Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


44 Mga Talata Tungkol sa Kaligtasan kung Nawala

44 Mga Talata Tungkol sa Kaligtasan kung Nawala

Alam mo, kay Hesus lang tayo makakalapit sa Diyos. Siya ang nag-iisang tulay para mapatawad ang mga kasalanan natin, hindi dahil sa ginawa nating mabuti kundi dahil sa biyaya Niya. Isipin mo, hindi natin kailangan magyabang dahil wala tayong maipagmamalaki; kaloob lang talaga ito ng Diyos.

Napakalaking regalo ang kaligtasang ito, kaya dapat natin itong pahalagahan. May nagbuwis ng buhay para mailigtas tayo sa impyerno. Dapat nating ingatan ang ating relasyon sa Banal na Espiritu at hanapin Siya araw-araw.

Nakakatulong din ang pagsisimba para mapalakas ang ating pananampalataya. Parang pagkain din ito sa espiritu natin na nagpapatatag, nagpapagaling, umaaliw, at nagtutuwid sa atin.

Para maligtas, kailangan nating maniwala kay Hesus at sundin ang mga utos Niya. Bilang simbahan, dapat tayong mamuhay nang banal at mapuspos ng Banal na Espiritu.

Hindi natin alam kung kailan babalik ang ating Panginoon, pero malapit na. Wala nang hihigit pa sa kapatawaran, biyaya, at kaligtasang bigay ng Diyos. Tara, pag-usapan natin si Kristo at ibahagi ang mensahe ng kaligtasan!


Roma 13:11

At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:22

At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:5

Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:11-13

At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:8

Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:12

Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:19-20

Mga kapatid ko, kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya'y papagbaliking loob ng sinoman; Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok, at ang inyong mga damit ay nginangatngat ng tanga. Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:21-23

At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama. Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya: Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:4-6

Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo, At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:39

Nguni't tayo'y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:9

Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 2:13

Nguni't kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios buhat nang pasimula sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:13

Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:1-3

Kaya't nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo'y makahagpos. Sapagka't marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit. Sapagka't ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa: na dahil dito'y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid, Na sinasabi, Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo. At muli, ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, Narito, ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Dios. Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo: At mailigtas silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila. Sapagka't tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham. Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan. Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso. Sapagka't kung ang ipinangusap na salita sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran; Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:17

Kaya nga, mga minamahal, yamang nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito, ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:5

Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:16

Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:26-27

Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:5-6

Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya'y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:20-22

Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una. Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila. Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:17

At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:8-9

Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian: Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:21-23

Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:12

Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:12

At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:6

Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya'y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:25

Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:1

Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 62:1

Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: sa kaniya galing ang aking kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:22

Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa't ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan: sa ibang paraan ay ikaw man ay puputulin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:28

Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:20

Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:4

Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:13

Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:27

Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:8

Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 7:10

At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:21

Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:5

Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:38-39

Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:32-33

Kaya't ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit. Datapuwa't sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:13

At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:12

Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:6-8

Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa: Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggan: Datapuwa't ang sa mga palaaway, at mga hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mabuting Diyos at walang hanggan, Kataas-taasang Panginoon, sa ngalan ni Hesus, nagpapasalamat po ako sa iyong maluwalhating iglesia. Dalangin ko po na ito nawa'y manatiling banal na nobya, walang bahid at dungis, at patuloy na magmatiyaga at maging matatag sa pananalangin. Panginoong Hesus, isang iglesia na nagkakaisa, pinatatag ng pananampalataya, at laging nagbabantay sa pagdating ng kanyang Panginoon. Ama, bilang bahagi ng katawan ni Kristo, hinihiling ko po na kami nawa ay maging iglesia na nababalutan ng iyong baluti at kapangyarihan. Nawa'y lagi kaming nagbabantay, nananalangin, at iniingatan ang aming kaligtasan. Tulad ng sabi ng iyong salita: "Kayo'y iniingatan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa pananampalataya, upang magkamit ng kaligtasang nakahanda upang ihayag sa huling panahon." Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas