Alam mo, may dalawang bahagi ang Santuwaryo noon: ang Lugar Santo at ang Lugar Santísimo. Araw-araw, ang mga pari lang ang puwedeng pumasok sa Lugar Santo para gampanan ang kanilang mga tungkulin sa Diyos. Bawal na bawal ang sinumang hindi pari, dahil mamamatay raw agad ang sinumang papasok na hindi malinis.
Napakabuti talaga ng Diyos at puno ng pagmamahal. Noon pa man, gusto na Niyang magkaroon tayo ng relasyon sa Kanya. Dati, nahihiwalay tayo sa Kanya dahil sa ating mga kasalanan at kasamaan. Pero ngayon, si Hesukristo, ang ating Dakilang Pari, ang nag-alay ng sarili bilang handog para sa ating mga kasalanan, minsanan lang at para sa lahat.
Dahil dito, napunit ang tabing na naghihiwalay sa atin sa Lugar Santo. Wala nang hadlang para lumapit tayo sa ating Ama sa Langit at sambahin ang Kanyang kadakilaan. Dati, imposibleng makapasok ang tao sa Lugar Santo, pero ngayon, may pribilehiyo tayong mamuhay sa kabanalan at malinis mula sa kasalanan dahil sa mahalagang dugong ibinuhos Niya sa Krus ng Kalbaryo.
Kaya dapat nating sikaping mamuhay nang mapayapa sa lahat at sa kabanalan, dahil sabi nga sa Hebreo 12:14, “Sikapin ninyong makasundo ang lahat ng tao, at sikapin din ninyong mamuhay nang malinis, dahil kung hindi kayo mamumuhay nang malinis, hindi ninyo makikita ang Panginoon.” Salamat, Mahal na Tagapagligtas, dahil nararanasan natin ang Iyong presensya sa araw-araw.
At sinabi ng prinsipe ng hukbo ng Panginoon kay Josue, Hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong paa; sapagka't ang dakong iyong kinatatayuan ay banal. At ginawang gayon ni Josue.
Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo, pagka aking iginagawad ang aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
At siya'y naghanda ng isang sanggunian sa gitna ng pinakaloob ng bahay, upang ilagay roon ang kaban ng tipan ng Panginoon.
At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.
At kaniyang ginawa ang kabanalbanalang bahay; ang haba niyaon, ayon sa luwang ng bahay, ay dalawangpung siko, at ang luwang niyaon ay dalawangpung siko; at kaniyang binalutan ng dalisay na ginto, na may timbang na anim na raang talento.
At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo: at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako.
At siya'y gumawa ng isang silid na dalawang pung siko sa pinakaloob ng bahay, ng tabla na sedro mula sa lapag hanggang sa mga panig sa itaas: na kaniyang ginawa sa loob na ukol sa sanggunian, sa makatuwid baga'y ukol sa kabanalbanalang dako.
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kanilang gagamitin uli ang pananalitang ito sa lupain ng Juda at sa mga bayan niyaon, pagka aking dadalhin uli mula sa kanilang pagkabihag: Pagpalain ka ng Panginoon. Oh tahanan ng kaganapan, Oh bundok ng kabanalan.
At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo: at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako. At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako.
At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, at inayos ang lambong ng tabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo. At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.
At sa sukat na ito iyong susukatin, na ang haba ay dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo: at doo'y malalagay ang santuario, na pinakabanal.
At sa kabanalbanalang bahay ay gumawa siya ng dalawang querubin na gawang nilarawan; at binalot nila ng ginto.
At sinukat niya ang haba niyaon, dalawang pung siko, at ang luwang, dalawang pung siko, sa harap ng templo: at sinabi niya sa akin, Ito ang kabanalbanalang dako.
At narito, ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig ang lupa; at nangabaak ang mga bato;
Na ipinakikilala ng Espiritu Santo, na hindi pa naihahayag ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo;
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo kay Aaron na iyong kapatid na huwag pumasok tuwina sa dakong banal, sa loob ng tabing, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban; upang siya'y huwag mamatay: sapagka't ako'y pakikitang nasa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa.
At binalot ng ginto ang buong bahay, hanggang sa ang bahay ay nayari: gayon din ang buong dambana na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng ginto.
At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan; Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana, at tungkod ni Aaron na namulaklak, at mga tapyas na bato ng tipan;
Kung magkagayo'y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa bayan, at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing, at ang gagawin sa dugo niyaon ay gaya ng ginawa sa dugo ng toro, at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa: At itutubos niya sa dakong banal dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang mga pagsalangsang, sa makatuwid baga'y sa lahat nilang kasalanan: at gayon ang kaniyang gagawin sa tabernakulo ng kapisanan na nasa kanila, sa gitna ng kanilang mga karumalan,
At siya'y naghanda ng isang sanggunian sa gitna ng pinakaloob ng bahay, upang ilagay roon ang kaban ng tipan ng Panginoon. At ang bahay na itinayo ng haring Salomon ukol sa Panginoon, ang haba niyao'y anim na pung siko, at ang luwang ay dalawang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko. At ang loob ng sanggunian ay may dalawang pung siko ang haba, at dalawang pung siko ang luwang, at dalawang pung siko ang taas: at binalot niya ng taganas na ginto: at binalot niya ng sedro ang dambana.
At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.
At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa dako niyaon, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa makatuwid baga'y sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin.
At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa karoroonan, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin.
At kaniyang kinuha at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban, at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban, at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban: At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, at inayos ang lambong ng tabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing; Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan. Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
At dadalhin ni Aaron sa kaniyang sinapupunan ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na nasa pektoral ng kahatulan pagka siya'y pumapasok sa dakong banal, na pinakaalaala sa harap ng Panginoon, na palagi.
At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan; Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana, at tungkod ni Aaron na namulaklak, at mga tapyas na bato ng tipan; At sa ibabaw nito ay ang mga querubin ng kaluwalhatian na nangagsisililim sa luklukan ng awa; na ang mga bagay na ito ay hindi natin mapaguusapan ngayon ng isa isa.
Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana, at iyong pakakabanalin; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan; anomang masagi sa dambana ay magiging banal.
Datapuwa't sa ikalawa ay pumapasok na nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan:
Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito, At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.
Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin:
Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan. Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman;
Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,
At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.