Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


110 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagwawasto at Disiplina

110 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagwawasto at Disiplina

Mahalaga ang pagtutuwid sa loob ng simbahan para sa kabanalan, pagkakaisa, at paglago natin sa pananampalataya. Sabi nga sa Kawikaan 3:11-12, “Anak ko, huwag mong hamakin ang pagdidisiplina ng Panginoon, ni kamuhian man ang kaniyang pagsaway; sapagkat sinasaway ng Panginoon ang iniibig niya, gaya ng pagsaway ng ama sa anak na kaniyang kinalulugdan.” Kitang-kita natin na ang pagtutuwid ay isang pagpapakita ng pagmamahal mula sa Diyos at sa mga taong nakapaligid sa atin.

Minsan, mahirap tanggapin ang pagtutuwid dahil humahadlang ang ating pride. Pero tandaan natin na ang disiplina at pagtutuwid ay mga instrumento para sa ating paglago at pag-unlad sa espirituwal. Sabi rin sa Kawikaan 15:32, “Ang tumatanggi sa pagtutuwid ay humahamak sa kaniyang sarili, ngunit ang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng pang-unawa.” Ibig sabihin, yung mga tumatanggi sa pagtutuwid, isinasara nila ang pinto sa pagkakataong matuto, lumago, at maging marunong.

Ang pagtutuwid ay hindi parusa, kundi gabay. Paalala ito na tayo'y hindi perpekto at may mga bagay pa tayong kailangang baguhin. Kapag tinuwid tayo, may pagkakataon tayong suriin ang ating mga ginawa, aminin ang ating mga pagkakamali, at ituwid ang ating landas.

Mababasa rin natin sa Hebreo 12:11, “Tunay ngang walang pagdidisiplina ang nakalulugod sa ngayon, kundi nakapipighati, ngunit sa huli ay nagbubunga ito ng matuwid na pamumuhay na mapayapa para sa mga sinanay nito.” Kaya naman, sana'y makita natin ang pagtutuwid bilang isang pansamantalang paghihirap at pag-aaral na maghahatid sa atin sa isang matuwid at mabuting buhay.


Mga Hebreo 12:6

Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:11

Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:13

Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:15

Ipahayag mo ang lahat ng ito, at gamitin mo ang iyong buong kapangyarihan sa pagpapalakas ng loob at pagsaway sa iyong mga tagapakinig. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:11-12

Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:5-6

Nalimutan na ba ninyo ang panawagan ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya, mga salitang nagpapalakas ng loob? “Anak ko, huwag mong baliwalain ang pagtutuwid ng Panginoon, at huwag kang panghihinaan ng loob kapag ikaw ay dinidisiplina niya. Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 4:2

ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:16

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:20

Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:24

Ituwid mo ang iyong bayan, O Yahweh; ngunit huwag naman sana kayong maging marahas. Huwag kaming parusahan sa panahong kayo'y napopoot; na siyang magiging wakas naming lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:12

pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:17

Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:12

Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral, silang sa iyo'y tumatanggap ng turo sa kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:15

Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:10

Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:15

“Kung magkasala [sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:17

“Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan, ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:10-11

Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo'y maging banal tulad niya. Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:1

Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:5

Pagkat may pag-ibig, ang mabuting tao puwedeng magparusa't pagwikaan ako, ngunit ang masama ay hindi ko ibig na ang aking ulo'y buhusan niya ng langis; pagkat ang dalangin at lagi kong hibik, ay laban sa gawa niyang malulupit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:11

Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:10

Ang gumawa ng masama ay tatanggap ng parusa, at tiyak na mamamatay ang ayaw ng paalala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:5

Di pansin ng mangmang ang turo ng kanyang ama, ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:14

Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:17

Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay, ngunit ang ayaw sumunod ay tungo sa pagkaligaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:14

Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay puspos ng kabutihan at punô ng kaalaman, kaya't matuturuan na ninyo ang isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:3

Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:8-9

Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo, ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito. Matalino'y turuan mo't lalo siyang tatalino, ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:23

Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw, at daan ng buhay itong mga saway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:1

Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:32

Ipinapahamak ang sarili ng ayaw makinig sa pangaral, ngunit ang nagpapahalaga sa paalala ay nagdaragdag ng kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:71

Sa akin ay nakabuti ang parusang iyong dulot, pagkat aking naunawang mahalaga ang iyong utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:1-2

Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin, lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim; Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan. Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang. Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay. Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman, may taglay na kayamanan at may bungang karangalan. Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman, at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw. Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan, para siyang punongkahoy na mabunga kailanman. Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit. upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:15

Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:33

Upang maging matalino, ang turo ko ay dinggin mo, huwag mong pababayaan ni lalayuan ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:19

Sinasaway ko't pinapalo ang lahat ng aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka! Pagsisihan mo't talikuran ang iyong mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:24

Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 11:2

Tandaan ninyo ngayon ang kanyang mga pagtutuwid sa inyo. Alam ninyo ito sapagkat nasaksihan mismo ninyo (hindi tulad ng inyong mga anak na hindi dumaan sa mga ito). Nakita ninyo ang kanyang kadakilaan at kapangyarihan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:23

Ang payo ko ay pakinggan n'yo at dinggin ang aking pangaral; sasainyo ang diwa ko at ang aking kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:32

Ngunit hinahatulan tayo ng Panginoon dahil itinutuwid niya tayo, upang hindi tayo maparusahang kasama ng sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:30

Inyo pa ngang tinanggihan itong aking mga payo, itinapong parang dumi itong paalala ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:25

Winalang-bahala n'yo ang aking mga payo, ayaw ninyong bigyang pansin, paalala ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:12

Dito mo nga maiisip: “Dangan kasi'y di ko pansin ang kanilang pagtutuwid, puso ko ay nagmatigas, sinunod ang aking hilig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:67

Ang sariling dati-rati'y namumuhay nang baluktot, nang ako ay parusahan, salita mo ang sinunod;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:5-6

Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito'y lihim pala. May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:4

Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:19

Ang utusan ay di matututo kung ito lang ay pagsasabihan, pagkat di niya susundin kahit ito ay maunawaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 39:11

Kung ang tao'y magkasala, ang parusa mo ay galit; parang isang gamu-gamong pinatay ang iniibig; tunay na ang isang tao'y hangin lamang ang kaparis! (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 17:3-4

Kaya't mag-ingat kayo! “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. Ganoon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. “Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumabâ pa upang kunin ang kanyang mga kasangkapan sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa. Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito. Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang taong nasa isang higaan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang nagtatrabaho sa gilingan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. [ May dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.]” “Saan po ito mangyayari, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, “Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.” Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:1

Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:13-14

Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay. Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:7

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:12-13

Wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Ngunit hindi ba't dapat ninyong hatulan ang mga nasa loob ng iglesya? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo ang masamang tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:12

Ang magandang payo sa marunong makinig ay higit na di hamak sa ginto o mamahaling alahas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:75

Nababatid ko, O Yahweh, matuwid ang iyong batas, kahit ako'y pagdusahin, nananatili kang tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:30

Ang hampas na lumalatay ay lumilinis ng kasamaan, at ang palong nadarama'y humuhugas sa kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:24-25

Ang hukom na nagpapawalang-sala sa may kasalanan ay itinatakwil ng tao at isinusumpa ng bayan. Ang nagpaparusa sa masama ay mapapabuti at pagpapalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:7

Ang pumupuna sa mapangutya ay nag-aani ng pagdusta, ang nagtutuwid sa masama'y nagkakamit ng alipusta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:10

Ang matalino'y natututo sa isang salita ngunit ang mangmang ay hindi, hampasin mang walang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:5

Mas mabuting makarinig ng saway ng matalino kaysa isang mangmang ang pupuri sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:7-8

Tiisin ninyo ang lahat ng hirap tulad sa pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y tinatanggap ng Diyos bilang tunay niyang mga anak. Sinong anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama? Kung ang pagdidisiplina na ginagawa sa lahat ng anak ay hindi gagawin sa inyo, hindi kayo tunay na mga anak kundi kayo'y mga anak sa labas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:5

At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:18

Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:4

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:15-17

“Kung magkasala [sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid. Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:19-20

Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapanirang insekto ang inyong mga damit. ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:15

Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:17

Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:15

Ngunit huwag naman ninyo siyang ituring na kaaway; sa halip, pagsabihan ninyo siya bilang kapwa mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:23

Ang tapat sa pagsaway sa bandang huli'y pasasalamatan kaysa sa taong panay ang pagpuri kahit hindi nararapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:20

Pagsabihan mo sa harap ng lahat ang sinumang ayaw tumigil sa paggawa ng masama para matakot ang iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:42

Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang trosong nasa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang makakita kang mabuti; sa gayon, maaalis mo na ang puwing ng iyong kapatid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:14

Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:8-9

Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan, itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan. Sa mapagpakumbaba siya ang gumagabay, sa kanyang kalooban kanyang inaakay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:10

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:13

Panghawakan mo nga ito at huwag pabayaan, ito ay ingatan mo pagkat siya'y iyong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:18

Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway, ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:18-19

“Halikayo at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh. Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak. Kung susundin ninyo ang aking sinasabi, tatamasahin ninyo ang ani ng inyong lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:25

Parusahan mo ang mapanuya, matututo pati mangmang, pagsabihan mo ang may unawa, lalawak ang kanyang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:11

Subalit nang dumating si Pedro sa Antioquia, harap-harapan ko siyang sinaway sapagkat maling-mali ang kanyang ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:26

Bukal na nilabo o balong nadumihan ang katulad ng matuwid na sa masama ay nakipagkaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:21

Saan man kayo pumaling, sa kaliwa o sa kanan, maririnig ninyo ang kanyang tinig na nagsasabing, “Ito ang daan; dito kayo lumakad.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:11

Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa; makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:12-14

Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako'y ganap na; ngunit sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako'y tinawag ni Cristo Jesus. Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: habang nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan, nagpupunyagi ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:25-26

Mahinahon niyang itinutuwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sila'y bigyan ng Diyos ng pagkakataong magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan at malaman nila ang katotohanan. Sa gayon, maliliwanagan ang kanilang isip at makakawala sila sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang kanilang sundin ang kagustuhan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:8-9

Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan. Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa, na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:12-14

Dito mo nga maiisip: “Dangan kasi'y di ko pansin ang kanilang pagtutuwid, puso ko ay nagmatigas, sinunod ang aking hilig. Ang tinig ng aking guro ay hindi ko dininig, sa kanilang katuruan, inilayo ang pakinig. At ngayon ay narito ang abâ kong kalagayan, isang kahihiyan sa ating lipunan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:2

Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:17-18

Ganito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel, ni Yahweh na sa iyo'y tumubos: “Ako ang iyong Diyos na si Yahweh. Tuturuan kita para sa iyong kabutihan, papatnubayan kita sa daan na dapat mong lakaran. “Kung sinusunod mo lang ang aking mga utos, pagpapala sana'y dadaloy sa iyo, parang ilog na hindi natutuyo ang agos. Tagumpay mo sana ay sunud-sunod, parang along gumugulong sa dalampasigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:12

Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:47-48

“Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang mabigat. Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:27

Kung paanong masama ang labis na pulot-pukyutan, gayon din ang pagkagahaman sa karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:11

Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 15:22

Sinabi ni Samuel, “Akala mo ba'y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at hain kaysa ang pagsunod sa kanya? Mas mabuti ang pagsunod kay Yahweh kaysa paghahandog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:8-9

Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:5

Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:12

Huwag kang hihiwalay sa mabubuting aral, at pakinggan mong mabuti ang salita ng karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:10

Sa lahat ng mga bansa di ba siya ang hahatol? Di ba siya'ng guro nila pagkat siya ang marunong?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:3-5

Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:10

Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:24-25

Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip ay dapat siyang maging mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga. Mahinahon niyang itinutuwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sila'y bigyan ng Diyos ng pagkakataong magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan at malaman nila ang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:26

Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong pagtitipon ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng Diyos, may nagsasalita sa iba't ibang mga wika, at mayroon namang nagpapaliwanag noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 13:5

Subukin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo'y namumuhay ayon sa pananampalataya. Suriin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nalalamang nasa inyo si Cristo Jesus? Maliban na lang kung kayo'y mga bigo sa pagsubok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:2

Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:5-6

Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:133

Sang-ayon sa pangako mo, huwag mo akong hahayaang mahulog sa gawang mali at ugaling mahahalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Sinasamba ko ang iyong pangalan at kadakilaan, Ama naming mahal. Karapat-dapat ka sa aking paghanga at pagpupuri. Sa kabila ng aking mga pagkakamali at pagkukulang, napakabuti mo pa rin sa akin. Nililibutan mo ako ng iyong awa at pagmamahal, pinupuno ng iyong kabutihan at biyaya. Umaapaw ang puso ko sa pasasalamat sa lahat ng iyong ginagawa para sa akin, sa iyong pagtitiis at sa pag-alalay mo sa akin gamit ang iyong makapangyarihang kamay, kahit sa aking mga pagsuway at kasamaan. Oh Diyos, hinihiling ko sa iyong walang hanggang karunungan at pagtitiis, na ituwid mo ang aking mga pagkakamali at pagkukulang. Tulungan mo akong makita ang aking mga kahinaan at matuto mula sa mga ito, upang ako'y lumakad patungo sa iyong kalooban. Kinikilala ko ang aking mga pagkakamali at araw-araw ay kailangan ko ang iyong pagtutuwid upang mamuhay nang matuwid sa iyong harapan. Gabayan mo ako upang maging mas matapat at makatarungan, na may kakayahang itama ang aking mga gawa at maging mas mabuting tao. Ituro mo sa akin ang tamang daan at bigyan mo ako ng lakas upang tanggapin ang iyong mga aral at ituwid ang aking sarili. Nawa'y ang iyong katotohanan ang maging tanglaw sa aking landas at magmulat sa aking mga kamalian. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas