Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


63 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Impiyerno

63 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Impiyerno

Alam mo ba, ang Diyos ang pinagmulan ng pag-ibig. Lahat ng ginagawa Niya ay puno ng pagmamahal (Jeremias 31:3). Hindi Niya gustong mamatay tayo na malayo sa Kanya. Sabi nga sa Ezekiel 33:11, “’Isinusumpa ko, buhay ako!’ sabi ng Panginoong DIYOS, ‘hindi ako nalulugod sa pagkamatay ng masama, kundi sa pagtalikod niya sa kanyang masamang landas at mabuhay. Kaya, tumalikod na kayo, tumalikod na kayo sa inyong masamang landas! Bakit kayo mamamatay, mga taga-Israel?’”

Kaya, dapat tayong maging mapagmatyag, laging nagdarasal, at humihingi ng gabay ng Banal na Espiritu para tayo'y maging banal at maligtas sa impyerno at kamatayang walang hanggan. Naaalala ko nga ang sabi sa Mateo 10:28, “Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit hindi naman pumapatay sa kaluluwa. Matakot kayo sa Diyos na may kapangyarihang pumatay kapwa ng katawan at kaluluwa sa impyerno.”


Mateo 13:42

Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:33

Mga ahas! Lahi ng mga ulupong! Hindi kayo makakaiwas na maparusahan sa impiyerno!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:29

Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:28

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:4

Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sila'y itinapon sa impiyerno kung saan sila'y iginapos sa kadiliman upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:25

Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:6

Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:27

Sapagkat hindi mo ako pababayaan sa daigdig ng mga patay; at hindi mo pahihintulutang mabulok ang iyong Banal na Lingkod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 20:15

Itinapon sa lawa ng apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:17

Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 16:18

At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 20:10

At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa dagat na apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:41

“Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa harapan ko! Isinumpa kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 20:14

Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:6

Ang hindi nananatili sa akin ay matutuyo at itinatapon, gaya ng sanga. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis sa apoy at sinusunog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:50

at ihahagis ang masasama sa naglalagablab na apoy. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 19:20

Nabihag ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at ang huwad na propeta ay inihagis nang buháy sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:46

Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:14

Nanginginig sa takot ang mga makasalanan sa Zion. Sabi nila, “Parang apoy na hindi namamatay ang parusang igagawad ng Diyos. Sino ang makakatagal sa init niyon?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:41-42

“Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa harapan ko! Isinumpa kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat hindi ninyo ako pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo ako pinainom noong ako'y nauuhaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:22

Galit ko'y bubuga ng nag-aalab na poot, maglalagablab hanggang sa kalaliman ng daigdig ng mga patay. Lupa't bunga nito apoy ang tutupok, sa mga saligan ng bundok siya ang susunog.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:41-42

Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:23

Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay, natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:23-24

Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay, natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham. Kaya't sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako'y naghihirap sa apoy na ito.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:8

Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 9:43

Kung ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay, kaysa may dalawang kamay na mapunta ka sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 9:43-48

Kung ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay, kaysa may dalawang kamay na mapunta ka sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. Kung ang paa mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang paa, kaysa may dalawang paa na mapunta ka sa impiyerno. At kung ang isang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito! Mabuti pang pumasok ka sa kaharian ng Diyos na kulang ng isang mata, kaysa may dalawang matang itapon ka sa impiyerno. Doo'y hindi namamatay ang mga uod at ang apoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:9

Ang parusa sa kanila ay walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay sila sa Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 14:11

Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay mag-aalab magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:24

Kaya't sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako'y naghihirap sa apoy na ito.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Judas 1:7

Alalahanin din ninyo na ang Sodoma at Gomorra at mga karatig-lunsod ay nalulong sa kahalayan at di karaniwang pagnanasa ng laman, kaya't sila'y pinarusahan sa apoy na di namamatay bilang babala sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:6-8

Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. Bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga taong patuloy na gumagawa ng mabuti, naghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan. Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:29-30

Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:22

Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Ulol ka!’ ay nanganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:27

Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:5

Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihan ding magtapon sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:13-14

“Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nagdaraan doon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:8-9

Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan. Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayundin ang mga Griego.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:9

Kung ang mata mo naman ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na bulag ang isang mata, kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 8:12

Ngunit ang mga taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman; mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:23

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:13

kaya't sinabi ng hari sa mga lingkod, ‘Talian ninyo ang kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 14:10-11

ay paiinumin ng Diyos ng alak ng kanyang poot na walang halong ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay mag-aalab magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:51

Buong higpit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang ngipin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:24

“Sa kanilang pag-alis, makikita nila ang mga bangkay ng mga naghimagsik laban sa akin. Ang uod na kakain sa kanila'y hindi mamamatay, gayon din ang apoy na susunog sa kanila. Ang kalagayan nila'y magiging kahiya-hiya sa buong sangkatauhan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:24

Sa mga marunong, ang daan ng buhay ay pataas, upang maiwasan ang daigdig ng mga patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:19-20

Sa kalagayang ito, nagpunta siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. Sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. Sila ang mga espiritung ayaw sumunod nang sila'y matiyagang hinihintay ng Diyos noong panahon ni Noe, samantalang ginagawa nito ang malaking barko. Iilang tao, walo lamang, ang nakaligtas sa baha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:26

Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya't ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 20:14-15

Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan. Itinapon sa lawa ng apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:21

pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:14

Tulad niya'y mga tupa, sa patayan din hahantong, itong si Kamatayan ang kanyang magiging pastol. Ang matuwid, magwawagi kapag sumapit ang umaga, laban doon sa kaaway na ang bangkay ay bulok na sa daigdig ng mga patay, na malayo sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:14

Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:8

Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako'y ikaw din ang kasama;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:17

Hawak na niya ang kalaykay upang linisin ang giikan at upang tipunin ang trigo sa kanyang kamalig. Ngunit ang ipa'y susunugin niya sa apoy na di mamamatay kailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 14:10

ay paiinumin ng Diyos ng alak ng kanyang poot na walang halong ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:13

“Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:15

Biglang kamatayan nawa ay dumating, ihuhulog ng buháy, sa daigdig ng mga patay; sa kanilang puso't maging sa tahanan, yaong naghahari'y pawang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:14

Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:41

Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 9:48

Doo'y hindi namamatay ang mga uod at ang apoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:8

Ang sumusunod sa nasa ng kanyang laman ay mag-aani ng kapahamakan. Ngunit ang sumusunod naman sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:27

ngunit hindi makakapasok doon ang anumang bagay na marumi sa paningin ng Diyos. Ito'y ang mga gumagawa ng masama at ang mga sinungaling. Ang mga tao lamang na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay na iniingatan ng Kordero ang siyang makakapasok sa lunsod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming mabuti at tapat, sa iyo ang kapurihan at karangalan! Lumalapit po ako sa iyo sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo. Dalangin ko po sana yaong mga taong nalayo sa iyo, na sa oras ng kanilang pangangailangan, lalo na sa bingit ng kamatayan, ay hanapin ka nila. Nawa’y mailigtas mo po ang kanilang mga kaluluwa sa lugar ng pagdurusa. Sana po ay makasama ka nila sa walang hanggan. Panginoon, mahabag ka po sa kanila. Sa huling sandali ng kanilang buhay dito sa lupa, nawa’y hipuin mo ang kanilang mga puso at bigyan sila ng tunay na pagsisisi. Baguhin mo po ang tadhana ng kanilang kaluluwa upang makapasok sila sa kaharian ng langit. Sapagkat hindi mo nilikha ang impyerno para sa sangkatauhan, kundi para kay Satanas, sa kanyang mga demonyo, at sa Hades. Tulad ng sabi sa iyong salita: “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan.” Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas