Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


105 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kaligayahan

105 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kaligayahan

Kapamilya, huwag na huwag tayong magduda sa walang hanggang kabutihan ng Diyos. Magtiwala tayo nang lubusan sa Kanyang pagmamahal at pangangalaga, kahit pa sa mga panahong pinahihintulutan Niyang dumanas tayo ng mga pagsubok. Sa mga oras na iyon, makakapanghawak tayo sa Kanya at sa Kanyang proteksyon.

May mga nag-iisip na malungkot o galit ang Diyos, na parang wala Siyang pakialam, pero ang totoo, Siya ay dakila at punong-puno ng kagalakan. Ang kaligayahan Niya ay hindi nakadepende sa kahit ano o kanino, at Siya lamang ang makapagbibigay nito sa atin, na Kanyang mga nilikha.

Ang ating tunay na kaligayahan ay nagmumula sa Diyos, dahil sa mundong ito, lagi tayong may dahilan para umiyak, magdusa, at panghinaan ng loob. Ngunit nangako Siya na sasamahan Niya tayo araw-araw, hanggang sa katapusan ng mundo. “Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo, lagi akong kasama ninyo hanggang sa katapusan ng mundo.” (Mateo 28:20)

Ang kaligayahan natin sa Diyos ay hindi lang basta pakiramdam, kundi ito ay ang pagtanggap Niya sa atin, ang pagkakaroon ng malinis at malayang puso sa Kanyang harapan. Ipagdiwang natin ang kahanga-hangang katotohanang ito!


Isaias 55:12

Sapagka't kayo'y magsisilabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan: ang mga bundok at ang mga burol ay magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo, at ipapakpak ng lahat na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:24

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:1-3

Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:4

At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:7

Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:21

Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya, sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 16:11

Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:11

Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:8

Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:47

At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:11

Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang inyong kagalakan ay malubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:5

Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 15:16

Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking kinain; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso: sapagka't ako'y tinawag sa iyong pangalan, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:7

Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng aking awit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 3:14-15

Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem. Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:11

Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:1

Mangagalak kayo sa Panginoon, Oh kayong mga matuwid: pagpuri ay maganda sa ganang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:5

Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 40:8

Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:12

Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:3

Nguni't mangatuwa ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios: Oo, mangagalak sila ng kasayahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:14

Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob; upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:4

Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa: ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:19

Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:11-12

Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal, at kasayahan ay sa may matuwid na puso. Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid; at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:1-2

Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain. Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:2-5

Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya: ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita, na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya; ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan. Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya, sa lahat na dako na kaniyang sakop; purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit; Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong kabataan ay nababagong parang agila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:1

Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 126:2-3

Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay. Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:1-2

Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 144:15

Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan: maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:13

Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:28

Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:20

Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:9

Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak: nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:13

Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:13

Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:15

Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:30

Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso: at ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:20

Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti: at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:22

Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:15

Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:14

Masaya ang tao na natatakot na lagi: nguni't siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:18

Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 2:26

Sapagka't ang tao na kinaluluguran niya, binibigyan ng Dios ng karunungan, at kaalaman, at kagalakan: nguni't ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam, na magpisan at magbunton, upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:12-13

Nalalaman ko, na walang maigi sa kanila, kay sa magalak, at gumawa ng mabuti habang sila'y nabubuhay. At ang bawa't tao rin naman ay marapat kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa, siyang kaloob ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:19-20

Bawa't tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pag-aari, at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon, at kumuha ng kaniyang bahagi, at magalak sa kaniyang gawa, ito'y kaloob ng Dios. Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita. Sapagka't hindi niya aalalahaning lubha ang mga kaarawan ng kaniyang buhay; sapagka't sinasagot siya ng Dios sa kagalakan ng kaniyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 9:7

Yumaon ka ng iyong lakad, kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan, at uminom ka ng iyong alak na may masayang puso; sapagka't tinanggap na ng Dios ang iyong mga gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 12:2-3

Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 35:10

At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 51:11

At ang mga tinubos ng Panginoon ay magsisibalik, at magsisiparoong may awitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay sasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan; at ang kapanglawan at pagbubungtong-hininga ay tatakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:3

Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:18-19

Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan. At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 31:13

Kung magkagayo'y magagalak ang dalaga sa sayawan, at ang mga binata, at ang matanda na magkakasama: sapagka't aking gagawing kagalakan ang kanilang pagluluksa, at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang kapanglawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 3:17

Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:12

Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:33

Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:2

At narito, dinala nila sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:21

Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon, Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:8

At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:21

Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:20

Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 15:7

Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 15:10

Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:10

Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:20

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwa't ang sanglibutan ay magagalak: kayo'y mangalulumbay, datapuwa't ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:22

At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:13

Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:28

Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay; Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 13:52

At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:2-3

Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios. At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya: Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:17

Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 7:4

Malaki ang katapangan ko ng pagsasalita sa inyo, malaki ang aking kapurihan dahil sa inyo: ako'y puspos ng kaaliwan, nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22

Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:4

Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:2

Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:17-18

Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat: At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:1

Sa katapustapusan, mga kapatid ko, mangagalak kayo sa Panginoon. Ang pagsulat ko nga sa inyo ng mga gayon ding bagay, sa akin ay tunay na hindi nakangangalay, nguni't sa inyo'y katiwasayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:4

Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:7

At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:11

Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 1:6

At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, na may katuwaan sa Espiritu Santo;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:16

Mangagalak kayong lagi;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:4

Na kinasasabikan kong makita kita, na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:2

Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:2-3

Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios. Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa. Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili. Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin: Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya. Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa. Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan. Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:13

Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya'y manalangin. Natutuwa ang sinoman? awitin niya ang mga pagpupuri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:8

Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:13

Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:11

Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid: at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:5

Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:6

Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo: nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:1

Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 9:3

Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:24

Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:14

At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:18-20

At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu; Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon; At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy. Na kayo'y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:27

Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Sa kabila ng lahat, ang Diyos ko ay mabuti at walang hanggan ang Kanyang awa at kabutihan. Kay dakila ng Kanyang kapangyarihan! Nagpupugay ako sa Iyong mga kahanga-hangang gawa, Panginoon ko, dahil walang kapantay sa Iyo. Ama, salamat po dahil sa Iyo matatagpuan ang lubos na kagalakan. Nagagalak ako dahil malaya kong nadarama ang Iyong presensya, sapagkat tanging sa pamamagitan ng Iyong minamahal na Espiritu Santo ko lamang matatagpuan ang tunay na kaligayahan. Salamat po sa lahat ng mabuti at masama, dahil ito ang mga pagkakataong ipinagkakaloob Mo upang maipakita ang Iyong wagas na pagmamahal sa akin. Alam ko pong sa mga nagmamahal sa Iyo, lahat ng bagay ay gumagawa para sa ikabubuti. Turuan Mo akong mamuhay araw-araw na taglay ang bunga ng Iyong Espiritu, upang ang kagalakan ay masasalamin sa aking salita at gawa, at maipadama ko ito sa mga nakakasalamuha ko. Panginoong Hesus, tulungan Mo akong magkaroon ng pusong mapagpasalamat sa lahat ng pagkakataon, nawa'y manatili ang Iyong kagalakan sa akin, kahit sa pinakamahihirap na sitwasyon. Alam kong may mahalagang layunin, aral, at karanasang matututunan sa bawat pangyayari. Panginoon, nawa'y hindi magwakas ang kagalakang ito upang malampasan ko ang bawat araw, hanggang sa dumating ang panahon para sa pinakadakilang kagalakan – ang paghahanda para sa maluwalhating pagtatagpo natin. Sabi Mo nga sa Iyong salita: "Ituturo Mo sa akin ang landas ng buhay; sa Iyong harapan ay may lubos na kagalakan; sa Iyong kanang kamay ay may walang hanggang kaligayahan." Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas