Mahalaga, kaibigan, na isipin natin ang ganap na katarungan ng Diyos. Ito ang nagpapakita ng kaniyang kabanalan. Siya ay makatarungan sa lahat ng bagay, at ang katarungang ito ang sumasalungat sa lahat ng kasalanan, kaya't naipapakita ang kaniyang kadalisayan.
Sa Roma 2:6-10 nga, sinasabi, “Babayaran ng Diyos ang bawat isa ayon sa kaniyang ginawa. Ang mga nagtitiyaga sa paggawa ng mabuti at naghahangad ng kaluwalhatian, karangalan at kawalang-kamatayan ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang mga mapaghimagsik at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kalikuan ay daranas ng poot at galit ng Diyos. Darating ang kapighatian at paghihirap sa bawat taong gumagawa ng masama, una sa mga Judio at gayundin sa mga Hentil. Ngunit kaluwalhatian, karangalan at kapayapaan ang tatanggapin ng bawat taong gumagawa ng mabuti, una sa mga Judio at gayundin sa mga Hentil.”
Talaga ngang ang katarungan ng Diyos ay bahagi ng kaniyang pagkatao. Makatarungan siya, kaya't makakaasa tayo sa kaniya.
Inihahayag ng kalangitan na ang Dios ay matuwid, dahil siya nga ang Dios na may karapatang mamuno at humatol.
“Huwag ninyong husgahan ang iba, upang hindi rin kayo husgahan ng Dios. Huwag kayong magsabi na dapat silang parusahan ng Dios, upang hindi rin niya kayo parusahan. Magpatawad kayo, upang patawarin din kayo ng Dios.
Sinabi ko sa sarili ko, “Hahatulan ng Dios ang matutuwid at masasamang tao, dahil may itinakda siyang oras sa lahat ng bagay.
Ninanais ng Panginoon ang katuwiran at katarungan. Makikita sa buong mundo ang kanyang pagmamahal.
“Sapagkat ako, ang Panginoon, ay nagagalak sa katarungan. Galit ako sa mga pagnanakaw at sa iba pang kasamaan. Sa aking katapatan, gagantimpalaan ko ang mga mamamayan ko at gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa kanila.
Hindi natin lubos na maunawaan ang Makapangyarihang Dios na napakadakila. Lubos siyang makatarungan, matuwid at hindi nang-aapi,
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”
Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan, at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan. Silaʼy iingatan niya magpakailanman. Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala.
Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha, at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan.
Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan sila ng pagkain at mga damit.
Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, pero hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Dios, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impyerno.
Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan. Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Dios, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang pwesto.
Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Kumuha kayo ng ilang dakot ng abo sa pugon at isasaboy ito ni Moises sa hangin sa harap ng Faraon.
Pero naghihintay ang Panginoon na kayoʼy lumapit sa kanya para kaawaan niya. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang Panginoon ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya.
Siya ang Bato na kanlungan; matuwid ang lahat ng gawa niya at mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang mga pamamaraan. Matapat siyang Dios at hindi nagkakasala; makatarungan siya at maaasahan.
Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.
Sumagot si Micas: Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ito ang nais niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios.
Ngunit kayo, Panginoon ay maghahari magpakailanman. At handa na ang inyong trono para sa paghatol. Hinahatulan nʼyo nang matuwid ang mga tao sa bawat bansa, at wala kayong kinikilingan.
Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi. Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao!
Kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.
Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo. Pinagagaling niya ang mga bulag para makakita, pinalalakas ang mga nanghihina, at ang mga matuwid ay minamahal niya. Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama.
Sapagkat kilala natin ang Dios na nagsabi, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” At mayroon ding nakasulat na ganito: “Hahatulan ng Panginoon ang mga taong sakop niya.”
Totoo ang lahat ng inyong salita, at ang inyong mga utos ay makatuwiran magpakailanman.
Gagawin ng Dios ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo.
O Dios, ituro nʼyo po sa hari ang iyong pamamaraan sa paghatol at katuwiran, Magbigay sana ng mga kaloob sa kanya ang mga hari ng Tarshish, ng malalayong isla, ng Sheba at Seba. Magpasakop sana ang lahat ng hari sa kanya at ang lahat ng bansa ay maglingkod sa kanya. Dahil tinutulungan niya ang mga napabayaang dukha na humingi ng tulong sa kanya. Kahahabagan niya ang mga dukha at nangangailangan at silaʼy kanyang tutulungan. Ililigtas niya sila sa mga malulupit at mapang-api dahil para sa kanya, ang buhay nilaʼy mahalaga. Mabuhay sana ang hari nang matagal. Sanaʼy mabigyan siya ng ginto mula sa Sheba. Sanaʼy idalangin palagi ng mga tao na pagpalain siya ng Dios. Sumagana sana ang ani sa lupain kahit na sa tuktok ng bundok, katulad ng mga ani sa Lebanon. At dumami rin sana ang mga tao sa mga lungsod, kasindami ng damo sa mga parang. Huwag sanang malimutan ang pangalan ng hari magpakailanman, habang sumisikat pa ang araw. Sa pamamagitan sana niya ay pagpalain ng Dios ang lahat ng bansa, at sabihin sana ng mga ito na siyaʼy pinagpala ng Dios. Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel, na siyang tanging nakagagawa ng mga bagay na kamangha-mangha. Purihin ang kanyang dakilang pangalan magpakailanman! Mahayag sana sa buong mundo ang kanyang kaluwalhatian. Amen! Amen! para makatarungan siyang makapaghatol sa inyong mga mamamayan, pati na sa mga dukha.
Maraming lumalapit sa pinuno upang humingi ng pabor, ngunit tanging ang Panginoon lang ang makapagbibigay ng katarungan.
Sinabi ng Panginoon, “Narito ang lingkod ko na aking pinalalakas ang loob. Pinili ko siya at nagagalak ako sa kanya. Sumasakanya ang aking Espiritu, at papairalin niya ang katarungan sa mga bansa.
Ihahayag niya nang malinaw na ikaw ay matuwid at makatarungan, kasingliwanag ng sinag ng araw sa katanghaliang tapat.
Napapalibutan siya ng makakapal na ulap at naghahari nang may katuwiran at katarungan.
“Siguraduhin ninyong mabibigyan ng hustisya ang mga mahihirap sa kaso nila. Huwag kayong magbibintang sa iba nang walang katotohanan. Huwag ninyong papatayin ang mga inosenteng tao, dahil parurusahan ko ang sinumang gagawa nito.
Nakakaawa kayong mga gumagawa ng mga di-makatarungang kautusan na umaapi sa mga mahihirap kong mamamayan at nagkakait ng katarungan sa kanila. Sa pamamagitan ng mga kautusang iyon, kinukuha ninyo ang mga ari-arian ng mga biyuda at mga ulila. Pinarusahan ko ang mga bansang sumasamba sa mga dios-diosan na mas marami pa kaysa sa mga dios-diosan sa Jerusalem at Samaria. Winasak ko na ang Samaria at ang mga dios-diosan nito. Ganyan din ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga dios-diosan nito.” Pero ito ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapag natapos na niya ang gagawin niya laban sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem: “Parurusahan ko ang hari ng Asiria dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamalaki. Sapagkat sinasabi niya, ‘Nagawa ko ito dahil sa sarili kong lakas at karunungan. Tinalo ko ang maraming bansa at sinamsam ang kanilang mga kayamanan. Para akong toro; tinalo ko ang kanilang mga hari. Kinuha ko ang mga kayamanan ng mga bansa, na para bang nangunguha lang ako ng itlog sa mga pugad na iniwanan ng inahin. Walang pakpak na pumagaspas o huni na narinig.’ ” Maaari bang magmalaki ang palakol o ang lagare sa gumagamit sa kanya? Mabubuhat ba ng pamalo ang may hawak sa kanya? Kaya magpapadala ang Panginoong Makapangyarihan ng sakit na magpapahina sa malulusog na sundalo ng Asiria. Susunugin ng Panginoon ang mga kayamanan niya sa naglalagablab na apoy. Ang Panginoon na siyang ilaw at banal na Dios ng Israel ay magiging tulad ng naglalagablab na apoy na susunog sa mga matitinik niyang halaman sa loob ng isang araw lang. Kung paanong sinisira ng sakit ang katawan ng tao, sisirain din ng Panginoon ang mga kagubatan at mga bukid ng hari ng Asiria. Iilan lang ang matitirang puno sa kanyang kagubatan. Mabibilang ito kahit ng batang paslit.
Sinabi nʼyo O Dios, “May itinakda akong panahon ng paghatol at hahatol ako nang may katuwiran.” Kapag yumanig ang mundo at ang mga taoʼy magkagulo sa takot, ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo.
Hindi maaaring pilipitin ng Makapangyarihang Dios ang katarungan o baluktutin ang katuwiran.
Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.”
At maghahari ang isa sa mga angkan ni David na may katapatan at pag-ibig. Paiiralin niya ang katarungan sa kanyang paghatol. At masigasig siyang gagawa ng matuwid.
“Kaya sinasabi ko sa inyo, mga mamamayan ng Israel, ako, ang Panginoong Dios, ako ang hahatol sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga ginawa. Kaya, magsisi na kayo! Talikuran na ninyo ang lahat ng inyong kasalanan para hindi kayo mapahamak.
Kasuklam-suklam sa Panginoon ang taong nagpaparusa sa taong walang kasalanan o nagpapalaya sa taong may kasalanan.
Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.
Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi. Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo, matututo silang mamuhay nang matuwid.
Mapalad ang mga taong ang hangad ay matupad ang kalooban ng Dios, dahil tutulungan sila ng Dios na matupad iyon.
Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo, dahil sa makatarungan nʼyong paghahatol at pagpapatnubay sa lahat ng bansa.
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Dios ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
Isinugo niya si Cristo para ipakita sa kasalukuyang panahon na matuwid siya. Dahil sa ginawa ng Dios, pinatunayan niyang matuwid siya maging sa pagturing niyang matuwid sa mga makasalanang sumasampalataya kay Jesus.
Dahil ang Panginoon ay matuwid at iniibig niya ang mga gawang mabuti, kaya ang mga namumuhay nang tama ay makakalapit sa kanya.
Huwag kang magtaka kung makita mo sa inyong lugar na ang mga mahihirap ay inaapi at pinagkakaitan ng katarungan at karapatan. Dahil ang mga pinunong gumigipit sa kanila ay inaalagaan ng mas nakatataas na pinuno, at ang dalawang ito ay inaalagaan ng mas mataas pang pinuno. Pero mas lamang pa rin ang nakukuha ng hari sa kita ng lupain ng mahihirap, kaysa sa lahat ng mga pinuno.
Darating ang araw na ang paghatol ay muling magiging makatarungan at itoʼy susundin ng lahat ng namumuhay nang matuwid.
Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama.
Iyan ang dahilan kung bakit hindi pa pinarurusahan ng Dios ang ating mga kaaway at hindi pa niya tayo binibigyan ng tagumpay na may katuwiran. Sapagkat hindi na matagpuan ang katotohanan kahit saan, at ang mga tao ay hindi na mapagkakatiwalaan. Oo, nawala na ang katotohanan, at ang mga umiiwas sa kasamaan ay inuusig. Nakita ito ng Panginoon at nalulungkot siya dahil sa kawalan ng katarungan.
Kaya huwag ninyong hahatulan o hahamakin ang inyong kapatid kay Cristo. Sapagkat tayong lahat ay haharap sa Dios, at siya ang hahatol kung ang ginawa natin ay mabuti o masama. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ako, ang Panginoon na buhay ay sumusumpa na darating ang araw na luluhod ang lahat ng tao sa akin at kikilalanin akong Dios.” Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Dios sa lahat ng ating mga ginawa.
Ipinakita ng Panginoon kung sino siya sa pamamagitan ng paghatol niya ng matuwid. At ang masasama ay napahamak, dahil na rin sa kanilang ginawang masama.
Nakikita ng Panginoon ang lahat ng lugar. Minamasdan niya ang ginagawa ng masasama at ng mga matuwid.
Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”
Nagdidilim na ang aking paningin sa paghihintay sa inyong pangako na ililigtas ako.
Sa halip, nais kong makita na pinaiiral ninyo ang katarungan at ang katuwiran na parang ilog na patuloy na umaagos.
Ngayon, masasabi mong dapat lang hatulan ang mga taong ito dahil sa kanilang kasamaan. Pero maging ikaw na humahatol ay walang maidadahilan. Sapagkat sa iyong paghatol sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ginagawa mo rin ang mga bagay na iyon.
Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong templo? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok? Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan,
Kahit ang isang taoʼy magkasala ng isandaang beses at mabuhay pa nang matagal, alam kong mas mabuti pa rin ang kahihinatnan ng taong may takot sa Dios.
“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ibinibigay nga ninyo kahit ang ikapu ng inyong mga pampalasa, ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang mga mas mahalagang utos tungkol sa pagiging makatarungan, mahabagin, at pagiging tapat. Dapat ngang magbigay kayo ng inyong mga ikapu, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga mas mahalagang utos.
Hindi mabuti na kampihan ang taong nagkasala at hindi mabuti na ipagkait ang katarungan sa taong walang kasalanan.
Dapat mangibabaw ang tamang hustisya para mabuhay kayo at makapanirahan sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios.
Baka naman may magsabi, “Kung sa pamamagitan ng mga ginagawa naming masama ay makikita ang kabutihan ng Dios, hindi makatarungan ang Dios kung parusahan niya kami.” (Ganyan ang pangangatwiran ng tao.) Aba, hindi maaari iyan. Sapagkat kung ganyan, paano niya hahatulan ang mga tao sa mundo?
Lalaganap ang katarungan at katuwiran sa ilang at matabang lupain. At ang bunga ng katuwiran ay ang mabuting kalagayan, kapayapaan, at kapanatagan magpakailanman.
Huwag kang mainis o mainggit man sa masasama, Hindi magtatagal at mawawala ang masasama. At kahit hanapin mo man sila ay hindi mo na makikita. Ngunit ang mga mapagpakumbaba ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel nang mapayapa at masagana. Ang mga masama ay nagpaplano ng hindi mabuti laban sa mga matuwid, at galit na galit sila. Ngunit tinatawanan lamang ng Panginoon ang mga masama, dahil alam niyang malapit na ang oras ng paghahatol. Binunot na ng masasama ang kanilang mga espada, at nakaumang na ang kanilang mga pana upang patayin ang mga dukha na namumuhay nang matuwid. Ngunit sila rin ang masasaksak ng kanilang sariling espada at mababali ang kanilang mga pana. Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid ay mas mabuti kaysa sa kayamanan ng masama. Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid, ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama. Araw-araw, inaalagaan ng Panginoon ang mga taong matuwid. At tatanggap sila ng gantimpalang pangwalang hanggan. Sa panahon ng kahirapan hindi sila malalagay sa kahihiyan. Kahit na taggutom, magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan. dahil tulad ng damo, silaʼy madaling matutuyo, at tulad ng sariwang halaman, silaʼy malalanta.
Hindi maintindihan ng masasama ang katarungan, ngunit lubos itong nauunawaan ng mga lumalapit sa Panginoon.
Ininsulto siya pero hindi siya gumanti ng insulto. Pinahirapan siya pero hindi siya nagbanta. Ipinagkatiwala niya ang lahat sa Dios na humahatol nang makatarungan.
na siyang gumawa ng langit at lupa, ng dagat at ang lahat ng narito. Mananatiling tapat ang Panginoon magpakailanman.
Kahit kinaaawaan nʼyo ang masasama, hindi pa rin sila natututong mamuhay nang matuwid. Kahit na naninirahan silang kasama ng mga matuwid, patuloy pa rin sila sa kanilang gawaing masama, at hindi nila kinikilala ang inyong kapangyarihan.
Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
“Narinig ninyo na sinabi noong una, ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa.
Nakita ko rin na ang kasamaan ang naghahari rito sa mundo sa halip na katarungan at katuwiran.
Tanging sa inyo lamang ako nagkasala. Gumawa ako ng masama sa inyong paningin. Kaya makatarungan kayo sa inyong pagbibintang sa akin. Karapat-dapat lang na hatulan nʼyo ako.
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Kaya huwag kayong humatol nang wala sa takdang panahon. Hintayin ninyo ang pagbabalik ng Panginoon. Pagdating niya, ilalantad niya ang lahat ng mga sekreto at motibo ng bawat isa. At sa panahong iyon, tatanggapin ng bawat isa ang papuring mula sa Dios na ayon sa kanyang ginawa.
Kapag pinalaya mo ang taong may kasalanan, susumpain ka at kamumuhian ng mga tao. Ngunit kapag pinarusahan mo ang may kasalanan, matutuwa ang mga tao at pagpapalain ka.
Sige na, O Dios, hatulan nʼyo na ang lahat ng bansa sa mundo, sapagkat sila namaʼy sa inyo.
Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo.
Wala na pong ibang Dios na tulad ninyo. Pinatawad nʼyo ang kasalanan ng mga natitirang mamamayan na pag-aari ninyo. Hindi kayo nananatiling galit magpakailanman dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami.
Ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula sa Panginoon. Siya ang nag-iingat sa kanila sa panahon ng kaguluhan. Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo. Tinutulungan sila ng Panginoon at inililigtas sa mga taong masama, dahil silaʼy humihingi ng kanyang kalinga.
Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos niya ay matuwid at makatarungan.
Kinasusuklaman ng mga matuwid ang masasama, at kinasusuklaman din naman ng masasama ang mga matuwid.
Sa buhay kong walang saysay, nakita ko ang lahat ng bagay. Ang matuwid ay maagang namamatay sa kabila ng kanilang matuwid na pamumuhay, at ang mga masasama sa kabila ng kanilang kasamaan ay nabubuhay nang matagal.
Ang Panginoon ay naghahari! Kaya magalak ang mundo, pati na ang mga isla. Kayong mga umiibig sa Panginoon ay dapat mamuhi sa kasamaan. Dahil iniingatan ng Panginoon ang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayan at inililigtas niya sila sa masasama. Ang kabutihan ng Dios ay parang araw na sumisinag sa matutuwid at nagbibigay ito ng kagalakan sa kanila. Kayong matutuwid, magalak kayo sa Panginoon. Pasalamatan siya at purihin ang kanyang pangalan! Napapalibutan siya ng makakapal na ulap at naghahari nang may katuwiran at katarungan.
Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan. Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”
Dahil akoʼy matuwid, makikita ko kayo. At sapat na sa akin ang makita ka sa aking paggising.
Alam nila ang utos ng Dios na dapat parusahan ng kamatayan ang mga taong gumagawa ng mga kasalanang ito, pero patuloy pa rin silang gumagawa nito, at natutuwa pa sila na ginagawa rin ito ng iba.
Kapootan ninyo ang masama at gawin ang mabuti, at pairalin ninyo ang hustisya sa inyong mga hukuman. Baka sakaling maawa ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa inyong mga natitira sa mga lahi ni Jose.
Patunayan nʼyo, O Dios, na akoʼy walang kasalanan, at akoʼy inyong ipagtanggol sa mga hindi matuwid. Iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sa masasama.
Kinasusuklaman ng Panginoon ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan.
Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran dahil malapit ko na kayong iligtas.
Naririnig ang masayang sigawan ng mga mamamayan ng Dios sa kanilang mga tolda dahil sa kanilang tagumpay. Ang Panginoon ang nagbigay sa kanila ng tagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan! Ang kapangyarihan ng Panginoon ang nagbibigay ng tagumpay!
O, kayong tapat niyang mga mamamayan, mahalin ninyo ang Panginoon. Iniingatan niya ang mga tapat sa kanya, ngunit lubos ang kanyang parusa sa mga mapagmataas.
Ang ayunong makapagpapalugod sa akin ay ang ayunong may kasamang matuwid na pag-uugali. Tigilan ninyo ang paggawa ng kasamaan, pairalin nʼyo na ang katarungan, palayain ninyo ang mga inaalipin at ang inaapi ay inyong tulungan. Bigyan ninyo ng pagkain ang mga nagugutom, patirahin ninyo sa inyong tahanan ang mga walang tahanan, bigyan ninyo ng damit ang mga walang damit, at tulungan ninyo ang inyong mga kaanak.
Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.
Walang tumutulong sa akin laban sa mga taong gumagawa ng kasamaan kundi kayo lang, Panginoon. Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon, maaaring patay na ako ngayon.
Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa.
Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.
Iwasan ang masama at gawin ang mabuti; nang sa gayon ay manahan ka sa lupain magpakailanman.
“Sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel: Ako ang Panginoon na inyong Dios na nagturo sa inyo kung ano ang mabuti para sa inyo at ako ang pumatnubay sa inyo sa tamang daan.