Alam mo ba, sinasabi sa atin sa Mikas 6:8 kung ano ang talagang gusto ng Panginoon. Hindi lang basta paggawa ng tama, kundi mahalin din ang pagiging maawain at mamuhay nang may pagpapakumbaba sa harap ng Diyos. Isipin mo, “O tao, ipinahayag na niya sa iyo kung ano ang mabuti, at ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon: gumawa lamang ng katarungan, at ibigin ang awa, at lumakad nang may kababaan kasama ng iyong Diyos.”
Nakakalungkot isipin, pero ang kasamaan ay talagang kinasusuklaman ng Diyos. Dahil banal Siya, kailangan Niyang harapin at parusahan ang kasalanan. Kung pagninilayan natin ang poot ng Diyos, maiintindihan natin na dapat din nating kamuhian ang kasalanan para maging banal tayo. Dapat tayong matakot sa Diyos para sambahin at purihin Siya nang buong puso bilang Hari ng mga hari. Siya lang ang makakapagligtas sa atin mula sa Kanyang poot sa hinaharap.
Pero ang hustisya ng Diyos ay hindi karahas. Sa Isaias 42:1, may bagong konsepto ng hustisya na dala ng lingkod ng Diyos: “Narito ang aking lingkod na aking aalalayan; ang aking pinili na kinalulugdan ng aking kaluluwa; aking inilagay ang aking Espiritu sa kaniya; magdadala siya ng katarungan sa mga bansa.” Nakaka-inspire, 'di ba?
Itinuro na niya sa iyo, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos.
Ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan: “Panatilihin ang katarungan at gawin ang tama, sapagkat ang pagliligtas ko'y hindi na magtatagal, at ang aking tagumpay ay mahahayag na.
Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.
“Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya'y katatakutan ang mayayaman. Humatol kayo batay sa katuwiran.
Sa halip ay padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.
Mapapahamak kayo, mga gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao, Kung paanong pinarusahan ko ang mga kahariang sumasamba sa mga diyus-diyosan; na higit na marami ang mga larawang inanyuan kaysa naroon sa Jerusalem at Samaria, hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga diyus-diyosan nito, ang ginawa ko sa Samaria at sa mga imahen nito?” Ngunit kapag natapos na ni Yahweh ang kanyang layunin sa Bundok Zion at sa Jerusalem, paparusahan niya ang hari ng Asiria dahil sa kanyang kayabangan, kataasan at kapalaluan. Sapagkat ang sabi niya: “Nagawa ko iyan dahil sa taglay kong lakas at karunungan, inalis ko ang hangganan ng mga bansa, at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan; ibinagsak ko sa lupa ang mga nakaupo sa trono. Kinamkam ko ang kayamanan ng mga bansa na parang nasa isang pugad. Tinipon ko ang buong lupa tulad ng pagtipon sa mga itlog na iniwanan, wala man lamang pakpak na nagbalak lumipad, walang bibig na bumubuka o huning narinig.” Mas magaling pa ba ang palakol kaysa taong may hawak nito? Mas mahalaga ba ang lagari kaysa taong gumagamit nito? Ang tungkod pa ba ang bubuhat sa may hawak nito? Kaya nga padadalhan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, ng mapaminsalang sakit ang magigiting niyang mandirigma, at sa ilalim ng kanilang mga kasuotan, mag-aapoy sa init ang kanilang katawan, parang sigang maglalagablab nang walang katapusan. Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy, ang Banal na Diyos ay magniningas, at susunugin niya sa loob ng isang araw maging ang mga tinik at dawag. Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin, kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao. Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat, ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos. upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan, upang alisan ng karapatan ang mahihirap, at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.
Katarungan lamang ang inyong paiiralin, at kayo'y mabubuhay nang matagal sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
“‘Sumpain ang sinumang magkait ng katarungan sa mga dayuhan, ulila at biyuda.’ “Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”
“Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”
Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa. Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!
“Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala. Huwag ninyong sasaktan o aapihin ang mga dayuhan, mga ulila, at mga balo. Huwag kayong papatay ng mga taong walang kasalanan sa banal na lunsod na ito.
Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan; natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.
Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, ang mga hinirang niya'y nililingap. Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; tumutulong siya sa balo't ulila, ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.
“Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi,
“Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’
Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.
Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.
Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran, sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan; Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya, maghahandog ng kaloob upang parangalan siya. Pati rin ang mga hari ng Arabia at Etiopia, may mga kaloob ding ibibigay sa kanya. Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya, mga bansa'y magpupuri't maglilingkod sa tuwina. Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap; sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas. Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas, sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak. Pagpalain itong hari! Siya nawa ay mabuhay! At magbuhat sa Arabia'y magtamo ng gintong-yaman; sa tuwina siya nawa'y idalangin nitong bayan, kalingain nawa ng Diyos, pagpalain habang buhay. Sa lupai'y sumagana nawang lagi ang pagkain; ang lahat ng kaburulan ay mapuno ng pananim at matulad sa Lebanon na mauunlad ang lupain. At ang kanyang mga lunsod, dumami ang mamamayan, sindami ng mga damong tumubo sa kaparangan. Nawa ang kanyang pangalan ay huwag nang malimutan, manatiling bantog hangga't sumisikat itong araw. Nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa, at sa Diyos, silang lahat dumalanging: “Harinawa, pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.” Si Yahweh, Diyos ng Israel, purihin ng taong madla; ang kahanga-hangang bagay tanging siya ang may gawa. Ang dakilang ngalan niya ay purihin kailanman, at siya ay dakilain nitong buong sanlibutan! Amen! Amen! nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan, at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay. Ito ang wakas ng mga dalangin ni David, na anak ni Jesse. Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana; maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa. Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap, mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap; at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak.
“Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo: Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin. Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit. At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.
Nakita ko rin sa mundong ito na ang katarungan at pagiging matuwid ay nababahiran pa rin ng kasamaan. Sa loob-loob ko'y hahatulan ng Diyos ang masama at ang mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay.
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”
Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.
Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad. Ipagtatanggol mo ang mga api at mga ulila, upang wala nang taong mananakot ng kapwa.
Ang sabi ni Yahweh: “Ako'y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko'y katarungan. Gagantimpalaan ko ang mga taong tapat sa akin, walang hanggang tipan ang aking gagawin para sa kanila.
Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan.
Ang lahat ng taong wasto ang gawain, ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila'y iingatan magpakailanman, ngunit ang masama ay ihihiwalay.
“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”
“Huwag ninyong pagkakaitan ng katarungan ang mga dayuhan o ang mga ulila. Huwag din ninyong kukuning sangla ang balabal ng babaing balo.
Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito'y balewala sa mga taong swapang.
Sa lahat ng masasama, basura ang iyong tingin, kaya naman ang turo mo ang siya kong iibigin.
Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos?
At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.
Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.
Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.
At sinabi ko, “Makinig kayo, lahat ng mga pinuno ng Israel! Katarungan ang dapat ninyong pairalin. Itinayo ninyo ang Zion sa pamamagitan ng pagpatay; itinatag ninyo ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan. Ang kanyang mga pinuno'y nagpapasuhol muna bago humatol, nagpapaupa ang mga pari para magturo, at ang mga propeta nama'y nanghuhula dahil sa salapi. Gayunman, umaasa sila kay Yahweh at sinasabi, ‘Nasa kalagitnaan natin si Yahweh kaya walang kasamaang darating sa atin.’” Kaya't dahil sa inyo, ang Zion ay bubungkalin tulad ng isang bukirin, magiging isang bunton ng gumuhong bato ang Jerusalem, at ang burol na kinatatayuan ng Templo'y magiging gubat. Ngunit ayaw ninyo ng mabuti at ang nais ninyo'y kasamaan. Binabalatan ninyo nang buháy ang aking bayan at unti-unting hinihimay ang kanilang mga laman.
Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.
Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan. Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y unang sumampalataya sa Panginoon. Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa. Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.
Sinabi ni Yahweh, “Narito ang lingkod ko na aking hinirang; ang aking pinili at lubos na kinalulugdan; ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa. Umawit kayo ng isang bagong awit para kay Yahweh, ang buong daigdig sa kanya ay magpuri! Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag; kayong lahat na nilalang sa karagatan! Umawit kayong lahat na nasa malalayong kapuluan. Kayo ay magdiwang, kayong nasa disyerto, at sa mga bayan, mga taga-Kedar, kayo ay magdiwang; mga taga-Sela, kayo'y mag-awitan, kayo ay umakyat sa tuktok ng bundok at kayo'y sumigaw sa kagalakan. Kayong nasa malalayong lupain, purihin ninyo si Yahweh at parangalan. Siya ay lalabas, parang mandirigma na handang lumaban, siya ay sisigaw bilang hudyat ng pagsalakay, at ang kapangyarihan niya'y ipapakita sa mga kaaway. Sinabi ng Diyos, “Mahabang panahon na ako'y nanahimik; ngayo'y dumating na ang oras para ako ay kumilos. Parang manganganak, ako ay sisigaw sa tindi ng kirot. Ang mga bundok at burol ay aking gigibain, malalanta ang mga damo at ang iba pang mga halaman; ang mga ilog at lawa ay matutuyo, at magiging disyerto. Aakayin ko ang mga bulag, sa mga daang hindi nila nakikita. Gagawing liwanag ang kadiliman sa harapan nila, at papatagin ko ang mga daang baku-bako. Ang lahat ng ito'y aking gagawin alang-alang sa kanila. Mabibigo at mapapahiya ang lahat ng kumikilala at nagtitiwala sa mga diyus-diyosan.” Sinabi ni Yahweh, “Kayong mga bingi, ngayon ay makinig! At kayong mga bulag naman ay magmasid! Mayroon bang mas bulag pa kaysa sa aking lingkod, o mas bingi pa sa aking isinugo? Hindi siya makikipagtalo o makikipagsigawan, ni magtataas ng boses sa mga lansangan. Israel, napakarami mo nang nakita ngunit walang halaga sa iyo. Mayroon kang tainga ngunit ano ang iyong napakinggan?” Isang Diyos na handang magligtas itong si Yahweh, kaya ibinandila niya ang kanyang kautusan at mga tuntunin upang sundin ng kanyang bayan. Ngunit ngayong sila'y pinagnakawan, ikinulong sa bilangguan, at inalipin, sa nangyaring ito'y wala man lang nagtanggol, o kaya'y dumamay. Wala pa bang makikinig sa inyo? Hindi pa ba kayo natututo para makinig na mabuti? Sino ang nagpahintulot na manakawan ang Israel? Hindi ba si Yahweh na ating sinuway? Hindi natin siya sinunod sa halip, nilabag natin ang kanyang mga utos. Kaya ipinadama niya sa Israel ang kanyang galit, at ipinalasap ang lupit ng digmaan. Ang galit niya'y nag-aalab laban sa Israel, halos matupok na tayo, ngunit hindi pa rin tayo natuto. Ang marupok na tambo'y hindi niya babaliin, ilaw na aandap-andap hindi niya papatayin; katarungan para sa lahat ang kanyang paiiralin. Hindi siya mawawalan ng pag-asa o masisiraan ng loob, hangga't katarungan ay maghari sa daigdig; ang malalayong lupain ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang mga turo.”
“Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah) Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.
Tumatakbo ba sa batuhan ang mga kabayo? Naipang-aararo ba sa dagat ang mga baka? Hindi nga, ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan at pinalitaw na mali ang tama.
Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang inyong dalangin; kapag kayo'y humingi ng tulong, sasabihin niya, ‘Naririto ako.’ “Kapag itinakwil ninyo ang pang-aapi, maling pagbibintang at pagsisinungaling;
Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na. Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’” At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?” “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”
Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan, kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam.
Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.
Huwag kang magtataka kung makita mong ang mahihirap ay inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Alalahanin mong ganoon din ang ginagawa ng nakatataas sa kanila at bawat pinuno ay may nakasasakop ding mas mataas na pinuno. Sa isang lupaing puno ng kasaganaan, ang hari ang may pinakamainam na kalagayan.
“Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena, ruda at linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Dapat ninyong gawin ang mga ito nang hindi kinakaligtaan ang ibang utos.
Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. Buhay na walang hanggan ang ibibigay niya sa mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, at naghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan. Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kasamaan.
Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran, hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan.
“Kung ang nag-aaway ay makasakit ng nagdadalang-tao at dahil doo'y nakunan ito, ngunit walang ibang pinsala, ang nakasakit ay magbabayad ng halagang hihingin ng asawa ng babae ayon sa kapasyahan ng mga hukom. Ngunit kung may iba pang pinsalang tinamo ang babae, paparusahan ang nakasakit: buhay din ang kabayaran sa buhay, mata sa mata, ngipin sa ngipin, kamay sa kamay, paa sa paa, sunog sa sunog, sugat sa sugat, galos sa galos.
Patatatagin ka ng katuwiran, magiging ligtas ka sa mga mananakop, at wala kang katatakutang anuman.
“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.
Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal, matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan.
Huwag na tayong humatol sa isa't isa. Huwag rin tayong maging dahilan ng pagkatisod o pagkakasala ng ating kapatid.
“Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapahayag ng katarungan sa mga bansa.
Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat, sa lahat ng kahatulang matuwid mong iginawad.
Ang mayayaman sa materyal na bagay ay utusan mong huwag magmataas at huwag umasa sa kayamanang lumilipas. Sa halip, umasa sila sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan.
“Huwag kayong gagawa ng anumang pahayag na walang katotohanan. Huwag kayong magsisinungaling para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan. “Anim na taon ninyong tatamnan ang inyong mga bukirin at anim na taon din ninyong aanihin ang bunga. Sa ikapitong taon, huwag ninyo itong tatamnan at huwag din ninyong aanihin ang anumang tutubo roon. Bayaan na ninyo iyon sa mga kapatid ninyong mahirap, at ang matira ay ipaubaya na ninyo sa mga maiilap na hayop. Ganoon din ang gagawin ninyo sa inyong mga ubasan at taniman ng olibo. “Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw ay titigil kayo sa paggawa upang makapahinga rin ang inyong mga baka, asno, alipin at ang mga manggagawang dayuhan. “Pakinggan ninyong mabuti itong mga sinasabi ko sa inyo. Huwag kayong mananalangin sa mga diyus-diyosan, ni babanggitin man ang kanilang pangalan. “Ipagpipista ninyo ako nang tatlong beses isang taon. Ipagdiriwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Tulad ng sinabi ko sa inyo, pitong araw na huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa. Ito'y gagawin ninyo sa takdang araw ng unang buwan, ang buwan ng pag-alis ninyo sa Egipto. Walang haharap sa akin nang walang dalang handog. “Ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng Pag-aani tuwing aanihin ninyo ang unang bunga ng inyong mga bukirin. “At ipagdiriwang din ninyo ang Pista ng mga Tolda sa pagtatapos ng taon, sa pitasan ng ubas at ng mga bungangkahoy. Tatlong beses isang taon, lahat ng lalaki ay haharap sa Panginoong Yahweh. “Huwag ninyong sasamahan ng tinapay na may pampaalsa ang mga hayop na ihahandog ninyo sa akin, at huwag ninyong hahayaang matira sa kinabukasan ang taba ng mga hayop na handog ninyo sa pagpipista para sa akin. “Dadalhin ninyo bilang handog sa bahay ni Yahweh na inyong Diyos ang mga pinakamainam na unang ani ng inyong mga bukirin. “Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina. Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan.
Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’ Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing matuwid sa harapan ng Diyos, at hindi ang Pariseo. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.” Inilalapit ng mga tao kay Jesus pati ang kanilang mga sanggol upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang mga kamay. Nang ito'y makita ng mga alagad, sinaway nila ang mga tao. Ngunit tinawag ni Jesus ang mga bata at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat para sa mga katulad nila ang kaharian ng Diyos. Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos gaya ng pagtanggap ng isang bata ay hindi makakapasok doon.” May isang pinuno ng bayan na nagtanong kay Jesus, “Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Ang Diyos lamang ang mabuti! Sinabi niya, “Sa isang lungsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao. Alam mo ang mga utos, ‘Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag kang tatayong saksi para sa kasinungalingan; at igalang mo ang iyong ama at ina.’” Sinabi ng lalaki, “Ang lahat pong iyan ay tinupad ko na mula pa sa pagkabata.” Pagkarinig nito ay sinabi ni Jesus, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi ang pinagbilhan sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka, at sumunod ka sa akin.” Nalungkot ang lalaki nang marinig iyon, sapagkat siya'y napakayaman. Nakita ni Jesus na nalulungkot ang lalaki kaya't sinabi niya, “Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos! Mas madali pang makaraan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.” Nagtanong ang mga taong nakarinig nito, “Kung gayon, sino ang maliligtas?” “Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos,” tugon ni Jesus. Sinabi naman ni Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan na namin ang aming mga tahanan at sumunod sa inyo.” Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos, Sa lungsod ding iyon ay may isang biyuda. Lagi siyang pumupunta sa hukom at sinasabi, ‘Bigyan po ninyo ako ng katarungan sa aking usapin.’ tatanggap siya ng higit pa sa panahong ito. At sa panahong darating, tatanggap siya ng buhay na walang hanggan.” Ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Pupunta tayo sa Jerusalem at doo'y matutupad ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao. Siya'y ibibigay sa kamay ng mga Hentil; kukutyain, hahamakin, at duduraan. Siya'y hahagupitin at papatayin, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.” Subalit ang Labindalawa ay walang naunawaan sa kanilang narinig; inilihim sa kanila ang kahulugan niyon, at hindi nila nalalaman ang sinasabi ni Jesus. Nang malapit na si Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. “Nagdaraan si Jesus na taga-Nazaret,” sabi nila sa kanya. At siya'y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng mahabang panahon, ngunit nang magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili, ‘Kahit ako'y walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao, Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” “Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli,” sagot niya. At sinabi ni Jesus, “Makakita ka! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Noon di'y nakakita ang bulag at nagpupuri sa Diyos na sumunod kay Jesus. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos. ibibigay ko na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito, sapagkat lagi niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.’” At nagpatuloy ang Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sabi ng masamang hukom na iyon. Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao, may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?”
Kanyang inililigtas ang mga dukhang tumatawag, lalo na ang nalimutan, mga taong mahihirap; sa ganitong mga tao siya'y lubhang nahahabag; sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas. Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas, sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.
Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong maiintindihan.
Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin ng isang tao na siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, ano ang silbi niyon? Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.
pagkat siya'y laging handang tumulong sa mahihirap, na lagi nang inuusig at ang gusto'y ipahamak.
kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin, at tutulungan ang mahihirap, sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman, at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat. Patuloy kayong papatnubayan ni Yahweh at ibibigay ang pangangailangan sa gitna ng disyerto. Palalakasin niyang muli ang inyong mga buto. At magiging tulad kayo ng isang hardin, na binubukalan ng masaganang tubig, o isang batis na hindi natutuyo.
Sumagot siya sa kanila, “Sinumang mayroong dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Gayon din ang gawin ng sinumang may pagkain.”
O Yahweh, sino kayang makakapasok sa iyong Templo? Sinong karapat-dapat sumamba sa iyong burol na sagrado? Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay, at laging gumagawa ayon sa katuwiran, mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan,
Binibigyan niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit.
“Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.” “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.” “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.
Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.
Ang paligid niya'y ulap na punô ng kadiliman, kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.
Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman ay mauuwi rin sa karalitaan.
Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.
“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!
Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo.
Di mo ako hinayaan sa kamay ng kaaway; binigyan pa ng laya sa aking paglalakbay. O Yahweh, sana'y iyong kahabagan, sapagkat ako ay nasa kaguluhan; namamaga na ang mata dahil sa pagluha, buong pagkatao ko'y mahinang mahina!
Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ. Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan, huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.”
Ang katarungan at katuwiran ay maghahari sa buong lupain. Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.
“At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.’
Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang, ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan. Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan, nagbibigay ng talino sa payak na isipan. Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran, ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban. Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama, nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa. Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay, magpapatuloy ito magpakailanman; ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan, patas at walang kinikilingan.
“Huwag ninyong aapihin ang mga dayuhan; alalahanin ninyong naging dayuhan din kayo sa Egipto. Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila. Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, tiyak na papakinggan ko sila. Dahil dito, kapopootan ko kayo at lilipulin sa pamamagitan ng digmaan. Sa gayo'y mabibiyuda rin ang inyu-inyong asawa at mauulila ang inyong mga anak.
Ang sagot ni Yahweh: “Ganyan ang mangyayari. Itatakas ng mga kawal ang kanilang bihag, at babawiin ang sinamsam ng malupit. Ako ang haharap sa sinumang lalaban sa iyo, at ililigtas ko ang iyong mga anak.
Kakila-kilabot ang mangyayari sa mga hindi na natutulog dahil sa pagbabalak ng kasamaan at maagang bumabangon upang agad itong isagawa sa sandaling magkaroon ng pagkakataon. Maghanda kayo at umalis dito; hindi na ligtas ang dakong ito para sa inyo. Sinumpa na ng inyong mga kasalanan ang dakong ito at ito'y wawasakin. “Ang gusto nilang propeta ay iyong nagpapahayag ng kasinungalingan at pandaraya at nagsasabing, ‘Sasagana kayo sa alak.’ “Gayunman, darating ang panahon na kayong mga naiwan sa Israel ay titipunin ko. Pagsasama-samahin ko kayo, tulad ng mga tupa sa kawan. Gaya ng pastulang puno ng mga tupa, ang inyong lupain ay mapupuno ng mga tao.” Magbubukas ang Diyos ng daan para sa kanila at palalayain sila mula sa pagkabihag. Magtatakbuhan silang palabas sa mga pintuang lunsod at magiging malaya. Si Yahweh mismo na kanilang hari ang sa kanila'y mangunguna. Kapag nagustuhan nila ang lupa ng may-lupa, kinakamkam nila ito. Inaapi nila ang mga tao sa pamamagitan ng pandaraya upang maalipin nila ang pamilya ng mga ito at masamsam ang kanilang mga ari-arian.
Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.
sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan. Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag;
“Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena, ruda at linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Dapat ninyong gawin ang mga ito nang hindi kinakaligtaan ang ibang utos. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang kulisap sa inyong inumin, ngunit nilulunok naman ninyo ang kamelyo!
Kung ang pagtingin ng hari ay pantay-pantay, magiging matatag magpakailanman ang kanyang kaharian.
Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.
Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala. Ang kabutihan mo ay magliliwanag, katulad ng araw kung tanghaling-tapat.
Ang nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala.
Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.