“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag mabagabag ang inyong kalooban at huwag kayong matakot.
At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.
Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.
Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala.
Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.
Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.
“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan, mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan.
Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.
Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.
Aking naririnig mga pahayag na kay Yahweh nagmula; sinasabi niyang ang mga lingkod niya'y magiging payapa, kung magsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng paraan at pagkakataon. Nawa'y sumainyong lahat ang Panginoon.
Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.
Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa atin.
Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.” Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah) Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)
Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig, ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho, at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.” Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Ikaw lamang ang muog ko at matibay na sanggalang, ang pangako mo sa akin ay lubos kong aasahan.
Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman.
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.
Sinabi pa ng Panginoong Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, “Maliligtas kayo kapag kayo'y nagbalik-loob at nagtiwala sa akin; kayo'y aking palalakasin at patatatagin.” Ngunit kayo'y tumanggi.
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan upang itanong, “Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba?” sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”
Ako ay ligtas sa lahat ng kapahamakan; pupurihin ko si Yahweh sa gitna ng kapulungan!
Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.
Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.
at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa ay ipagkasundo sa kanya. Nakamtan ang kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak na inialay sa krus.
Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.
Ang hambog na naninira sa lingkod mo ay hiyain, sa aral mo ako nama'y magbubulay na taimtim.
Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay. Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya. Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.
Nagagalak na susundin ko ang iyong kautusan, higit pa sa kagalakang dulot nitong kayamanan.
Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.
ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain.
Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit.
Higit pa sa ginto't pilak nitong buong sanlibutan, ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan. (Yod)
Iniingatan mo sila at kinakalinga, laban sa balak ng taong masasama; inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan, upang hindi laitin ng mga kaaway.
Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.
Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain. Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang palasyo mo ay maging tiwasay.”
Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.
Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan. Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.
Ginagawang mapayapa ang iyong hangganan, sa kaloob niyang trigo, bibigyan kang kasiyahan.
Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.
Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang aking tagapagligtas.
Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa.
isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan.
Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.
Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan.
Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.
Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan! Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!
Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan, silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan! Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal, dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.
Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan.
Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.
Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan, ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan.
Ikaw ang nagbibigay sa amin ng kapayapaan, at anumang nagawa nami'y dahil sa iyong kalooban.
Ang bagyong malakas, pinayapa niya't kanyang pinatigil, pati mga alon, na naglalakihan ay tumahimik din. Sa sariling bayan, sila ay tinipo't pinagsama-sama, silanga't kanluran timog at hilaga, ay doon kinuha. Nang tumahimik na, sila ay natuwa, naghari ang galak, at natamo nila ang kanilang pakay sa ibayong dagat.
Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh, maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati.
Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.
Kahit ako'y nagdaranas ng maraming suliranin, ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.
Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.
Subalit sa iyo, Yahweh, ako'y nagtitiwala, ikaw ang aking Diyos na dakila! Ikaw ang may hawak nitong aking buhay, iligtas mo ako sa taga-usig ko't mga kaaway.
Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.
Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan, ang katulad nila'y pilak na lantay; tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay. Kami, Yahweh, ay lagi mong ingatan, sa ganitong mga tao ay huwag pabayaan;
Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan. Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis, ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!
Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.
Ang pasya ko sa sarili, sundin ko ang kautusan, susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay. (Samek)
Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero, mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing, magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit. Ang baka at ang oso'y magkasamang manginginain, ang mga anak nila'y mahihigang magkakatabi, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka. Maglalaro ang sanggol sa tabi ng lungga ng ahas, hindi mapapahamak ang batang munti kahit pa isuot nito ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong. Walang mananakit o mamiminsala sa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala; sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.
Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa; ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya. Huwag kang magtiwala sa gawang marahas, ni sa panghaharang, umasang uunlad; kahit umunlad pa ang iyong kabuhayan ang lahat ng ito'y di dapat asahan. Hindi na miminsang aking napakinggan na taglay ng Diyos ang kapangyarihan, at di magbabago kanyang pagmamahal. Ayon sa ginawa ng sinumang tao, doon nababatay ang gantimpala mo. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.
Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak. Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan, ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal. Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.
Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.
Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.
Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay.
O kahanga-hanga ang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!
Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit man. Aking pagagalingin ang aking bayan.
Ang isip na tiwasay ay nagpapahaba ng buhay, ngunit ang kapusukan ay nagbibigay ng kapahamakan.
Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.
At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.
Pagsapit ng gabi'y hinahanap-hanap ka ng aking kaluluwa, nangungulila sa iyo ang aking espiritu. Kapag hinatulan mo ang mga tao sa daigdig, malalaman nila kung ano ang matuwid.
Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.
ang magiging iyong apo, nawa iyong makita rin, nawa'y maging mapayapa itong bayan ng Israel!
Ang masayang ngiti sa puso ay kasiyahan, at ang mabuting balita ay may dulot na kalusugan.
May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban.
Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.
‘Kung may masamang mangyari sa amin tulad ng digmaan, baha, salot o taggutom, haharap kami sa Templong ito upang humingi ng tulong sa inyo sapagkat dito kayo sinasamba. Tatawag kami sa inyo, papakinggan ninyo kami at ililigtas sa panahon ng aming kagipitan.’
O Yahweh, ika'y aking minamahal, ikaw ang aking kalakasan! Sa isang kerubin siya ay sumakay; sa papawirin mabilis na naglakbay. Ang kadilima'y ginawa niyang takip, maitim na ulap na puno ng tubig. Gumuhit ang kidlat sa harapan niya, at mula sa ulap, bumuhos kaagad ang maraming butil ng yelo at baga. Nagpakulog si Yahweh mula sa langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig. Dahil sa mga palaso na kanyang itinudla, ang mga kaaway ay nangalat sa lupa; nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo kaya't nagsitakas. Dahil sa galit mo, O Yahweh, sa ilong mo galing ang bugso ng hangin; kaya't ang pusod ng dagat ay nalantad, mga pundasyon ng lupa ay nahayag. Mula sa kalangitan, itong Panginoon, sa malalim na tubig, ako'y iniahon. Iniligtas ako sa kapangyarihan ng mga kaaway na di ko kayang labanan; Sinalakay nila ako noong ako'y naguguluhan, ngunit si Yahweh ang sa aki'y nagsanggalang. Nang nasa panganib, ako'y kanyang tinulungan, ako'y iniligtas sapagkat kanyang kinalulugdan! Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang. Pinagpapala ako ni Yahweh pagkat ako'y matuwid, binabasbasan niya ako dahil kamay ko'y malinis. Mga utos ni Yahweh ay aking sinunod, hindi ko tinalikuran ang aking Diyos. Lahat ng utos niya ay aking tinupad, mga batas niya ay hindi ko nilabag. Nalalaman niyang ako'y walang kasalanan, paggawa ng masama ay aking iniwasan. Kaya naman ako'y ginagantimpalaan niya, sapagkat alam niyang ako'y totoong walang sala. Tapat ka, O Diyos, sa mga tapat sa iyo, at napakabuti mo sa mabubuting tao. Ikaw ay mabait sa taong matuwid, ngunit sa masama, ikaw ay malupit. Ang mapagpakumbaba ay inililigtas mo, ngunit iyong ibinabagsak ang mga palalo. Ikaw, O Yahweh, ang nagbibigay sa akin ng ilaw; inaalis mo, O Diyos, ang aking kadiliman. Pinapalakas mo ako laban sa kaaway, upang tanggulan nito ay aking maagaw. Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa aking mga kaaway ako'y inililigtas. Karapat-dapat purihin si Yahweh!
Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan.
Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.
Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.
Tapat akong kaibigan ng sa iyo'y naglilingkod, mga taong buong pusong sa utos mo'y sumusunod.
Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin, at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing.
Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?
Madilim pa, ang lingkod mo ay gising na't tumatawag, sa pangako mong iniwan, pag-asa ko'y nakalagak. Hindi ako makatulog, magdamag na laging gising, at ang aking binubulay ay ang bigay mong aralin.
Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan, at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.
Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa
“Kung sinusunod mo lang ang aking mga utos, pagpapala sana'y dadaloy sa iyo, parang ilog na hindi natutuyo ang agos. Tagumpay mo sana ay sunud-sunod, parang along gumugulong sa dalampasigan.
Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay. Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga, napakaganda ng iyong pamana!
Ang tahanang-lunsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga.
Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos.
Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa! O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, tayo'y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.
Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa, at maaasahan ang kanyang salita! Siya ay kalasag ng mga umaasa, at ng naghahanap ng kanyang kalinga.
At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Bumabalik sa gunita ang payo mo noong araw, ito, Yahweh, sa lingkod mo ang dulot ay kaaliwan.
Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman. Ang bayan ng Diyos ay mamumuhay sa isang payapa, ligtas, at tahimik na pamayanan.
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
Madilim pa, ang lingkod mo ay gising na't tumatawag, sa pangako mong iniwan, pag-asa ko'y nakalagak.
O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap; ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad; para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas. Mamamatay silang lahat sa larangan ng digmaan, kakanin ng asong-gubat ang kanilang mga bangkay. Dahilan sa iyo, O Diyos, ang hari ay magdiriwang, kasama ng mga tapat magpupuring walang hanggan. Ngunit silang sinungaling, bibig nila ay tatakpan. Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking mapagmasdan, at ang likas mong kaluwalhatian at kapangyarihan. Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay, kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.
Nang lingapin tayo ni Yahweh at sa Zion ay ibalik, ang nangyaring kasaysaya'y parang isang panaginip. Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit! Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid, “Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!” Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!
Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.
Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan ay nagkakamit ng buhay at karangalan.
Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam.
Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.
Nananalig sa iyo, Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.
Sumainyo nawa ang kagandahang-loob at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo.
Pagpalain sana kayo, pagpalain kayong lubos, pagpalain ng lumikha ng langit at sansinukob. Si Yahweh ang may-ari ng buong sangkalangitan, samantalang ang daigdig, sa tao niya ibinigay.
Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.
Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo. Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman. Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat, ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas. Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay, at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan; ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan, na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman, mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan, ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan. Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan, sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan. Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay. Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binaliwala niya. Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan. Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay, at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay. Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan, at ito ay isipin nang iyong maunawaan. Kaya nga, tahakin mo ang landas ng kabutihan, huwag itong hiwalayan hanggang hininga ay mapatid. Pagkat ang mabuting tao'y magtatagal sa daigdig, ang may buhay na matapat ay hindi matitinag. Ngunit ang masama sa lupai'y mawawala, bubunutin pati ugat ng lahat ng mandaraya. Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan. Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin, malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.
Kung itong si Yahweh ang aking kasama at laging kapiling, walang pagkatakot sa aking darating. Si Yahweh ang siyang sa aki'y tumutulong laban sa kaaway, malulupig sila't aking mamamasdan.
Ang Diyos ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen.
Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”
Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.
Matuwid na namahala, namalakad na mahusay, lubos silang kinalinga sa tulong niya at patnubay.
Sa salita lamang na kanyang pahatid sila ay gumaling, at naligtas sila sa kapahamakang sana ay darating.