Hindi nʼyo ba alam o hindi nʼyo ba narinig na ang Panginoon ay walang hanggang Dios na lumikha ng buong mundo? Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang isip.
Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, ang langit ay nalikha; sa kanyang hininga nagmula ang araw, buwan at mga bituin. Inipon niya ang dagat na parang inilagay sa isang sisidlan. Ang lahat ng tao sa daigdig ay dapat matakot sa Panginoon, dahil nang siyaʼy nagsalita, nalikha ang mundo; siyaʼy nag-utos at lumitaw ang lahat.
Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa mundo, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan.
Totoong hindi nakikita ang Dios, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Dios ay naipahayag sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa lahat ng uri ng hayop: mga lumalangoy, lumilipad, lumalakad at gumagapang.” Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya.
Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan. Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha. Ang dagat ay napakalawak, at hindi mabilang ang inyong mga nilalang dito, may malalaki at maliliit.
“Nasaan ka noong nilikha ko ang pundasyon ng daigdig? Kung talagang may alam ka, sabihin mo sa akin. habang silaʼy nagtatago sa kanilang lungga o sa maliliit na punongkahoy? Sino ang nagpapakain sa mga uwak kapag silaʼy nagugutom at kapag ang mga inakay nilaʼy humihingi ng pagkain sa akin? Alam mo ba kung sino ang nagpasya ng magiging lawak ng pundasyon at sukat nito? Sino ang may hawak ng pundasyon ng mundo? At sino ang naglagay ng pundasyon na ito
Kayo Panginoon ang Dios. Kayo ang lumikha ng langit at ng mundo. Hindi nʼyo ginawa ang mundo nang walang nabubuhay. Ginawa nʼyo ito para matirhan. Sinabi nʼyo, “Ako ang Panginoon at wala nang iba pa.
Pinagmasdan ng Dios ang lahat niyang nilikha at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaanim na araw.
Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?
Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.
Dahil sa pananampalataya, alam natin na ang sanlibutan ay ginawa ng Dios sa pamamagitan ng kanyang salita. Kaya ang mga bagay na nakikita natin ay galing sa mga hindi nakikita.
Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa.
“Makinig kayo! Gagawa ako ng bagong langit at bagong lupa. Ang dating langit at lupa ay kakalimutan na.
Nilikha ng Panginoong Dios ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buhay na nilalang.
Pupurihin ko ang Panginoon! Panginoon kong Dios, kayo ay dakila sa lahat. Nadadamitan kayo ng kadakilaan at karangalan. Lumikha ka ng mga bukal sa mga lambak, at umagos ang tubig sa pagitan ng mga bundok. Kaya lahat ng mga hayop sa gubat, pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom. At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit. Mula sa langit na inyong luklukan, ang bundok ay inyong pinapaulanan. At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala. Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at ang mga tanim ay para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain – may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila. Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy, ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim. Doon nagpupugad ang mga ibon, at ang mga tagak ay tumatahan sa mga puno ng abeto. Ang kambing-gubat ay nakatira sa matataas na kabundukan. Ang mga hayop na badyer ay naninirahan sa mababatong lugar. Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon; at ang araw namaʼy lumulubog sa oras na inyong itinakda. Nababalutan kayo ng liwanag na parang inyong damit. At inilaladlad nʼyo na parang tolda ang langit.
At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.
Siya ang may-ari ng kailaliman ng lupa at tuktok ng mga bundok. Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa.
Sapagkat ang lahat ng bagay ay nanggaling sa kanya, at nilikha ang mga ito sa pamamagitan niya at para sa kanya. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen.
Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Cristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan.
Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga nasa langit. lahat ng mga hayop, maamo o mailap, mga hayop na gumagapang at lumilipad. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga hari, mga pinuno, mga tagapamahala, at lahat ng tao sa mundo, mga kabataan, matatanda at mga bata. Lahat ay magpuri sa Panginoon, dahil siyaʼy dakila sa lahat, at ang kanyang kapangyarihan ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa. Pinalalakas niya at pinararangalan ang kanyang mga tapat na mamamayan, ang Israel na kanyang pinakamamahal. Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo siya, kayong lahat ng kanyang anghel na hukbo niya sa langit. Purihin ninyo siya, araw, buwan at mga bituin. Purihin ninyo siya, pinakamataas na langit at tubig sa kalawakan. Lahat ng nilalang ay magpuri sa Panginoon! Sa kanyang utos silang lahat ay nalikha.
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng mga ilaw sa kalangitan para ihiwalay ang araw sa gabi, at magsilbing palatandaan ng pagsisimula ng mga panahon, araw at taon. Magningning ang mga ito sa kalangitan para magbigay-liwanag sa mundo.” At iyon nga ang nangyari. Nilikha ng Dios ang dalawang malaking ilaw: ang pinakamalaki ay magliliwanag kung araw, at ang mas malaki ay magliliwanag kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin. Inilagay ng Dios ang mga ito sa kalangitan para magbigay-liwanag sa mundo kung araw at gabi, at para ihiwalay ang liwanag sa dilim. At nasiyahan ang Dios sa nakita niya. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaapat na araw.
Inilagay nʼyo ang mundo sa matibay na pundasyon, kaya hindi ito matitinag magpakailanman.
Ito ang sinabi ng Dios, ang Panginoon na lumikha ng langit na iniladlad niyang parang tela. Nilikha niya ang mundo at ang lahat ng naroroon. Siya rin ang nagbibigay ng buhay sa mga tao at sa lahat ng nilikhang nabubuhay sa mundo.
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang hayop sa tubig at magsilipad ang ibaʼt ibang hayop sa himpapawid.” Kaya nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa tubig, at ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya. At binasbasan niya ang mga ito. Sinabi niya, “Magpakarami kayo, kayong mga hayop sa tubig at mga hayop na lumilipad.”
Sa pamamagitan ng kanyang karunungan, ginawa niya ang kalangitan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang araw at ang buwan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang araw upang magbigay liwanag kung araw. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang buwan at mga bituin upang magbigay liwanag kung gabi. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Ako ang naglagay ng pundasyon ng mundo at ako rin ang nagladlad ng langit. Kapag nag-utos ako sa mga ito, itoʼy sumusunod.
Ang dagat ay napakalawak, at hindi mabilang ang inyong mga nilalang dito, may malalaki at maliliit. Ang mga barko ay parooʼt parito sa karagatan, at doon din lumalangoy-langoy ang nilikha nʼyong dragon na Leviatan.
Nilikha ng Panginoong Dios mula sa lupa ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa lupa pati ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Pagkatapos, dinala niya ang mga ito sa tao para tingnan kung ano ang ipapangalan nito sa kanila. At kung ano ang itatawag ng tao sa kanila, iyon ang magiging pangalan nila. Natapos niya ito sa loob ng anim na araw at nagpahinga siya sa ikapitong araw. Kaya pinangalanan ng tao ang mga hayop na nakatira sa lupa pati ang mga hayop na lumilipad. Pero para kay Adan, wala kahit isa sa kanila ang nararapat na maging kasama niya na makakatulong sa kanya.
Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon. Sino ang Haring makapangyarihan? Siya ang Panginoon na pinuno ng hukbo ng kalangitan. Tunay nga siyang Haring makapangyarihan! Itinayo niya ang pundasyon ng mundo sa kailaliman ng dagat.
Ang bilang ng mga bituin ay kanyang nalalaman at ang bawat isa ay binigyan niya ng pangalan. Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan.
Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan.
Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang mga palad, o makakasukat ng langit sa pamamagitan ng pagdangkal nito? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang lalagyan, o makakapagtimbang ng mga bundok at mga burol?
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang uri ng hayop sa lupa: mga hayop na maamo at mailap, malalaki at maliliit.” At iyon nga ang nangyari. Nilikha ng Dios ang lahat ng ito at nasiyahan siya sa nakita niya.
Ang inyong katapatan ay magpapatuloy sa lahat ng salinlahi. Matibay nʼyong itinatag ang mundo, kaya itoʼy nananatili.
Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng Panginoon ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan. sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay.
Napakadakila ng mga gawa ng Panginoon; iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa kanyang mga gawa.
Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Kaya sa paningin ng Dios, si Abraham ang ating ama. At ang Dios na pinaniwalaan ni Abraham, ang siya ring Dios na bumubuhay sa mga patay at lumilikha ng mga bagay na wala pa.
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Ibinibigay ko sa inyo ang mga tanim na namumunga ng butil pati ang mga punongkahoy na namumunga para inyong kainin. Sinabi ng Dios, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag. At ibinibigay ko sa lahat ng hayop ang lahat ng luntiang halaman bilang pagkain nila.” At iyon nga ang nangyari.
Doon niya ipinatayo ang kanyang templo, katulad ng langit at lupa na matatag magpakailanman.
Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.
Magtiwala kayong lagi sa Panginoon, dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
At sinabi pa niya sa kanyang Anak, “Sa simula, ikaw Panginoon, ang lumikha ng mundo at ng kalangitan.
O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan. Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo, kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway.
Tinawag niyang “araw” ang liwanag, at “gabi” naman ang kadiliman. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang unang araw.
Naroon na ako nang likhain niya ang langit, maging nang likhain niya ang tagpuan ng langit at ng lupa. Naroon din ako nang likhain niya ang mga ulap, nang palabasin niya ang tubig sa mga bukal mula sa kailaliman, nang ilagay niya ang hangganan ng mga dagat upang hindi ito umapaw, at nang ilagay niya ang mga pundasyon ng mundo.
Kayo ay hari, Panginoon; nadadamitan ng karangalan at kapangyarihan. Matatag ninyong itinayo ang mundo kaya hindi ito mauuga.
Maraming alam sa buhay ang matatanda, dahil habang tumatagal ang buhay nila, lalong dumarami ang kanilang nalalaman. “Pero ang Dios ay hindi lang nagtataglay ng karunungan, nasa kanya rin ang kapangyarihan, at siya lang ang nakakaunawa kung ano ang dapat gawin.
Kahit na walang salita o tinig kang maririnig, ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig. Iginawa ng Dios ang araw ng tirahan sa kalangitan.
Ito ang salaysay tungkol sa paglikha ng Dios sa kalangitan at sa mundo. Nang likhain ng Panginoong Dios ang mundo at ang kalangitan,
“Nakapunta ka na ba sa lugar na pinanggagalingan ng nyebe o ulan na yelo? Ang mga yelong itoʼy inihahanda ko para sa panahon ng kaguluhan at digmaan.
Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at ang mga tanim ay para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain –
Alam natin na hanggang ngayon, ang buong nilikha ay naghihirap at dumaraing tulad ng isang babaeng manganganak na.
Magalak ang kalangitan at mundo, pati ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila. Lahat ng mga puno sa gubat ay umawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan.
Ang pagitang itoʼy tinawag ng Dios na “kalawakan.” Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikalawang araw.
Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng kanyang kamay. Ang mga itoʼy higit pa kaysa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan. Ang inyong mga utos Panginoon, ang nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy sinusunod. Hindi namin napapansin ang aming mga kamalian. Kaya linisin nʼyo po ako sa mga kasalanang hindi ko nalalaman. Ilayo nʼyo rin ako sa kasalanang sadya kong ginagawa, at huwag nʼyong payagan na alipinin ako nito. Para mamuhay akong ganap at walang kapintasan, at lubos na lalaya sa maraming kasalanan. Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas! Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kanyang kapangyarihan. Kahit na walang salita o tinig kang maririnig,
Tingnan ninyo ang langit at ang mundo. Mawawala ang langit na parang usok, masisira ang mundo na parang damit, at mamamatay ang mga mamamayan nito na parang mga kulisap. Pero ang kaligtasan na aking ibibigay ay mananatili magpakailanman. Ang tagumpay at katuwiran na mula sa akin ay mapapasainyo magpakailanman.
Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa lahat ng uri ng hayop: mga lumalangoy, lumilipad, lumalakad at gumagapang.”
Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy, ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim.
Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit ang Dios ang gumawa ng lahat ng bagay.
Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa. Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa, at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan.
Nilikha ito ng Dios na nakaupo sa kanyang trono sa itaas ng mundo. Sa paningin niya, ang mga tao sa ibaba ay parang mga tipaklong lamang. Iniladlad niya ang langit na parang kurtina, o parang isang tolda para matirhan.
Ang mundo noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na bumabalot sa mundo ay balot ng kadiliman. At ang Espiritu ng Dios ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig.
“Job, pakinggan mo ito, at pagbulay-bulayan ang mga kahanga-hangang bagay na ginagawa ng Dios.
Inilagay niya sila sa kanilang kinalalagyan, at mananatili roon magpakailanman, ayon sa kanyang utos sa kanila.
May tao bang nakaakyat na sa langit at bumaba sa mundo? May tao bang nakadakot ng hangin sa kanyang mga kamay o kaya ay nakabalot ng tubig sa kanyang damit? May tao bang nakapaglagay ng hangganan sa mundo? Kung may kilala ka, sabihin mo sa akin ang kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang anak.
Tumubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman, ang mga tanim na nagbubunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya.
Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat.
Ginagawa ng Panginoon ang anumang nais niya sa langit, sa lupa, sa dagat at sa kailaliman nito.
Sinabi ng Banal na Dios, “Kanino ninyo ako ihahalintulad? Mayroon bang katulad ko?” Tumingin kayo sa langit! Sino kaya ang lumikha sa mga bituing iyon? Ang Dios ang lumikha niyan. Inilabas niya isa-isa ang mga iyon habang tinatawag niya ang kanilang pangalan. At dahil sa kanyang kapangyarihan, ni isa man ay walang nawala.
Pagkatapos, nilikha rin ng Panginoong Dios ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya.
Ang inyong paghahari ay magpakailanman. Panginoon, tapat kayo sa inyong mga pangako, at mapagmahal kayo sa lahat ng inyong nilikha.
Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya.
Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang tuntungan ng aking mga paa. Kaya, anong klaseng bahay ang itatayo ninyo para sa akin? Saang lugar ninyo ako pagpapahingahin?
Kaya nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa tubig, at ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya.
Ang kambing-gubat ay nakatira sa matataas na kabundukan. Ang mga hayop na badyer ay naninirahan sa mababatong lugar.
“Alam mo ba kung kailan nanganganak ang mga kambing-gubat? Nakakita ka na ba ng usa na nanganganak? Matatalian mo kaya siya at mapag-aararo sa iyong bukid? Makakaasa ka kaya sa lakas niya para gawin ang mabibigat na gawain? Maaasahan mo kaya siyang tipunin at hakutin ang iyong ani papunta sa giikan? “Napakagandang tingnan ng pakpak ng malaking ibong kapag itoʼy pumapagaspas, pero hindi nito mapantayan ang ganda ng pakpak ng tagak. Iniiwanan ng malaking ibong ito ang kanyang mga itlog sa lupa para mainitan. Hindi siya nag-aalalang baka matapakan ito o madaganan ng mga hayop sa gubat. Malupit siya sa kanyang mga sisiw, parang hindi kanya kung ituring. Hindi siya nag-aalala na ang pinaghirapan niya ay mawawalan ng kabuluhan. Sapagkat hindi ko siya binigyan ng karunungan at pang-unawa. Pero kapag tumakbo na siya, tinatawanan niya ang kabayo at ang sakay nito. “Job, ikaw ba ang nagbibigay ng lakas sa kabayo? Ikaw din ba ang naglagay ng kanyang kiling? Binibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak? At alam mo rin ba kung kailan sila manganganak? Ikaw ba ang nagpapalukso sa kanya gaya ng isang balang at nagpapatakot sa mga tao kapag siya ay sumisinghal? Kumakahig siya sa lupa na parang ipinagmamalaki ang kanyang lakas. Pagkatapos ay tumatakbo siya papunta sa digmaan. Wala siyang kinatatakutan, ni hindi siya natatakot sa espada. Kumakalansing at kumikislap ang mga sandata ng sumasakay sa kanya. Lumilipad ang alikabok sa bilis ng kanyang pagtakbo. Hindi na siya mapigilan kapag tumunog na ang trumpeta. Sumisinghal siya kapag naririnig ang trumpeta. Naaamoy niya ang digmaan kahit sa malayo, at naririnig niya ang ingay ng digmaan at ang sigaw ng mga kumander. “Ikaw ba ang nagtuturo sa lawin na lumipad at pumunta sa timog? Ikaw ba ang nag-uutos sa agila na lumipad at gumawa ng kanyang pugad sa mataas na dako? Nakatira ang agila sa mataas na bato. Ang matarik na lugar ang kanyang taguan. Mula roon naghahanap siya ng madadagit, kahit ang malayo ay naaabot ng kanyang paningin. Nakayukyok silaʼt nagtitiis ng hirap hanggang sa makapanganak. At kapag may nakita siyang bangkay ay pinupuntahan niya, at ang dugo nito ang iniinom ng kanyang mga inakay.” Paglaki ng kanilang mga anak sa kagubatan, umaalis sila at hindi na bumabalik.
Sapagkat ang katotohanan tungkol sa Dios ay malinaw sa kanila dahil inihayag ito sa kanila ng Dios. Ang Magandang Balitang itoʼy ipinangako ng Dios noon sa pamamagitan ng mga propeta at nakasulat sa Banal na Kasulatan. Totoong hindi nakikita ang Dios, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Dios ay naipahayag sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.
Sinabi pa ng Panginoon, “Kung papaanong ang bagong langit at ang bagong lupa na aking gagawin ay mananatili magpakailanman, ang inyong lahi ay mananatili rin magpakailanman, at hindi kayo makakalimutan.
Ang mga tao naman ay lumalabas papunta sa kanilang gawain, at nagtatrabaho hanggang takip-silim.
Nilikha ng Dios ang dalawang malaking ilaw: ang pinakamalaki ay magliliwanag kung araw, at ang mas malaki ay magliliwanag kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin.
Panginoon, ang salita mo ay mananatili magpakailanman; hindi ito magbabago tulad ng kalangitan.
“Kaya mo bang talian o kalagan ng tali ang grupo ng mga bituin na tinatawag na Pleyades at Orion? Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin na lumabas sa tamang oras? Maituturo mo ba sa grupo ng mga bituing tinatawag na Malaki at Maliit na Oso ang kanilang daan? Alam mo ba ang mga tuntuning umiiral sa kalangitan? Ito kayaʼy mapapairal mo rito sa mundo?
Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.
Ako ang gumawa ng mundo at ng lahat ng naninirahan dito. Ang mga kamay ko ang nagladlad ng langit, at ako ang nag-utos sa araw, buwan at mga bituin na lumabas.
Pinatira ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden ang taong nilikha niya para mag-alaga nito.
Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng Panginoon ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan.
Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga walang kaalaman.
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magsitubo sa lupa ang lahat ng uri ng halaman, ang mga tanim na nagbubunga ng butil, at ang mga punongkahoy na namumunga ayon sa kani-kanilang uri.” At iyon nga ang nangyari.
Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya, at ang kanyang kasunduan sa kanila ay hindi niya kinakalimutan.
may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.
Ninanais ng Panginoon ang katuwiran at katarungan. Makikita sa buong mundo ang kanyang pagmamahal.
Pararangalan ako ng maiilap na hayop, pati na ng mga asong-gubat at mga kuwago, dahil maglalagay ako ng mga bukal sa disyerto para may mainom ang mga pinili kong mamamayan. Sila ang mga taong aking nilikha para sa akin at para magpuri sa akin.
Ang lahat ng bansa na ginawa nʼyo ay lalapit at sasamba sa inyo. Pupurihin nila ang inyong pangalan,
Nasiyahan ang Dios sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, inihiwalay niya ang liwanag sa kadiliman.
Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.
Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon ng pagkain sa bodega, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon?
Tinawag niyang “lupa” ang tuyong lugar, at “dagat” naman ang nagsamang tubig. Nasiyahan ang Dios sa nakita niya.
Mag-ani sana ng sagana ang mga lupain. Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Dios, na aming Dios. At magkaroon sana ng takot sa inyo ang lahat ng tao sa buong mundo.
Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon; at ang araw namaʼy lumulubog sa oras na inyong itinakda.
dahil palalayain din niya ang buong nilikha mula sa kabulukang umaalipin dito, at makakasama rin sa napakagandang kalagayan ng mga anak ng Dios.
Akoʼy nilikha at hinubog nʼyo; kaya bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang matutunan ko ang inyong mga utos.
Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan. Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.
Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.”
Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay:
Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag, pero ang salita ng ating Dios ay mananatili magpakailanman.”
Sa inyong pagsaway na parang kulog, nahawi ang tubig, at itoʼy umagos sa mga kabundukan at mga kapatagan, hanggang sa mga lugar na inyong inilaan na dapat nitong kalagyan.
Inilagay ng Dios ang mga ito sa kalangitan para magbigay-liwanag sa mundo kung araw at gabi, at para ihiwalay ang liwanag sa dilim. At nasiyahan ang Dios sa nakita niya.
Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay.
Mapahiya sana ang mga mapagmataas dahil sa kanilang paninira sa akin. Subalit ako ay magbubulay-bulay ng inyong mga tuntunin.
Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Magkaroon ng ibaʼt ibang hayop sa tubig at magsilipad ang ibaʼt ibang hayop sa himpapawid.”
Noong una pa, nilikha na ako ng Panginoon bago niya likhain ang lahat. Nilikha na niya ako noong una pa man. Naroon na ako nang wala pa ang mundo, ang mga dagat, mga bukal, mga bundok, mga burol, mga bukid at kahit pa ang mga alikabok.
para makita, malaman, at maunawaan ng mga tao na ang lumikha nito ay ako, ang Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel.”
Nilikha ng Panginoong Dios mula sa lupa ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa lupa pati ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Pagkatapos, dinala niya ang mga ito sa tao para tingnan kung ano ang ipapangalan nito sa kanila. At kung ano ang itatawag ng tao sa kanila, iyon ang magiging pangalan nila.