Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


106 Mga talata sa Bibliya tungkol kay Kristo, Ang Punong Saserdote

106 Mga talata sa Bibliya tungkol kay Kristo, Ang Punong Saserdote

Sa Hebreo, makikilala natin si Hesus bilang ang perpektong Mataas na Saserdote, higit pa sa sinuman. Ang pangunahing tungkulin ng isang mataas na saserdote ay ang maging tagapamagitan sa Diyos at sa tao, nag-aalay ng mga handog at sakripisyo para sa kasalanan ng bayan.

Pero si Hesukristo, higit pa roon ang ginawa. Siya mismo ang naging perpektong handog para sa ating mga kasalanan nang ialay niya ang sarili sa krus. Ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ang nagbukas ng daan para sa ganap at walang hanggang pagkakasundo natin sa Diyos.

Bilang Mataas na Saserdote, si Hesus ang namamagitan para sa atin sa Ama. Alam niya ang ating mga kahinaan at mga pinagdadaanan dahil naranasan din niya ang buhay bilang tao. Walang hanggan ang kanyang habag at awa, at lagi siyang handang magpatawad at ibigay ang kanyang walang kundisyong pagmamahal.

Dahil sa sakripisyo ni Hesukristo, natatanggap natin ang biyayang kailangan para sa kaligtasan at kalayaan mula sa pagkakagapos ng kasalanan.

Tungulin din ng isang mataas na saserdote ang magturo at gumabay sa bayan. Ginampanan ito ni Hesukristo nang mahusay, iniwan sa atin ang mahahalagang aral na magdadala sa atin sa isang makabuluhang buhay at malalim na relasyon sa Diyos. Siya ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, at siya ang ating huwaran sa pamumuhay ayon sa mga prinsipyo ng Kaharian ng Langit.




Mga Hebreo 5:6

At sinabi pa ng Dios sa ibang bahagi ng Kasulatan, “Ikaw ay pari magpakailanman, tulad ng pagkapari ni Melkizedek.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:20

kung saan nauna nang pumasok si Jesus para sa atin. Siya ang punong pari natin magpakailanman, katulad ng pagkapari ni Melkizedek.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:14

Kaya panghawakan nating mabuti ang pinaniniwalaan natin dahil mayroon tayong dakilang punong pari na pumasok sa kalangitan, na walang iba kundi si Jesus na Anak ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 110:4

Ang Panginoon ay sumumpa at hindi magbabago ang pasya niya, na ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melkizedek.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:15

Lalo pang naging malinaw na pinalitan na ang mga paring mula sa lahi ni Levi nang magkaroon ng ibang pari na gaya ni Melkizedek.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:16

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:26

Kaya si Jesus ang punong pari na kailangan natin. Banal siya, walang kapintasan, walang kasalanan, hiwalay sa mga makasalanan, at itinaas ng higit pa sa kalangitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 5:1

Ang bawat punong pari ay pinili mula sa mga tao upang maglingkod sa Dios para sa kanila. Tungkulin niyang maghandog ng mga kaloob at iba pang mga handog para sa kapatawaran ng mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 5:5-6

Ganoon din naman, hindi si Cristo ang nagparangal sa sarili niya na maging punong pari kundi ang Dios. Sapagkat sinabi sa kanya ng Dios, “Ikaw ang Anak ko, at ngayon ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.” At sinabi pa ng Dios sa ibang bahagi ng Kasulatan, “Ikaw ay pari magpakailanman, tulad ng pagkapari ni Melkizedek.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:2

Tapat siya sa Dios na nagsugo sa kanya, katulad ni Moises na naging tapat sa pamamahala ng pamilya ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:27

Hindi siya katulad ng ibang punong pari na kailangang maghandog araw-araw para sa kasalanan niya, at pagkatapos, para naman sa mga kasalanan ng mga tao. Si Jesus ay minsan lang naghandog para sa lahat nang ialay niya ang kanyang sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:14

Kung nakakalinis ang mga ito, di lalo na ang dugo ni Cristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Banal na Espiritu, inialay ni Cristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Dios. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan para matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Dios na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:1-3

Itong si Melkizedek ay hari noon sa Salem, at pari ng Kataas-taasang Dios. Nang pauwi na si Abraham mula sa pakikipaglaban sa mga haring nilupig niya, sinalubong siya ni Melkizedek at pinagpala. Sapagkat nang magbigay si Abraham kay Melkizedek, masasabi nating si Levi ay nasa katawan pa ng ninuno niyang si Abraham. Alam natin na ang Kautusang ibinigay ng Dios sa mga Judio ay batay sa pagkapari na nanggaling sa lahi ni Levi. Kung makakamtan sa pamamagitan ng mga ginagawa ng mga paring ito ang pagiging matuwid, hindi na sana kakailanganin pa ang ibang pari na katulad ng pagkapari ni Melkizedek, na iba sa pagkapari ni Aaron. At kung papalitan ang pagkapari, kailangan ding palitan ang Kautusan. Ang ating Panginoong Jesus na siyang tinutukoy na ipinalit sa mga pari ay kabilang sa ibang lahi, dahil malinaw na galing siya sa lahi ni Juda at hindi kay Levi. At wala pang naglingkod kahit kailan bilang pari mula sa lahi ni Juda. Sapagkat nang sabihin ni Moises kung sino ang maaaring maging pari, wala siyang sinabi tungkol sa lahi ni Juda. Lalo pang naging malinaw na pinalitan na ang mga paring mula sa lahi ni Levi nang magkaroon ng ibang pari na gaya ni Melkizedek. Naging pari siya, hindi dahil sa lahi niya ayon sa Kautusan, kundi dahil sa makapangyarihan niyang buhay na walang hanggan. Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melkizedek.” Kaya nga pinalitan na ng Dios ang dating Kautusan dahil mahina ito at hindi makakatulong sa atin, sapagkat walang naging matuwid sa paningin ng Dios sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ito ang dahilan kung bakit tayo binigyan ngayon ng mas mabuting pag-asa, at sa pamamagitan nitoʼy makakalapit na tayo sa Dios. Pagkatapos, ibinigay sa kanya ni Abraham ang ikapu ng lahat ng nasamsam niya sa labanan. Ang kahulugan ng pangalang Melkizedek ay “Hari ng Katuwiran.” At dahil hari siya ng Salem, nangangahulugan na siyaʼy “Hari ng Kapayapaan.” Mas mabuti ang bagong pag-asang ito dahil nilakipan ito ng Dios ng panunumpa. Hindi siya nanumpa nang gawin niyang mga pari ang lahi ni Levi, pero nanumpa siya nang gawin niyang pari si Jesus. Ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Sumumpa ang Panginoon na ikaw ay pari magpakailanman. At hindi magbabago ang pasya niya.” Kaya si Jesus ang naging katiyakan natin sa isang mas mabuting kasunduan. Maraming pari noon, dahil kapag namatay ang isa, pinapalitan siya ng isa upang maipagpatuloy ang mga gawain nila bilang mga pari. Ngunit si Jesus ay walang kamatayan, kaya hindi naililipat sa iba ang pagkapari niya. Kaya maililigtas niya nang lubos ang sinumang lumalapit sa Dios sa pamamagitan niya, dahil nabubuhay siya magpakailanman upang mamagitan para sa kanila. Kaya si Jesus ang punong pari na kailangan natin. Banal siya, walang kapintasan, walang kasalanan, hiwalay sa mga makasalanan, at itinaas ng higit pa sa kalangitan. Hindi siya katulad ng ibang punong pari na kailangang maghandog araw-araw para sa kasalanan niya, at pagkatapos, para naman sa mga kasalanan ng mga tao. Si Jesus ay minsan lang naghandog para sa lahat nang ialay niya ang kanyang sarili. Ang mga tao na naging punong pari ayon sa Kautusan ay may mga kahinaan. Ngunit ayon sa sinumpaan ng Dios matapos maibigay ang Kautusan, itinalaga niya ang kanyang Anak na maging punong pari magpakailanman, dahil natupad nito ang layunin ng Dios. Walang naisulat tungkol sa kanyang ama at ina o maging sa mga ninuno niya. At wala ring naisulat tungkol sa kanyang kapanganakan at kamatayan. Katulad siya ng Anak ng Dios; ang pagkapari niyaʼy walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:17

Ito ang dahilan kung bakit kinailangang magkatawang-tao ni Jesus, upang maging katulad siya ng mga kapatid niya sa lahat ng bagay. Sa ganoon, siya ay magiging punong pari nila na maawain at tapat, na makapaghahandog sa Dios para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:11

Alam natin na ang Kautusang ibinigay ng Dios sa mga Judio ay batay sa pagkapari na nanggaling sa lahi ni Levi. Kung makakamtan sa pamamagitan ng mga ginagawa ng mga paring ito ang pagiging matuwid, hindi na sana kakailanganin pa ang ibang pari na katulad ng pagkapari ni Melkizedek, na iba sa pagkapari ni Aaron.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:12

Minsan lang pumasok si Cristo sa Pinakabanal na Lugar. At hindi dugo ng kambing o ng guya ang dala niya kundi ang sarili niyang dugo. At sa pamamagitan ng kanyang dugo, tinubos niya tayo sa mga kasalanan natin magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:12

Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa ating mga kasalanan, at hindi na ito mauulit kailanman. Pagkatapos nito, umupo na siya sa kanan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:15-17

Lalo pang naging malinaw na pinalitan na ang mga paring mula sa lahi ni Levi nang magkaroon ng ibang pari na gaya ni Melkizedek. Naging pari siya, hindi dahil sa lahi niya ayon sa Kautusan, kundi dahil sa makapangyarihan niyang buhay na walang hanggan. Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melkizedek.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:18

At dahil siya mismo ay nakaranas ng paghihirap nang tinukso siya, matutulungan niya ang mga dumaranas ng tukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:22-24

Kaya si Jesus ang naging katiyakan natin sa isang mas mabuting kasunduan. Maraming pari noon, dahil kapag namatay ang isa, pinapalitan siya ng isa upang maipagpatuloy ang mga gawain nila bilang mga pari. Ngunit si Jesus ay walang kamatayan, kaya hindi naililipat sa iba ang pagkapari niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:15

Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:26-27

Kaya si Jesus ang punong pari na kailangan natin. Banal siya, walang kapintasan, walang kasalanan, hiwalay sa mga makasalanan, at itinaas ng higit pa sa kalangitan. Hindi siya katulad ng ibang punong pari na kailangang maghandog araw-araw para sa kasalanan niya, at pagkatapos, para naman sa mga kasalanan ng mga tao. Si Jesus ay minsan lang naghandog para sa lahat nang ialay niya ang kanyang sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:25

Kaya maililigtas niya nang lubos ang sinumang lumalapit sa Dios sa pamamagitan niya, dahil nabubuhay siya magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 8:1

Ito ang ibig kong sabihin: Mayroon na tayo ngayong punong pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasang Dios sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 8:2

Naglilingkod siya bilang punong pari sa Pinakabanal na Lugar na hindi tao ang gumawa kundi ang Panginoon mismo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 8:6

Ngunit higit na dakila ang mga gawain ni Jesus bilang punong pari kaysa sa mga gawain ng mga pari, dahil siya ang tagapamagitan ng isang kasunduang higit na mabuti kaysa sa nauna. At nakasalalay ito sa mas mabubuting pangako ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:11

Ngunit dumating na si Cristo na punong pari ng bagong pamamaraan na higit na mabuti kaysa sa dati. Pumasok siya sa mas dakila at mas ganap na Tolda na hindi gawa ng tao, at wala sa mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:15

Kaya si Cristo ang ginawang tagapamagitan sa atin at sa Dios sa bagong kasunduan. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, tinubos niya ang mga taong lumabag sa unang kasunduan. Dahil dito, matatanggap ng mga tinawag ng Dios ang walang hanggang pagpapala na ipinangako niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:24

Sapagkat hindi pumasok si Cristo sa isang banal na lugar na gawa ng tao at larawan lang ng mga bagay na nasa langit, kundi sa langit mismo. Siya ngayon ay namamagitan para sa atin sa harap ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:26

Dahil kung kailangang ulit-ulitin, maraming beses sanang nagdusa si Cristo mula pa nang likhain ang mundo. Pero minsan lamang siya naparito sa mundo para alisin ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili. Ginawa niya ito nitong mga huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:10

At dahil sinunod ni Jesu-Cristo ang kalooban ng Dios, nilinis niya tayo sa mga kasalanan natin sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng sarili niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:14

Kaya sa pamamagitan lang ng minsang paghahandog, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga pinabanal niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:19-20

Kaya mga kapatid, malaya na tayong makakapasok sa Pinakabanal na Lugar dahil sa dugo ni Jesus. Dahil kung napatawad na sila sa pamamagitan ng mga handog, hindi na sana sila uusigin ng kanilang budhi, at hindi na nila kailangang maghandog pa. Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang katawan, binuksan niya para sa atin ang bagong daan patungo sa Pinakabanal na Lugar na nasa kabila ng tabing. At ang daang ito ang nagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 3:1

Kaya nga mga kapatid ko sa pananampalataya, at mga kapwa ko na tinawag ng Dios na makakasama sa langit, alalahanin nʼyo si Jesus. Siya ang apostol at punong pari ng ating pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 5:3

At dahil nagkakasala rin siya, kailangan niyang maghandog, hindi lang para sa kasalanan ng mga tao, kundi para rin sa sarili niyang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 28:1

“Ibukod mo sa mga tao si Aaron at ang mga anak niyang lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar para makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 16:32-34

Sa mga susunod na salinlahi, ang paring napili at inordinahan upang pumalit sa kanyang ama bilang punong pari ang siyang gagawa ng seremonyang ito. Isusuot niya ang kanyang damit bilang punong pari, at gagawin niya ang seremonya ng paglilinis sa Pinakabanal na Lugar, ng iba pang bahagi ng Tolda pati na ang altar, ng mga pari, at ng mga mamamayan ng Israel. Kinakailangang sundin nila ang mga tuntuning ito magpakailanman. At itoʼy gagawin nila minsan sa isang taon. At ginawa ito ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 21:10

Kung ang punong pari ay namatayan ng kamag-anak, huwag niyang guguluhin ang kanyang buhok ni pupunitin ang kanyang damit bilang tanda ng pagluluksa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:28

Ang mga tao na naging punong pari ayon sa Kautusan ay may mga kahinaan. Ngunit ayon sa sinumpaan ng Dios matapos maibigay ang Kautusan, itinalaga niya ang kanyang Anak na maging punong pari magpakailanman, dahil natupad nito ang layunin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 8:3

Ang bawat punong pari ay itinalagang mag-alay ng mga handog at kaloob, kaya kailangan na may ihandog din ang punong pari natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:21

At dahil mayroon tayong dakilang punong pari na namamahala sa pamilya ng Dios,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:19

Alang-alang sa kanila, itinatalaga ko ang aking sarili sa iyo, upang sila man ay maitalaga sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:34

Wala ring makakahatol sa atin ng kaparusahan, dahil si Cristo Jesus na mismo ang hinatulang mamatay para sa atin. At hindi lang iyan, muli siyang binuhay at nasa kanang kamay na ngayon ng Dios at namamagitan para sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:1

Mga anak, sinusulat ko sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi kayo magkasala. Ngunit kung may magkasala man, may tagapamagitan tayo sa Ama – siya ay si Jesu-Cristo, ang Matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 2:5

Sapagkat iisa lang ang Dios at iisa lang ang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao. Itoʼy walang iba kundi ang taong si Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:5

Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:12

Dahil dito, pararangalan ko siya katulad ng mga taong tanyag at makapangyarihan dahil ibinigay niya ang buhay niya. Ibinilang siya na isa sa mga makasalanan. Nagdusa siya para sa maraming makasalanan at hiniling pa niya sa Dios na silaʼy patawarin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:11-12

Sapagkat ang dugo ng mga hayop na handog sa paglilinis ay dinadala ng punong pari sa Pinakabanal na Lugar, pero ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng bayan. Ganyan din ang nangyari kay Jesus, pinatay siya sa labas ng bayan para malinis niya ang mga tao sa mga kasalanan nila sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:6

Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:13-14

At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ko na kanyang Anak. Oo, gagawin ko ang anumang hilingin ninyo sa aking pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:24

“Ama, gusto ko sanang makasama sa pupuntahan ko ang mga taong ibinigay mo sa akin, para makita rin nila ang kapangyarihang ibinigay mo sa akin, dahil minahal mo na ako bago pa man nilikha ang mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:11

“Ako ang mabuting pastol, at ang isang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:28

Ganoon din naman, minsan lang namatay si Cristo nang inihandog niya ang kanyang sarili para alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na para akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi para iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:24

Lumapit kayo kay Jesus na siyang tagapamagitan natin sa Dios sa bagong kasunduan. Ang kasunduang itoʼy pinagtibay ng kanyang dugo na higit na mabuti kaysa sa dugo ni Abel na humihingi ng katarungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:20-21

Idinadalangin ko rin kayo sa Dios na siyang pinagmumulan ng kapayapaan. Siya ang bumuhay sa ating Panginoong Jesus na ating Dakilang Pastol. At dahil sa kanyang dugo, pinagtibay niya ang walang hanggang kasunduan. Nawaʼy ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng inyong kailangan para masunod ninyo ang kalooban niya. At sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, nawaʼy gawin niya sa atin ang kalugod-lugod sa kanyang paningin. Purihin natin siya magpakailanman. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:28

dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 14:24

Sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:24

Si Cristo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, para iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:18

Sapagkat si Cristo ngaʼy pinatay kahit wala siyang nagawang masama. At minsan lang siya namatay para mapatawad ang mga kasalanan natin. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa atin na mga makasalanan, para madala niya tayo sa Dios. Pinatay siya sa laman pero binuhay siya sa espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:10

Ito ang tunay na pag-ibig: hindi tayo ang umibig sa Dios kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak upang akuin ang ating mga kasalanan para sa kapatawaran natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 5:8-9

At kahit Anak siya mismo ng Dios, natutunan niya ang pagiging masunurin sa pamamagitan ng mga pagtitiis na dinanas niya. Naging ganap siya at pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:9

At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa ng Dios dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:7

Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:3

Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Cristoʼy namatay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:20

at sa pamamagitan ni Cristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa mundo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:18

At dahil napatawad na ang mga kasalanan natin, hindi na natin kailangan pang maghandog para sa ating mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:18

Ngayon, tayong lahat ay makakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Banal na Espiritu dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:8-9

At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. Kaya naman itinaas siyang lubos ng Dios at binigyan ng titulong higit sa lahat ng titulo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:16

Naging pari siya, hindi dahil sa lahi niya ayon sa Kautusan, kundi dahil sa makapangyarihan niyang buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:9

“Idinadalangin ko sila. Hindi ako nananalangin para sa mga taong makamundo kundi para sa mga taong ibinigay mo sa akin, dahil sila ay sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 110:1

Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko hanggang mapasuko ko sa iyo ang mga kaaway mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:19-20

kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios. Pinili na kayo ng Dios Ama noon pa para maging mga anak niya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, para sundin nʼyo si Jesu-Cristo at upang linisin kayo sa mga kasalanan nʼyo sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan. Bago pa likhain ang mundo, pinili na ng Dios si Cristo para maging Tagapagligtas natin. At ipinahayag siya ng Dios nitong mga huling araw alang-alang sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:9

Ngunit kung tungkol kay Jesus, alam natin na sa maikling panahon naging mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel, para maranasan niyang mamatay para sa lahat sa pamamagitan ng biyaya ng Dios. At ngayon, binigyan siya ng karangalan at kadakilaan dahil tiniis niya ang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:19

Ang pag-asang ito ay matibay tulad ng angkla, at ito ay nagbibigay kapanatagan sa buhay natin, dahil umaabot ito sa Pinakabanal na Lugar,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 5:4

Hindi maaaring makamtan ninuman sa sarili niyang kagustuhan ang karangalan ng pagiging punong pari. Sapagkat ang Dios mismo ang humihirang sa kanya na maging punong pari, tulad ng pagkahirang kay Aaron.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:13-14

Ayon sa Kautusan, kung itinuturing na marumi ang isang tao, kailangan siyang wisikan ng dugo ng kambing at toro, at ng abo ng guya para maging malinis. Kung nakakalinis ang mga ito, di lalo na ang dugo ni Cristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Banal na Espiritu, inialay ni Cristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Dios. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan para matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Dios na buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:13

Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:25

Isinugo si Cristo Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa ganoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Dios para ipakita na matuwid siya. Noong unaʼy nagtimpi siya at pinalampas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sanaʼy pinarusahan na sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:2

Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:4

Inialay ni Cristo ang sarili niya para sa mga kasalanan natin, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama. Ginawa niya ito para mailigtas tayo sa kasamaan nitong kasalukuyang mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 8:1-2

Ito ang ibig kong sabihin: Mayroon na tayo ngayong punong pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasang Dios sa langit. Sinabi pa ng Panginoon, “Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon: Itatanim ko sa isipan nila ang mga utos ko, at isusulat ko ang mga ito sa mga puso nila. Ako ang magiging Dios nila, at sila naman ang magiging bayan ko. Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Sapagkat kikilalanin nila akong lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila. Sapagkat patatawarin ko ang kasamaan nila at lilimutin ko na ang mga kasalanan nila.” Nang sabihin ng Dios na may bago nang kasunduan, malinaw na pinawalang-bisa na niya ang nauna, at ang anumang wala nang bisa at luma na ay mawawala na lamang. Naglilingkod siya bilang punong pari sa Pinakabanal na Lugar na hindi tao ang gumawa kundi ang Panginoon mismo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:11

At ito ang patotoo ng Dios: Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na itoʼy nasa kanyang Anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, dahil tapat ang Dios na nangako sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:21

Kailanmaʼy hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:11

Kapag nakita niya ang bunga ng kanyang paghihirap, matutuwa siya. Sinabi ng Panginoon, “Sa pamamagitan ng karunungan ng aking matuwid na lingkod ay marami ang ituturing niyang matuwid, magdurusa siya para sa kanilang mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:10

Minsan lang siyang namatay para sa kasalanan ng mga tao; at nabubuhay siya ngayon para sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 1:3

Sa kanya makikita ang nagniningning na kadakilaan ng Dios, at kung ano ang Dios ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa mundo sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kanan ng Makapangyarihang Dios doon sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:17-19

Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan. Isinugo mo ako rito sa mundo, kaya isinusugo ko rin sila sa mundo upang mangaral. Alang-alang sa kanila, itinatalaga ko ang aking sarili sa iyo, upang sila man ay maitalaga sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:19-20

Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Dios ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng paraan upang maipapatay si Jesus ng hindi magkakagulo, dahil natatakot sila sa mga tao. Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at nagpasalamat sa Dios, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:51

Nang sandali ring iyon, nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba ang kurtina sa loob ng templo. Lumindol sa buong lupain at nagkabitak-bitak ang mga bato.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:29

Gaano pa kaya kabigat ang parusang tatanggapin ng taong lumapastangan sa Anak ng Dios at nagpawalang-halaga sa dugo na nagpatibay sa kasunduan ng Dios at naglinis sa mga kasalanan niya? Talagang mas mabigat ang parusa sa mga taong ito na humamak sa maawaing Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 30:10

Isang beses sa bawat taon, kailangang linisin ni Aaron ang altar sa pamamagitan ng pagpapahid ng dugo sa parang mga sungay na sulok nito. Ang dugong ipapahid ay galing sa handog sa paglilinis. Dapat itong gawin bawat taon ng susunod pang mga henerasyon, dahil ang altar na ito ay napakabanal para sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:16

“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:51

Ako ang tinapay na mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. Sapagkat ang ibibigay kong tinapay para magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga tao sa mundo ay walang iba kundi ang aking katawan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 7:22

Kaya si Jesus ang naging katiyakan natin sa isang mas mabuting kasunduan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 8:13

Nang sabihin ng Dios na may bago nang kasunduan, malinaw na pinawalang-bisa na niya ang nauna, at ang anumang wala nang bisa at luma na ay mawawala na lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:18-19

Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:3-4

Ang ikalawang silid ay ang Pinakabanal na Lugar. Naroon ang gintong altar na pinagsusunugan ng insenso at ang Kahon ng Kasunduan na nababalutan ng ginto. Nasa loob ng Kahon ang lalagyang ginto na may lamang “manna”, ang tungkod ni Aaron na nagkasibol, at ang malapad na mga bato kung saan nakaukit ang mga utos ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:22

Pero ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Cristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 3:9

at ako namaʼy maging kanya. Hindi na ako nagtitiwala na akoʼy magiging matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan kundi sa pananampalataya kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ay kaloob sa akin ng Dios nang sumampalataya ako kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:9

Ang Toldang iyon ay larawan lang ng kasalukuyang panahon. Sapagkat ang mga handog at kaloob na iniaalay doon ng mga tao ay hindi nakapaglilinis ng kanilang konsensya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:13

Ngunit kayo ngayon ay na kay Cristo na. Malayo kayo noon sa Dios, pero ngayon ay malapit na kayo sa kanya sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming nasa langit, ang puso ko'y sumasamba sa'yo, iniaalay ko ang aking buong pagkatao. Kinikilala ko ngayon ang iyong kadakilaan at kapangyarihan. Alam na alam ko na lahat ng ako at lahat ng mayroon ako ay utang ko sa'yo. Napakabuti mo sa akin, napakadakila, at pinaligiran mo ako ng iyong awa at biyaya. Nagpapasalamat ako sa'yo Panginoon dahil kay Kristo, ang aming dakilang saserdote, na siyang namamagitan para sa amin sa harap mo. Dahil sa kanyang sakripisyo sa krus, ako'y naligtas at natubos ng kanyang dugo. Patay ako sa aking mga kasalanan, ngunit pinasan niya ang aking mga kasamaan at iniligtas ako sa kaparusahang nararapat sa akin. Kinikilala kita bilang aking tagapagligtas at taos-pusong nagpapasalamat sa iyong walang hanggang pag-ibig. Hinihiling ko sa iyo, Hesus ko, na tulungan mo akong mamuhay nang banal at iaalay ko ang aking puso sa'yo araw-araw. Pinupuri namin ang pangalan ni Kristo bilang aming tagapamagitan at tagapagtanggol. Purihin ang pangalan ni Kristo magpakailanman! Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas