Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


61 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Espirituwal na Mana

61 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Espirituwal na Mana

Alam mo ba, sa Salita ng Diyos, nabanggit ang pamana, lalo na sa unang bahagi ng Lumang Tipan, kung paano ipinagkaloob ng Diyos ang lupang pangako sa mga Israelita. Hindi nila basta-basta maipagbibili ang lupang 'yon dahil bigay mismo ng Diyos sa bawat pamilya. Parang ganun din ang mga biyayang espirituwal na nakalaan para sa atin bilang mga anak ng Diyos.

Kung naniniwala ka kay Hesukristo at tinanggap mo Siya bilang iyong tagapagligtas, may pamana ka na sa Kaharian ng Langit na inihanda ng Ama para sa lahat ng Kanyang mga anak. Isipin mo, may nakalaan na pala para sa'yo!

Ngayon pa lang, inilalagay na ng Diyos sa iyong mga kamay ang pamanang iyan para tamasahin mo magpakailanman. Magtiwala ka lang sa Kanya nang buong puso.

Kahit na maraming pagsubok at hirap sa buhay dito sa mundo, tandaan mo na hindi ka pababayaan ng Diyos. May magagandang bagay Siyang nakalaan para sa'yo, kung saan wala nang sakit, wala nang pagdurusa, at walang makakaagaw ng sa'yo.


1 Pedro 1:4

Makakamit natin ang isang kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:5-6

Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay. Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga, napakaganda ng iyong pamana!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:18

Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:18

Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin, ang lupang minana'y di na babawiin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:29

At kung kayo'y kay Cristo, kayo'y lahi ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:111

Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:18

Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo. Ginagawa niya ito bilang pagtupad niya sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 2:8

Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo, maging ang buong daigdig ay ipapamana ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:2

Ngunit nitong mga huling araw, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:5

“Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 2:7-8

“Ipahahayag ko ang sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Ikaw ang aking anak, mula ngayo'y ako na ang iyong ama. Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo, maging ang buong daigdig ay ipapamana ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 4:13

Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang magiging lahi na mamanahin nila ang buong mundo, hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan, kundi dahil sa siya'y itinuring na matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:17

At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:12

Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos; mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:6

At ito ang lihim: sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay may bahagi rin sa mga pagpapala ng Diyos tulad ng mga Judio; kabilang din sila sa iisang katawan at may bahagi sa pangako ng Diyos dahil kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:15

Kaya nga, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong kasunduan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, ipinatawad ang paglabag ng mga tao noong sila'y nasa ilalim pa ng naunang kasunduan. Dahil dito, makakamtan ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na kanyang ipinangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:12

Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:21-23

Kaya't huwag ipagmalaki ninuman ang nagagawa ng tao. Para sa inyo ang lahat ng ito, si Pablo, si Apolos, at si Pedro, ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap; lahat ng ito'y para sa inyo. At kayo'y para kay Cristo, at si Cristo nama'y para sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:10

Inari kaming nalulungkot, ngunit laging nagagalak; mukhang naghihirap, ngunit pinapayaman namin ang marami; parang walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:26

Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:21

Ang perang hindi pinaghirapan, kung gastusin ay walang hinayang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:24

Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:17

Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo. Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol, at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay.” Ito ang sinabi ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 4:7

Hindi na kayo alipin kundi anak, at dahil kayo ay anak, kayo ay ginawa rin ng Diyos bilang mga tagapagmana niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:16-17

Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos. At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:19

Samakatuwid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 47:4

Siya ang pumili ng ating tahanan, ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:13-14

Kayo man ay naging bayan ng Diyos matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kaluwalhatian!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:14

Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan, ngunit si Yahweh lang ang nagbibigay ng mabuting maybahay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:7

Sa halip na kahihiyan, ang bayan ko'y tatanggap ng kasaganaan. Sa halip na paghamak, sila'y magsasaya sa kanilang minana, magiging doble ang inyong kayamanan; at ang inyong kagalaka'y magpasawalang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 4:20

Iniligtas kayo ni Yahweh mula sa napakainit na pugon ng pagkaalipin sa Egipto upang maging kanyang bayang hinirang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:18-19

Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukás-palad at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-impok sila para sa matatag na hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:50

Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid, ang binubuo ng laman at dugo ay hindi maaaring makabahagi sa kaharian ng Diyos, at ang katawang panlupa ay di maaaring magmana ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:28

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi mayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:13

Ang buhay nila'y palaging sasagana, mga anak nila'y magmamana sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 49:8

Sinabi pa ni Yahweh sa kanyang bayan: “Sa tamang panahon ay tinugon kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita. Iingatan kita at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao, ibabalik kita sa sariling lupain na ngayon ay wasak na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:10

Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:3-4

Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo'y mamuhay na maka-Diyos. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang karangalan at kabutihan. Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas tayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:14

Mga lingkod ni Yahweh ay hindi niya iiwanan, itong mga hirang niya'y hindi niya tatalikdan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 32:13

Alalahanin ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako ninyo sa kanila na ang lahi nila'y pararamihing tulad ng mga bituin sa langit at magiging kanila habang panahon ang lupang ipinangako ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:19

Sinabi ni Yahweh, “Itinuring kitang anak, Israel, at binigyan ng lupaing pinakamainam sa lahat, sapagkat inakala kong kikilalanin mo akong ama, at hindi ka na tatalikod sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:18

Kung ang pamana ay ipinagkakaloob dahil sa Kautusan, hindi na ito dahil sa pangako. Ngunit ang pamana ay ibinigay ng Diyos kay Abraham bilang katuparan ng kanyang pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:12

Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 61:5

Lahat kong pangako, O Diyos, iyong alam at abâ mong lingkod, tunay na binigyan ng mga pamana na iyong inilaan sa nagpaparangal sa iyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:22

“Kung paanong tatagal ang bagong langit at bagong lupa sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, gayon tatagal ang lahi mo at pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:17

Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:22

Ang matuwid ay nag-iiwan ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan, at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:11

Dahil kay Cristo, tayo rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:23-24

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:8

na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:29

Ang mga matuwid, ligtas na titira, at di na aalis sa lupang pamana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:7

upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ayon sa ipinangakong buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 20:32

“At ngayo'y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salitang nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Ito ang makakapagpatibay sa inyo at makakapagbigay ng mga pagpapalang inilaan sa lahat ng kanyang ginawang banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 27:8

At sabihin mo sa mga Israelita na kapag ang isang tao'y namatay na walang anak na lalaki, ang mana niya ay ibibigay sa mga anak na babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:15

Ang mga anak na babae ni Job ang pinakamaganda sa buong lupain. Pinamanahan din niya ang mga ito, tulad ng mga anak na lalaki.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 46:16-17

Ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: “Kapag ang anak ng pinuno ay pinamanahan niya ng kanyang ari-arian, iyon ay mananatiling pag-aari ng anak. Ngunit kapag binigyan ang isang alipin, ang ibinigay ay kanya lamang hanggang sa pagsapit ng Taon ng Paglaya. Paglaya niya, ibabalik niya sa pinuno ang ari-ariang ibinigay sa kanya pagkat iyon ay para sa mga anak nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 14:9

Kaya't ipinangako sa akin noon ni Moises na dahil sa aking buong katapatan sa pagsunod kay Yahweh, magiging bahagi ko at ng aking mga anak ang lupang matapakan ng aking mga paa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 21:3

Ngunit ganito ang naging sagot ni Nabot: “Minana ko pa po sa aking mga ninuno ang ubasang ito. Hindi papayagan ni Yahweh na ibigay ko ito sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 1:8

Sakupin ninyo ang lupaing ito na inihanda ko para sa inyo. Iyan ang lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Purihin Ka, O Diyos ng buhay ko, sapagkat Ikaw ay makatarungan. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas upang bumangon at magpatuloy. Sa Iyo lamang ang nararapat na papuri at pagsamba. Salamat po, Ama, dahil Ikaw ang aking mana at bahagi. Bilang anak Mo, ginawa Mo rin akong tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Dahil sa Iyong walang kapantay na biyaya, ipinagkaloob Mo sa akin ang pinakadakilang mana -- ang kaligtasan at buhay na walang hanggan. Tulungan Mo po akong ingatan itong aking mana. Ilayo Mo ako sa maling paggamit ng Iyong mga kaloob; bagkus, turuan Mo akong pahalagahan ang lahat. Maraming salamat po, Panginoon, sa pagtubos Mo sa akin, sa pag-ampon Mo sa akin, at sa paggawa Mo sa aking tagapagmana dahil sa Iyong biyaya. Tulad ng pangako Mo sa bayan mong Israel na manahin ang Canaan, ipinangako Mo rin sa amin ang buhay na walang hanggan at ang muling pagkabuhay kasama Mo. Salamat po sa pagtupad Mo sa Iyong mga pangako at dahil walang makapaghihiwalay sa akin sa Iyong pag-ibig. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas