Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


108 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kamatayan ni Hesus

108 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kamatayan ni Hesus

Napakatindi at nakakahiyang pagdurusa ang dinanas ni Hesus. Subalit, sa gitna ng Kanyang paghihirap, may mga kamangha-manghang pangyayari na nagpapatunay na hindi Siya isang ordinaryong tao. Katulad na lamang ng Kanyang mga salita: "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa" (Lucas 23:34).

Si Hesukristo ay namatay sa krus matapos ang matinding pagpapahirap. Ang parusang tinanggap Niya para sa atin ay napakatindi, nagdulot sa Kanya ng malalalim na sugat at matinding pagkawala ng dugo—ang mismong dugong tumubos at nagligtas sa atin mula sa kasalanan.

Ayon sa mga Ebanghelyo, ilang oras lamang matapos ipako sa krus ay namatay na si Hesus. Para masigurong patay na nga Siya, sinaksak Siya ng isang sundalo sa tagiliran. Sa harap ng mga pangyayaring ito, mahalagang lagi nating alalahanin ang sakripisyong ito at sikaping mamuhay nang matuwid sa harapan ng Diyos.

Dapat nating pahalagahan ang sakripisyo ni Hesus na nagligtas at nagpalaya sa atin mula sa walang hanggang kaparusahang nararapat sa atin. Purihin natin ang Kanyang pangalan at pasalamatan ang Kanyang walang hanggang pag-ibig.




Juan 19:30

Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi niya, “Tapos na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:30

Pinatay ninyo si Jesus sa pamamagitan ng pagpako sa kanya sa krus. Ngunit binuhay siyang muli ng Dios, ang Dios na sinasamba ng ating mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:15

Namatay siya para sa lahat, para ang lahat ng nabubuhay ngayon ay hindi na mamumuhay para sa sarili, kundi para sa kanya na namatay at nabuhay para sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:21

Pero patuloy ang pagsigaw ng mga tao, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:2

“Alam nʼyo na dalawang araw na lang at sasapit na ang Pista ng Paglampas ng Anghel, at ako na Anak ng Tao ay ibibigay sa mga taong kumokontra sa akin upang ipako sa krus.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:50

Muling sumigaw nang malakas si Jesus at nalagutan ng hininga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 14:8

Ginawa ng babaeng ito ang makakaya niya para sa akin. Binuhusan niya ng pabango ang katawan ko bilang paghahanda sa aking libing.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:10

Minsan lang siyang namatay para sa kasalanan ng mga tao; at nabubuhay siya ngayon para sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:28

dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 8:31

Nagsimulang mangaral si Jesus sa mga tagasunod niya na siya na Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming paghihirap. Itatakwil siya ng mga pinuno ng mga Judio, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Ipapapatay nila siya, pero sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:10

Lagi kaming nasa bingit ng kamatayan tulad ng nangyari kay Jesus, para sa pamamagitan ng aming buhay ay makita rin ang buhay ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 19:33

Pero pagdating nila kay Jesus, nakita nilang patay na siya, kaya hindi na nila binali ang mga binti niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:51

Nang sandali ring iyon, nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba ang kurtina sa loob ng templo. Lumindol sa buong lupain at nagkabitak-bitak ang mga bato.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:46

Nang mag-alas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus nang malakas, “Eloi, Eloi, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 15:39

Nakatayo sa harap ng krus ang kapitan ng mga sundalo at nakita niya kung paanong nalagutan ng hininga si Jesus. Sinabi niya, “Totoo ngang siya ang Anak ng Dios!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 11:51

Ang sinabing ito ni Caifas ay hindi nanggaling sa sarili lang niya. Bilang punong pari ng taon na iyon, nagpahayag ang Dios sa pamamagitan niya na mamamatay si Jesus para sa buong bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 15:43

Kaya naglakas-loob si Jose na taga-Arimatea na puntahan si Pilato at hingin ang bangkay ni Jesus. Si Jose ay isa sa mga iginagalang na miyembro ng Korte ng mga Judio. At isa siya sa mga naghihintay sa pagdating ng paghahari ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:54

Ang kapitan at ang kanyang mga sundalo na nagbabantay kay Jesus ay nasindak nang mayanig ang lupa at nang makita ang mga pangyayari. Sinabi nila, “Totoo ngang siya ang Anak ng Dios!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:20

at sa pamamagitan ni Cristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa mundo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 20:18-19

“Pupunta na tayo sa Jerusalem, at ako na Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila ako ng kamatayan at ibibigay sa mga hindi Judio para insultuhin, hagupitin at ipako sa krus. Ngunit mabubuhay akong muli sa ikatlong araw.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 17:22-23

Habang nagtitipon sina Jesus at ang mga tagasunod niya sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao. Papatayin nila ako, pero mabubuhay akong muli pagkaraan ng tatlong araw.” Labis itong ikinalungkot ng mga tagasunod ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 15:37

Sumigaw nang malakas si Jesus at nalagutan ng hininga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 14:24

Sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:19-20

Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Dios ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng paraan upang maipapatay si Jesus ng hindi magkakagulo, dahil natatakot sila sa mga tao. Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at nagpasalamat sa Dios, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:46

Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyo ang aking espiritu!” At pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 24:7

na ang Anak ng Tao ay kailangang ibigay sa masasamang tao at ipako sa krus, pero mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:34

[Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] Nagpalabunutan ang mga sundalo para paghahati-hatian ang mga damit ni Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:37

Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito ng Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang kriminal.’ At natutupad na ito ngayon!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 1:29

Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito na ang Tupa ng Dios na ihahandog upang mag-alis ng kasalanan ng mga tao sa mundo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:11

“Ako ang mabuting pastol, at ang isang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 12:32-33

At kapag itinaas na ako mula sa lupa, ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin.” (Sinabi ito ni Jesus upang ipahiwatig kung paano siya mamamatay.)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 19:34

Sa halip, sinaksak ng sibat ng isa sa kanila ang tagiliran ni Jesus at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:23

Alam na noon pa ng Dios na itong si Jesus ay ibibigay sa inyo at ganito na talaga ang kanyang plano. Ipinapatay ninyo siya sa mga makasalanang tao na nagpako sa kanya sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:24

Ngunit binuhay siya ng Dios at iniligtas mula sa kapangyarihan ng kamatayan, dahil ang totoo, kahit ang kamatayan ay walang kapangyarihang pigilan siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:36

Kaya dapat talagang malaman ng lahat ng Israelita na itong si Jesus na ipinapako nʼyo sa krus ang siyang pinili ng Dios na maging Panginoon at Cristo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:10

dapat malaman ninyong lahat at ng lahat ng taga-Israel, na ang taong ito na nakatayo rito ngayon ay pinagaling ng kapangyarihan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret. Siya ang inyong ipinako sa krus at pinatay, ngunit binuhay siyang muli ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8

Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:6

Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Cristo para mamatay, kaya hindi na tayo dapat alipinin pa ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:9

Ito ang dahilan kung bakit namatay at muling nabuhay si Cristo, para maging Panginoon siya ng mga buhay at mga patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:3

Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Cristoʼy namatay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:21

Kailanmaʼy hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:14

Ngunit para sa akin, wala akong ibang ipinagmamalaki maliban sa kamatayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa krus. At dahil sa kamatayan niya sa krus, wala nang halaga para sa akin ang mga bagay sa mundo, at wala rin akong halaga para sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:7

Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios. Binigyan niya tayo ng karunungan at pang-unawa

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:14

May pananagutan dapat tayo sa Dios dahil hindi natin matupad ang Kautusan. Pero inalis ito ng Dios sa pamamagitan ng pagkapako ni Cristo sa krus. Kaya hindi na tayo parurusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:24

Si Cristo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, para iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:18

Sapagkat si Cristo ngaʼy pinatay kahit wala siyang nagawang masama. At minsan lang siya namatay para mapatawad ang mga kasalanan natin. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa atin na mga makasalanan, para madala niya tayo sa Dios. Pinatay siya sa laman pero binuhay siya sa espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:2

Siya ang ibinigay na handog para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng mga kasalanan natin kundi pati na rin ng kasalanan ng buong mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 5:9

at umaawit sila ng bagong awit na ito: “Kayo po ang karapat-dapat na kumuha ng kasulatan at magtanggal ng mga selyo nito, dahil kayo ay pinatay, at sa pamamagitan ng inyong dugo ay tinubos nʼyo ang mga tao para sa Dios. Ang mga taong ito ay mula sa bawat angkan, wika, lahi, at bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 7:14

Sumagot ako, “Hindi ko po alam. Kayo po ang nakakaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga dumaan sa matinding paghihirap. Nilinis at pinaputi nila ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 28:5-6

Sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, dahil nabuhay siyang muli tulad ng sinabi niya sa inyo. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan ng kanyang bangkay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:39

Lumayo siya nang kaunti, lumuhod at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 14:36

Sinabi niya, “Ama, magagawa nʼyo ang lahat ng bagay. Kung maaari, ilayo nʼyo sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:42

“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:14-15

Sinabi pa ni Jesus, “Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas na tanso sa ilang ay ganoon din naman, ako na Anak ng Tao ay dapat ding itaas, upang ang sinumang sumasampalataya sa akin ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 6:51

Ako ang tinapay na mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. Sapagkat ang ibibigay kong tinapay para magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga tao sa mundo ay walang iba kundi ang aking katawan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 12:24

Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang mamatay ang isang butil ng trigong itinanim sa lupa, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, tutubo ito at mamumunga nang marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 19:25-27

Nakatayo malapit sa krus ni Jesus ang kanyang ina, ang kapatid ng kanyang ina, si Maria na asawa ni Clopas, at si Maria na taga-Magdala. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina na nakatayo roon katabi ng minamahal niyang tagasunod, sinabi niya, “Babae, ituring mo siyang anak.” At sinabi naman niya sa tagasunod niya, “Ituring mo siyang ina.” Mula noon, tumira na ang ina ni Jesus sa tahanan ng tagasunod na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:29

Gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya, at ipinahawak ang tungkod sa kanyang kanang kamay bilang setro niya. Lumuhod sila sa harap niya at pakutyang sinabi, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:35

Ipinako nila si Jesus sa krus, at pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit sa pamamagitan ng palabunutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 15:25

Alas nuwebe noon ng umaga nang ipako siya sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:32-33

Dalawa pang kriminal ang dinala nila upang pataying kasama ni Jesus. Pagdating nila sa lugar na tinatawag na “Bungo,” ipinako nila sa krus si Jesus at ang dalawang kriminal, ang isa ay sa kanan ni Jesus at ang isa ay sa kaliwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:39-43

Ininsulto rin si Jesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang sarili mo, pati na kami!” Sinabi ni Pilato sa mga namamahalang pari at sa mga tao, “Wala akong nakitang kasalanan sa taong ito!” Pero sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, “Hindi ka ba natatakot sa Dios? Ikaw man ay pinaparusahan din ng kamatayan. Dapat lang na parusahan tayo ng kamatayan dahil sa mga ginawa nating kasalanan, pero ang taong itoʼy walang ginawang masama!” Pagkatapos ay sinabi niya, “Jesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo.” Sumagot si Jesus, “Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 19:23-24

Nang maipako na ng mga sundalo si Jesus, kinuha nila ang kanyang damit at hinati-hati sa apat, tig-isang bahagi ang bawat sundalo. Kinuha rin nila ang damit-panloob niya; hinabi ito nang buo at walang tahi o dugtong. Sinabi ng isang sundalo, “Huwag na natin itong paghatian. Magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa Kasulatan, “Pinaghati-hatian nila ang aking damit, at nagpalabunutan sila para sa aking damit-panloob.” At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:65-66

Nang marinig iyon ng punong pari, pinunit niya ang kanyang damit sa galit at sinabi, “Nilalapastangan niya ang Dios! Kailangan pa ba natin ng mga saksi? Narinig ninyo ang paglapastangan niya sa Dios! Ano ngayon ang hatol ninyo?” Sumagot sila, “Dapat siyang mamatay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:1-2

Kinaumagahan, nagplano ang lahat ng namamahalang pari at ang pinuno ng mga Judio kung ano ang gagawin nila para maipapatay si Jesus. at ginamit nila ang pera bilang pambili ng bukid ng magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.” Nang madala na si Jesus kay Pilato, tinanong siya nito, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsabi.” Pero hindi sumagot si Jesus sa mga paratang ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Judio. Kaya tinanong siyang muli ni Pilato, “Bakit ayaw mong sagutin ang mga paratang nila sa iyo?” Pero hindi pa rin sumagot si Jesus, kaya nagtaka ang gobernador. Tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel, nakaugalian na ng Gobernador na magpalaya ng isang bilanggo na gustong palayain ng mga tao. Nang panahong iyon, may isang kilalang bilanggo na ang pangalan ay Barabas. Nang magtipon ang mga tao, tinanong sila ni Pilato, “Sino ang gusto ninyong palayain ko? Si Barabas o si Jesus na tinatawag na Cristo?” Alam ni Pilato na pagkainggit ang nagtulak sa pamunuan ng mga Judio na dalhin sa kanya si Jesus. Habang nakaupo si Pilato sa hukuman, nagpadala ang kanyang asawa ng ganitong mensahe: “Huwag mong pakialaman ang taong iyan na walang kasalanan, sapagkat nabagabag ako nang husto dahil sa panaginip ko tungkol sa kanya.” Ginapos nila si Jesus at dinala kay Gobernador Pilato.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 15:1

Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga namamahalang pari, mga pinuno ng mga Judio, mga tagapagturo ng Kautusan at ang lahat ng miyembro ng Korte ng mga Judio. Ginapos nila si Jesus at dinala kay Gobernador Pilato.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:54

Dinakip nila si Jesus at dinala sa bahay ng punong pari. Sumunod naman si Pedro pero nasa malayo siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:4

Sinabi ni Pilato sa mga namamahalang pari at sa mga tao, “Wala akong nakitang kasalanan sa taong ito!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 23:13-16

Ipinatawag ni Pilato ang mga namamahalang pari, mga tagapamahala ng bayan at ang mga tao, at sinabi sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito na ayon sa inyo ay nanunulsol sa mga tao upang maghimagsik. Inimbestigahan ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong hindi totoo ang mga paratang nʼyo laban sa kanya. Ganoon din ang napatunayan ni Herodes kaya ipinabalik niya si Jesus dito sa akin. Wala siyang nagawang kasalanan upang parusahan ng kamatayan. Kaya ipahahagupit ko na lang siya at palalayain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 19:12

Nang marinig ito ni Pilato, muli niyang sinikap na mapalaya si Jesus. Pero nagsigawan ang mga Judio, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ng Emperador! Sapagkat ang sinumang nagsasabing hari siya ay kaaway ng Emperador.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 3:15

Pinatay nʼyo ang nagbibigay ng buhay, ngunit binuhay siyang muli ng Dios. At makapagpapatunay kami na nabuhay siyang muli.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 10:39

Kami mismo ay makakapagpatotoo sa lahat ng ginawa niya, dahil nakita namin ito sa Jerusalem at sa iba pang mga bayan ng mga Judio. Pinatay siya ng mga Judio sa pamamagitan ng pagpako sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:25

Isinugo si Cristo Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa ganoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Dios para ipakita na matuwid siya. Noong unaʼy nagtimpi siya at pinalampas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sanaʼy pinarusahan na sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:32

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:18

Ang mensahe ng pagkamatay ni Cristo sa krus ay kamangmangan para sa mga napapahamak, ngunit sa mga naliligtas, itoʼy kapangyarihan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 2:2

Sapagkat ipinasya ko na wala akong ipangangaral sa inyo kundi si Jesu-Cristo lang at ang kanyang pagkapako sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:4

Inialay ni Cristo ang sarili niya para sa mga kasalanan natin, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama. Ginawa niya ito para mailigtas tayo sa kasamaan nitong kasalukuyang mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:16

Ngayong iisang katawan na lang tayo sa pamamagitan ng kamatayan niya sa krus, winakasan na niya ang alitan natin at ibinalik niya tayo sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:8

At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:3

Sapagkat namatay na kayo sa dati nʼyong buhay, at ang buhay ninyo ngayon ay nakatago sa Dios kasama ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:10

Namatay siya para sa atin, para kahit buhay pa tayo o patay na sa pagbalik niya ay mabuhay tayo sa piling niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:9

Ngunit kung tungkol kay Jesus, alam natin na sa maikling panahon naging mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel, para maranasan niyang mamatay para sa lahat sa pamamagitan ng biyaya ng Dios. At ngayon, binigyan siya ng karangalan at kadakilaan dahil tiniis niya ang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:26

Dahil kung kailangang ulit-ulitin, maraming beses sanang nagdusa si Cristo mula pa nang likhain ang mundo. Pero minsan lamang siya naparito sa mundo para alisin ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili. Ginawa niya ito nitong mga huling araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:28

Ganoon din naman, minsan lang namatay si Cristo nang inihandog niya ang kanyang sarili para alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na para akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi para iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:10

At dahil sinunod ni Jesu-Cristo ang kalooban ng Dios, nilinis niya tayo sa mga kasalanan natin sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng sarili niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:18-19

Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:21

Ang mga pagdurusa ni Cristo para sa atin ang halimbawang dapat nating tularan. Ito ang dahilan kung bakit tayo tinawag, para tularan natin ang buhay ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:1

Dahil naghirap si Cristo sa katawang-tao niya, dapat ay handa rin kayong maghirap. Sapagkat hindi na gumagawa ng kasalanan ang taong nagtitiis ng hirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 12:11

Ngunit natalo na siya ng ating mga kapatid sa pamamagitan ng dugo ng Tupa at ng katotohanang ipinangangaral nila. Hindi sila takot na ialay ang kanilang buhay alang-alang sa kanilang pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:40

Kung paanong nasa tiyan ng dambuhalang isda si Jonas sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, ganoon din naman ang mangyayari sa akin na Anak ng Tao. Tatlong araw at tatlong gabi rin ako sa ilalim ng lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:22

Sinabi pa niya, “Ako na Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng maraming paghihirap. Itatakwil ako ng mga pinuno ng mga Judio, ng mga namamahalang pari, at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Ipapapatay nila ako, ngunit sa ikatlong araw ay muli akong mabubuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 7:30

Dahil sa mga sinabing ito ni Jesus, gusto na sana siyang dakpin ng mga pinuno ng mga Judio, pero walang humuli sa kanya dahil hindi pa ito ang oras niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:59

Dahil dito, pumulot ng mga bato ang mga tao upang batuhin siya. Pero nakapagtago si Jesus at umalis sa templo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 11:49-53

Pero isa sa kanila, si Caifas na punong pari nang taon na iyon, ang nagsabi, “Talagang wala kayong alam. Mahal ni Jesus ang magkakapatid na Marta, Maria at Lazarus. Hindi nʼyo ba naisip na mas mabuting mamatay ang isang tao para sa sambayanan kaysa sa mapahamak ang buong bansa?” Ang sinabing ito ni Caifas ay hindi nanggaling sa sarili lang niya. Bilang punong pari ng taon na iyon, nagpahayag ang Dios sa pamamagitan niya na mamamatay si Jesus para sa buong bansa. At hindi lang para sa bansa nila, kundi para sa lahat ng mga anak ng Dios na nagsipangalat sa buong mundo, upang tipunin sila at pag-isahin. Mula noon, binalak na nilang ipapatay si Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 18:4-6

Alam ni Jesus ang lahat ng mangyayari sa kanya, kaya sinalubong niya sila at tinanong, “Sino ang hinahanap nʼyo?” Sumigaw ang mga tao, “Hindi siya. Si Barabas!” (Si Barabas ay isang tulisan.) Sumagot sila, “Si Jesus na taga-Nazaret.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako iyon.” Naroon din ang traydor na si Judas na nakatayong kasama ng mga taong naghahanap kay Jesus. Nang sabihin ni Jesus na siya ang hinahanap nila, napaurong sila at natumba sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 19:11

Sumagot si Jesus, “Wala kang maaaring gawin sa akin kung hindi ka binigyan ng Dios ng kapangyarihan. Kaya mas malaki ang kasalanan ng taong nagdala sa akin dito sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:30

Si David ay propeta at alam niya na nangako ang Dios sa kanya na ang isa sa kanyang mga lahi ay magmamana ng kanyang kaharian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:12

Dumating ang kasalanan sa mundo dahil sa paglabag ni Adan sa utos ng Dios. At dahil sa kasalanan, dumating din ang kamatayan. Kaya lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao, dahil nagkasala ang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:21-22

Dahil sa isang tao na si Adan, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao na si Cristo, muling mabubuhay ang mga patay. Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Cristo, tayong lahat ay muling mabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 3:13

Ngunit hindi natin masunod ang lahat ng iniuutos ng Kautusan, kaya sinumpa tayo ng Dios. Pero ngayon, tinubos na tayo ni Cristo sa sumpang ito. Sinumpa siya alang-alang sa atin, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Isinumpa ang sinumang binitay sa puno.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:2

Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 9:22

Ayon sa Kautusan, nililinis sa pamamagitan ng dugo ang halos lahat ng bagay na ginagamit sa pagsamba. At kung walang pagbubuhos ng dugo bilang handog sa Dios, wala ring kapatawaran ng mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:4

Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos! Lumalapit ako sa iyo sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo, ikaw lamang ang karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Amang Banal, salamat sa pag-aalay ng iyong buhay para sa akin sa krus, dahil sa iyong sakripisyo ay mayroon akong buhay na walang hanggan na kasama mo. Panginoon, ikaw na walang sala ay nagbuhos ng iyong dugo para sa lahat ng aking mga kasalanan at nilinis mo ako mula sa lahat ng karumihan, dinaig mo ang kamatayan at sa ikatlong araw ay muling nabuhay mula sa mga patay, at ngayon ay nabubuhay at naghahari. Panginoon, hinihiling ko na buksan mo ang aking puso at hayaan mong ang mensahe ng krus ay tumagos nang mas malalim sa aking pagkatao upang magkaroon ng panibagong buhay, pananampalataya, at pag-asa sa akin. Panginoong Hesus, salamat dahil ang iyong kamatayan sa krus ay kapatawaran, buhay na walang hanggan, at katuparan ng lahat ng mga pangako ng Diyos para sa aking buhay at sa buong sangkatauhan. Sapagkat kung paanong binuhay ka ng Diyos mula sa mga patay, gayundin ako ay bubuhaying muli sa pamamagitan ng iyong Kapangyarihan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas