Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


109 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkakaisa ng Simbahan

109 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkakaisa ng Simbahan

Mahalaga ang pagkakaisa natin bilang mga Kristiyano. Isipin mo, ang kababaang-loob, ang kahinahunan, ang pagtitiis, at ang maayos na pakikisama—iyan ang mga katangian na dapat nating ipamalas. Kasi nga, tayong lahat ay pinag-isa na kay Kristo at bahagi na ng kanyang espirituwal na katawan.

Sabi nga sa Efeso 2:15-16, “Pinawi niya sa kanyang katawan ang pagkapoot, ang Kautusan na may mga utos at tuntunin. Ginawa niya ito upang lalangin sa kanyang sarili, mula sa dalawa, ang isang bagong tao sa pamamagitan ng kapayapaan. At sa pamamagitan ng krus, pinagkasundo niya ang dalawa sa iisang katawan sa Diyos, at pinatay niya roon ang pagkapoot.”

Napakalalim ng kahulugan nito, 'di ba? Alalahanin mo rin ang panalangin ni Hesus bago siya nagtungo sa krus. Idinalangin niya tayo, na magkaisa tayong lahat. Sabi niya sa Juan 17:21-22, “Upang silang lahat ay maging isa, na gaya mo, Ama, na nasa akin, at ako'y nasa iyo, na sila nama'y maging isa sa atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo. At ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman nating isa.”

Nakaka-inspire, 'di ba? Isipin mo ang pagmamahal at biyaya ng Diyos sa atin. Kaya nga, sikapin nating mamuhay nang may pagkakaisa at pagmamahalan, para sa ikaluluwalhati ng Diyos.


Roma 12:13

Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 2:10

Saksi ang Diyos at saksi rin namin kayo, kung paanong naging dalisay, matuwid, at walang kapintasan ang aming pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:18

Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:27

At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 133:1

Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:21

Paratingin ninyo sa lahat ng hinirang ng Diyos at nananalig kay Cristo Jesus ang aking pagbati at ng ating mga kapatid na kasama ko rito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:17

Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:12

Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:25

Ngunit sa ngayon ay pupunta muna ako sa Jerusalem upang dalhin ang tulong sa mga kapatid roon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:1

Tungkol naman sa tulong para sa mga kapatid sa Jerusalem, gawin ninyo iyon ayon sa sinabi ko sa mga iglesya sa Galacia.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:2-3

para sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto, sa inyo na mga hinirang ng Diyos na maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus, gayundin sa lahat ng tao na nasa lahat ng dako na tumatawag sa pangalan ni Jesu-Cristo, na Panginoon nating lahat, Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, ng mahuhusay na debatista sa kapanahunang ito? Ipinapakita ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay pawang kahangalan lamang. Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya pinahintulutang siya'y makilala ng tao sa pamamagitan ng kanilang karunungan. Sa halip, minarapat niyang iligtas ang mga nagpapasakop sa kanya sa pamamagitan ng Magandang Balita na aming ipinapangaral, na sa tingin ng iba'y isang kahangalan. Ang mga Judio'y humihingi ng himala bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griyego. Ngunit ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan. Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griyego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao. Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika sa paningin ng tao. Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hampas lupa, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan. Kaya't walang sinum ang makakapagmalaki sa harap ng Diyos. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:7

Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 3:3

Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang taong hindi nagkakasundo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:19-20

“Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:8

Ngunit kayo, huwag kayong patawag na ‘guro,’ sapagkat iisa ang inyong Guro at kayong lahat ay magkakapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 13:34-35

“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:11

At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:21-23

Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin. Ibinigay ko na sa kanila ang karangalang ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa. Ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. Dahil dito, makikilala ng mga tao sa daigdig na isinugo mo ako at sila'y minamahal mo, katulad ng pagmamahal mo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 1:14

Lagi silang nagsasama-sama sa pananalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus; gayundin ang mga kapatid ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:1

Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:42-44

Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin. Dahil sa maraming himala at kababalaghang nagagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang takot. Nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay para sa kanilang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:32-33

Nagkakaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuturing ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:12

Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao. Sa Portiko ni Solomon nagtitipon ang mga mananampalataya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 15:25

kaya't napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating minamahal na sina Bernabe at Pablo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:4-5

Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at magkakaiba ng gawain ang bawat isa, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:16

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya't pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpatibay ng pananampalataya ng isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:5-6

Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa kay Cristo Jesus, upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:7

Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:10

Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:8-9

Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang, at bawat isa'y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap. Kami'y kapwa manggagawa ng Diyos at kayo ang kanyang bukirin. Kayo rin ay gusali ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:17

Kaya nga, dahil iisa lamang ang tinapay, tayo'y iisang katawan kahit na tayo'y marami, sapagkat nagsasalu-salo tayo sa iisang tinapay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:12-13

Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:20-21

Ngunit ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan. Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:25-27

upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, at sa halip ay magmalasakit sa isa't isa. Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat. Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-7

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 14:33

sapagkat ang Diyos ay di nalulugod sa kaguluhan dahil siya ang Diyos ng kaayusan at kapayapaan. Gaya ng dapat mangyari sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 13:11

Mga kapatid, hanggang dito na lamang, at paalam na sa inyo. Sikapin ninyong maging ganap at sundin ninyo ang mga payo ko; magkaisa na kayo, at mamuhay nang payapa. Sa gayon, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:28

Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:14-16

Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at ang mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin. Pinawalang-bisa niya ang Kautusang pawang mga utos at alituntunin upang ang mga Judio at mga Hentil ay maging iisang bayan na lamang, at sa ganito'y maghari ang kapayapaan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:19-22

Samakatuwid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:6

At ito ang lihim: sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay may bahagi rin sa mga pagpapala ng Diyos tulad ng mga Judio; kabilang din sila sa iisang katawan at may bahagi sa pangako ng Diyos dahil kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:1-3

Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Ang bumabâ ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang lahat ng nilikha. At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya, hanggang makamtan natin ang iisang pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang. Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat. Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lálaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig. Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan. Kayo'y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa. Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo. Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan. Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan. Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig. Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:4-6

May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo'y tawagin ng Diyos. Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:11-13

At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya, hanggang makamtan natin ang iisang pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:15-16

Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat. Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lálaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:27

Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay ayon sa Magandang Balita ni Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong piling o hindi, makakatiyak pa rin akong kayo'y nananatili sa iisang layunin at sama-samang ipinaglalaban ang pananalig sa Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:1-2

Kaya nga, sapagkat mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon. Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo, upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan, habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo. Kung ang buhay ko ma'y maging handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo. Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan. Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko agad riyan si Timoteo upang mapanatag ang aking loob kapag aking malaman mula sa kanya ang inyong kalagayan. lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3-4

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang inyong kakulangan sa akin. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:14

Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:2-3

Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen. Paratingin ninyo sa lahat ng hinirang ng Diyos at nananalig kay Cristo Jesus ang aking pagbati at ng ating mga kapatid na kasama ko rito. Binabati kayo ng lahat ng mga hinirang ng Diyos, lalo na ng mga naglilingkod dito sa palasyo ng Emperador. Nawa'y sumainyong lahat ang pagpapala ng Panginoong Jesu-Cristo. Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong kasama, na tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:18

Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay, upang siya'y maging pangunahin sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:2

Ginagawa ko ito upang palakasin ang kanilang loob at upang mabuklod sila sa pag-ibig. Sa gayon, mararanasan nila ang ganap na pagpapala ng tunay na pagkaunawa at kaalaman patungkol sa hiwaga ng Diyos, na walang iba kundi si Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:12-14

Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbabá, mahinahon, at mapagtiis. Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:15

Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:11

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:13

Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:14-15

Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Pagtiyagaan ninyo silang lahat. Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:3

Mga kapatid, tama lamang na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na tumatatag ang inyong pananampalataya kay Cristo at lalong nagiging maalab ang inyong pagmamahalan sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:1-2

Huwag mong pagsasalitaan nang marahas ang lalaking nakatatanda sa iyo, kundi paalalahanan mo siya na parang sarili mong ama. Pakitunguhan mo namang parang kapatid ang mga nakababatang lalaki. kilala sa paggawa ng kabutihan, nagpalaki nang maayos sa kanyang mga anak, magiliw tumanggap sa nakikituloy sa kanyang tahanan, naglingkod nang may kababaang-loob sa mga kapatid sa Panginoon, tumulong sa mga nangangailangan at inialay ang sarili sa paggawa ng mabuti. Huwag mong isasama sa listahan ng mga biyuda ang mga bata pa, sapagkat kapag nag-alab ang kanilang pagnanasa, mapapalayo sila kay Cristo, at mag-aasawang muli. Sa gayon, nagkakasala sila dahil sa hindi pagtupad sa una nilang pangako kay Cristo. Sila'y nagiging tamad at nag-aaksaya ng panahon sa pangangapitbahay; at sila'y nagiging tsismosa, mahilig makialam sa buhay ng may buhay at madadaldal. Kaya't para sa akin, mabuti pang sila'y mag-asawang muli, magkaanak at mag-asikaso ng tahanan, upang ang ating kaaway ay hindi magkaroon ng pagkakataong mapintasan tayo, sapagkat may ilan nang biyudang nailigaw ni Satanas. Kailangang alagaan ng babaing mananampalataya ang mga kamag-anak nilang biyuda upang hindi sila maging pabigat sa iglesya. Sa gayon, ang aalagaan ng iglesya ay iyon lamang mga biyudang walang ibang inaasahan. Ang mga pinunong mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran, lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos. Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang ito'y gumigiik.” Nasusulat din, “Ang manggagawa ay karapat-dapat bayaran.” Huwag mong tatanggapin ang anumang paratang laban sa isang pinuno ng iglesya kung walang patotoo ng dalawa o tatlong saksi. Ituring mong parang sariling ina ang matatandang babae, at pakitunguhan mo nang buong kalinisan ang mga kabataang babae na parang iyong mga kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:22-23

Kaya nga bilang isang kabataan, iwasan mo ang masasamang pagnanasa, subalit pagsikapan mong maging matuwid, tapat, mapagmahal at mapayapa, kasama ng mga taong may pusong malinis at tumatawag sa Panginoon. Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pakikipagdebate sapagkat alam mo namang nauuwi lamang iyan sa mga pag-aaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:1-2

Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at may kapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, dahil alam mong ang ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang nagpapakilalang siya'y mali. Papupuntahin ko riyan si Artemas o si Tiquico. Pagdating nila diyan, pilitin mong makapunta dito sa Nicopolis. Dito na ako magpapalipas ng taglamig. Sikapin mong mapadali ang paglalakbay ni Apolos at ng abogadong si Zenas. Tiyakin mong hindi sila nagkukulang sa anumang pangangailangan. Turuan mo ang ating mga kapatid sa pananampalataya na gumawa ng mabuti upang makatulong sila sa mga nangangailangan, at maging kapaki-pakinabang. Kinukumusta ka ng mga kasama ko rito. Ikumusta mo rin kami sa lahat ng kapatid sa pananampalataya. Pagpalain kayong lahat ng Diyos. Pagbawalan mo silang magsalita ng masama laban kaninuman, at turuan mo silang maging mahinahon at magalang sa lahat ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:13

Sa halip, magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24-25

Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:14

Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:1

Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19-20

Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao'y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:17-18

Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay malinis ang pamumuhay, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:22

Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:5

Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya alang-alang kay Jesu-Cristo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:8-9

Sa aking pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbabá. Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:5-6

At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno ng iglesya. Magpakumbabá kayong lahat sapagkat nasusulat, “Sinasaway ng Diyos ang mapagmataas, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.” Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:14

Buong giliw kayong magbatian bilang magkakapatid kay Cristo. Ang kapayapaan ay sumainyong lahat na mga tagasunod ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:7

sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:7

Ngunit kung namumuhay tayo ayon sa liwanag, gaya ng pananatili niya sa liwanag, tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:11

Ito ang mensaheng narinig na ninyo sa simula pa: magmahalan tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:16-18

Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa kapatiran. Kapag nakikita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at hindi niya ito tinulungan, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan lamang ng salita, subalit ipakita rin natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7-8

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:11-12

Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan. Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nag-iibigan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:20-21

Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
3 Juan 1:8

Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa pagpapalaganap ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Judas 1:20-21

Ngunit magpakatatag kayo, mga minamahal, sa inyong napakabanal na pananampalataya. Manalangin kayo sa tulong ng Espiritu Santo. Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay kayo sa ating Panginoong Jesu-Cristo na magkakaloob sa inyo ng buhay na walang hanggan dahil sa kanyang habag sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Judas 1:23

Agawin ninyo ang mga hahatulan sa apoy ng paghuhukom. Ang iba nama'y kaawaan ninyo nang may halong pag-iingat; kasuklaman ninyo kahit ang mga damit nilang nadumihan dahil sa kahalayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 1:9

Ako'y si Juan, ang inyong kapatid at kasama sa kapighatian at pagtitiis na nararanasan ng mga kabilang sa kanyang kaharian dahil sa pakikipag-isa kay Jesus. Itinapon ako sa isla ng Patmos sapagkat ipinahayag ko ang salita ng Diyos at ang katotohanang inihayag ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 2:17

“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng nakatagong manna. Bibigyan ko rin siya ng batong puti na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakakaalam maliban sa tatanggap niyon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:12

Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Iuukit ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lunsod. Ito ang bagong Jerusalem na bababâ mula sa langit buhat sa aking Diyos. Iuukit ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:46

Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo, masayang nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at may malinis na kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:2

Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa ikalalakas ng kanyang pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:14

Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 1:24

Hindi sa nais naming pangunahan kayo sapagkat alam naming sinisikap ninyong maging matatag sa pananampalataya. Nais lamang naming tumulong upang maging maligaya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:2

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:21

Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:13

Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:13

Mga kapatid, huwag kayong magsasawa sa paggawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:3

Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:16

Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:8

Sa aking pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbabá.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:1

Kung tayo'y sumasampalataya na si Jesus ang siyang Cristo, tayo nga'y mga anak ng Diyos. At ang sinumang umiibig sa ama ay umiibig din sa anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, ikaw ang Alpha at Omega! Ama, lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at huli, ang simula at wakas. Mahal na Ama, salamat po dahil sa pamamagitan ng pananampalataya ay ginawa mo akong banal at ang iyong kalooban ay maging isang mananampalatayang namumuhay sa tunay na kapatiran at kabanalan, iniiwan ang pagkakabahagi, alitan at sigalot. Hinihiling ko po na tulungan mo akong suriin ang aking puso araw-araw at kilalanin kung tunay ko bang isinasabuhay ang pag-ibig ng Diyos. Ipadama mo po sa akin na ako'y tinawag upang mamuhay nang banal, maging halimbawa sa iba, at mamuhay nang mapayapa kasama ang pamilya ng pananampalataya. Bigyan mo po ako ng karunungan at pag-unawa upang pakitunguhan ang aking mga kapatid, na sa kabila ng mga hindi pagkakasundo at pagkakaiba ng mga salita ay manatili pa rin ang pagkakaisa sa ating lahat. Tulad ng unang simbahan na nagkakaisa sa lahat ng bagay, nagtitiis sa doktrina, sa pakikisama sa isa't isa, sa pagpipira-piraso ng tinapay at sa panalangin. Panginoon, turuan mo po akong maging mapagparaya at huwag lamang isipin ang aking sariling kapakanan, kundi manatili sa lahat ng oras na may panalangin at pagsamo sa Espiritu upang magbantay na may buong pagtitiis at pagsamo para sa lahat ng banal. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas