Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


49 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Paglalaan ng Pagkain

49 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Paglalaan ng Pagkain

Alam mo, napakahalaga ng pagkain. Paulit-ulit itong binabanggit sa Biblia. Sa Genesis pa lang, nabasa na natin ang tungkol sa mga prutas at halaman na ibinigay para sa atin.

May mga batas din tungkol sa pagkain sa Lumang Tipan, tungkol sa kung anong mga hayop ang puwede nating kainin. Sa Bagong Tipan naman, madalas nating mabasa kung paano nakisalo si Hesus sa hapag-kainan kasama ang kaniyang mga tagasunod. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagsasama-sama.

Sabi nga sa Biblia, ang ating katawan ay templo ng Espiritu Santo, kaya dapat natin itong alagaan. Hindi lang basta pang-busog ang pagkain. Isipin din natin na paraan din ito para mapalapit tayo sa Diyos at sa ating kapwa.

Parang ganito, 'di ba? Kapag kumakain tayo kasama ang ating pamilya o mga kaibigan, lumalalim ang ating samahan. Mas nakikilala natin sila, at mas nagiging malapit tayo sa isa't isa. Ganoon din sa Diyos. Kapag nagpapasalamat tayo sa kaniya sa mga biyayang natatanggap natin, lalo na sa pagkain, mas lumalalim ang ating pananampalataya.

Kaya sana, sa bawat pagkain natin, alalahanin natin ang mga aral na ito. Nawa'y maging daan ito para mapalapit tayo sa Diyos at sa ating kapwa.


Lucas 12:22-23

Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Sapagkat ang buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:9

Mga nauuhaw ay pinapainom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 136:25

Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:3

Huwag hamakin ng taong kumakain ng anuman ang taong kumakain ng gulay lamang. At huwag namang hatulan ng kumakain ng gulay lamang ang taong kumakain ng anuman, sapagkat siya'y tinatanggap din ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:7

Ang taong busog ay tatanggi kahit sa pulot-pukyutan, ngunit sa taong gutom, matamis kahit ang ampalaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 16:4

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pauulanan ko kayo ng tinapay mula sa langit. Araw-araw, palalabasin mo ng bahay ang mga tao para mamulot ng kakainin nila sa maghapon. Sa pamamagitan nito'y susubukin ko kung susunod sila sa aking mga tagubilin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 16:12-15

“Narinig ko ang reklamo ng mga Israelita. Sabihin mo sa kanila na sa pagtatakip-silim, bibigyan ko sila ng karne. Sa umaga, bibigyan ko sila ng tinapay hanggang gusto nila. Sa gayo'y malalaman nilang ako si Yahweh, ang kanilang Diyos.” Nang magtakip-silim, dumagsa sa kampo ang napakaraming pugo. Kinaumagahan naman ay makapal na makapal ang hamog sa paligid ng kampo. Nang mapawi ang hamog, nakakita sila sa lupa ng maliliit at maninipis na mga bagay na parang pinipig. Hindi nila alam kung ano iyon, kaya nagtanungan sila, “Ano ito?” Sinabi ni Moises, “Iyan ang tinapay na bigay sa inyo ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:31

Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 26:4-5

pauulanin ko sa tamang panahon at mamumunga nang sagana ang mga punongkahoy sa kaparangan. “Subalit kung pagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanan ng kanilang ninuno, at tanggapin na naghimagsik sila laban sa akin, at iyon ang dahilan kung bakit sila'y aking pinabayaan; kung sila'y magpakumbaba at pagsisihan ang kanilang mga kasalanan, aalalahanin ko ang aking kasunduan kay Jacob, kay Isaac, at kay Abraham. At aalalahanin kong muli ang aking pangako patungkol sa lupang pangako. Subalit paaalisin ko muna sila roon. Sa gayon, makakapagpahinga nang lubusan ang lupain at madarama naman nila ang bagsik ng parusang ipapataw ko dahil sa pagsuway nila sa aking mga tuntunin at kautusan. Gayunman, hindi ko sila lubos na pababayaan sa lupain ng kanilang mga kaaway, baka kung puksain ko'y mawalan ng kabuluhan ang kasunduang ginawa ko sa kanila. Ako si Yahweh na kanilang Diyos. Aalalahanin ko sila alang-alang sa aking kasunduan sa kanilang mga ninunong inilabas ko mula sa Egipto. Nasaksihan ng mga bansa ang ginawa kong ito upang ako'y maging Diyos nila. Ako si Yahweh.” Ito ang mga tuntunin at mga utos ni Yahweh na ibinigay sa mga Israelita sa Bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises. Kahit tapos na ang panahon ng pitasan ng prutas at panahon ng muling pagtatanim ay gumigiik pa kayo. Sasagana kayo sa pagkain at mamumuhay nang panatag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:3

Tinuruan nga kayong magpakumbaba; ginutom niya kayo bago binigyan ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala ni ng inyong mga ninuno. Ginawa niya ito upang ipaunawa sa inyo na ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ni Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 11:14-15

sa tamang panahon ay pauulanin niya sa lupaing iyon, at magiging sagana kayo sa pagkain, inumin at langis. Pananatilihin niyang sariwa ang damo para sa inyong mga alagang hayop upang kayo'y sumagana sa lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:4

Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:22-24

Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Sapagkat ang buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:12

Bubuksan niya ang langit upang ibuhos sa inyo ang ulan sa kapanahunan. Pagpapalain nga niya kayo sa lahat ng inyong gagawin. Dahil dito, hindi kayo mangungutang, sa halip, kayo pa ang magpapautang sa ibang bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:1

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:15-16

Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan, siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan. Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:10

Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:1-2

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:13-14

Narinig niya ang isang tinig, “Pedro! Tumindig ka, magkatay ka at kumain.” Ngunit sumagot si Pedro, “Hindi ko po magagawa iyan, Panginoon! Kailanma'y hindi ako kumain ng anumang marumi o di karapat-dapat kainin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:25

Mula pagkabata't ngayong tumanda na, sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos nagpabaya; o ang anak niya'y naging hampaslupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 9:3-4

Gaya ng mga halamang luntian na inyong kinakain, lahat ng mga ito'y maaari na ninyong kainin. Huwag lamang ninyong kakainin ang karneng hindi inalisan ng dugo sapagkat nasa dugo ang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:1-2

Sinabi ni Yahweh, “Narito ang tubig, kayong mga nauuhaw. Ang mga walang salapi ay lumapit din dito, bumili kayo ng pagkain at ito'y kainin ninyo! Bumili kayo ng alak at gatas kahit walang salaping pambayad. “Ang ulan at yelo na bumabagsak mula sa langit ay hindi na nagbabalik, kundi dinidilig nito ang lupa, kaya lumalago ang mga halaman at namumunga at nagbibigay ng butil na panghasik, at tinapay upang maging pagkain. Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais. “May galak na lilisanin ninyo ang Babilonia, mapayapa kayong aakayin palabas ng lunsod. Aawit sa tuwa ang mga bundok at mga burol, sisigaw sa galak ang mga punongkahoy. Sa halip na mga tinik, kahoy na mayabong ang siyang tutubo; sa halip na dawag, mga kakahuyan ay muling darami at magsisilago. Ang lahat ng ito'y parangal kay Yahweh, walang hanggang tanda sa lahat ng kanyang mga ginawa.” Bakit gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog? Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan? Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko, at matitikman ninyo ang pinakamasasarap na pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:24-25

Bunga nito, ang pagkai'y bumuhos na parang ulan, ang pagkain nilang manna, sa kanila'y ibinigay. Ang kaloob na pagkai'y pagkain ng mga anghel, hindi sila nagkukulang, masagana kung dumating.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:14-15

Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha. Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 9:3

Gaya ng mga halamang luntian na inyong kinakain, lahat ng mga ito'y maaari na ninyong kainin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:5

Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana; pangako ni Yahweh ay di nasisira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 132:15

Ang lahat ng bagay na hingin ng Zion, aking ibibigay, hindi magugutom ang dahop sa buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:8

Ang pagkain ay walang kinalaman sa katayuan natin sa harap ng Diyos. Walang mawawala sa atin kung hindi tayo kumain ng ganoong pagkain, at wala ring kabutihang maidudulot sa atin kung kumain man tayo niyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:29

Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:17

Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa matuwid na pamumuhay, kapayapaan, at kagalakan na ipinagkakaloob ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:13

Sasabihin naman ng iba, “Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain.” Totoo iyan, ngunit parehong sisirain ng Diyos ang mga ito. Ang katawan ay hindi para sa imoralidad sapagkat ito'y para sa paglilingkod sa Panginoon, at ang Panginoon naman ang nag-aalaga sa katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:3

Ang matuwid ay binibigyan ni Yahweh ng kasiyahan, ngunit ang masama'y kanyang ginugutom naman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:29-30

Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo. Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga. Ang lahat ng halamang luntian ay ibinibigay ko naman sa lahat ng hayop sa ibabaw ng lupa at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:8-9

Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:2

Bakit gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog? Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan? Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko, at matitikman ninyo ang pinakamasasarap na pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:11

Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:36

Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:25-26

“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 14:19-20

Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. kaya't nasabi niya sa kanyang mga lingkod, “Si Juan na Tagapagbautismo iyon! Siya'y muling nabuhay kaya't nakakagawa ng mga himala!” Nakakain at nabusog ang lahat. Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing ng tinapay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:35-37

Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Nakakain at nabusog ang lahat, at nang ipunin ng mga alagad ang tinapay na lumabis, nakapuno pa sila ng pitong kaing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:24

Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:35

Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 14:17

Gayunman, nagbigay siya ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa niya sa inyo. Binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng masaganang ani sa takdang panahon. Binubusog niya kayo ng pagkain at pinupuno ng kagalakan ang inyong mga puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:6

Ang nagpapahalaga sa isang araw ay nagpapahalaga rito alang-alang sa Panginoon. Ang kumakain ng anuman ay kumakain niyon alang-alang sa Panginoon, sapagkat nagpapasalamat siya sa Diyos. Iyon namang hindi kumakain ng ilang uri ng pagkain ay gumagawa ng ganoon alang-alang din sa Panginoon, at nagpapasalamat din siya sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:4-5

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat sapagkat ang mga ito'y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5

Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:17

Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagdudulot ng bahagya mang dilim dahil sa pagbabago.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, Amang Walang Hanggan! Purihin Ka po sa Iyong katarungan, kabanalan, at sa Iyong pagiging karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Ama, salamat po sa lahat ng kabutihang Iyong nilikha, lalo na para sa amin. Pinagpala Niyo po kami ng mga bunga ng lupa at binigyan ng pagkain para sa aming ikabubuhay. Gabayan Niyo po ako Ama, na maging responsable sa aking katawan, na siyang templo at tahanan ng Iyong Banal na Espiritu. Turuan Niyo po akong maging maingat sa aking kinakain, upang mapangalagaan ko ang kalusugan na kaloob mo. Nawa'y magamit ko po nang wasto ang biyayang pagkain at magkaroon ng malusog at balanseng pamumuhay. Ilayo Niyo po ako sa mga pagkaing nakakasama sa aking kalusugan at maaaring magdulot ng sakit. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas