Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


98 Mga talata tungkol sa Pagwawalang-bahala ng Diyos sa mga Sakripisyo sa mga Idolo

98 Mga talata tungkol sa Pagwawalang-bahala ng Diyos sa mga Sakripisyo sa mga Idolo


Deuteronomio 32:17

Naghandog sila sa mga demonyo na hindi tunay na dios – mga dios na hindi nila kilala at kailan lang lumitaw, at hindi iginalang ng kanilang mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:37-38

Inihandog nila ang kanilang mga anak sa mga demonyo na mga dios-diosan ng Canaan. Dahil sa pagpatay nila sa walang malay nilang mga anak, dinungisan nila ang lupain ng Canaan

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 32:8

Napakadali nilang tumalikod sa mga itinuro ko sa kanila. Gumawa sila ng dios-diosang baka at sinamba nila ito. Naghandog ang mga Israelita sa dios-diosang ito at sinabi, ‘Ito ang dios natin na naglabas sa atin sa Egipto.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 32:35

Nagtayo sila ng mga sambahan para kay Baal sa Lambak ng Ben Hinom at doon din nila inihahandog ang kanilang mga anak kay Molec. Hindi ko sila inutusan ng ganoon. Ni hindi sumagi sa isipan ko na gagawin nila itong kasuklam-suklam na bagay na siyang naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Juda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 28:3

Nagsunog siya ng mga handog sa Lambak ng Ben Hinom, at inihandog niya mismo sa apoy ang kanyang mga anak na lalaki. Sinunod niya ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 8:10

Kaya pumasok ako at nakita kong nakaukit sa buong pader ang lahat ng uri ng hayop na gumagapang, mga hayop na itinuturing na marumi at lahat ng mga dios-diosan ng mga mamamayan ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 23:10

Ipinagiba rin ni Josia ang altar ng Tofet, sa Lambak ng Ben Hinom, para walang sinumang maghahandog ng mga anak nila sa pamamagitan ng apoy para kay Molec.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:28

Inihandog nila ang kanilang mga sarili sa dios-diosang si Baal doon sa bundok ng Peor, at kumain sila ng mga handog na inialay sa mga patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 15:23

Ang pagsuway sa Panginoon ay kasinsama ng pangkukulam at ang katigasan ng uloʼy kasinsama ng pagsamba sa mga dios-diosan. Dahil sa pagsuway mo sa salita ng Panginoon, inayawan ka rin niya bilang hari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:3

Ginagalit nila ako. Ipinapakita nila sa akin ang patuloy nilang pagsamba sa kanilang mga dios-diosan sa pamamagitan ng paghahandog sa mga halamanan at pagsusunog ng mga insenso sa bubong ng kanilang mga bahay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 11:2

Pero ngayon, kahit na patuloy kong tinatawag ang mga mamamayan ng Israel, lalo pa silang lumayo sa akin. Naghahandog sila at nagsusunog ng mga insenso sa dios-diosang si Baal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 15:20

Sa halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga dios-diosan, dahil itoʼy itinuturing nating marumi. Iwasan nila ang sekswal na imoralidad. At huwag kakain ng dugo o karne ng hayop na namatay nang hindi tumulo ang dugo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:14

Kaya mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 44:8

Bakit ninyo ako ginagalit sa paggawa ninyo ng inyong mga dios? Nagsusunog pa kayo ng mga insenso para sa mga ito dito sa Egipto kung saan kayo ngayon naninirahan. Ipinapahamak ninyo ang sarili ninyo at ginagawa ninyong kasuklam-suklam at kahiya-hiya sa lahat ng bansa sa daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 20:27

Kung mayroong espiritista sa inyo na nakikipag-usap sa mga kaluluwa ng patay, kailangang batuhin ninyo siya hanggang sa mamatay. Siya ang responsable sa kanyang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 23:24

Pinalayas din ni Josia sa Jerusalem at sa buong Juda ang mga espiritista na nakikipag-usap sa mga kaluluwa ng patay, ang mga dios ng mga tahanan, ang iba pang mga dios-diosan at ang lahat ng kasuklam-suklam na sinasamba ng mga tao. Ginawa ito ni Josia para tuparin ang mga utos na nakasulat sa aklat na nakita ng paring si Hilkia sa templo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:6

“Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Hari at Tagapagligtas ng Israel, ang Panginoong Makapangyarihan: Ako ang simula at wakas ng lahat. Maliban sa akin ay wala nang iba pang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:15-17

Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagamit niyang panggatong para pampainit at panluto ng pagkain. At ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawa niyang rebulto na niluluhuran at sinasamba. Ang ibang piraso naman ay ipinanggagatong niya at sa baga nitoʼy nag-iihaw siya ng karne, pagkatapos ay kumakain at nabubusog. Nagpapainit din siya sa apoy at sinasabi niya, “Ang sarap ng init.” At ang ibang piraso ay ginagawa niyang rebulto at sa rebultong itoʼy nananalangin siya ng ganito, “Iligtas mo ako, sapagkat ikaw ang aking dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 26:1

Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan katulad ng mga inukit na imahen, mga alaalang bato, o batong may larawan para sambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 10:26

at kinuha nila roon ang alaalang bato at dinala sa labas ng templo, at sinunog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 9:20

Ngunit ang mga tao na natitirang buhay ay ayaw pa ring tumalikod sa mga dios-diosang ginawa nila. Patuloy pa rin sila sa pagsamba sa masasamang espiritu at mga rebultong yari sa ginto, pilak, tanso, bato, at kahoy. Ang mga rebultong ito ay hindi nakakakita, hindi nakakarinig, at hindi nakakalakad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:21

Hindi tayo maaaring makiinom sa baso ng Panginoon at sa baso ng masasamang espiritu, at hindi rin tayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng masasamang espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 9:12

At sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Bumaba ka agad dahil ang mga mamamayan na pinangunahan mo sa paglabas sa Egipto ay naging masama na. Napakadali nilang tumalikod sa mga tuntunin na iniutos ko sa kanila at gumawa sila ng mga dios-diosan para sambahin nila.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 32:29

Susunugin nila ito, lalo na ang mga bahay na ang mga bubungan ay sinusunugan ng mga insenso para kay Baal at hinahandugan ng mga handog na inumin para sa mga dios-diosan na labis kong ikinagalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:10-11

Hindi ko tinutukoy dito ang mga taong hindi sumasampalataya sa Dios – ang mga imoral, sakim, magnanakaw, at sumasamba sa dios-diosan. Dahil kung iiwasan ninyo sila, kinakailangan nʼyo talagang umalis sa mundong ito. Ang tinutukoy ko na huwag ninyong pakikisamahan ay ang mga nagsasabing silaʼy mga kapatid sa Panginoon pero mga imoral, sakim, sumasamba sa dios-diosan, mapanlait, lasenggo, at magnanakaw. Ni huwag kayong makisalo sa kanila sa pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:17-19

Ginamit mo rin ang mga pilak at gintong alahas na ibinigay ko sa iyo sa paggawa ng mga lalaking dios-diosan na sinamba mo. Kaya para ka na ring nangalunya. Pinadamitan mo ang mga dios-diosang iyon ng mga damit na may mga burda na ibinigay ko sa iyo at inihandog mo sa kanila ang mga langis ko at insenso. Inihandog mo rin sa kanila ang mga pagkaing ibinigay ko sa iyo mula sa magandang klaseng harina, pulot at langis ng olibo. Inihandog mo ito sa kanila bilang mabangong handog. Oo, iyan nga ang nangyari. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:22

Ituring na ninyong marumi ang inyong mga dios-diosang gawa sa pilak at ginto. Itapon nʼyo na parang napakaruming basahan at sabihin, “Ayaw ko nang makita kayo!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:21

Pinagselos nila ako sa mga hindi tunay na dios, at ginalit nila ako sa kanilang walang kwentang mga dios-diosan. Kaya pagseselosin ko rin sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa ibang mga lahi. Gagalitin ko sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa mga mangmang na bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 13:2

Hanggang ngayon, kayo na tinatawag na Efraim ay patuloy pa rin sa paggawa ng kasalanan. Gumagawa kayo ng mga dios-diosan mula sa inyong mga pilak upang sambahin. Pero ang lahat ng ito ay gawa lamang ng tao at ayon lang sa kanyang naisip. Sinasabi pa ninyo na maghahandog kayo ng tao sa mga dios-diosang baka at hahalik sa mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:13

Sa halip, gibain ninyo ang mga altar nila, durugin ang mga alaalang bato nila, at putulin ang mga posteng simbolo ng diosang si Ashera.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:39

pati ang kanilang mga sarili. Dahil sa kanilang ginawang iyon, nagtaksil sila sa Dios katulad ng babaeng nakikiapid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:5

Kaya sinabi ko na agad sa inyo ang aking gagawin. Noong hindi pa ito nangyayari, sinabi ko na ito sa inyo para hindi ninyo masabing ang inyong mga rebultong dios-diosan na gawa sa kahoy at bakal ang siyang humula at nagsagawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:8

Ang mga gumawa ng mga dios-diosan at nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 11:33

Gagawin ko ito dahil itinakwil niya ako at sinamba si Ashtoret, ang diosa ng mga Sidoneo, si Kemosh, ang dios ng mga Moabita at si Molec, ang dios ng mga Ammonita. Hindi siya sumunod sa aking mga pamamaraan at hindi siya namuhay nang matuwid sa aking paningin. Hindi siya tumupad sa aking mga tuntunin at mga utos; hindi tulad ng ama niyang si David.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:30-31

Sinabi ng Panginoon, “Gumawa ng masama ang mga tao ng Juda. Inilagay nila ang mga kasuklam-suklam nilang dios-diosan doon sa templo, ang lugar na pinili ko kung saan ako pararangalan, kaya nadungisan ito. Nagtayo rin sila ng sambahan sa matataas na lugar sa Tofet, sa Lambak ng Ben Hinom, para roon nila sunugin ang mga anak nila bilang handog. Hindi ko ito iniutos sa kanila ni pumasok man lang sa isip ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:21

Mga anak, lumayo kayo sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 18:15

Pero ang aking mga mamamayan ay nakalimot na sa akin. Nagsusunog sila ng insenso sa walang kwentang mga dios-diosan. Iniwan nila ang tama at dating daan, at doon sila dumaan sa daang hindi mabuti kung saan silaʼy nadapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:13

“Sundin ninyong mabuti lahat ng sinabi ko sa inyo. Huwag kayong mananalangin sa ibang dios o babanggit ng pangalan nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:8

Ako ang Panginoon! Iyan ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay kaninuman o sa mga dios-diosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 26:30

Wawasakin ko ang inyong mga sambahan sa matataas na lugar, pati na ang mga altar na pagsusunugan ng insenso. Itatapon ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga patay nʼyong dios-diosan. At itatakwil ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:11

Sabihin ninyo sa mga sumasamba sa ibang mga dios, “Ang inyong mga dios na hindi lumikha ng langit at lupa ay mawawala sa mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:18

Kaya kanino ninyo maihahambing ang Dios? O saan ninyo siya maitutulad?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 135:15-18

Ang mga dios ng ibang mga bansa ay mga yari sa pilak at ginto na gawa ng tao. May mga bibig, ngunit hindi nakakapagsalita; may mga mata, ngunit hindi nakakakita. May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig, at silaʼy walang hininga. Ang mga gumawa ng dios-diosan at ang lahat ng nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito na walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 7:3

Sinabi ni Samuel sa kanila, “Kung taos sa puso ninyo ang pagbabalik-loob sa Panginoon, itapon ninyo ang inyong mga dios-diosan pati na ang imahen ni Ashtoret. Ilaan ninyo ang inyong buhay sa Panginoon lamang at siya lang ang inyong paglingkuran. Kung gagawin ninyo ang mga ito, ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 14:6-7

“Kaya sabihin mo ngayon sa mga Israelitang ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Magsisi kayo at itakwil na ang mga dios-diosan ninyo at talikuran ang lahat ng kasuklam-suklam ninyong mga gawa. Ang sinumang Israelita o hindi Israelitang nakatira sa Israel, na lumayo sa akin at nagmamahal sa mga dios-diosan na siyang nagtulak sa kanya sa pagkakasala, at pagkatapos ay humingi ng payo sa akin sa pamamagitan ng paglapit sa mga propeta, ako, ang Panginoon, ang tuwirang sasagot mismo sa kanya sa pamamagitan ng parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:8

Pero nakakatakot ang sasapitin ng mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga dios-diosan, at lahat ng sinungaling. Itatapon sila sa nagliliyab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:14

Mga hangal at mangmang ang mga sumasamba sa mga dios-diosan. Mapapahiya lang ang mga platerong gumawa ng mga dios-diosan nila, dahil hindi naman totoong dios ang mga ito. Wala silang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 14:3

“Anak ng tao, ang mga taong iyan ay nagmamahal sa mga dios-diosan na siyang nagtulak sa kanila sa pagkakasala, kaya hindi ako makakapayag na humingi sila ng payo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 17:29

Dahil tayo nga ay mga anak ng Dios, huwag nating isipin na ang Dios ay katulad ng dios-diosang ginto, pilak, o bato na pawang imbento ng isip at kamay ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:18

At tuluyan nang mawawala ang mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:3

Pero kayong mga lahi ng mga mangkukulam, ng mga nangangalunya, at ng mga babaeng bayaran, lumapit kayo at nang kayoʼy mahatulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 37:23

Hindi na nila dudungisan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga karumal-dumal na dios-diosan at paggawa ng anumang kasalanan, dahil ililigtas ko sila sa lahat ng pagkakasala nila. Lilinisin ko sila para maging mga mamamayan ko sila, at ako ang magiging Dios nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:6

Noong panahon ng paghahari ni Josia, sinabi sa akin ng Panginoon, “Nakita mo ba ang ginawa ng taksil na Israel? Sumamba siya sa mga dios-diosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. Para siyang babaeng nangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 2:13

“Gumawa ang mga mamamayan ko ng dalawang kasalanan: Itinakwil nila ako, ang bukal na nagbibigay-buhay, at sumamba sila sa ibang mga dios, na para bang naghukay sila ng lalagyan ng tubig na natutuyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:4

“Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan na anyo ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:29

Lahat ng mga dios-diosan ay walang kabuluhan, at walang magagawang anuman. Para silang lalagyan na puro hangin ang laman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 17:7

Kaya hindi na kayo dapat maghandog sa mga demonyo na mukhang kambing, dahil ito ang maglalayo sa inyo sa Panginoon. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito, kayo at ng susunod pang mga henerasyon magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:18

Ang mga kabataan ay nangangahoy, ang mga ama ay nagpapaningas ng apoy, ang mga babae ay nagmamasa ng harina para gawing tinapay para sa Reyna ng Langit. Naghahandog din sila ng mga inumin sa ibang mga dios para galitin ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:10

Hangal ang taong gumagawa ng mga rebultong hindi naman napapakinabangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 11:13

“Kayong mga taga-Juda, kay dami nʼyong dios-diosan, kasindami ng mga bayan ninyo. At kung gaano karami ang lansangan sa Jerusalem, ganoon din karami ang altar na itinayo nʼyo para pagsunugan ng insenso para sa kasuklam-suklam na dios-diosang si Baal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 20:26

Pinabayaan ko silang dungisan ang mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahandog sa mga dios-diosan pati na ang paghahandog ng kanilang mga panganay na lalaki. Pinayagan ko ito para mangilabot sila at malaman nilang ako ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:3-5

“Huwag kayong sasamba sa ibang mga dios maliban sa akin. “Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan na anyo ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig. Huwag ninyo itong paglilingkuran o sasambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios ay ayaw na may sinasamba kayong iba. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 12:31

Huwag ninyo itong gagawin para sambahin ang Panginoon na inyong Dios, dahil sa kanilang pagsamba, ginagawa nila ang lahat ng klase ng kasuklam-suklam na bagay na kinasusuklaman ng Panginoon. Sinusunog pa nila ang mga anak nila bilang handog sa kanilang mga dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:16-17

Pinagselos nila at ginalit ang Panginoon dahil sa kanilang pagsamba sa mga dios na kasuklam-suklam. Naghandog sila sa mga demonyo na hindi tunay na dios – mga dios na hindi nila kilala at kailan lang lumitaw, at hindi iginalang ng kanilang mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:58

Pinanibugho nila ang Dios at ginalit dahil sa mga dios-diosan sa mga sambahan sa matataas na lugar.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:5

Sinasamba ninyo ang inyong mga dios-diosan sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy na itinuturing nʼyong banal. Inihahandog ninyo ang inyong mga anak sa mga daluyan ng tubig sa paanan ng mga burol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 17:17

Inihandog nila ang mga anak nila sa apoy. Sumangguni sila sa mga manghuhula, gumamit ng pangkukulam at ipinagbili ang sarili nila sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at ito ang nakapagpagalit sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 19:4-5

Gagawin ko ito dahil itinakwil ako ng mga mamamayan ko at ginawa nilang handugan ng mga handog na sinusunog para sa mga dios-diosan ang kapatagang ito. Hindi naman nila kilala ang mga dios-diosang ito, at hindi rin kilala ng mga ninuno nila o ng mga hari sa Juda. Pumatay pa sila ng mga walang malay na bata sa lugar na ito. Nagtayo sila ng mga sambahan para kay Baal, at sinunog nila roon ang mga anak nila bilang mga handog sa kanya. Hindi ko ito iniutos sa kanila, ni hindi man lang ito pumasok sa isip ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 20:31

Ngayon nga ay dinudumihan ninyo ang inyong sarili sa pamamagitan ng paghahandog sa mga dios-diosan pati na ang paghahandog ninyo ng inyong mga anak na lalaki bilang handog na sinusunog. Kaya mga mamamayan ng Israel, ako, ang Panginoong Dios na buhay, ay hindi magbibigay ng payo sa inyo kahit humingi kayo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 5:13

Hindi na kayo sasamba sa mga imahen at sa mga alaalang bato na inyong ginawa, dahil wawasakin ko ang mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:13

Tigilan nʼyo na ang pagdadala ng mga handog na walang silbi. Nasusuklam ako sa amoy ng mga insenso ninyo. Hindi ko na matiis ang mga pagtitipon nʼyo kapag Pista ng Pagsisimula ng Buwan at kapag Araw ng Pamamahinga, dahil kahit na nagtitipon kayo, gumagawa kayo ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:9

sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosang bato at kahoy, kaya dinungisan niya ang lupain. Hindi siya nababahala sa pagsamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:36

Ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Ipinakita mo ang iyong kahalayan at kahubaran sa mga mangingibig mo at sa mga kasuklam-suklam mong dios-diosan. Pinatay mo ang mga anak mo at inihandog sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:24

Huwag kayong sasamba o maglilingkod sa mga dios-diosan nila, o tutularan ang mga ginagawa nila. Durugin ninyo ang kanilang mga dios-diosan, at gibain ang mga alaalang bato nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:20

Hindi! Ang ibig kong sabihin ay inialay nila ang mga handog na iyan sa masasamang espiritu at hindi sa Dios. Ayaw kong maging kabahagi kayo ng masasamang espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:19

At kung may magtatanong, ‘Bakit ginawa ng Panginoon na ating Dios ang lahat ng ito sa atin?’ Sabihin mo sa kanila, ‘Dahil itinakwil ninyo ang Panginoon at naglingkod kayo sa ibang mga dios sa sarili ninyong lupain. Kaya ngayon, maglilingkod kayo sa mga dayuhan sa lupaing hindi inyo.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 21:11

“Gumawa si Haring Manase ng Juda ng mga kasuklam-suklam na gawain, na mas masama pa kaysa sa ginawa ng mga Ammonitang nakatira sa lupaing ito bago dumating ang mga Israelita. Inudyukan niya ang mga taga-Juda sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:9

Kayo ay nagnanakaw, pumapatay, nangangalunya, sumasaksi nang may kasinungalingan, naghahandog ng mga insenso kay Baal, at sumasamba sa ibang mga dios na hindi nʼyo nakikilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 17:15-16

Itinakwil nila ang tuntunin ng Panginoon, ang kasunduang ginawa niya sa mga ninuno nila, at hindi rin sila nakinig sa mga babala niya. Sinunod nila ang mga walang kwentang dios-diosan at silaʼy naging walang kwenta na rin. Ginawa nila ang mga bagay na ipinagbabawal ng Panginoon na ginagawa ng mga bansang nakapalibot sa kanila. Itinakwil nila ang lahat ng utos ng Panginoon na kanilang Dios. Gumawa sila ng larawan ng dalawang guya at posteng simbolo ng diosang si Ashera. Sumamba sila sa lahat ng bagay na nasa langit, at kay Baal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 29:26

Sumamba sila at naglingkod sa ibang mga dios na hindi nila nakikilala, na ipinagbawal ng Panginoon na sambahin nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:4

Kaya kung tungkol sa mga pagkaing inialay sa mga dios-diosan, alam natin na ang mga dios-diosang itoʼy hindi totoong Dios, dahil iisa lamang ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:4-8

Ngunit ang kanilang mga dios ay yari sa pilak at ginto na gawa lang ng tao. May bibig sila, ngunit hindi nakakapagsalita; may mga mata, ngunit hindi nakakakita. May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig; may ilong, ngunit hindi nakakaamoy. May mga kamay, ngunit hindi nakakahawak; may mga paa, ngunit hindi nakakalakad, at kahit munting tinig ay wala kang marinig. Ang mga gumawa ng mga dios-diosan at nagtitiwala rito ay matutulad sa mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:20

Sinabi pa ng Panginoon, “Magtipon kayong lahat at lumapit sa akin, kayong mga tumakas mula sa mga bansa. Walang alam ang mga nagdadala ng mga dios-diosan nilang kahoy. Nananalangin sila sa mga dios-diosang ito, na hindi naman makapagliligtas sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:1-2

Ang mga dios-diosan ng Babilonia na sina Bel at Nebo ay nakahiga habang ikinakarga sa mga karwahe na hinihila ng mga asno. Mabibigat sila, karga ng mga pagod na hayop. Sa simula pa lang, sinabi ko na ang mga mangyayari sa hinaharap. Ang aking mga inihayag ay magaganap, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin. Tatawag ako ng isang tao mula sa silangan sa malayong lugar, at siya ang magsasagawa ng aking mga plano. Maitutulad ko siya sa isang ibong mandaragit. Isasagawa ko ang aking mga sinabi at plinano. Makinig kayo sa akin kayong matitigas ang ulo. Hindi ninyo mararanasan ang tagumpay at katuwiran. Hindi na magtatagal, ibibigay ko na ang tagumpay at katuwiran sa Jerusalem. Malapit ko na itong iligtas; pararangalan ko ang Israel. Nakahiga nga sila, at hindi nila kayang iligtas ang kumakarga sa kanila, kaya pati sila ay nabihag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:25

Ipinagpalit nila sa kasinungalingan ang katotohanan tungkol sa Dios. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha sa halip na ang Manlilikha na siyang dapat papurihan magpakailanman. Amen!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:15

Pero maiiwan sa labas ang masasamang tao, mga mangkukulam, mga imoral, mga mamamatay-tao, mga sumasamba sa mga dios-diosan, at ang lahat ng nabubuhay sa kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 2:8

Marami silang dios-diosan, at sinasamba nila ang mga bagay na ito na sila mismo ang gumawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:6

Panginoon, namumuhi ako sa mga sumasamba sa mga dios-diosan na walang kabuluhan, dahil sa inyo ako nagtitiwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:19

Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 10:3-5

Walang kabuluhan ang kaugalian ng mga taong iyon. Pumuputol sila ng puno sa gubat at pinauukitan nila sa mahuhusay na mang-uukit. Pagkatapos, pinapalamutian nila ng pilak at ginto, at pinapakuan ng mabuti para hindi matumba. Ang mga dios-diosang itoʼy parang taong panakot ng ibon sa bukid na hindi nakakapagsalita. Kailangan pa itong buhatin dahil hindi ito nakakalakad. Huwag kayong matakot sa mga dios-diosang ito dahil hindi sila makakagawa ng masama at hindi rin makakagawa ng mabuti.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:5

Kaya patayin nʼyo na ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang sekswal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 8:19-20

Kapag may mga nagsasabi sa inyong humingi kayo ng mensahe mula sa mga patay sa pamamagitan ng mga mangkukulam at mga espiritistang bumubulong-bulong, huwag ninyong gagawin iyon. Hindi ba dapat sa Dios kayo humingi ng mensahe? Bakit sa mga patay kayo nagtatanong tungkol sa mga buhay? Kumuha ako ng dalawang mapagkakatiwalaang saksi na magpapatunay na isinulat ko nga ito. Sila ay sina Uria na pari, at Zacarias na anak ni Jeberekia. Ang kautusan at katuruan ng Panginoon ang dapat ninyong pakinggan. Kapag may mga nagsasabi ng mga bagay na salungat sa mga itinuturo ng Panginoon, nadidiliman pa ang pag-iisip ng mga taong iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:4

Kayong mga hindi tapat sa Dios, hindi nʼyo ba alam na kaaway ng Dios ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Dios ang sarili niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:18-19

Sapagkat maraming namumuhay na salungat sa aral tungkol sa kamatayan ni Cristo sa krus. Ilang ulit ko nang sinabi sa inyo ang tungkol sa kanila, at naluluha akong ipaalala ulit ito sa inyo ngayon. Kapahamakan ang kahihinatnan nila dahil dinidios nila ang kanilang tiyan. Ipinagmamalaki pa nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga makamundong bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:24

“Walang taong makapaglilingkod nang sabay sa dalawang amo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Dios at sa kayamanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas