Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pag-aaral

111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pag-aaral

Alam mo, ang pagbabasa ng Salita araw-araw, 'yan ang pinaka-epektibong paraan para maisaulo mo ito. Maglaan ka ng oras, 'yung tipong wala kang ibang iisipin kundi ang pakikipag-usap sa Kanya. Maghanap ka ng lugar kung saan kayo lang ng Espiritu Santo. Doon mo mararamdaman na wala kang ibang mafofocus-an kundi Siya.

Kapag nandoon ka na, gawin mo 'to: Una, basahin mo nang malakas. Paulit-ulit, mga dalawa o tatlong beses. Mas madali kasing maaalala 'pag naririnig mo mismo.

Pangalawa, isulat mo. Mas nakakatulong 'yun para ma-familiarize ka sa binabasa mo at mas tumatak sa isip mo.

Pangatlo, magnilay-nilay ka. Importante sa isang Kristiyano ang pagmumuni-muni. Dapat nating gawing habit 'yan.

Napakahalaga na ingatan mo sa puso mo ang Salita ng Diyos at matuto ka rito. May mga talata, kabanata, o libro sa Bibliya na talagang babago sa buhay mo. Tandaan mo, simple lang 'to basta't bukal sa loob mo ang pagbabasa at pag-aaral ng Salita Niya.


Mga Kawikaan 1:5

Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:7

Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:15

Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman; at ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:66

Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:12

Sapagka't ang karunungan ay sanggalang, sa makatuwid baga'y gaya ng salapi na sanggalang: nguni't ang karilagan ng kaalaman, ay iniingatan ng karunungan ang buhay niya na nagtatangkilik niyaon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:6

Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:8

Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:9

Turuan mo ang pantas, at siya'y magiging lalong pantas pa: iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:105

Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:4

Sapagka't ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:16

Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:15

Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:14

Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:15-16

Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong; Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:7

Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:130

Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:29

Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:25

Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:18

Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:9

Kanino siya magtuturo ng kaalaman? at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:9

Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:14

Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:97

Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 5:12-14

Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas. Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol. Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:12

At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:13

Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 28:28

At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:5

Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:18

Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:10

Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:16

Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:72

Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:28-31

Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man; walang makatarok ng kaniyang unawa. Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan. Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios. Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal: Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:24-25

Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato: At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 3:18-19

Sinabi ko sa puso ko, Dahil sa mga anak ng mga tao, upang subukin sila ng Dios, at upang kanilang makita na sila'y mga hayop lamang. Sapagka't ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop: sa makatuwid baga'y isang bagay ang nangyari sa kanila: kung paanong namamatay ang hayop, gayon namamatay ang tao; oo, silang lahat ay may isang hininga; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop: sapagka't lahat ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:7-8

Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal. Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:5

Ang pantas na tao ay malakas; Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:20

Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:10

At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:4-5

Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:103

Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:12-13

Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig; Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:17

Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:1

Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:30-31

Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan, at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan. Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso, walang madudulas sa kaniyang mga hakbang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:31

Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:2

Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: nguni't nasa mababa ang karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:100

Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:19-20

Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:17

Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:20

Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:17

Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:2

Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:15

Magsipag ka sa mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:34

Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:21

Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait: at ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:12

Na huwag kayong mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:15

May ginto, at saganang mga rubi: nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:111

Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:14

At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:22

Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 2:12

Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:86

Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:25

Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 10:5

Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:10-11

Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto. Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:27

At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa kaniya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:3-4

At ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig. Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:6

Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:5

Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob; at sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo; huwag tanggihan ng aking ulo: sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:19

Karunungan ay kalakasan sa pantas, na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:3-5

Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago. Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:5

Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:20-21

Oh Timoteo, ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman; Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:8

Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:1

Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:3

Na siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:58

Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:20

Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:7

Kaniyang ipinabatid ang kaniyang mga daan kay Moises, ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:15

Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:9

At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 1:18

Sapagka't sa maraming karunungan at maraming kapanglawan: at siyang nananagana sa kaalaman ay nananagana sa kapanglawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:15

Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita: nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:151

Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 10:17

Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 77:6

Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:18-19

Sinoma'y huwag magdaya sa kaniyang sarili. Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong. Sapagka't ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:164

Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 6:5

At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:1

Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:27

At pagsagot niya'y sinabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 1:5

Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: kung paanong ako'y suma kay Moises, ay gayon ako sasa iyo: hindi kita iiwan ni pababayaan kita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 7:14

Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:23

At natupad ang kasulatan na nagsasabi, At si Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na kaibigan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:23

Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:1

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:4

Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 150:6

Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 13:34

Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:1

Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1

Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal na Espiritu Santo, kay ganda mo, aking taga-aliw. Ikaw ang gumagabay sa akin sa buong katotohanan at nagtuturo ng makabubuti sa aking kaluluwa. Ikaw ang nagpapalakas, sumasaway, at bumabangon sa akin sa pamamagitan ng iyong salita. Ama, sa ngalan ng iyong minamahal na anak na si Hesus, lumalapit ako sa iyong harapan upang hilingin na linisin mo ang aking isip at puso, habang naghahanda akong basahin ang iyong salita. Hinihiling ko na punuin mo ako ng karunungan upang maunawaan at maitago ko sa aking puso ang bawat talata. Buksan mo ang mga mata ng aking pang-unawa, Panginoon, upang matutunan ko ang mga ito sa pamamagitan ng puso, Espiritu Santo, upang masabi ko rin ang panalangin ni David, “Itinago ko ang iyong salita sa aking puso, upang huwag akong magkasala laban sa iyo.” Hinihiling ko ang isang bagong pag-iisip, pahiran mo ang bawat selula ng aking utak, bawat neuron upang maalala nang wasto ang iyong mga magagandang salita sapagkat nasusulat, “Kamangha-mangha ang iyong mga patotoo; kaya't iniingatan sila ng aking kaluluwa. Ang pagpapaliwanag ng iyong mga salita ay nagbibigay liwanag; nagbibigay ng pang-unawa sa mga musmos.” Ama, hinihiling ko na matagumpay na maalala ng aking isipan ang aking binabasa ngayon, pati na rin ang lahat ng materyal na kailangan kong pag-aralan. Idinedeklara ko na walang anumang isipin o ingay ang makakagambala sa akin upang matutuhan ko ito nang tama nang walang dinadagdag at lalong walang binabawas na salita. Gabayan mo ako, Banal na Espiritu ng Diyos. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas