Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


51 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tinapay ng Buhay

51 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Tinapay ng Buhay

Alam mo, parang tinapay na nagbibigay-buhay itong si Hesus. Hindi lang basta pagkain para sa tiyan, kundi para sa buong pagkatao natin. 'Yung gutom mo sa puso, sa isip, lahat 'yan, kayang punan ni Hesus. Siya ang kailangan natin, lahat ng kailangan natin.

Sa pamamagitan ng Espiritu niya, binibigyan tayo ng lakas, 'yung tipong kaya mong lumago at maging mas mabuting tao. Ang salita ng Diyos, parang buhay na tubig na nagpapabago sa atin, ginagawa tayong bago.

Kapag si Hesus ang kinakapitan mo, magbabago ang lahat. Parang magic, pero totoo. Kasi ang salita Niya, 'yan ang tunay na nag-aalaga sa atin.

Lahat tayo may mga hinahanap, mga bagay na gusto nating makamit. Pero huwag kang mag-alala, nangako Siyang poprotektahan at aalagaan tayo. Nasa Kanya ang kapangyarihan, kaya sigurado tayo sa Kanya.




Juan 6:48-49

dahil ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Kumain ng ‘manna’ ang mga ninuno ninyo noong nasa ilang sila, ngunit namatay din silang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:51

Ako ang tinapay na mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. Sapagkat ang ibibigay kong tinapay para magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga tao sa mundo ay walang iba kundi ang aking katawan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:35

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 4:4

Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lang sa pagkain nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Dios.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:33

Sapagkat ang tinapay na ibinibigay ng Dios ay walang iba kundi siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao sa mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 16:4

Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Makinig ka! Magpapaulan ako ng pagkain mula sa langit para sa inyo. Bawat araw, mangunguha ang mga Israelita ng pagkain nila para sa araw na iyon. Sa ganitong paraan, masusubok ko kung susundin nila ang mga utos ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:48

dahil ako ang tinapay na nagbibigay-buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:3

Ibinaba niya kayo sa pamamagitan ng paggutom sa inyo at pagkatapos, binigyan niya kayo ng ‘manna’ – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:32

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay na mula sa langit, kundi ang aking Ama. Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:58

Ako ang tinapay na mula sa langit. Hindi ito tulad ng ‘manna’ na kinain ng inyong mga ninuno, dahil namatay pa rin sila kahit kumain sila noon. Ngunit ang sinumang kumain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:57

Ang Dios Amang nagsugo sa akin ang pinagmumulan ng buhay, at dahil sa kanya ay nabubuhay ako. Ganoon din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:24-25

at pinaulanan sila ng pagkain na tinatawag na manna. Ibinigay ito sa kanila upang kainin. Kinain nila ang pagkain ng mga anghel, at binigyan sila nito ng Dios hanggaʼt gusto nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:2

Bakit ninyo ginugugol ang inyong mga salapi sa mga bagay na hindi makakain? Bakit nʼyo inuubos ang mga sweldo ninyo sa mga bagay na hindi makakapagpabusog sa inyo? Makinig kayo sa akin at makakakain kayo ng mga masasarap na pagkain, at talagang mabubusog kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:26

Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay. Nagpasalamat siya sa Dios at pagkatapos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga tagasunod niya. Sinabi niya, “Kunin ninyo at kainin; ito ang aking katawan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:53-54

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang kainin ninyo ang katawan ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Pero ang kumakain ng aking katawan at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:27

Huwag kayong magtrabaho para lang sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing hindi nasisira at nakakapagbigay ng buhay na walang hanggan. Ako na Anak ng Tao ang siyang magbibigay sa inyo ng pagkaing ito, dahil ako ang binigyan ng Ama ng kapangyarihang magbigay nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:17

Kaya nga, iisang katawan lang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lang ang ating pinagsasaluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:55

Sapagkat ang aking katawan ay tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:32-33

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay na mula sa langit, kundi ang aking Ama. Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. Sapagkat ang tinapay na ibinibigay ng Dios ay walang iba kundi siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao sa mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:32-35

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay na mula sa langit, kundi ang aking Ama. Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. Sapagkat ang tinapay na ibinibigay ng Dios ay walang iba kundi siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao sa mundo.” Sinabi ng mga tao, “Palagi nʼyo po kaming bigyan ng sinasabi nʼyong tinapay.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:48-51

dahil ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Kumain ng ‘manna’ ang mga ninuno ninyo noong nasa ilang sila, ngunit namatay din silang lahat. Nang tumingin si Jesus, nakita niya ang napakaraming taong papalapit sa kanya. Tinanong niya si Felipe, “Saan tayo makakabili ng pagkain para pakainin ang mga taong ito?” Pero narito ang tinapay na mula sa langit, at hindi na mamamatay ang sinumang kumain nito. Ako ang tinapay na mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. Sapagkat ang ibibigay kong tinapay para magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga tao sa mundo ay walang iba kundi ang aking katawan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:53-58

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang kainin ninyo ang katawan ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Pero ang kumakain ng aking katawan at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw. Sapagkat ang aking katawan ay tunay na pagkain at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking katawan at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya. Ang Dios Amang nagsugo sa akin ang pinagmumulan ng buhay, at dahil sa kanya ay nabubuhay ako. Ganoon din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ako ang tinapay na mula sa langit. Hindi ito tulad ng ‘manna’ na kinain ng inyong mga ninuno, dahil namatay pa rin sila kahit kumain sila noon. Ngunit ang sinumang kumain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 16:15

Hindi nila alam kung ano ito kaya nagtanungan sila, “Ano kaya iyan?” Sinabi ni Moises sa kanila, “Iyan ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo para kainin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:63

Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakakapagbigay-buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:14-15

Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at ang mga tanim ay para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain – may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 14:22

Habang kumakain sila, kumuha ng tinapay si Jesus. Nagpasalamat siya sa Dios at pagkatapos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga tagasunod niya at sinabi, “Kunin ninyo at kainin; ito ang aking katawan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 14:19

Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya, at ibinigay naman nila ito sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:19

Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Dios ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:14

Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:26-27

Sumagot si Jesus sa kanila, “Ang totoo, hinahanap nʼyo ako, hindi dahil sa mga nakita ninyong himala, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Huwag kayong magtrabaho para lang sa pagkaing nasisira, kundi para sa pagkaing hindi nasisira at nakakapagbigay ng buhay na walang hanggan. Ako na Anak ng Tao ang siyang magbibigay sa inyo ng pagkaing ito, dahil ako ang binigyan ng Ama ng kapangyarihang magbigay nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 4:13-14

Sumagot si Jesus, “Ang lahat ng umiinom ng tubig na itoʼy muling mauuhaw, pero ang sinumang iinom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na muling mauuhaw. Dahil ang tubig na ibibigay ko ay magiging tulad ng isang bukal sa loob niya na magbibigay ng buhay na walang hanggan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:16

Sa tuwing nagtitipon tayo bilang pag-alaala sa kamatayan ni Cristo, may iniinom tayo na ating pinasasalamatan sa Dios at may tinapay din tayong hinahati-hati at kinakain. Hindi baʼt pakikibahagi ito sa dugo at katawan ni Cristo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 7:37-38

Nang dumating ang huli at pinakamahalagang araw ng pista, tumayo si Jesus at sinabi nang malakas, “Ang sinumang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan na dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay mula sa puso ng sumasampalataya sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:4

Pero sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lang sa pagkain nabubuhay ang tao.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:42

Naging masigasig sila sa pag-aaral ng mga itinuturo ng mga apostol, sa pagtitipon bilang magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:16-17

Sa tuwing nagtitipon tayo bilang pag-alaala sa kamatayan ni Cristo, may iniinom tayo na ating pinasasalamatan sa Dios at may tinapay din tayong hinahati-hati at kinakain. Hindi baʼt pakikibahagi ito sa dugo at katawan ni Cristo? Kaya nga, iisang katawan lang tayo kahit maraming bahagi, dahil iisang tinapay lang ang ating pinagsasaluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:9

Isipin nʼyo sana na ang maling aral ay parang pampaalsa na kahit kaunti ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:23-26

Ito ang turo na ibinigay sa akin ng Panginoon, at itinuturo ko naman sa inyo: Noong gabing traydurin ang Panginoong Jesus, kumuha siya ng tinapay, at pagkatapos niyang magpasalamat sa Dios, hinati-hati niya ito at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin. Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom ng inuming ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:103

Kay tamis ng inyong mga salita, mas matamis pa ito kaysa sa pulot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:12

Ang sinumang nasa kanya ang Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang sinumang wala sa kanya ang Anak ng Dios ay walang buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:5

Halikayo, kumain kayo at uminom ng aking inihanda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:9

Huwag kayong padadala sa kung anu-anong mga aral na iba sa natutunan ninyo. Mas mabuting patibayin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng biyaya ng Dios kaysa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin tungkol sa pagkain, na wala namang naidudulot sa mga sumusunod nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:11

Bigyan nʼyo po kami ng aming pagkain sa araw-araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7

Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:25

Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na, ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoon o ang kanya mang mga anak ay namalimos ng pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:3

Hindi hinahayaan ng Panginoon na magutom ang mga matuwid, ngunit ipinagkakait naman niya ang hangad ng mga masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:26

Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog. Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo. Sanaʼy sumakanila ang mabuti at mahabang buhay magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 132:15

Bibigyan ko ang Zion ng lahat niyang pangangailangan, at kahit ang mga mamamayan niyang dukha ay bubusugin ko ng pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:10

at kung gagawin ninyo ang pagpapakain sa mga nagugutom, ang pagbibigay ng pangangailangan ng mga dukha, darating sa inyo ang kaligtasan na magbibigay-liwanag sa madilim ninyong kalagayan na parang tanghaling-tapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:17

Sapagkat ang kaharian ng Dios ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi tungkol sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa isaʼt isa, at kagalakan na mula sa Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:8

Subukan ninyo at inyong makikita, kung gaano kabuti ang Panginoon. Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan sa kanya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama, Lumikha ng langit at lupa, ikaw ang una at ang huli, ang simula at ang wakas. Ama, salamat po dahil ikaw ang tinapay ng buhay na nagbibigay-busog sa aking gutom at nagpapalakas sa aking buong pagkatao. Dalangin ko po na araw-araw ay maghangad ako ng iyong maluwalhating Espiritu Santo at magutom sa iyong salita at presensya. Tulungan mo po akong huwag masiyahan sa kung anong meron, kundi patuloy na magkaroon ng nag-aalab na pagnanais na mapuspos ng iyong salita at magkaroon ng malalim na pakikipag-ugnayan sa iyo, kung saan araw-araw ay mapapalakas ko ang aking pananampalataya at alab ng puso para sa iyo. Sabi mo nga po, "Ako ang tinapay na buháy na bumaba mula sa langit; sinumang kumain nito'y mabubuhay magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, para sa ikabubuhay ng sanlibutan." Panginoon, dalangin ko rin po na ang pangungulila sa puso ng iba ay mapunan, at ang presensya ng iyong Espiritu Santo ang siyang bumusog sa kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng iyong salita at presensya. Nawa'y makilala nila na ikaw ang tinapay ng buhay at ikaw lamang ang makakapuno sa kanilang pangangailangan at espirituwal na pagkagutom, na wala nang iba pang makapagsasara ng espasyong tanging sa iyo lamang nakalaan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas