Huwag ninyong babalikan ang mga inaalihan ng masasamang espiritu ni ang mga mangkukulam: huwag ninyong hanapin na magpakahawa sa kanila: ako ang Panginoon ninyong Dios.
At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit.
Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.
Nguni't tungkol sa inyo, huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta, o ang inyong mga manghuhula man, o ang inyong mga panaginip man, o ang inyong mga mapamahiin man, o ang inyong mga manggagaway man, na nangagsasalita sa inyo, na nagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia:
Ikaw ay yamot sa karamihan ng iyong mga payo: magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit, at ng mga bituin, ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan, at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo. Narito, sila'y magiging gaya ng pinagputulan ng trigo; susunugin sila ng apoy; sila'y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab: hindi babaga na mapagpapainitan, o magiging apoy na mauupuan sa harap.
At ang taong magbalik sa inaalihan ng masamang espiritu at sa mga mangkukulam, upang manalig sa mga yaon ay itititig ko ang aking mukha laban sa taong yaon, at ihihiwalay ko siya sa kaniyang bayan.
At aking ihihiwalay ang mga panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga manghuhula:
At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay?
Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.
Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man.
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip.
Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot.
Sapagka't ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan, at ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan; at sila'y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip, sila'y nagsisialiw ng walang kabuluhan: kaya't sila'y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa, sila'y nadadalamhati, sapagka't walang pastor.
At kanilang pinaraan ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy, at nagsihilig sa panghuhula at mga panggagaway, at nangapabili upang magsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit.
Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.
Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;
At nangyari, na nang kami'y nagsisiparoon sa mapapanalanginan, ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula, at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula. Siya'y sumusunod kay Pablo at sa amin at nagsisigaw, na sinasabi, Mga alipin ng Kataastaasang Dios ang mga taong ito, na nagsisipangaral sa inyo ng daan ng kaligtasan. At maraming mga araw na ginawa niya ito. Datapuwa't palibhasa'y si Pablo ay totoong nababagabag, ay lumingon at sinabi sa espiritu, Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesucristo na lumabas ka sa kaniya. At ito ay lumabas nang oras ding yaon.
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.
Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon.
Nguni't ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali, sa isang araw, ang pagkawala ng mga anak at pagkabao; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo, sa karamihan ng iyong panggagaway, at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto.
At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at sila'y nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon.
At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.
Sapagka't ang mga bansang ito, na iyong aariin, ay nakikinig sa kanila na nagmamasid ng mga pamahiin, at sa mga manghuhula: nguni't tungkol sa iyo, ay hindi pumayag ang Panginoon mong Dios na gawin mo.
Sapagka't iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob, sapagka't sila'y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan, at mga enkantador gaya ng mga Filisteo, at sila'y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa.
Huwag kayong kakain ng anomang may dugo: ni huwag kayong mag-eenkanto ni magpapamahiin.
Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon.
Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari.
Nguni't sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na Thisbita, Ikaw ay bumangon, umahon ka na salubungin mo ang mga sugo ng hari ng Samaria, at sabihin mo sa kanila, Dahil ba sa walang Dios sa Israel, na kaya kayo'y nagsisiyaon upang magsipagusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron?
At hindi kakaunti sa mga nagsisigamit ng mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga aklat, at pinagsusunog sa paningin ng lahat; at kanilang binilang ang halaga niyaon, at nasumpungang may limampung libong putol na pilak.
Sa gayo'y namatay si Saul dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang nagawa laban sa Panginoon, dahil sa salita ng Panginoon na hindi niya iningatan; at dahil naman na siya'y nakipagsanggunian sa masamang espiritu, upang pagsiyasatan.
At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na aking ihihiwalay sa lupain ang mga pangalan ng mga diosdiosan, at sila'y hindi na mangaaalaala pa; at aking palalayasin naman ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain.
Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo,
Sapagka't mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan. Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.
Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya.
At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol.
Nang magkagayo'y tinawag naman ni Faraon ang mga marunong at ang mga manghuhula, at sila naman na mga mahiko sa Egipto, ay gumawa sa gayon ding paraan ng kanilang mga pag-enkanto.
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman!
Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa libis ng anak ni Hinnom: at siya'y nagpamahiin, at nagsanay ng panggagaway at nanghula, at nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.
Sapagka't hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sangbahayan ni Israel.
Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang tungkod, at ang kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila; sapagka't ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila, at sila'y nagpatutot, na nagsisihiwalay sa kanilang Dios.
Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.
Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.
Kung may bumangon sa gitna mo na isang manghuhula, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan, At iyong babatuhin siya ng mga bato upang siya'y mamatay, sapagka't kaniyang pinagsikapang ihiwalay ka sa Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. At maririnig ng buong Israel, at matatakot, at hindi na gagawa ng anomang kasamaan pa na gaya nito sa gitna mo. Kung iyong maririnig saysayin ang tungkol sa isa sa iyong mga bayan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang tumahan ka roon, na sasabihin. Ilang hamak na tao ay nagsialis sa gitna mo, at iniligaw ang mga nananahan sa kanilang bayan, na sinasabi, Tayo'y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala; Ay iyo ngang sisiyasatin at uusisain, at itatanong na mainam; at, narito, kung magkatotoo at ang bagay ay tunay, na nagawa sa gitna mo ang gayong karumaldumal; Iyo ngang susugatan ng talim ng tabak, ang mga nananahan sa bayang yaon, na iyong lubos na lilipulin, at ang lahat na nandoon at ang mga hayop doon ay iyong lilipulin ng talim ng tabak. At iyong titipunin ang buong nasamsam doon, sa gitna ng lansangan niyaon, at iyong susunugin sa apoy ang bayan, at ang buong nasamsam doon, na bawa't putol, ay sa Panginoon mong Dios; at magiging isang bunton ng dumi magpakailan man; hindi na muling matatayo. At huwag kang magsasagi ng bagay na itinalaga sa iyong kamay: upang talikdan ng Panginoon ang kabagsikan ng kaniyang galit, at pagpakitaan ka niya ng kaawaan, at mahabag sa iyo at paramihin ka, na gaya ng isinumpa niya sa iyong mga magulang; Pagka iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na iyong gaganapin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios. At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kaniyang pagsalitaan ka, na sabihin, Sumunod tayo sa ibang mga dios, na hindi mo nakikilala, at ating paglingkuran sila; Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip: sapagka't sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Dios, upang maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.
Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto, at sa karamihan ng iyong panggagaway, na iyong ginawa mula sa iyong kabataan: marahil makikinabang ka, marahil mananaig ka.
Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway,
Na nagsasabi sa mga tagakita, Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay:
Ang mga propeta ay nanganghuhula ng kasinungalingan, at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; at iniibig ng aking bayan na magkagayon: at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon?
Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang iyong karumihan ay nahayag, at ang iyong kahubaran ay nalitaw sa iyong mga pakikiapid sa mga mangliligaw sa iyo; at dahil sa lahat ng diosdiosan na iyong mga kasuklamsuklam, at dahil sa dugo ng iyong mga anak, na iyong ibinigay sa kanila;
Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios, Sa mga dios na hindi nila nakilala, Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang, Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang.
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila. Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.
Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway.
Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso, at nagsiyaong paurong at hindi pasulong.
At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, at nagpamahiin, at nagsanay ng panghuhula, at nakipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.
At ang mga mahiko sa Egipto ay gumawa ng gayon din, sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto; at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
Datapuwa't ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,
Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi, Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo. At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at siya'y tinangisan ng di kawasa. Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Ang iyong salapi'y mapahamak na kasama mo, sapagka't inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi.
Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.
Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan:
Ang pagkatuyo ay nasa kaniyang tubig, at mangatutuyo; sapagka't lupain ng mga larawang inanyuan, at sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan.
Sapagka't ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan, sa bukana ng dalawang daan, upang magbadya ng panghuhula: kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo't parito, siya'y sumangguni sa mga diosdiosan, siya'y nagsiyasat sa atay.
Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila.
Kaya't ang kasamaan ay darating sa iyo; hindi mo malalaman ang bukang liwayway niyaon: at kasakunaan ay sasapit sa iyo; hindi mo maaalis: at kagibaan ay darating sa iyong bigla, na hindi mo nalalaman. Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto, at sa karamihan ng iyong panggagaway, na iyong ginawa mula sa iyong kabataan: marahil makikinabang ka, marahil mananaig ka. Ikaw ay yamot sa karamihan ng iyong mga payo: magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit, at ng mga bituin, ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan, at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo.
Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.
At sinabi niya sa kaniya, Ako man ay propeta na gaya mo; at isang anghel ay nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na nagsasabi, Ibalik mo siya na kasama mo sa iyong bahay, upang siya'y makakain ng tinapay at makainom ng tubig. Nguni't siya'y nagbulaan sa kaniya.
Nangasa labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.
At ang mga tagakita ay mangapapahiya, at ang mga manghuhula ay mangatutulig; oo, silang lahat ay mangagtatakip ng kanilang mga labi; sapagka't walang kasagutan ng Dios.
Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo. Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.
Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo. Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita? Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios. At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kasinungalingan: sila'y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan, o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel, o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios.
At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay? At magdadala ako ng mga tapat na saksi upang mangagpaalaala, si Urias na saserdote, at si Zacarias na anak ni Jeberechias. Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.
Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata: aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya: hindi kakapit sa akin.
At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat; Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala, Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang, Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag: Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong manganglupaypay sa mga tanda ng langit; sapagka't ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon.
Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:
Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo.