipunan ay salat sa mga pagpapahalaga at pagmamahal, masasabi nating may sakit at kulang ang lipunang ito. Subalit, kapag ang isang lipunan ay binubuo ng mga pamilyang puno ng pagmamahal at may matibay na mga pagpapahalaga, mga pamilyang nagmamahalan at nagdadamayan, masasabi nating ito ay isang malusog na lipunan.

Nilikha tayo ng Diyos para mamuhay nang may pamilya, kaya naman hindi nakapagtatakang maraming binabanggit ang Banal na Kasulatan tungkol dito. Gusto ng Diyos na mamuhay tayong lahat nang mapayapa at nagkakaisa. Paulit-ulit na ipinapakita sa Biblia kung gaano kahalaga sa Diyos ang ating mga pamilya.

Kaya naman, ingatan mo ang pamilyang ipinagkaloob sa iyo ng Panginoon. Magtayo ka ng isang patuloy na altar ng pananalangin kung saan sama-sama kayong makakasamba sa Diyos at magiging matibay sa harap ng anumang pagsubok na dumating.


Mga Awit 127:3

Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 16:31

Sumagot naman sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 3:5

Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya mapamahalaan ang sarili niyang pamilya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 3:4

Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 28:14

Darami sila na parang alikabok sa lupa at lalaganap sila sa apat na sulok ng daigdig. Sa pamamagitan mo at ng iyong lahi ay pagpapalain ang lahat ng bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:8

Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumalikod na sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di-mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:12

“Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:15

na mula sa kanya'y nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:1

“Sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “ako'y magiging Diyos ng buong Israel at magiging bayan ko sila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:19

Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:20

Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:1-2

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa Panginoon,] sapagkat ito ang nararapat. Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo. Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:1-4

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa Panginoon,] sapagkat ito ang nararapat. Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo. Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Si Tiquico, na mahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat ng bagay tungkol sa aking kalagayan at ginagawa. Kaya't isinusugo ko siya sa inyo upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang palakasin ang inyong loob. Nawa'y ipagkaloob ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo sa lahat ng mga kapatid ang kapayapaan at ang pag-ibig na kalakip ng pananampalataya. Ang kagandahang-loob ng Diyos ay sumainyong lahat na umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo. “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.” Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:18-21

Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon. Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon. Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:10

Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:6-7

Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:6

Ang mga apo ay putong ng katandaan; ang karangalan ng mga anak ay ang kanilang magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 12:28

Sundin ninyong mabuti ang mga tagubilin ko sa inyo at magiging maganda ang buhay ninyo at ng inyong mga anak sa habang panahon, sapagkat ang pagsunod na ito'y tama at katanggap-tanggap kay Yahweh na inyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:8

Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17

Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:16

“‘Igalang mo ang iyong ama at ina tulad ng iniutos ko sa iyo. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal at sagana sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 24:15

At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:29

Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan, mag-aani ng problema, gugulo ang pamumuhay. Ang taong mangmang at walang nalalaman, ay alipin ng matalino habang siya'y nabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:1-4

Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay. Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya. Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:1

Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:4-6

Sumagot si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:24

Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:8-9

Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina; sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo, parang kuwintas na may dalang karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:3

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 133:1

Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:24

iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:9

Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:33

Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:2-3

Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa. Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan. Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:2

Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:13

Ako mismo ang magtuturo sa iyong mga anak. Sila'y magiging payapa at uunlad ang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:26

Sa lahat ng oras, bukás pa ang palad sa pagkakaloob sa mga mahirap; pagpapala'y laan ng kanilang mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-7

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:2-3

ang aking susunding lagi ay ugaling walang kapintasan, kailan ka kaya darating sa aki't ako'y lalapitan? Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan, sa buhay kong ito ang gawang masama'y di ko tutulutan. Ang sinumang taong gawai'y masama, di ko sasamahan, di ko papansinin kung sinuman siyang ang Diyos ay kalaban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:24-25

“Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:10-31

Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya. Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan. Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana. Tulad ng isang barkong puno ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar. Bago pa sumikat ang araw ay inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ang gawain ng mga katulong sa bahay. Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas. Gayunma'y naiingatan ang kamay at katawan upang matupad ang lahat ng kanyang tungkulin araw-araw. Sa kanya'y mahalaga ang bawat ginagawa, hanggang hatinggabi'y makikitang nagtitiyaga. Siya'y gumagawa ng mga sinulid, at humahabi ng sariling damit. “Mayroon akong sasabihin sa iyo anak, na tugon sa aking dalangin. Matulungin siya sa mahirap, at sa nangangailanga'y bukás ang palad. Hindi siya nag-aalala dumating man ang tagginaw, pagkat ang sambahayan niya'y may makapal na kasuotan. Gumagawa siya ng makakapal na sapin sa higaan at damit na pinong lino ang sinusuot niya. Ang kanyang asawa'y kilala sa lipunan at nahahanay sa mga pangunahing mamamayan. Gumagawa pa rin siya ng iba pang kasuotan at ipinagbibili sa mga mangangalakal. Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal. Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang katapatan. Sinusubaybayan niyang mabuti ang kanyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw-araw. Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak: “Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila'y nakahihigit ka.” Huwag mong uubusin sa babae ang lakas mo at salapi, at baka mapahamak kang tulad ng ibang hari. Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay pararangalan. Ibigay sa kanya ang lahat ng parangal, karapat-dapat siya sa papuri ng bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:3

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin, at mananahan kang ligtas sa lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:36

At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:13

Pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng kamatayan, iniligtas mo rin ako sa ganap na kasiraan. Upang ako ay lumakad sa presensya mo, O Diyos, sa landas nitong liwanag na ikaw ang nagdudulot!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:4

Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:21

Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:1-2

Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama, sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya. Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin, lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin. Ika'y pinatnubayan ko sa daan ng karunungan, itinuro ko sa iyo ang daan ng katuwiran. Hindi ka matatalisod sa lahat ng iyong hakbang, magmabilis man ng lakad ay hindi ka mabubuwal. Panghawakan mo nga ito at huwag pabayaan, ito ay ingatan mo pagkat siya'y iyong buhay. Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan. Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan, bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan. Sila'y hindi makatulog kapag di nakagawa ng masama, at hindi matahimik kapag nasa'y di nagawa. Ang kanilang kinakain ay buhat sa kasamaan, ang kanilang iniinom ay bunga ng karahasan. Ngunit ang daan ng matuwid, parang bukang-liwayway, tumitindi ang liwanag habang ito'y nagtatagal. Ang daan ng masama'y pusikit na kadiliman, ni hindi niya makita kung saan siya nabubuwal. Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi, kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:5-6

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:13

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:1-3

Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taos-pusong sumusunod sa kanyang kautusan. Kung makita ito ng mga masama, lumalayas silang mabagsik ang mukha; pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala. Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala. Magiging sagana sa kanyang tahanan, pagpapala niya'y walang katapusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:17

Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:9

Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan, ngunit ang masama'y ipagtatabuyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:13-14

Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo. Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:1

Ang matalinong anak ay ligaya ng magulang, ngunit tinik sa dibdib ang anak na mangmang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:6-7

Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas, na ipinakita mo na noong panahong lumipas. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan; ayon sa pag-ibig mong walang katapusan, ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:20

Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:7

Ang alaala ng matuwid, mananatili kailanman, ngunit pangalan ng masama ay tiyak na mapaparam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:165

Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 4:5-6

Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:2

lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:29

Pinapakinggan ni Yahweh ang daing ng matuwid, ngunit ang panawagan ng masama ay hindi dinirinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:14

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:11

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa't isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:5-7

Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din, silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating. Habang sila'y naglalakbay sa tigang na kapatagan, tuyong lupa'y binabaha sa maagap na pag-ulan. Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas, batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:6

May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot, ang bilanggo'y hinahango upang sila ay malugod; samantalang ang tirahan ng suwail ay malungkot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:22

Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan; siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 33:5

Nang makita ni Esau ang mga babae at mga bata, itinanong niya kung sino sila. “Iyan ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos,” tugon ni Jacob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:24

Magpakatatag kayo at lakasan ang loob, kayong kay Yahweh'y nagtitiwalang lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:9

“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:5

Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:28

Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot; sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:4

Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:24

Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12

Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:11

Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:26

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:14

Sapagkat ang lalaking hindi pa sumasampalataya ay itinatalaga sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa, at ang babaing hindi pa sumasampalataya ay itinatalaga sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa. Kung hindi gayon ay magiging marumi sa paningin ng Diyos ang kanilang mga anak; ngunit ang totoo, ang mga ito ay itinatalaga sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:10

Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:50

Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit, iyon ang aking ina at mga kapatid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17-18

Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:13

Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:25

Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:19

Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:4

Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:50

Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:37

Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:1

Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:17

Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Igalang ninyo ang Emperador.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 121:7-8

Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat, sa mga panganib, ika'y ililigtas. Si Yahweh ang siyang sa iyo'y mag-iingat saanman naroon, ika'y iingatan, di ka maaano kahit na kailan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:5

“Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:15-16

Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali. Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Pangalan mo'y nakaukit sa aking mga palad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:31

Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:9

Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:17

Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Banal na Ama, ang aking kaluluwa ay pumupuri sa iyong presensya at nagbibigay ng karangalan na nararapat sa iyong pangalan. Wala pong katulad mo, ikaw ang Diyos na walang kapantay at makapangyarihan. Espiritu Santo, salamat po sa pamilyang ipinagkaloob mo, ang pamilyang pinili mo upang maging biyaya sa akin sa panahong ito. Dalangin ko po na matupad ang iyong layunin sa bawat isa sa kanila, na walang anumang makasira sa planong inihanda mo na para sa kanilang buhay. Nagpapasalamat po ako sa mga nagawa mo na at patuloy mong gagawin sa kanilang buhay. Mahal na Ama, may tiwala po ako na sa kabila ng anumang pagsubok o sitwasyon, hindi mo kami iiwan ni pababayaan, kundi ang iyong presensya ang gagabay sa amin sa lahat ng oras. Salamat po dahil ang presensya ng iyong Espiritu Santo ay naging mahalaga sa aking buhay, dahil kahit sa gitna ng mga di pagkakaunawaan at pagtatalo, ang pagpapatawad at pagkakasundo ay nanaig sa amin. Tulungan mo po kaming manatiling matatag at itayo ang aming tahanan sa batong ikaw, na laging nakahawak sa iyong kamay, upang sama-sama naming harapin bilang pamilya ang anumang pagsubok, at lumabas na matagumpay at mas pinatatag sa bawat isa nito. Salamat po dahil ikaw ang lumalaban para sa aking pamilya. Dalangin ko po na sila ay ingatan mo sa lahat ng kapahamakan at sa lahat ng pakana ng kaaway. Alam ko pong iyong pasisikatin ang araw ng katarungan para sa amin. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas