Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


45 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapakabanal sa Bahay at mga Bagay

45 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapakabanal sa Bahay at mga Bagay

Alam mo ba, ang pagiging banal ay hindi natin sariling kakayahan. Ito ay biyaya, dahil sa dugo ni Cristo tayo'y pinabanal. Nakakatuwa naman talagang tumanggap ng regalo o kaya ng pagmamahal mula sa iba, 'di ba? Pero mahalaga pa ring ilapit natin ang lahat sa Panginoon at hilingin na pabanalin Niya ito. Kailangan din nating maging maingat sa tunay na intensyon ng mga nasa paligid natin.

Kung konektado tayo sa Banal na Espiritu, hindi tayo madaling maloloko at lagi tayong gagabayan. Kaya dapat, lagi tayong nananalangin at hinihiling kay Jesus na pabanalin tayo. Sa ganitong paraan, makakapamuhay tayo nang mayroong patuloy na pagpapala, ayon sa plano ng Diyos para sa mga nagmamahal at humahanap sa Kanya.

Sa paghingi natin kay Jesus, tayo'y nagiging banal, tulad ng ating Ama sa Langit. Kaya, lahat ng ating ginagawa ay dapat para sa ikaluluwalhati ng Kanyang pangalan. Katulad ng sinasabi sa Exodo 29:37, ang altar na pinagdaanan ng pitong araw na paglilinis ay nagiging banal, at lahat ng madikit dito ay magiging banal din.


Exodus 29:37

Pitong araw kang maghahandog ukol sa kasalanan at pagtatalaga. Pagkatapos, ito'y ituturing na ganap na sagrado at anumang malagay rito ay magiging sagrado.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 8:10

Pagkatapos nito, kinuha ni Moises ang langis na pantalaga, pinahiran ang Toldang Tipanan at lahat ng naroon, bilang tanda na ang mga ito'y nakalaan lamang kay Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 93:5

Walang hanggan, O Yahweh, ang lahat ng tuntunin mo, sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezra 8:28

Sinabi ko sa kanila, “Kayo'y banal sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno; sagrado rin naman ang lahat ng pilak at gintong kagamitan na iniaalay kay Yahweh bilang mga kusang-loob na handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:4-5

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat sapagkat ang mga ito'y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:16

Pinili ko at iniuukol ang Templong ito upang dito ako sambahin magpakailanman. Lagi kong babantayan at mamahalin ang Templong ito magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:7

“Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 29:17

Sinimulan nila ang gawain ng paglilinis noong unang araw ng unang buwan at ikawalong araw nang umabot sila sa portiko. Walong araw pa nilang nilinis ang Templo ni Yahweh at natapos nila ito sa ikalabing-anim na araw ng buwan ding iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 29:43

Doon ko nga tatagpuin ang mga Israelita at ang pook na iyon ay pababanalin ng aking kaluwalhatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayo ay isang lahing pinili, grupo ng maharlikang pari, isang bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 30:25-29

Paghalu-haluin mo ito tulad ng ginagawa ng mahuhusay na manggagawa ng pabango at gagamitin mo itong pampahid upang maging sagrado ang Toldang Tipanan at ang Kaban ng Tipan, ganoon din ang mesa at lahat ng kagamitan nito, ang ilawan at mga kasangkapang kaugnay nito at ang altar na sunugan ng insenso. Pahiran mo rin ang altar na sunugan ng mga handog at mga kasangkapan nito, ang palangganang hugasan at ang patungan nito. Ganyan ang gagawin mo sa mga kasangkapang nabanggit upang ang mga ito'y maging ganap na sagrado; magiging sagrado rin ang lahat ng maisagi rito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 9:3

Sinabi sa kanya, “Ibinigay ko ang lahat ng hiniling mo sa iyong panalangin. Itinatakda kong sa Templong ito na inyong ipinatayo, dito mo ako sasambahin magpakailanman. Babantayan ko at iingatan ang Templong ito habang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 21:8

Ituring ninyong banal ang pari sapagkat siya ang naghahandog ng pagkain sa akin; dapat siyang maging banal sapagkat akong si Yahweh ay banal kaya't ginawa ko kayong banal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 7:1

Nang ganap na matapos na ang tabernakulo, pinahiran ito ni Moises ng langis at ipinahayag na para kay Yahweh, gayundin ang mga kagamitan doon, ang altar at ang lahat ng kagamitang ukol dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 8:11

Gayundin ang ginawa niya sa altar at sa mga kagamitang naroon, pati na ang palangganang hugasan at ang patungan nito; pitong beses niyang winisikan ng langis ang mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 8:10-11

Pagkatapos nito, kinuha ni Moises ang langis na pantalaga, pinahiran ang Toldang Tipanan at lahat ng naroon, bilang tanda na ang mga ito'y nakalaan lamang kay Yahweh. Gayundin ang ginawa niya sa altar at sa mga kagamitang naroon, pati na ang palangganang hugasan at ang patungan nito; pitong beses niyang winisikan ng langis ang mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:14

ngunit kung ang bayang ito na nagtataglay ng aking karangalan ay magpakumbabá, manalangin, hanapin ako at talikuran ang kanilang kasamaan, papakinggan ko sila mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at muli kong pasasaganain ang kanilang lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:4-9

“Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 16:19

Sa pamamagitan ng kanyang daliri, pitong beses niyang wiwisikan ang altar upang ito'y pabanalin at linisin sa kasalanan ng mga Israelita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:1-2

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!” ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 20:5

Ganito naman ang sasabihin ng mga pinunong kawal: ‘Sinuman ang may bagong bahay subalit hindi pa ito naitatalaga ay maaari nang umuwi; baka siya'y mamatay sa labanan at iba pa ang tumira sa bahay niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 24:15

At kung ayaw ninyong maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:16

O Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng kayamanang ito na aming ibinigay para ipagpagawa ng inyong tahanan ay sa inyo rin nagmula.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 8:63-64

Nagpatay sila ng 22,000 baka at 120,000 tupa bilang handog na pinagsasaluhan. Sa gayong paraan ginawa ni Solomon at ng buong Israel ang pagtatalaga ng Templo ni Yahweh. Nang araw ding iyon, itinalaga ni Solomon ang bulwagan sa harap ng Templo. Doon niya inihain ang handog na susunugin, ang mga handog na pagkaing butil, at ang mga taba ng handog na pinagsasaluhan sapagkat ang altar na tanso sa harapan ng Templo ay napakaliit para sa ganoon karaming handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:20-21

Pumasok kayo sa inyong bahay, bayan kong hinirang, isara ninyo ang mga pinto, magtago kayo hanggang humupa ang galit ni Yahweh. Sapagkat darating si Yahweh mula sa kalangitan, upang parusahan ang mga tao sa daigdig dahil sa kanilang mga kasalanan. Sa sandaling ito'y mahahayag ang mga lihim na pagpaslang at mabubunyag pati ang kanilang libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:33

Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 29:44

Gagawin kong sagrado ang Toldang Tipanan, ganoon din ang altar, at ibubukod ko si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki upang maglingkod sa akin bilang mga pari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 29:15-17

Tinipon ng mga ito ang kanilang mga kapwa Levita at nilinis ang kanilang sarili ayon sa Kautusan. Gaya ng utos sa kanila ng hari, pumasok sila at nilinis ang Templo ayon sa Kautusan ni Yahweh. Pumasok naman sa loob ng Templo ang mga pari at inilabas ang maruruming bagay sa bulwagan ng Templo ni Yahweh. Kinuha naman ito ng mga Levita at dinala sa Libis ng Kidron. Sinimulan nila ang gawain ng paglilinis noong unang araw ng unang buwan at ikawalong araw nang umabot sila sa portiko. Walong araw pa nilang nilinis ang Templo ni Yahweh at natapos nila ito sa ikalabing-anim na araw ng buwan ding iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:1

Pinupuri kita, Yahweh, pagkat ako'y iyong iniligtas, mga kaaway ko'y di mo hinayaang magmataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:1

Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 122:1

Ako ay nagalak nang sabihin nila: “Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 132:7-8

Ang aming sinabi, “Ang templo ni Yahweh ay puntahan natin, sa harap ng trono siya ay sambahin!” Sa iyong tahanan, Yahweh, pumasok ka kasama ang kaban, ang kabang sagisag ng kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:22

Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 134:1-2

Lumapit kay Yahweh, at kayo'y magpuri, mga naglilingkod sa templo kung gabi. Sa loob ng templo siya'y dalanginan, taas kamay na si Yahweh'y papurihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:7

“Dadalhin ko kayo sa banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Malulugod ako sa inyong mga handog; at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 43:26

Pitong araw ninyong lilinisin ang altar upang ganap itong maitalaga sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 44:23

Ituturo nila sa mga tao kung ano ang pagkakaiba ng itinalaga kay Yahweh at ng hindi. Ituturo rin nila kung paano ang pagkilala sa malinis at sa marumi ayon sa tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:13

Sinabi niya, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 2:16

Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:15

Muli niyang narinig ang tinig, “Huwag mong ituring na marumi ang nilinis na ng Diyos.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:16-17

Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:16

O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi, “Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:21-22

Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:17

At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, puspos ng kaluwalhatian at karangalan, ang iyong kapangyarihan at kamahalan ay walang kapantay. Sumasamba ako sa iyong di-maikukumparang kagandahan. Panginoon, nagpapasalamat ako sa iyong dugong nagpabanal sa akin. Salamat po, Ama, sapagkat ang lahat ng iyong ginagawa ay mabuti at may layunin. Dinadalangin ko po ang pagbabanal sa aking tahanan, pamilya, trabaho, at pananalapi, maging ang lugar kung saan ako sumasamba. Panginoon, nawa'y lahat ng aking mahawakan ay iyong paramihin at maging banal na handog na kalugod-lugod sa iyong harapan. Nawa'y ang iyong kaluwalhatian at kapangyarihan ay mahayag sa pamamagitan ko. Idinideklara ko po na ang lahat ng karumihan ng kadiliman at kahirapan ay lumalayo sa aking tahanan at saanman ako magpunta. Nawa'y ang lahat ng aking matapakan ay iyong pabanalin. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas